Chapter 58 - Carousel & Claw Machine
Kim Taehyung's Point of View
Bukas na ang alis ni Jimin. Kaya eto siya ngayon, nag-iimpake na. Paano ba naman kasi, excited yata 'yung Stepmom niya.
Hays.
"Taetae, pwede mo ba 'kong tulungan? Ba't ba nakahiga ka lang d'yan?"
Tinitigan ko lang siya, "Ayoko."
"Ha?"
"Ayokong umalis ka."
"Ikaw 'tong nagsasabi sa'kin na kailangang sumama ako tapos ngayon, ayaw mong umalis ako?"
"Kasi..mamimiss kita. Ayokong iwan mo 'ko, ayokong umalis ka. Dito ka na lang, please?"
Napatingin kami do'n sa sidetable. Tumatawag si Jieun.
Ako na ang kumuha ng phone niya dahil ako naman ang malapit sa sidetable. Sinagot ko ito at ini-on ang speaker.
"Hello, Jiminnie?"
"Yeah, what?"
"Mom said, mamayang alas-tres ng madaling-araw na raw tayo aalis."
"What?"
Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Hindi ko alam kay Mom. Tinanong ko siya kung bakit madaling-araw, ini-ignore niya lang 'yung tanong ko."
Napabuntong-hininga si Jimin at napatingin sa'kin.
"By the way, naka-impake ka na ba?"
"Nag-iimpake pa lang."
"Ah sige. Tatawag na lang ulit ako mamaya. Pasensya na."
At do'n na namatay 'yung tawag.
"Taetae, I'm sorry."
"It's okay. Halika, mag-mall kayong pito!"
Tapos hinila ko siya palabas ng kwarto namin. Mabuti'y nakapanglakad kami.
"Guys!" Sigaw ko nang makababa kami sa sala.
"Tara, magmall tayo." Sabi ni Hoseok.
"That's what I'm going to say. Let's go!"
Bigla na lang silang may hinigit na bag isa-isa at nag-unahang lumabas ng apartment except kay Seokjin-hyung.
"Mauna na kayo sa labas, ako na ang maglo-lock nitong pinto."
Hinila ko na si Jimin palabas. Sumakay na kami sa loob ng Van namin.
Actually, may Van naman talaga kami. Sadyang tamad lang gamitin kaya nagko-commute lang kami minsan.
Lumabas na si Seokjin-hyung mula sa apartment at sumakay na ng Van.
Si Hoseok ang driver, at si Yoongi naman ang nasa passenger's seat. Si Hoseok ang pinagda-drive namin kasi bawal magdrive si Namjoon. Not actually bawal, pero sabi nga ni Yoongi "for the sake of world peace" hindi maaaring magdrive ng kahit na anong uri ng sasakyan si Namjoon.
Gustung-gustong magdrive ni Namjoon kaso alam niyang madidisgrasya kami. Actually, kahit kami ay ayaw namin na siya ang mag-drive ng Van, kaya si Hoseok na lang, atleast hindi kami madidisgrasya, makakarating pa kami sa destinasyon nang ligtas, 'dibaaa?
Nagsimula nang magdrive si Hoseok.
"Guys, sa Amusement Park na lang. Namiss kong pumunta do'n." Bigla kong sabi.
"Tama ka, Hyung! Atsaka nakakamiss 'yung pagsakay sa Carousel. Nakakatuwa, ang daming kabayo roon."
{A/N: Remember, Chapter 4? XD}
"Oo nga, ang daming Hoseok sa Carousel." Sabat ni Yoongi at hinampas naman siya ni Hoseok sa braso. Tumawa na lang kami.
Ang cute nila 'no? Turtle and Horse. What a great couple xD
Pagkatapos ng ilang minutong byahe, nakarating na kami sa Amusement Park na pinuntahan namin noon.
"Hay, makakasakay na ulit ako sa Carousel." Sambit ni Jungkook at pumasok na sa Entrance kaya hinila siya ni Namjoon.
"Teka, magbabayad pa tayo ng Entrance."
"Ay, sorry."
Pagkatapos magbayad nina Jimin at Namjoon ng Entrance ay kaagad kaming pumasok sa loob.
