➳ nakaraan
181117 22:13
ilang gabi na ang nagdaan
simula ng aking balikan,
ang mga alaala ng ating pagmamahalan
na dati'y walang hanggan,
ngayo'y nagkaroon na ng hangganan.
hindi mawari kung paano at bakit
hanggang ngayo'y hindi pa rin
nilulubayan ng sakit,
siguro dahil sa isipan ay yakap
ka pa rin ng mahigpit.
ilang taon pa nga ba ang titiisin,
upang ikaw'y ulit na bumalik sa akin?
ilang luha pa ba ang sasayangin,
upang ang mga dasal ko'y dinggin?
sapagkat tibok ng puso ko'y ikaw pa rin
ang nais na makamtan,
kahit paulit ulit nang nasaktan,
ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin
magpakailanpaman.
ilang gabi na nga ang nagdaan
simula ng aking balikan,
ang mga alaala ng ating pagmamahalan
na dati'y walang hanggan,
ngayo'y mananatili na lang sa nakaraan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top