Chapter 56 - Australia

Park Jimin's Point of View
Bakit naman sila pupunta dito? Ay teka, nakabalik na sila galing Australia? What the heck!

No! Kung balak nila akong kunin at isama sa Australia, no way! Ayokong sumama. Dito lang ako. Gusto ko dito lang ako. Or kung kukunin man nila ako, gusto ko kasama si Taehyung.

I just can't live without him. The first time I saw him, I said he's the one. Siya 'yung taong mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay. Siya 'yung taong gusto kong makasama habang buhay.

Okay, ba't ang drama na naman? Hays.

Napatingin ako sa may pinto kasi may narinig akong kumatok, nandito kasi ako sa loob ng kwarto namin.

"Who's that?"

"Si Taehyungie."

Kaagad kong binuksan ang pinto at bumungad sa'kin ang kanyang magandang mukha.

"Chim, ba't mo naman nilolock 'yung pinto?" Tanong niya sa'kin habang nakapout.

"Hahaha sorry."

He chuckled, "It's okay."

Nagvibrate na naman 'yung phone ko. Shit, bakit ba tawag sila ng tawag? Aish!

Bumuntong hininga ako at hinintay na tumigil 'yung pagvibrate.

Fck. Don't you call me. I don't fckn' want to talk to you.

Bumunting hininga ako dahil tumigil na 'yung pagvibrate. Mabuti naman!

"Who's Jieun?" Napatigin ako bigla kay Taehyung. Shit.

"Uh..just a friend of mine." Kapatid ko 'yun. Well, a step sister.

Her name is Song Jieun, 5 years older than me. Pero hindi ko siya tinatawag na 'noona' kasi hindi naman kami magka-dugo at dahil ayoko.

"A friend of yours? Why don't you answer her call?"

"Because I don't wanna. I don't wanna talk to her."

He tilted his head like a puppy looking confuse. Why is he so cute?

"But why?"

"Taetae, 'wag ka nang masyadong magtanong, please lang."

He shrugged, "Okay~"

Bumuntong hininga ako. Hay, salamat!

At muli, nagvibrate na naman 'yung phone ko. Aish!

"Oh, tumatawag na naman 'yang 'friend' mo. Sagutin mo na kaya 'yung tawag?"

"H-hayaan mo 'yan. Titigil din 'yan sa pagtawag. Baka bored lang siya. Hayaan na natin siya." Ngumiti ako ng pilit.

"Sige, ikaw ang bahala. Pero kung ako ikaw, sasagutin ko na 'yung tawag. Baka kasi emergency 'yan."

"H-hindi, Taetae. Hayaan mo na." Bakit ba ang kulit niya? Huhuhu hindi ako makalusot.

Tumango na lang siya at ngumiti ng bahagya. Hay, salamat!

Tumabi siya sa'kin at humiga sa lap ko. Ngumiti ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Muling nagvibrate ang phone ko. Aish! Bakit ba ayaw nila akong tigilan?

Bumuntong hininga ako at tinignan ang phone ko.

[Song Jieun]
PARK JIMIN! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Kung ayaw mong i-send ang address mo, it's okay. Pero please, pumunta ka rito sa bahay. RIGHT NOW!

Bumuntong hininga ako pagkatapos kong mabasa 'yung text ni Jieun. Ano ba kasing kailangan nila't gusto nila akong makita?

"Jim, I think you should go. Parang emergency yata eh."

Shit. Nabasa pala ni Taehyung 'yung text ni Jieun.

"Uhh..."

"Sasama ako, Jim." Ngumiti siya ng napakatamis. 'Yung ngiting nagpapatunaw sa'kin.

Tumango na lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Ikaw talaga, masyado kang mabait."

*****

"Wow! Ang ganda pa rin ng bahay niyo." Nakangangang sambit niya habang nakatitig sa labas ng bahay namin. Tumawa na lang ako nang bahagya.

Kim Taehyung's Point of View
"Hey, akala ko hindi ka pupunta eh." A lady chuckled. She must be Song Jieun.

Hindi ko siya kilala kasi noong pumupunta ako rito sa bahay nina Jimin, hindi ko siya nakikita.

"What the fck do you want?" Halata ko sa mukha ni Jimin ang inis. Hala!

"Oh, did Tito taught you to swear?" Jieun smirked. Maganda siya, I admit, pero mas maganda akoㅡay chos lang xD

"Just tell me kung anong kailangan niyo sa'kin!" Chill, Jimin.

Hinawakan ko ang kamay ni Jimin para kahit papaano ay kumalma siya.

