Chapter 60 - Epilogue

Park Jimin's Point of View
Biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha ko at napatingin sa kanila.

"Jimin, bakit?"

"Aalis na 'ko mamaya."

Halos napabuntong-hininga na lang kaming lahat.

"Hala, 'wag kayong umiyak. Babalik naman ako eh. Muntanga kayo, guys." Sabi ko sa kanila.

"Mawawalan na nang panget dito sa Apartment." Aba, bastos na bata 'to ah.

"Hoy bata, for your information, gwapo ako, okay? Atsaka anong sinasabi mong mawawalan na nang panget dito sa apartment? Nandito ka, Jungkook."

Tapos bigla kaming nagtawanan maliban kay Jungkook na nirolyo lang ang mga mata.

{A/N: Gwapo rin kaya ako xD}

"Ewan ko sa inyo."

*****

Kim Taehyung's Point of View
Nanunuod kami ni Jimin ngayon ng TV dito sa kwarto. Remember, may TV kami rito sa kwarto, 'diba?

Naka-impake na rin siya. Isang malaking bagahe lang naman 'yung dadalhin niya.

"You'll miss me?"

"Always."

Tapos bigla na lang kaming tumawa dahil do'n sa palabas. Oo, comedy 'yung pinapanuod namin. Because I hate horror. Hindi ko alam kay Jimin kung bakit gustung-gusto niyang nanunuod ng mga horror movies, hays.

{A/N: Yep, I know na baligtad bcos in reality, Jimin doesn't like horror movies. But for the sake of this story, kailangang baligtarin ko para suweeeeg~}

"Inaantok na 'ko, Jim." Sabi ko sa kanya at humikab.

"Sige na, matulog ka na." Sabi niya sa'kin at ini-off na niya 'yung TV.

Humiga na 'ko sa kama ko, at siya rin sa kama niya.

"Goodnight, Taetae. Sweetdreams!" Nginitian ko na lang siya bilang sagot.

"Uh..Chim, aalis na ba talaga kayo mamaya?"

Tumango siya. "Yup. 'Yun ang sabi ni Tita eh. Atsaka namimiss ko na rin si Papa. Pero pangako ko sa'yo, Taehyungie, babalik ako."

Bumuntong-hininga ako at pumikit na habang naka-pout. Na-imagine ko ang itsura ko habang nakagano'n, mukha pala akong tanga.

"Sige na, good night. Gigisingin na lang kita kapag aalis na 'ko."

Tumango na lang ako at naghintay pa ng ilang minuto bago ako tuluyang makatulog.

Park Jimin's Point of View
Pinapanuod ko lang si Taehyung habang siya ay natutulog. Hinihintay ko na lang na makatulog din ako.

Naalala ko tuloy si Mama. Kapag natutulog kasi ako, pinapanuod niya raw ako hanggang sa antukin siya.

Naalala ko rin 'yung sinabi ko kay Mama noong bata ako. Ang sabi ko noon, gusto kong makapunta sa Disneyland. Pero namatay na lang si Mama, hindi ako nakapunta.

I've always wanted to go to the Disneyland noong bata ako. Pero ngayon, parang nawala na rin sa isip ko 'yun kasi wala na rin si Mama.

Ang drama ko na naman. Ano ba 'yan!

Sa mga sitwasyong ganito, kapag ang lalim ng iniisip ko, nagiging madrama talaga ako. Hays.

*****

Time check: 2:00 PM

"Taetae, wake up!" Inalog-alog ko pa siya para magising siya pero umungot lang siya,

"Hmm?"

"Taehyungie, aalis na 'ko. Samahan mo 'ko kina Tita?"

Bigla siyang napabangon mula sa kama niya, "Yup."

"Hindi ka na magpapalit ng damit?"

"Hindi na, okay nang naka-pyjamas ako."

"Okay. Let's go."

Kinuha ko na ang bagahe ko at lumabas na kami ni Taehyung mula sa kwarto namin.

Pababa pa lang kami nang sabay-sabay silang lumabas ng mga kwarto nila. Oo, as in sabay-sabay talagang nagbukas 'yung mga pinto ng mga kwarto nila.

"Hala, aalis ka na?" Tanong ni Hoseok sa'kin habang nakapiggy-back pa kay Yoongi na humihikab. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Guys, hayaan niyo na, silang dalawa na lang. Atsaka para na rin magkaroon sila ng bonding as boyfriends hanggang sa umalis si Jimin." Sabi naman ni Namjoon, at nag-agree naman si Seokjin.

"Ingat kayo, hyung-deul!" Humihikab na saad naman ni Jungkook.

