Chapter 53 - Surprise! (ft. GOT7)

Kim Taehyung's Point of View
Nagising ako nang nakangiti. Wanna know why? Because today is my birthday. Yey!

Lumingon-lingon ako sa paligid ng kwarto. Nasa'n na si Jimin? Ah, baka nauna na siyang bumaba. Ang daya niya talaga! Hindi niya man lang ako ginising. Tss.

Dali-dali akong bumaba sa sala. Napa-pout ako dahil hindi ko nakita si Jimin sa sala.

"Guys, nasa'n si Jimin?"

Napatingin silang lahat sa'kin at ang tanging sagot lang nila ay kibit-balikat. Wow!

"Grabe guys! Nakatulong talaga kayo!" Sarkisto kong sambit at nirolyo ang mga mata ko.

Umupo na 'ko sa sala, sa tabi ni Jungkook dahil siya lang ang walang katabi. Awts, lonely siya.

"Hindi nga namin alam." Sabi ni Seokjin hyung na kasalukuyang nagko-cross stitch.

Teka, kailan pa siya naadik sa cross stitch? Magtatanong sana ako kung bakit siya nagko-cross stitch pero umurong ang dila ko. 'Wag na nga lang!

Nagcross-arms ako at ngumuso. Nasa'n ba kasi si Jimin? Tss.

Biglang tumayo si Jungkook mula sa kinauupuan niya, which is sa tabi ko. Napa-kunot ang noo ko nang bumalik siya na may dala-dalang snakes & ladders board.

Teka, kailan pa kami nagkaro'n ng ganyan? Ah, baka isa 'yan sa mga binili ni Namjoon noong nakaraan.

"Hyung, laro tayo nito. Tara!" Nakangiting sambit niya habang pinapakita sa'kin 'yung board.

"Ah, sige." Sumang-ayon na 'ko since ang boring ng paligid at walang magawa. Tapos wala pa si Jimin. Kanina pa 'ko nagtataka, saan ba siya nagpunta? Hays.

Kinuha ko 'yung color blue na pangtaya. Favorite color ni Jimin ang blue kaya 'yun ang kinuha ko hihihi. Si Jungkook naman, 'yung color red ang kanyang kinuha kasi favorite color niya ang red.

"Ikaw na'ng mauna." Sabi ko sa kanya, since mas bata naman siya at dahil mabait ako hihihi.

Tumango lang siya at hinagis na niya pahulog sa board 'yung dice. Lumabas ang number 6 kaya nilapag niya sa 6 'yung pangtaya niya (basta, alam niyo na itsura no'n)

"Guys, anong ihahanda niyo para sa'kin?" Tanong ko at binagsak na 'yung dice.

"About that, hindi kami nakabili noong nakaraan. So, we're very sorry." Sagot ni Seokjin hyung saka nag-peace sign pa.

Ngumiti na lang ako kahit masakit sa loob ko. 'Smile through the pain' kumbaga. How dare they? Huhuhu

"O-okay lang, hyung. Okay lang sa'kin." Okay lang naman eh. Okay lang ba talaga? Hays.

Park Jimin's Point of View
"Uy, okay na ba kayo d'yan? Itetext ko na sila, ha." Sabi ko kina Jackson.

"Sige pre. Oo, ayos na kami rito."

Tumango lang ako at tinext na sina Yoongi na pumunta na sila rito kasi nakahanda na ang lahat.

Ilang segundo ang lumipas at nag-reply siya na paalis na raw sila. Ah, okay.

Hinihiling ko na lang na sana ay hindi 'to mag-fail. At sana tanggapin ni Taehyung. 'Yun lang.

Na-miss ko talaga 'tong school namin na 'to. Like, so many memories.

'Yun mga teachers naming 'sobrang bait'. Hays. Naalala ko 'yung teacher namin dati sa Science. Nagkamali kasi siya noon ng explaination, then I raised my hand at tinama 'yung explaination niya.

Halata kong nainis siya kasi sobrang sama ng tingin niya sa'kin, 'yung parang gusto niya 'kong patayin na ewan. Tapos noong last quarter, binigyan ako ng 75 na grade. Kingina!

Ang naaalala ko, pinuntahan ko siya noon sa faculty room at sinugod siya. Wala akong paki sa mga ibang teachers na nando'n. As in, pinaglaban ko talaga 'yung grades ko. Kumbaga 'kung may katwiran, ipaglaban', gano'n. And then, binawi niya at pinalitan niya ng 95 dahil 'yun daw talaga 'yung nasa computation.

