#3
PROMPT #3
"Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba kung saan at kailan kayo unang nag-usap? Yung kasungitan at kakulitan nyo na hindi mo mawari kung trip nya lang bang guluhin ka o asarin? Naaalala mo pa halos lahat ng kwento ninyong dalawa, kahit paulit ulit na nilang sinasabi na tigilan mo na dahil ang kwento ninyo ay matagal ng tapos.
Sa totoo lang, tinigilan mo na lahat lahat, tinigil mo na noong maaga pa, isa ka rin pala sa mga nadala ng kalungkutan. Naalala mo lang dahil sa kinekwento ng katabi mo sa waiting shed na 'to na paulit ulit nyang sinasabi ang pangalan na matagal mo ng binaon. Kasabay ng alaalang matagal na ring natapos habang bumubuhos ang malakas na ulan sa harapan ninyo na sumisimbulo ng kalungkutan.
Pangalan mo ang binabanggit nya, ang kwento ninyong dalawa- ay 'yun na rin pala ang kwento ng iba."
Submitted by: @SireneTraveler
Thank you, Jaci for this prompt! x
•••
You can submit your own short story using the given prompt in the comment section!
• Must be in Tagalog or Davao conyo.
• You can write more than one entry.
• Please follow content guidelines from Wattpad.
• Happy writing!!!
•••
"Grabe ang ulan noh? Malasa uy."
Napatingin ako sa katabi kong babae. Mukhang pauwi na din siya. "Lagi. Wa pa jud jeep naga daan," sabi ko sa kanya.
Malapit na magdilim ang langit. Di ako nakauwi agad kasi madami pang projects ginawa kasama mga kaklase ko. Mga lokong 'yon, naka alis agad bago bumuhos yung ulan.
"San ka ba nakatira banda?" Tanong nung babae.
"Dyan lang ako sa may Ladislawa."
Bigla siya napasingap, "OMG kilala mo ba si Mike Huang? Taga doon din yun eh."
Natahimik ako bigla. Ang tagal ko na di narinig yang pangalan na yan. Kilalang-kilala ko kung sino si Michael Jacob Huang. Siya lang naman yung unang lalaki na nagpatibok ng puso ko.
Nakatingin ako sa ulan. Bumuhos lahat ng mga malungkot na alaala.
Ma remember ko pa yung mga araw kung kelan kami lagi naga usap sa classroom. Isa ito sa mga pag-ibig na kung baga tawaging "puppy love". High school pa man gud kami nun. Naging classmate ko siya at sinuwerte lang ako kasi naging seatmate ko pa. Di ko na expect na ang ingay din pala niya. Grabe yung tawa ko sa mga joke niya kahit baduy. Nasa kanya na ang lahat - matalino, maganda ang kutis at nakakatawa. Matagal ko din napansin na nagkakagusto na pala ako habang nagtagal ung samahan namin. Gina tease na nga kami ng mga kaklase namin na para na daw kami uyab. Natutuwa daw sila sa amin kapag nag-asaran na kami sa klase. Pero ang problema, and dami din naga sabi na di daw kami bagay. Kasi siya yung tipong 'hearthrob' ng buong klase tapos para lang daw ako alipin tingnan dahil sa mukha ko.
Oo, alam ko man jud na dili ko gwapa. Pero hindi man gud dyan gina measure ang kagandahan.
Pinigilan ko sarili ko. Grabe gyud ka hirap. Ang sakit na ng mga salita nila.
Isang araw, di ko napigilang umiyak. Ganito nalang jud araw-araw? Hindi ba pwede na mabuting kaibigan ko lang si Mike? Wala man ako ginagawa na para gawan nila malisya ang mga actions ko. Judgemental kaayo mga tao.
Habang maaga pa, umiwas na ako. Napansin niya bigla yung pagbabago hanggang umabot sa point na nainis siya sa akin kasi parang di na daw niya ako kilala. Umabot din ang araw na kailangan namin magbago ng seating arrangement para sa third quarter ng school year.
Ayun, tuluyan na din kami nagkahiwalay. Di na kami ganoong nag-uusap.
Parang bigla lang kami hindi na magkakilala. Parang walang nangyari.
"Huuuy, kilala mo ba o hindi?"
Nakalimutan ko na may kausap pala ako. "Oo, classmate ko yun dati. Malapit lang din bahay namin. Bakit mo kilala si Mike?"
Tumawa siya ng mahinhinan, "Ah, kaya pala. Boyfriend ko kasi siya."
BOYFRIEND.
boyfriend.
boyprend
Ako gud sana yun ngayon sa kwento nila kung di lang ako sumuko agad.
•••
END
•••
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top