Chapter 57 - Group Hug
A/N: Kung nagtataka kayo, 'yung Chapter 56 ay naka-fast forward tapos naalala ni Jimin 'yung text ni Jieun kaya naisip niya 'yun ('yung first line niya sa POV niya sa Chapter 56), tinamad kasi akong i-narrate 'yung celebration nila ng New Year kaya ayun huehue
-
Park Jimin's Point of View
Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at nagulat ako nang bigla niya na lang akong hinalikan.
Ginantihan ko ang mga halik niya at hiniga ko siya sa kama...at nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.
"Oh shit."
Parehas kaming nahulog sa kama.
Shit. Shit. Shit. Lagot!
"Yung laptop ni Yoongi." Bulong ko.
Shit again. Shit.
"Ba't kasi nandyan 'yan? Nadaganan ko tuloy. Buti na lang hindi nasira."
Kinuha ko 'yung laptop at sinuri kong mabuti. Hala! May gasgas 'yung top cover. Hala paano na? Lagot!
Napatingin kaming pareho sa may pinto dahil may narinig kaming katok.
Bumukas 'yung pinto at iniluwal nito si Yoongi. Shit again.
"Yung laptopㅡay, hawak mo pala Jimin. Pasensya na, dito kasi ako tumambay sa kwarto niyo kanina, nakalimutan ko pala 'tong laptop ko noong lumabas ako."
"O-okay lang."
Kinuha niya mula sa kamay ko 'yung laptop.
"Grabe, may gasgas na pala 'to."
Hala.
Parehas kaming napalunok ni Taehyung dahil sa sinabi ni Yoongi.
"Si Hoseok kasi, laging kinakalmot 'tong top cover kapag kinikilig, hays. Need to buy new laptop."
Ay hala! Need to buy new laptop? Ang yamaaaan.
Pero hindi pala kami ang dahilan kung bakit may gasgas 'yung laptop, si Hoseok pala. Mabuti naman kung gano'n.
"Oh sige, lalabas na 'ko. Ituloy niyo na kung ano man 'yung ginagawa niyo." Tumawa siya bago lumabas ng kwarto.
"Buti na lang! Oh halika, ituloy na natin hihihi."
Binatukan ko siya, "Gago."
"Aray."
Umupo ako sa kama ko at sumandal sa pader.
Napabuntong hininga ako. Iniisip ko pa lang na iiwan ko si Taehyung, naiiyak na 'ko. Hays, ba't ba ganito? Bakit nangyayari sa'kin ang mga 'to?
Pwede namang hindi ako sumama eh. Kaso si Papa, gusto niya 'kong makasama hanggang sa huling hininga niya, at syempre gusto ko rin siyang makita dahil namimiss ko na siya.
Sana nagbibiro lang si Tita, sana walang sakit si Papa.
Simula noong namatay si Mama, nalungkot ang bahay namin noon, hanggang sa dumating sa buhay ni Papa si Tita, ang nanay ni Jieun.
At first, hindi ko sila natanggap, pero kalaunan ay tinanggap ko na sila dahil wala naman akong magagawa.
Hays.
"Anong iniisip mo, Jimin? Share naman~" Tumabi sa'kin ang maganda kong boyfriend,
"Sa pag-alis ko ba, mamimiss mo 'ko?"
"Anong klaseng tanong 'yan, Jimin? Syempre naman mamimiss kita. Ang tagal nating nagkasama tapos iiwan mo 'ko nang gano'n lang? Of course, sobrang mamimiss kita."
Ngumiti ako at inayos ang buhok niya na nagtatakip sa magagandang mga mata niya.
"Kung pwede lang kitang isama, Taehyungie."
"Jimin, okay lang ako, kaya ko ang sarili ko. Kailangan ka ng Papa mo ro'n. Babalik ka naman, 'diba?"
"Syempre."
Muling may kumatok kaya napatingin kami sa pinto.
"Maistorbo ko muna ang paglalandian niyo ha. Kakain na."
"Sige Hoseok, susunod na kami."
"Hala eh, bilisan niyo." Sabi niya at lumabas na ng kwarto namin.
Bumaba na kami sa hapag-kainan saka umupo na sa pwesto namin.
"Saan nga pala kayo galing? Ba't badtrip na badtrip si Jimin na umakyat sa taas kanina?" Tanong ni Seokjin habang naglalagay kami ng kanin at ulam sa plato namin,
"Ah, sa bahay nila." Sagot ni Taehyung.
