Real Epilogue
After 3 years...
Kim Taehyung's Point of View
"Uncle Taehyung, laro tayo."
Maliliit na mga kamay ang humihila sa laylayan ng t-shirt na suot ko. Napaka-cute naman ng batang 'to.
"Hi baby. Sure, pero tatapusin ko lang muna 'tong assignment ng Ate mo, okay?"
Ngumiti siya at tumango. Nagulat ako nang hinalikan ako nung bata sa pisngi bago umalis. OMG! Ang cute~ Natunaw yata ako dahil do'n.
Nandito ako nananatili sa bahay ng pinsan ko. Taga-alaga kasi ako ng dalawang anak nila habang nasa trabaho sila ng asawa niya.
Hays.
Pina-upahan na namin 'yung dating apartment namin.
Sina Jungkook at Eunbin kasi, may sarili na silang bahay at mayro'n na rin silang anak. Gano'n din sina Namjoon at Seokjin-hyung, may sarili na rin silang bahay at nag-ampon sila ng anak mula sa isang orphanage.
Sina Yoongi at Hoseok naman, ikakasal pa lang next month, at may sarili na rin silang bahay.
Kaya eto ako, nakikitira sa bahay ng pinsan kong si Seohyun-noona at ang asawa niyang si Yonghwa-hyung.
"Uncle~ anong oras uuwi sina Mommy?" Tanong ng pamangkin kong babae. 'Yung kanina ay lalaki 'yun.
"Hindi ko alam eh. Mamayang gabi pa siguro."
Sinara ko ang notebook na hawak ko at binigay sa pamangkin ko, "Oh, tapos na'ng assignment mo. Sa susunod, ikaw na mag-isang gumawa, okay?"
"Opo. Thank you, Uncle!" Tapos tumalon-talon pa siya habang umaakyat sa hagdanan.
"Baka mahulog ka, ha! Mag-ingat ka!"
"Uncle Taehyung, pwede na po ba tayong maglaro?"
"Sure. Anong lalaruin natin?" Ginulo ko pa 'yung buhok niya at humagikhik naman siya.
"Ito pong toy car. Please?"
"Sure, baby."
I miss my baby.
---x
Habang nanunuod ako ng TV, may narinig akong katok mula sa pinto. Binuksan ko naman ito at iniluwal naman nito ang mag-asawa.
"Hey, Taehyungie. Where's my babies?"
"Ay noona, nando'n na sila sa kwarto nila, mga natutulog na." Sagot ko naman at hinayaan silang pumasok sa loob ng bahay.
Ini-turn off ko naman ang TV, at bumuntong-hininga ako.
Nagulat ako nang tumabi sa'kin si Yonghwa-hyung, "Okay ka lang?"
Tumango na lang ako bilang sagot.
"Hindi ba't may boyfriend ka? Nasa'n siya ngayon?"
"Nasa Australia siya, Hyung." Sagot ko at muling bumuntong hininga.
"Valentine's Day nga pala bukas. Balak sana naming gumala sa Mall. Gusto mo bang sumama?"
Umiling na lang ako, "Hindi na, Hyung. Mananatili na lang ako rito. Atsaka bonding niyong pamilya 'yun, ayaw kong maki-alam."
Nagkibit-balikat siya, "Oh sige, ikaw ang bahala. Oh siya, kakain muna kami." Umalis na siya bago dumiretso sa dining area.
Tumango na lang ako. Kinusot ko ang mata ko kasabay ng paghikab ko. Mukhang inaantok na 'ko.
Tumayo ako mula sa sofa, "Noona, Hyung, aakyat na 'ko."
"Oh sige, Taehyung, good night."
Bukas ay isa na namang normal na araw para sa'kin. Hays.
*****
"Hindi ka ba titigil?"
Ang ingay ng cellphone ko. Ang sarap-sarap pa ng tulog ko eh. Tss.
Tinignan ko kung bakit ang ingay. May tumatawag pala, kaso unknown number. Hala, sino 'to?
Nag-alangan akong sagutin 'yung tawag, "Hello? Sino 'to?"
Ngunit wala namang sumasagot. Hays, baka isa lang 'tong prank call? Aish.
"Hello?"
Ay ewan! Sino ba kasi 'to? Parang ewan lang eh, tatawag siya pero hindi naman magsasalita. Ano, baliw lang?
Nagulat ako nang bigla na lang nag-hung up 'yung tawag. Wow, just wow!
Umiling na lang ako saka nilapag na ang cellphone ko sa side table. Nawala na tuloy 'yung antok ko, geez. Lintik na tawag kasi 'yun. Aish!
"Taehyungie!" May narinig akong katok sa labas. Malamang sina Seohyun-noona 'yun.
Nagbukas ang pinto at bumungad sa'kin ang isang cute na batang lalaki.
"Uncle Taehyung! Pupunta kami sa Mall kasama sina Mommy at Daddy atsaka si Ate." Niyakap niya pa 'ko. Aw.