Yey!
"Doon tayo sa Carousel, please?" Parang batang sabi ni Jungkook.
"Sige, maghiwa-hiwalay muna tayo. Magkita na lang tayo sa xxx Restaurant after 1 hour." Sabi ni Seokjin-hyung at nagkanya-kanya na kami.
At ang kasama ko ngayon ay sina Jimin at Jungkook. Hays, kaming tatlo na naman ang magkakasama. But this time, si Jungkook naman ang out of place. Hahaha, I got my revenge bish xD
"Mga hyung, doon tayo sa Carousel, please."
"Sige, sige."
Pumunta kami do'n sa pang-matandang Carousel. Dalawa kasi ang Carousel dito. Pangmatanda at pambata. 'Yung pinuntahan namin dati, pambata 'yun kaya medyo nahiya ako ng konti. Medyo na nga, konti pa. In short, hindi talaga ako nahiya noon huehue. But I'm sure 100% nahiya noon si Jimin. Para kasi kaming bata ni Jungkook na para bang first time naming sumakay sa Merry-Go-Round o Carousel, o kung ano mang tawag d'yan.
"Kuya, tatlo po."
Magkaiba ang presyuhan ng pangmatanda at pambatang Carousel. Ang pagkakatanda ko, 50 dollars ang isang kabayo kapag sa pambata. Kapag dito naman sa pangmatanda, 75 dollars per head. Like what the actual heck!
Pero hinayaan na lang namin kasi si Jimin naman 'yung nagbayad eh, huehue. Ang yaman kasi, hays. Ang bigat palagi ng wallet niya.
Sumakay na si Jungkook sa isang kulay pulang kabayo, sumakay naman si Jimin sa kulay asul na kabayo, at ako naman ay sa puting kabayo sumakay.
Red, Blue and White. Ay, parang kulay ng watawat ng bansa naming South Korea, kulang na lang ng Black. But still so amazing!
In-start na ni Kuyang operator ang Carousel since kompleto na ito, at nagsimulang umandar ang ride.
Oh my gawd! Ang sayaaa!
"WAAAAAH! ANG SAYAAA!" Karamihan sa mga sigawan na naririnig ko.
Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Jimin ang kamay ko. Muntik pa 'kong malaglag kaya napahawak ako do'n sa hawakan.
"Jimin naman, muntik na 'kong malaglag."
"Sorry babe."
Eui~ babe daw? Me iz super nekekeleg so damn very much to the really highest level. Shez!
Sa ilang minutong ride na 'yun, nakahawak lang siya sa kamay ko na para bang ayaw niya 'kong mawala.
Eui~ me iz nekekeleg again. Shez. Stob it, Jimin! Stob it!
Bumaba na kami mula sa kabayo. Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Me iz nekekeleg again, nuh ba 'yern!
"Wala ka bang balak na bitawan ako?" Huwag mo 'kong bitawan, pleaseu? xD
"Wala." Emeghed.
Feeling ko namatay ako deep inside. Hays. Kahit boyfriend ko na siya, kinikilig pa rin ako sa kanya. Letse kasi.
Jung Hoseok's Point of View
"Do'n tayo sa claw machine." Sabi ko sa kanya at hinila ang damit niya papunta roon.
Hinayaan niya lang ako na hilain siya.
"Dali Yoongi, kunin mo si Spongebob."
Naglabas siya ng isang token, na binila namin kanina sa may Entrance, mula sa bulsa niya.
Ni-insert na niya 'yung token do'n sa pang-lusot ng token, hindi ko alam ang tawag do'n, basta alam niyo na 'yun.
Sinubukan niyang kunin 'yung Spongebob stuffed toy, and he failed.
Muli niyang nag-insert ng isa pang token saka sinubukang muling kunin si Mr. Squarepants, but he failed again.
Aish!
"Ayoko na."
Napa-pout ako dahil do'n, "Yoongi, last try please? Kapag hindi mo nakuha, sige, tama na."
Bumuntong hininga siya at tumango.
"Yey."
Nag-insert siyang muli ng token at sinubukang kunin ulit si Mr. Squarepants. Akala ko hindi niya makukuha, pero NAKUHA NIYA. Gosh!
