➳ 01001010

180916 20:02

hinto.
hindi mo kailangang tumakbo,
hindi mo kailangang lumayo, 
itigil na natin ang paglalaro.

tama na. 
wakasan na natin ang tagu taguan
ng nararamdaman,
wakasan na natin ang pagbibigay ng mga dahilan, 
ating nang tahakin ang walang hanggan.

kasi sinta pagod na ako. 
pagod na akong isipin kung ano mang meron tayo,
o kung meron nga bang tayo.

siguro nga ilusyon ko lang lahat , 
na baka natatakot ka lang,
na baka mabigo ka na naman, 
pero paano kung meron ang sa tingin mong wala?
pero paano naman kung wala ang sa tingin kong meron?

ngunit paano natin malalaman kung hindi natin susubukan? 
handa ka bang masaktan? 
handa ka bang makipaglaban? 
kaya mo ba kong ipaglaban? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top