➳ikaw
Date Written: Nov 24, 2015
==================================================
"pagkat ang tanging himig na sinisigaw ng puso kong manhid, ay pangalan mong patuloy na batid.."
masaya ka ba?
naalala mo pa ba?
pagsasama na pinagsaluhan,
nilamon ng pighati ng nakaraan.
talikuran ko mang lahat,
ibaon ang masasalimuot na alaala 'pagkat,
sakit na dulot nitong kabaliwan,
ay walang nadudulot na kabutihan.
ngunit puso ko'y nababahag,
pag tuwing ikaw'y nabaanaag.
galak ay umaapaw,
pagkat kaluluwa'y ikaw pa rin ang sinisigaw.
may pagasa pa nga ba tayong dalawa?
handang maghintay bukas o sa makalawa.
pagkat ang tanging himig na sinisigaw ng puso kong manhid,
ay pangalan mong patuloy na batid..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top