"Oh, ito na."
"Yey, thank you~"
"Mga hyung, sina Hobi-hyung 'yun 'diba?"
Napalingon ako sa kung saang nanggaling 'yung boses dahil narinig ko ang pangalan ko.
Sina Jungkook.
"Hey, guys!"
"Chimchim, si Eevee oh. Ang cute!" Sabi ni Taehyung kay Jimin habang nagpapa-cute pa.
Ew, I'm cringing.
"Ano naman kung cute siya? Mas cute ako."
Tumawa si Jimin at hinampas naman siya ni Taehyung sa braso. Oh, ayan kasi.
"Kunin mo si Eevee."
"Ayoko nga."
"Please?"
"No."
"I will give you a kiss later."
"Yoongi, may token ka ba?"
Bigla kaming nagtawanan.
Natatawang binigyan ni Yoongi si Jimin ng tatlong token.
Kaagad niyang nilusot 'yung isang token saka nagfocus na kunin 'yung Eevee stuffed toy.
Napatingin ako kay Jungkook, nakita kong nagse-cellphone siya. Sumilip ako ng konti sa phone niya. Ah, katext niya pala si Eunbin.
"Yey!"
Napatingin ulit ako kina Jimin at hawak-hawak na ni Taehyung 'yung stuffed toy na Eevee.
Wow. Ang galing, nakuha na niya kaagad.
{A/N: kung ganun lang sana kadali kunin yung mga stuffed toy sa claw machine eh, hays}
"Thank you, Jimin."
"Mga hyung, tara na raw sa Restaurant, nando'n na sina Namjoon-hyung at Seokjin-hyung." Biglang sabi ni Jungkook.
"Ang mahuli, siyang maglilinis nang buong apartment." Sigaw ni Yoongi at biglang tumakbo.
Hala.
Bigla kaming nag-unahan sa pagtakbo. Alam kong nagbibiro lang si Yoongi, pero ayokong maglinis ng buong apartment.
Hingal na hingal kaming tumigil sa tapat ng Restaurant na sinasabi nina Seokjin-hyung.
"Ang daya niyo naman."
"Si Taehyung-hyung ang maglilinis ng buong Apartment." Natatawang sabi ni Jungkook.
"Ang bilis tumakbo ni Hoseok." Sabi ni Jimin na hingal na hingal.
"Mabilis talagang tumakbo 'yan, kabayo 'yan eh." Kaya naman ay nakatanggap si Yoongi ng hampas sa braso mula sa'kin.
"Trip mo na naman ako, bwiset ka."
"Pero ikaw ang pinakamagandang kabayo." Psh.
"Pumasok na nga tayo sa loob."
Hinanap namin sina Seokjin-hyung at Namjoon. Nasa may corner lang pala. Nako!
Kaagad kaming umupo, hanggang ngayon ay hingal na hingal pa rin kami.
Biglang may dumating na waiter na may dalang tray na may lamang mga pagkain at inumin.
Wow, ang bilis naman. Ah, baka kanina pa sila nando'n at umorder.
"Kumain na kayo." Utos ni Seokjin-hyung kaya agad naming nilantakan 'yung mga pagkain.
Grabe, gutom na gutom kami. Kayo kaya, tumakbo kayo nang napakalayo, hindi ba kayo nagugutom? Ang dami kasing alam ni Yoongi eh.
Nang matapos na kami sa pagkain, nagbayad na sina Namjoon at Seokjin-hyung. Naks, bumibigat ang mga wallet nila.
Pagkatapos ay lumabas na kami mula sa Restaurant. Hays, busog na 'ko.
"Tara, sa Horror House tayo." Anyaya ni Yoongi.
"Magandang ideya 'yan." Pangsang-ayon naman ni Namjoon.
Nagkatinginan kami ni Taehyung. Shit.
"No way!" Halos sabay naming sabi.
Nagulat na lang ako nang biglang hinila ako ni Yoongi. Sumunod naman ang iba. Holy shit, no way! Huhuhu
-
A/N
Hi :)
P.S. Too lazy to edit xD
Paki-check na lang kung may typos at grammatical errors ^^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top