CHAPTER 5: I'M JEALOUS
Erick P.O.V
“ Kakain lang tapos dito ba sa harapan ko, ” bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang dalawa na nagtatawanan sa mesa.
Lumapit ako dito at akmang puputulin ang kanilang halakhakan ng yayain ako ni Michelle na sumama sa kaniya.
Wala akong nagawa kundi ang lumingon-lingon. Kinuha ko ang computer at inilagay sa kaniyang kama. Malapad naman ito kaya malaya akong makagalaw. Focus ako sa pagtype ng iniutos niya saakin. Medyo nangangalay na ’yong mga kamay ko pero hindi ako nagreklamo. Gusto ko rin naman na dito makapagtrabaho.
“ Oh, Erick, kain ka muna, ” Alok ni Michelle saakin. Masama kong tiningnan ang lalaki na kasama niya. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ko lang naramdaman ito. Tila ba’y nagseselos ako sa kanila? Pwera, makapaghanap rin ako sa susunod na mga araw.
Sa hindi inaasahan, nilapitan niya ako at inilagay sa aking harapan ang isang platong kanin at ulam. Kinindatan ako nito at kinuha ang kaniyang computer na kasalukuyan kong ginagamit sa pagtype ng papeles niya.
“ Itabi mo muna iyan, kain kana baka magalit pa ’yong Girly mo. ”Sinamaan ko siya ng tingin at umiling.
Naramdaman kong lumakas ang tibok ng aking dibdib, dahan-dahan kong kinuha ang kanin at lumamon.
“ Nahiya kapa, ”Aniya at tumayo mula sa kama.
Tiningnan ko siya na lumapit kay Jeth na kaniyang sekretarya.
“ Salamat sa pagkain ha? Next time, silip ka ulit para dalhin mo ulit ako, ” aniya at ngumisi dito.
Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa. “ Sige na Jeth, alis kana, ako na magbibili ng pagkain sa kaniya kapag gutumin siya. Since, guard naman ako at assistant niya dito. ” Ngumisi ako at hindi pinapahalata sa kaniya na itinataboy siya.
“ Ito naba ’yong bago?”
“ Oo ako nga, ”sagot ko rito na hindi man lang inaalam kong anong klaseng bago. Umalis na siya at isinara ko na ang pinto.
Lumingon sa akin si Michelle at inirapan ako. Maldita ano?
Oo, nagseselos na ako. Ako ang guard tapos sa iba siya magpapa-guard.
“ Ba’t mo ’iyon ginawa Erick? Do you think maganda ’yon?” tanong ni Michelle sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinagot ito, “ Eh, kung may lason ’yong pagkain na dinadala niya sa’yo , patay ako sa auntie mo? Ako ang guard mo, tapos assistant pa, dapat sa akin mo iutos ang mga gusto mo! Michelle ano ba! ”
Kumunot ang aking noo habang sinasabi ‘yon.
“ Utak mo lang ang may lason! ” singhal niya, “ Tapusin mo na ang pagkain mo, ” utos niya saakin.
“ Ayaw ko na! I just make sure your security tapos papagalitan mo ako ng ganito? Grabe ka na ha! ”
Nasa tono ko ang pagtatampo ngunit tinitigan niya lang ako. Oo, nagtatampo na ako, pagmakaharap ko ulit ’yong Jeth na ’yon, itutulak ko talaga siya sa Floor na ito.
“ Ano sinasabi mo diyan? Ikaw ha? Ayusin mo ’yang buhay mo. ” wika ni Michelle. “ Nag-eemote, susumbong kita sa girlfriend mo mamaya. Emotero ka ha? ” Pahabol pa niya tsaka inirapan ako.
Diyos ko, babagsak na talaga ako sa lupa. Pinanghihilaan pang girlfriend ko si Girly? Di porket mahilig kaming mag hugs tapos ganyan na agad?
“ Kapag ikaw naging girlfriend ko Michelle tapos ganyanin mo ako... ”
“ Siyempre, iiwan mo ako! Ganyan naman talaga kayong mga lalaki! Di marunong tumiis! ” Sinaksàk niya ako sa salita niya.
Inilabas ko ang dalawang dimples ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. “ Siyempre pipiliin kita sa araw-araw, ” aniko sabay ngiti.
“ Dugyot mo! Anong oras naba ? ” Iniba niya ang usapan namin dahilan para tumigil ako sa pagmamataray sa kaniya.
Natapos ang aming sigawan at ang oras ay 3:00 PM na. Oras na para ihatid ko siya sa bahay nila.
“ Iligpit mo muna ’yang laptop ko tsaka ipasok mo nalang sa bag, ” utos ni Michelle sa aakin. Grabe na tong babae na to ah. Nakakainis na. Panay utos lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top