"Really? Kayo lang?" Umakto pa 'kong nalukungkot.
"Sabi ni Daddy, ayaw mo raw sumama." Tapos nag-pout siya.
Ang cute talaga ng batang 'to. Eii~ nakakagigil.
Pinisil ko ang pisngi niya, "Mag-ingat kayo, ha."
"Opo~"
"Taehyung, aalis na kami. Hindi ka ba talaga sasama?" Umiling lang ako kay Noona.
"Oh sige. Pero kung aalis ka rin, lock mo na lang 'yung pinto, okay? May susi kami." Tumango na lang ako. Saan naman ako pupunta? Tss, masaya pa'ng magkulong dito sa bahay.
"Baby, come on. Let's go."
Kumalas na siya sa'kin at pumunta sa Mommy niya.
"Mag-ingat kayo, Noona." Tumango siya at lumabas na sila ng anak niya mula sa kwarto.
So, ano na? Anong gagawin ko sa buhay ko kung wala siya? Joke lang, nagda-drama na naman ako.
Niligpit ko na ang pinaghigaan ko. Pagkatapos ay bumaba na 'ko sa sala.
Umupo ako sa napakalaking sofa. Hays, anong pwedeng gawin? I-text ko kaya sina Hoseok? Ang boring kasi eh.
Kukunin ko pa lang 'yung cellphone ko nang bigla itong nagvibrate nang walang tigil.
Sino na naman 'tong tunatawag?
Tinignan ko kung sino. Ah, si Hoseok pala. Wow, coincidence?
Kaagad kong sinagot ang tawag, "Hello?"
"Taehyung! We missed you!"
"I missed you, too." Pero mas namimiss ko na siya.
"Kagigising mo lang ba?"
"Hindi naman. Bakit?"
"Pumunta ka rito sa bahay namin. Dali, mag-celebrate tayo ng Valentine's Day. Alam mo naman ang address namin 'diba?" Halata ang excitement sa tono ng boses ni Hoseok. May narinig pa 'kong mura mula sa background. Si Yoongi 'yun, panigurado.
"Sige, sige. Sandali lang dahil hindi pa 'ko naliligo."
"Halata naman. Bilisan mo, ha. Sige, see you later."
"See you later." At do'n na nag-end ang call.
---x
"Taehyungie!" Yakap kaagad ni Hoseok ang bumungad sa'min. Muntik pa 'kong madulas dahil sa gulat sa kanya.
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin. Medyo hindi ako nakahinga. "Halika, pasok ka sa aming bahay."
Tumawa na lang ako nang bahagya bago pumasok sa loob.
"May handaan?" Napatingin kasi ako sa dining area nila. Ang daming pagkaing nakalatag sa lamesa nila.
May bisita ba sila?
Magtatanong sana ako kaso 'wag na lang. Si Yoongi naman, hindi namamansin, ang sungit nga eh.
At hindi raw makakapunta rito 'yung iba kasi busy sa lovelife. At may sarili silang celebration ng Valentine's Day.
"Yo, Suga!"
"ANO?"
Nagulat ako dahil sa sigaw niya.
"Ay sorry, Taehyung. Ano ba 'yun?" He flashed an apologetic smile.
"Okay lang. Ano bang mayro'n? Bakit ang dami niyong handa?" Tanong ko sa kanya. Ayan, nagtanong na 'ko. Nakaka-curious kasi eh.
"Ewan ko ba kay Hoseok. Valentine's Day lang naman ang ise-celebrate, may handa pa." Sagot niya at nagkibit-balikat.
"Ah."
"Pasensya na kanina, masakit kasi ang ulo ko." 'Yung sa taas ang tinutukoy ni Yoongi, okay? Sa TAAS.
"Okay lang 'yun. Medyo nagulat lang ako."
"Hoy Hoseok, ang aga-aga may handaan kayo. Anong oras mo niluto 'yan?" Tanong ko kay Hoseok na may hawak pang hairbrush.
"Nag-order lang ako, 'no? Nakakatamad magluto." Sagot niya.
"Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong magluto." Sabat naman ni Yoongi.
"For your information, Mr. Min, marunong akong magluto."
"Talaga lang, ha?"
Jusme! Nag-away na 'tong mag-fiancè na 'to. Nako!
"Pasensya na, Taehyung."
"Okay lang, sanay na 'ko." Teka, hugot ba 'yun or what?
Tumawa lang 'yung dalawa.
"Bago tayo kumain, uhm.. Taehyung, may surpresa ako sa'yo." Sabi ni Hoseok.
Surpresa?
"Siguraduhin mong masusurpresa talaga ako dyan sa surpresa mo, ha."
"Oo naman. Sandali lang ha." Tapos ay umakyat siya.
Napakunot ang noo ko. Ano kayang surpresa 'yung sinasabi niya? Feeling ko, kakaibang surpresa eh.