Jieun sighed, "Gusto kang isama ni Mommy sa pagbalik namin sa Australia."

Wait, what? Why? No way. Please, no.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Ayoko."

"Please, Jimin. Tito, your Papa has a leukemia. At gusto ka niyang makasama hanggang sa huling hininga niya."

"W-what?"

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"And by the way, who are you?" Napatingin sa'kin si Jieun.

"I'm Kim Taehyung, Jimin's boyfriend."

"Oh."

"I'm Song Jieun, his step sister."

Ah, step sister. Ang sabi ni Jimin, kaibigan lang. Muntik pa 'kong magselos pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may tiwala ako sa kanya. 'Yun pala, step sister lang.

"Please, Jimin. Konting araw na lang ang nalalabi kay Tito."

"Ayokong marinig 'yan, please. Sabihin mong hindi pa siya mamamatay. Malakas si Papa."

Nararamdaman kong gustung-gusto nang umiyak ni Jimin.

"Jim, it's okay. Ilabas mo 'yang iyak mo." Bulong ko sa kanya.

Bigla niya na lang akong niyakap at narinig ko na lang ang mga hagulgol niya.

Lumapit si Jieun para himasin ang likod niya, "I'm sorry."

Park Jimin's Point of View
Bakit ba 'to nangyayari sa'kin? Kung kailan masaya na 'ko, saka may masamang mangyayari?

Lord, bakit mo ginagawa sa'kin 'to?

"Jimin, stop crying." May narinig akong pamilyar na boses. Si Tita, Jieun's Mom.

Kumalas ako sa pagkakayap kay Taehyung at pinunasan ang mga luha ko.

"Sumama ka sa'min sa Australia. Kailangan ka ng Papa mo ro'n. Kung bakit kasi hindi ka pa sumama noon?"

Bumuntong hininga ako.

"Sa makalawa, aalis na tayo. Kaya ngayon, lubus-lubusin mo nang nandito ka sa Korea."

{A/N: Malufet nasa Korea sila pero tagalog salita nila. Chos lang}

Bumuntong hininga akong muli. Sa makalawa? Pwede bang next week na lang? Wala pa nga kaming isang linggo ni Taehyung as boyfriends.

"Pwede ko bang isama si Taetae?"

"No."

But why?

"Sige na, umuwi na kayo. At mag-impake ka na, Jimin."

Nirolyo ko na lang ang mga mata ko. Kung pwede lang isama si Taehyung.

Pero paano kung ayokong sumama sa kanila? Kaso gusto ko ring makita si Papa? Aish.

*****

Pagka-uwi namin sa apartment, dumiretso kaagad ako sa kwarto namin, hindi ko namalayan na sumunod pala sa'kin si Taehyung.

"Jim, kailangan mong sumama."

"Ayokong sumama."

"Jim, may sakit ang Papa mo at gusto kang makasama hanggang sa huli niyang buhay. Please Jimin, your Papa needs you."

"Taetae, ayaw kitang iwan."

"Okay lang ako. Ang alalahanin mo ay ang Papa mo. Jimin, please, 'wag ka nang makulit."

Bumuntong hininga ako.

"Mayaman naman sila eh, kaya nilang pagalingin si Papa."

"Jim, hindi pera ang magpapagaling sa Papa mo, kundi ikaw. Kailangan ka ng Papa mo ro'n."

"Ako ang magpapagaling sa kanya? Ano 'ko, Diyos? Eh konting araw na nga lang ang natitira sa kanya, 'diba."

"Park Jimin, 'wag ka na ngang makulit."

Nakita kong naiiyak na siya kaya kaagad ko siyang niyakap.

"Mamimiss kita."

I chuckled, "Hindi pa nga ako umaalis eh, mamimiss mo 'ko agad?"

"Palagi kaya kitang namimiss."

"Tss, nagpaka-cheesy pa."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at nagulat ako nang bigla niya na lang akong hinalikan.

Ginantihan ko ang mga halik niya at hiniga ko siya sa kama...at nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.
-

A/N

Anong 'hindi inaasahan'? Ulul.
Jusmiyo, ano bang mga pinagsusulat ko rito? Patawarin nawa niyo ako huhu

Sorry sa hindi pag-uupdate nitong mga nakaraang araw. Tamad lang talaga si Author-nim huehue

Kinalulungkot kong sabihin, malapit na matapos 'tong istoryang 'to huhu (sinabi ko na 'to dati lol)

Ge, 'yun lang. Salamat sa pagbabasa.

P.S. Song Jieun at the multimedia (kung kilala niyo siya, congrats!)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top