"Of course. So, paano? Paalam na. Babalik naman ako eh, promise!"

"Aw. Jiminnie, we will miss you."

Bumaba si Hoseok mula sa likod ni Yoongi. Nag-group hug kami nang napakatagal.

Ilang segundo ang lumipas bago kami kumalas sa pagyayakapan.

"I'll miss you too, guys. See you soon."

"Teka, na-iihi ako. Kaya nga ako bababa eh." Nauna pa si Seokjin-hyung bumaba.

{A/N: I accidentally typed 'Seokmin' instead of 'Seokjin' hahaha geh, skl}

Tumawa pa kami bago bumaba, at bumaba na rin sila. Si Yoongi at Hoseok, bababa raw kasi nauuhaw at iinom ng tubig. Si Jungkook naman, na-iihi rin daw. Si Namjoon, ewan ko, sasamahan pa yata si Seokjin-hyung sa CR. Psh.

Muli akong nagpaalam bago kami lumabas ni Taehyung mula sa apartment.

Nag-taxi na lang kami papunta sa bahay namin.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nina Tita, nagbayad na 'ko at lumabas na kami mula sa taxi.

Nag-aalangang kumatok ako sa pintuan ng bahay, at ilang saglit pa ay nagbukas ang pinto at iniluwal nito si Jieun.

"Oh, come in." Sabi niya at humikab. Muntik na 'kong mapa-hikab dahil do'n.

Kaagad kaming pumasok sa loob at umupo sa sofa.

"Nasa'n si Tita?" Tanong ko kay Jieun.

"Nando'n sa taas, kinukuha 'yung mga bagahe namin." Sagot naman niya at pumunta sa kusina.

"Walang pinagbago 'tong bahay niyo, Jimin, maganda pa rin. Atsaka hindi masyadong nagbago ang pwesto ng mga kagamitan, at nag-iba rin 'yung kulay ng pader." Inilibot ni Taehyung ang mga mata niya sa buong sala.

Tama siya. Walang masyadong pinagbago 'tong ayos ng loob ng bahay namin. Atsaka dati kasing kulay light blue ang pader, pero pinalitan nila ng light yellow. Ewan, parang ang sakit lang sa paningin. Tss.

Bumalik si Jieun na may dalang tray na may lamang dalawang tasa.

"Magkape muna kayo. Mamaya'y bababa na rin si Mom." Alok ni Jieun habang nilalapag 'yung tray sa center table.

"Salamat, Jieun."

Binigay ko kay Taehyung 'yung isang tasa ng kape, at kinuha ko naman para sa'kin 'yung isang tasa.

Habang umiinom kami, napatingin ako do'n sa isang picture frame na nakasabit sa pader, sa itaas ng TV.

Picture frame 'yun namin nina Papa at Mama. I think, 16 years old ako do'n.

Hindi pala nila 'yun tinanggal. Mabuti naman kung gano'n. Alam na alam kasi ni Tita kung gaano namin kamahal 'yung picture na 'yun, kaya siguro hindi nila tinanggal. Pero mabuti kung gano'n.

'Yun na lang siguro ang natira sa mga pictures namin.

Naubos na namin 'yung kape, at saktong bumababa naman si Tita mula sa hagdanan habang may dala-dalang dalawang malalaking bagahe, tinulungan naman siya ni Jieun na buhatin ang mga 'yun.

"Oh, hey. Nandito ka na pala."

Ay hindi, baka hologram ko lang 'to. Psh.

"Oh hello, Taehyungie!" Binati ni Tita si Taehyung. Oo, kilala niya si Taehyung since we're highschool kasi nga 'diba, madalas magpunta rito si Taehyung.

Actually, taga-kabilang Subdivision lang sina Taehyung dati. Pero lumipat sila ng bahay malayo dito sa Subdivision namin.

"Hello po." Nahihiyang bati ni Taehyung at naramdaman ko na lang ang pagkapit niya sa braso ko.

"I'm sorry, Taetae, but you can't come with us. Pero maaari ka namang sumama sa'min sa Airport. But don't worry, ipapahatid kita."

"Okay lang po 'yun."

Maya-maya'y may narinig kaming busina ng isang kotseㅡor taxi?

"Oh, halina kayo. Nandito na 'yung taxi na pinatawag ko."

Bumuntong-hininga ako saka kinuha ang aking bagahe. Kinuha na rin nila ang kanilang mga bagahe. Hanggang ngayon ay nakakapit pa rin si Taehyung sa braso ko.

Lumabas na kami ng bahay at ni-lock naman ni Jieun ang pintuan.

Kaagad kaming sumakay da loob ng taxi, at inilagay naman ng taxi driver 'yung mga gamit namin sa likod.