Napatingin ako kay Yoongi. Nakangiti lang siya. Kanina, halos straight face pero ngayon, sobra kung makangiti.
Anong kalokohan ang pinaggagagawa ng dalawang 'to?
Napatingin ako sa may hagdan. Bumababa na si Hoseok. Ngunit may kasama siyang lalaki.
Napalunok na lang ako. Halos hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko, at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hoy! Puso ko, kumalma ka nga!
"Hey, Taehyungie! I miss you so much." Fck. I miss you, too, very much.
Argh. Naiiyak ako.
"Jiminnie~" Tumayo ako para lapitan siya at kaagad na niyakap. Namiss ko siya nang sobra.
"Taehyung, 'wag ka ngang umiyak." Kaya kaagad kong pinunasan ang mga luha ko.
Kumalas na 'ko sa yakap at tumitig sa kanya, "Bwiset ka! Hindi ka man lang nagtext or tumawa at magsabing nandito ka na." Nag-pout ako.
"Tumawag ako kanina."
"Tumawag ka?"
So, siya 'yung tumatawag kanina? 'Yung hindi nagsasalita? WTF.
"You don't do this to me. Alam mo bang sobra kitang na-miss? Palagi kitang naiisip, bwiset ka." Ang cheesy ko, ew.
"Yieee~ Masyado ka namang cheesy! Na-miss din naman kita eh. At palagi rin kitang iniisip. Atsaka nangako ako na babalik ako 'diba? Kaya eto, bumalik ako." Ngumiti siya. 'Yung ngiti na laging nagpapatunaw sa'kin.
"I love you. 'Wag mo na ulit akong iiwan." Hindi na 'ko nagtanong kung anong nangyari sa kanya sa Australia.
"I love you, too. Pangako, hindi na." He smiled and leaned in to kissed me on the lips.
Kyaaaaaah~ super mega bonggalicious na OMG! Feeling ko nasa langit ako. Gosh!
"Hoy, tama na ang landi. Halina kayo't kumain. Manlilibre ako mamaya sa Mall." Biglang sabat ni Hoseok.
Kumalas na si Jimin at ngumiti naman ako.
"Teka lang naman, Hoseok. Hindi pa 'ko tapos."
"Ah, hindi pa ba? Sorry naman."
"Huwag ka muna kasing mangielam, Hobi." Hinila naman ni Yoongi si Hoseok kaya napa-upo siya sa lap nito. Ay shet!
Naglabas si Jimin ng singsing at lumuhod sa harap ko. Hala, OMG!
"Taehyungㅡ"
"Yes, Jimin! I will marry you, kahit ilang beses pa."
Tumawa lang siya at sinuot sa'kin 'yung singsing. I'm so happy. The best Valentine's Day ever.
"Yieee~ double wedding na this! Sina Namjoon at Seokjin-hyung, nakipag-double wedding kina Eunbin at Jungkook." Ah, oo nga pala.
"Oh ano? Tara, kain na." Tinulak naman ni Yoongi si Hoseok.
"Ay bwiset. Ba't mo 'ko tinulak?"
Tumawa na lang kami ni Jimin.
Ang akala ko ay hindi na niya 'ko babalikan. Ang akala ko ay mayro'n na siyang iba.
Akala ko lang pala 'yun.
Dahil binalikan niya 'ko. At eto kami ngayon, ikakasal na kasabay nina Yoongi at Hoseok.
Dati, mga estudyante lang kaming hindi magkakilala.
Tapos noong nagkakilala kami ni Jimin, naging magbestfriends kami.
And then, tumira kami sa iisang apartment after naming maka-graduate ng college.
Tapos nahulog ako sa karisma niya.
And then the unexpected confession happened, na akala ko si Jungkook ang mahal ni Jimin pero hindi.
Naging magboyfriend kami kasabay ng 21st birthday ko.
At ngayon, we are engaged. And soon-to-be married.
Ang saya lang isipin na ikakasal ako sa bestfriend ko. Bakit? Mahal kasi namin ang isa't-isa at ayaw naming maghiwalay.
Kung iisipin, parang sa fanfiction lang nangyayari ang ganitong uri ng istorya. But I swear, trust me, hindi lang sa fanfiction, kundi pati sa totoong buhay.
I am Kim Taehyung, soon-to-be Park Taehyung (wow, ahihi), and this is my story.
-
A/N
Ang corny ng ending ahue xD
FINALLY! TAPOS NA!
Actually, dapat ipupublish ko 'to 3 days after nung Chapter 60 kaso nakalimutan ko xD
So, ito na talaga 'yung pinakahuling chapter. Ito na talaga 'yung EPILOGUE. You read that, REAL EPILOGUE.
Kaya thank you for supporting my story kahit na ang corny talaga neto huehue xD Maraming-maraming salamat sa inyo. Mahar ko fo kayo xD
P.S. Wala na po talagang Book 2 ito, I'm very sorry. Wag na pong magdemand huhu
~Mrs. Park
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top