➳ ilusyon
Date Written: Dec 29, 2014
==================================================
" Isang ilusyon ko na naman pala,
na magkaroon ng tayong dalawa."
Iyong ngiti na sa puso ko'y kumikiliti,
Iyong tinig na pumapawi sa aking pighati,
Iyong mga matang naghahatid sa'kin sa ibang mundo,
Sabihin mo naman sa akin kung ito nga ba'y totoo.
Ngayo'y ikaw ay nasa aking harap,
Aking pinipilit na huwag kumarap.
Pagkat takot na sa isang iglap,
Ikaw'y hindi na maapuhap.
Inabot mo aking mga kamay,
Dulot sa puso ko'y kasiyahang walang humpay.
Kay tagal na aking pinangarap,
Itong pagkakataon na akala ko'y mahirap.
Ngunit sa isang iglap ikaw'y naglaho,
Kasabay ng mga pangarap kong tuluyang gumuho.
Isang ilusyon ko na naman pala,
Na magkaroon ng tayong dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top