Pagkatapos no'n ay sumakay na rin ang driver at sinimulang paandarin ang taxi.

Ipinatong ni Taehyung ang ulo niya sa balikat ko.

"You're sleepy?"

"Hmm."

Pinikit niya ang mga mata niya. Ngumiti na lang ako at sinuklay-suklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Ilang minuto tumagal ang byahe, atsaka hindi naman kasi traffic. Nandito na kami sa Airport kaya ginising ko na si Taehyung.

"We're here."

Kinusot niya ang mga mata niya at luminga-linga. Ang cute niya~

Lumabas na kami mula sa taxi. Kinuha naman ni Kuyang driver 'yung mga gamit namin sa likod.

"I'll miss you. Text me kapag nando'n na kayo, ha." Nakangusong sambit ni Taehyung. Natunaw yata ako dahil do'n.

"I'll miss you too, Taetae. Of course, I'll text you. Alagaan mo ang sarili mo, ha? Baka mabalitaan ko na lang na naglalasing ka. Nako!" Tumawa ako ng bahagya.

"Grabe naman! Hinding-hindi ko gagawin 'yun."

"Jiminnie, let's go." Narinig kong tawag sa'kin ni Tita. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Aalis na kami. Bye, Taehyung! I love you."

I hugged him for a few seconds bago kumalas para hagkan ang noo niya.

"I love you, too."

"Kuya, paki-hatid po siya kung sa'n siya nakatira." Sabi ni Tita kay Kuyang driver.

"Sige po."

Nag-wave ako kay Taehyung bago kami tuluyang makaalis at makalayo.

Ano ba 'yan, naiiyak na naman ako. Hays.

Kim Taehyung's Point of View
Bumuntong-hininga ako bago muling sumakay sa loob ng taxi.

Sinabi ko kung saan ako nakatira saka niya pinaandar ang taxi.

"Boyfriend mo ba 'yun?" Random na tanong sa'kin ni Kuyang driver habang siya'y nagda-drive.

"Opo."

"Bagay kayo. Ang cute niyong dalawa. Ilang taon na kayoㅡI mean, edad niyo?"

"We're 21 years old."

"Ah, kakadebut niyo lang pala."

"Opo. Pero hindi naman po masyadong grande 'yung celebration. Actually, parang isang normal lang na celebration ang ginawa namin."

"Ahh. Eh ilang buwan na kayong mag-boyfriend?"

Daming tanong ni Kuya. Inaantok na 'ko.

"Wala pa pong isang linggo."

"Ah. Pero sana'y magtagal kayo kahit long distance relationship."

Infainess ha, alam ni Kuya 'yung LDR.

"Sana nga po. Sige po, matutulog po muna ako. Paki-gisingin na lang po ako kapag nando'n na."

"Sige iho. Sweetdreams."

*****

After 1 year...

"Hyuuuung-deuuul!"

Nabulabog kami dahil sa sigaw na 'yun ni Jungkook. Ano bang problema ng batang 'to?

Kaagad kaming lumabas ng mga kwarto namin.

"Oh, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"'Tong batang 'to!" Sabi naman ni Seokjin-hyung habang nakapameywang pa.

"Hoy, ang ingay mo! Nanunuod ako ng Anime eh. Ano bang problema mo?" Inis na inis na sabi ni Hoseok. Natawa na lang ako.

"Kalma lang, Hobi." Ni-backhug naman siya ng kanyang boyfriend.

"Magpo-propose na 'ko kay Eunbin. Guys, help me."

Ay, sus! 'Yun langㅡwait, what?

"Ano kamo? Magpo-propose ka na kay Eunbin?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Seokjin-hyung.

"Yup. Kaya tulungan ninyo ako. Actually, may binili na 'kong singsing. Ang tagal kong pinag-ipunan 'to, mga hyung."

Ay, gumaganern ang Maknae. Naunahan niya pa kami. Langyang bata 'to, hmp.

"Sige, sureee!"

Time skip >>>

Hindi ko alam sa kalokohan ni Jungkook pero kingina, nandito kami sa Wendy's.

Ano bang pumasok sa utak ng batang 'yun at dito gustong mag-propose? Ang cheep. Pwede namang sa fancy restaurant kahit papaano, pero bakit sa fast food pa? Tss.

Pero hayaan niyo na, diskarte niya 'to. Tinulungan lang naman namin siya sa pag-aayos at pagpaplano.

"Oh, nand'yan na siya." Anunsyo sa'min nina Namjoon at Yoongi. Sila kasi 'yung nagtitingin kung nand'yan na ba o wala pa si Eunbin.