Oh diba, ang lufet! Grabe talaga 'yung teacher na 'yun. Bwiset eh!

Okay, ang daldal ko na. Pasensya naman, huehue.

Naka-received ako ng text mula kay Yoongi na nagsasabi na nandito na raw sila sa school. Oh, shit.

"Guys, magtago na kayo. Nandito na raw sila sa school." Anunsyo ko at agad-agad naman silang nagtago.

Third Person's Point of View
"Uy, bakit ba tayo nandito?" Inosenteng tanong ni Taehyung na walang kaalam-alam sa paligid.

"Uhm..w-wala lang. Nakakamiss kasi 'tong school kaya bisita muna, 'diba?" Halos kinakabang sagot ni Hoseok habang lumilingon-lingon sa paligid.

"Ah, kunsabagay! Namiss ko rin 'tong school na 'to." Pinalibot ni Taehyung ang mga mata niya sa paligid, literally nakanganga ang mga bibig niya.

"Medyo gumanda na. Medyo lang."

Natawa na lang sila dahil sa sinabi ng pinakamatanda na si Seokjin.

Halos wala pa rin namang pinagbago ang school nila. Except sa mga bagong building at kulay ng paligid.

Sobrang tahimik ng school nila. Halos walang katao-tao maliban sa mga guard na 24/7 na nagbabantay sa gate ng school. Medyo nakakapagod 'yun pero okay lang daw.

Syempre, December sa kanila. Sinong sira-ulo ang bibisita sa dating school sa buwan ng Disyembre? Sila lang naman!

"Hobi, samahan mo nga ako sa music room. Namiss ko 'yun eh." Biglang sambit ni Yoongi kay Hoseok at inakbayan pa ito.

"Okay~ Guys, maiwan muna namin kayo, 'kay?" At umalis na nga ang YoonSeok couple para pumunta sa 'music room' daw.

"Teka lang, samahan mo nga ako sa CR, Namjoon. Kanina pa 'ko naiihi eh." Tumango na lang si Namjoon at sinamahan si Seokjin na pumunta sa CR.

Naiwan ang dalawang maknae sa gitna ng quadrangle.

"Baka balak mo ring umalis, Jungkook?" Nakataas ang kilay na sambit ni Taehyung kay Jungkook.

"Huh? Hindi ah." Nag-peace sign pa si Jungkook.

"Ang laki ng ilong mo." Sinamaan naman siya ng tingin ni Jungkook.

"Anyway, hyung. Samahan mo 'ko sa court." Nakangiting sambit ng pinakabata.

Tumango na lang si Taehyung at nagtungo na sila sa court. Halos 'walang katao-tao' sa paligid.

"Wala namang tao rito, Jungkook." Sabi ni Taehyung habang nililibot ang mga mata sa paligid.

"Mayro'n kaya." At bigla na lang may narinig silang ingay. Isang ingay mula sa party popper.

"Happy Birthday, Kim Taehyung!" Sigaw ng mga taong lumabas mula sa tinaguan nila. Ang ilan sa kanila ay may hawak na banner na may nakasulat na 'Happy Birthday, Kim Taehyung'

"I told you, may tao rito, hyung." Natatawang sabi ni Jungkook.

"Happy birthday! Bitch you thought?" Biglang sumulpot ang YoonSeok couple.

"Akala ko baㅡaish!" Tanging nasambit ni Taehyung dahil hindi siya makapaniwala. Ang akala niya'y walang magsusurpresa para sa kanya.

Nilibot na naman niya ang mga mata niya sa paligid. Isang tao lang ang gusto niyang makita. Si Park Jimin.

'Thank you, guys! Sobra kong na-appreciate 'to. Thank you very much!" Nakangiti niyang sabi sa lahat.

Inabutan siya ni Yugyeom ng isang kulay blue na sobre. At alam na agad niya kung kanino 'to galing.

Binuksan niya ito at kinuha ang papel sa loob.

Dearest Taetae,

Akala mo nakalimutan ko na birthday mo? No way! Never kong makakalimutan ang birthday mo, promise ko yan sayo.

And this is the reason kung bakit lagi kong hawak ang phone ko. May surprise kasi ako sayo, nakita mo naman 'diba? Sorry kung hindi masyadong ma-effort. Kaya wag ka na magalit, okay?

Anyway, since today is your birthday, I hope you enjoy the rest of your day. I love you.

Sincerely yours,
Jiminnie.

Pakiramdaman niya ay natunaw siya pagkatapos niyang mabasa ang sulat.