"Bakit? Kaya pala medyo ang tagal niyo."
Bumuntong hininga ako, "Pinapunta kasi ako ni Tita do'n. Gusto niya 'kong isama sa Australia kasi may sakit si Papa and he wants to see me." Sagot ko at sumubo ng pagkain.
"Hala, iiwan mo kami, hyung?" Sabat ni Jungkook.
"Pwede namang hindi ako sumama eh."
Nagulat ako nang siniko ako ni Taehyung, "Jimin, kailangan mong sumama, okay?"
I sighed once again, "Oo na."
"Babalik ka naman, 'diba?"
Tumango lang ako.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at tumahimik.
*****
"2017 na, may pinagbago ba kayo?" Tanong ni Seokjin-hyung.
"Wala naman, eto, gwapo pa rin."
Binatukan ni Hoseok si Jungkook dahil sa sinabi niyang 'yun, "Mas gwapo ako."
Hays. Hindi pa rin sila nagbabago. 2017 na, tigil na sa pagiging mahangin. Hays, buti na lang talaga sobrang gwapo ko, pwe.
"Kailan ang alis niyo?" Tanong sa'kin ni Yoongi na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Nakakagulat naman 'to.
"Sa makalawa." Simpleng sagot ko.
"Sa makalawa na agad? Ang bilis naman."
"May sakit nga si Papa, 'diba? He wants to spend his life with me hanggang sa huli niyang paghinga. Ayokong maniwala kina Tita kasi alam kong malakas si Papa."
"Okay na, okay na. Paiyak ka na oh. I'm sorry."
"Okay lang. Gusto ko rin namang ilabas 'yung sakit eh. Ilang taon ko siyang hindi nakasama tapos malalaman kong may sakit siya? Magkikita nga kami ulit kaso mawawala naman siya. Ang sakit lang, Yoongi."
"Okay lang, Jimin, iiyak mo lang 'yan. Nandito kami para protektahan ka." Niyakap niya 'ko at yumakap naman ako pabalik at binuhos ko ang mga luhang kanina pang gustong bumagsak.
"It's okay."
Tangina naman oh, nagiging madrama na naman ako. Ayoko na. Kung kailan masaya na 'ko, saka pa nangyayari 'tong mga 'to. Hays.
"Aba, aba!" Kumalas kami sa pagkakayakap at napatingin sa dalawang nakacross-arms pa sa harapan namin.
"Taehyungie!"
"Hobi-ya!"
"May yakapan scene pa kayo d'yan, sali naman kami."
Tumawa kami ni Yoongi at nag-group hug kaming apat.
"Oy, sali rin kami." Sumali naman sina Namjoon at Seokjin-hyung sa group hug.
"We will miss you, Jiminnie!" Sabi nila na dahilan ng pagkalas ko sa yakap, napakalas na rin sila.
"Grabe naman kayo! Parang mamamatay ako, ha? Aalis lang ako, hindi mamamatay." Nagpout pa 'ko.
"Pero mamimiss ka pa rin namin, lalo na ako." Tapos ngumiti pa siya, 'yung box-shaped smile niya. Natawa na lang ako sa ka-cute-an ni Taehyung.
"Mamimiss ko rin kayo. Pero 'wag muna tayong magdrama kasi sa makalawa pa naman ako aalis eh. 'Wag naman kayong excited!"
Tumawa na lang sila. Bumuntong hininga naman ako. I will miss them, especially Taehyungie. Haaays.
Kim Taehyung's Point of View
"Chim, paabot nga po ng unan ko."
'Yung mga unan kasi, nakakalat sa sahig dahil nag-pillow fight ulit kami huehue. At ngayon, inaayos namin 'tong kama kasi matutulog na kami.
Inabot niya naman sa'kin 'yung unan kong simpleng kulay white. Nakakatamad pang bumili ng punda.
Nang matapos naming ayusin ang mga kama namin, ay humiga na kami.
Magkaharap kaming nakahiga.
"Gusto ko sanang sumama kaso..." Bumuntong hininga ako.
Bumuntong hininga rin siya at inabot ang kamay ko. Ni-interlace niya 'yung mga daliri niya sa mga daliri ko. And they really fit perfectly.
-
A/N
Hello :)
P.S. Nakakatamad mag-edit ng typos, paki-check na lang xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top