Nagtago kami sa ilalim ng lamesa. At bigla na lang namatay ang lahat ng mga ilaw.

Oh my god. I hate dark places. I wish Jimin was here. Namimiss ko na siya.

"Ay, gosh. Ba't namatay ang mga ilaw? Atsaka ba't walang katao-tao?" Narinig kong sabi ni Eunbin, "Pero sigurado akong dito 'yun."

At bigla na lang ulit nagbukas ang mga ilaw. Hay, salamat naman.

Naglabasan naman kami mula sa ilalim ng lamesa, including Jungkook.

"Hey, Binnie!"

At nagsigawan namin kami, including 'yung mga staffs na pinakausapan namin para sa gagawing pagpo-propose na 'to ni Jungkook kay Eunbin.

"Jungkookie!"

Lumapit naman sila sa isa't-isa. Jusko, para akong nanunuod ng sine. Kailangan ko yata ng popcorn ngayon. But sadly, Wendy's 'to kaya burgers lang ang nandito. Pero pwede na 'yung burger. Hays, nagugutom tuloy ako.

Nang magkaharap na sila, biglang lumuhod si Jungkook sa harap ni Eunbin habang may nakalahad na singsing. At halatang-halata naman sa reaksyon ni Eunbin ang pagkagulat.

"Yung totoo, nasa sinehan ba tayo?" Natawa na lang ako nang bahagya dahil sa binulong sa'kin ni Hoseok.

"Ewan ko nga eh."

"Jungkookie. Oh my god!"

Pabebe pa siya. Nako.

"Eunbin, pasensya na kung hindi masyadong ma-effort 'to at dito lang sa Wendy's, pero mahal ang pagkain dito kaya pwede na."

Loko-loko talaga 'tong batang 'to.

"Ano ba, okay lang 'no."

"Pero Eunbin, alam mo namang mahal na mahal kita. Oo, takot ako sa babae noon, pero nang dahil sa'yo, hindi na. Hahaha. So, alam mo na'ng ibig sabihin nito... Will you marry me, Shin Eunbin? I swear that I will mean it."

At nagsigawan naman kami ulit. Nakaka-inggit 'tong dalawang 'to.

Napatingin ako sa pagkabilang gilid ko. Magkayakap ang NamJin couple at YoonSeok couple habang kinikilig-kilig pa dahil do'n sa dalawa.

Muntik na 'kong maiyak. I miss Jimin!

"Yes, Jeon Jungkook, I will marry you. And I will mean it, too."

Ang corny ng dalawang 'to. Nadamay pa 'yung kantang 'Marry Me' ni Jason Derulo. Pfft.

Sinuot naman ni Jungkook 'yung singsing sa daliri ni Eunbin. Pagkatapos ay tumayo siya at niyakap si Eunbin saka hinagkan sa noo.

Naniniwala na ako sa forever. Hindi 'yan kanta, ha.

"Teka lang, teka lang." Pagsabat ni Namjoon. Napatingin naman kami sa kanya.

Nagulat na lang kami nang bigla siyang lumuhod sa harapan ni Seokjin-hyung. Hala, anong gagawin niya?

Naglabas siya ng singsing mula sa bulsa niya. What?

"Seokjin-hyung, please! Maaari mo ba 'kong pakasalan?"

"Oo, Namjoon, papakasalan kita."

Jusmiyo!

"Double wedding na this!" Sigaw nung isang staff na babae. Nagtawanan namin kami.

"Hala, Yoongi~ buti pa sila."

"What?"

Napa-iling na lang ako. Sila na ang may forever. 'Yung forever ko, nasa Australia. Kaiyak :3

Kailan ba babalik si Jimin? Sobrang namimiss ko na siya. Ang hirap nga talaga ng Long Distance Relationship. Gosh~

Atsaka minsan na lang kaming mag-usap or mag-skype. Mahina raw kasi palagi ang signal do'n.

Bumuntong-hininga na lang ako at ngumiti. Ang sasaya nila. Magkayakap ang NamJin couple, again. At nagkayakap din sina Jungkook at Eunbin, again.

Ngumiti na lang ako ng bahagya. Kami kaya ni Jimin, kailan kami ikakasal? Hays.
-

Mrs. Park's Note.

So, eto na fo yung Epilogue!
Sana'y nagustuhan ninyo. Wag kayong umiyak huhuhu

So, maraming salamat sa pagsuporta sa istoryang 'to hanggang dulo. Maraming salamat sa pagbabasa. Hindi ko talaga alam kung paano kayo napapadpad dito hahaha

So, ayun, maraming salamat ulit. I love you guys ^^

Ang inyong gwapong Author,
~Mrs. Park ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top