"Nasa'n si Jimin?" Bulong nito sa sarili. At nakarinig naman siya ng isang pamilyar na boses.

"Here I am, Taetae!"

"Jiminnie!" Nakatitig lang siya sa taong nasa harapan niya na ngayon.

"Didn't expect it?" Nakangising sabi ni Jimin kay Taehyung at tumango na lang si Taehyung.

"Alam mo, noong isang linggo ko pa 'to pinlano. And thankful ako kasi hindi 'to nag-fail." Natawa si Jimin.

"Ang effort mo kaya. So bakit naman 'to magpe-fail?"

"Yeah, you're right."

"Ang tagal naman! Kanina pa kami nagugutom dito, oh." Reklamo ni Bambam at binatukan naman siya ni Mark.

Natawa na lang sina Taehyung at Jimin dahil sa kalokohan ni Bambam.

"Taetae, happy birthday! I wish you all the best. Uhm..ano ba 'yan! Para namang children's party 'to na ewan," Tumawa siya nang bahagya bago magpatuloy, "So, ayun nga, matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang pagkakataon na mag-effort ako para sa'yo. So, yeah, ilang taon ka na nga ba? 21 years old, right? Pero mukha ka lang 12 years old." Tumawa siyang muli ng bahagya.

"Tss, nambola pa! Ikaw nga, mukha kang 9 years old eh." Sabi ni Taehyung at tumawa lang din ng bahagya.

"So, Taehyung," Hinawakan niya si Taehyung sa baywang at nagpatuloy, "Will you be my boyfriend?"

"Hala! Putangina! Yes na agad, patatagalin niyo pa ba 'yan? Shet naman!" Sigaw ni Bambam na dahilan na naman para batukan siyang muli, pero this time, si Jackson naman ang nambatok sa kanya.

"Atat lang, ganern? Taeng-tae ka na ba?" Natatawang tanong ni Taehyung at muling humarap kay Jimin.

"Yes, I'll be your boyfriend." At nagulat na lang siya nang bigla siyang yakapin ni Jimin.

"Thank you! Happy birthday! I love you, Taehyung." Halos hindi maipaliwanag ni Jimin ang tuwang kanyang nararamdaman ngayon.

Kumalas na sila sa yakap at nakangiti naman si Jimin na napakalaki, at hindi na makita ang kanyang mga mata.

"I love you, too, Chim!"

At nagsigawan naman ang lahat, kinilig or natatae. Hindi mo na malaman kung ano ba talaga.

"Tara, lumamon na tayo!" Sigaw ni Bambam.

Inusog naman nina Mark at Jackson ang mga lamesa. At nilapag naman nina Jaebum at Jinyoung ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa. At softdrinks naman ang inilapag nina Yugyeom at Youngjae. Habang si Bambam naman ay nakabantay lang sa tabi ng lamesa.

"Pre, 'wag ka namang excited! 'Yung birthday boy muna, hoy!" Pagtapik sa kanya ni Jungkook.

"Yeah, I know~" Sambit ni Bambam at bigla na lang nag-dab. Muntik pa niyang matamaan ang magandang mukha ni Hoseok.

"Oh my god, my heart is...oh my god!" Sabi ni Hoseok dahil sa gulat dahil kay Bambam.

"Oh tara na, kainan na talaga 'to!" Anunsyo ni Jackson at isa-isa silang kumuha ng pagkain, pero syempre nauna muna ang birthday boy na si Taehyung.

Ang iba ay nakatayong kumakain at ang iba naman ay nakaupo sa lupa.

"I love you, my ex-bestfriend." Sambit ni Jimin kay Taehyung at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"I love you, too, my ex-bestfriend!"

"Hoy! Kumain muna bago landi!" Tumawa na lang sina Jimin at Taehyung dahil kay Seokjin.
-

A/N

FINAAALLYYY! SILA NA! SA WAKAS! Oh my god! We've all waited for this moment to come. At sa wakas, naging sila na. Myghash! Chapter 53 na, saka lang naging sila. Huehue, ang lufet ko kasing otor-nim xD

Anyway, I'm really cringing slash kinikilig while writing that part. Because suweeeg~

So, malapit na pong matapos ang Taehyung's Mission. Stay tuned lang kayo, ahue! Thank you fo sa pagsupotㅡeste support nitong story na ito. Alam kong corny 'to pero pinagtyagaan niyo pa rin, kaya tengkyu beri mats gheis~

Ppyong!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top