Chapter 52 - Ignored Feelings?
A/N: Fast forward ulit because suuweeeg~ xD (at dahil mabagal akong mag-UD, ahue xD)
WARNING! Too much cringe :3
-
Kim Taehyung's Point of View
"Tignan mo si Jimin, kanina pang umaga hawak ang phone. Hindi naman siya ganyan dati, 'diba? Minsan lang siya mag-phone at palaging nakatuon ang atensyon niya sa'yo. Pero ngayon, anyare?"
Napatingin ako kay Jimin dahil sa sinabi ni Hoseok sa'kin.
Bumuntong hininga ako. Actually, kahapon pa siya ganyan. Tapos hindi na niya 'ko pinapahiram ng phone.
Tangina! Baka may nililigawan na 'to? Sabi na nga ba eh, pinapaasa niya lang ako kasi alam niyang mahal ko siya. Ako naman 'tong si TANGA na patuloy pa ring umaasa. Hayst!
Okay, ba't ba ang drama ko?
"Hayaan mo na."
"Anong 'hayaan mo na'? Sira ka ba? Baka may babae na 'yan, tignan mo." Sambit niya sa'kin,
"Eh hyung, ano bang magagawa ko? Kung may babae siya, ano naman? Atsaka hindi naman kami eh. At wala akong karapatang magselos kasi nga WALANG KAMI." Nasaktan din ako dahil sa mga sinabi ko.
Ano ba 'yan! Bakit ganito? Pakiramdaman ko nadudurog na ang puso ko. Umaasa na naman kasi ako.
Aish! Please, stop! Ayoko na! Ayoko nang mag-drama. Kingina!
"Bahala ka nga dyan, Taehyung. Aish!" Sabi ni Hoseok at lumapit sa boyfriend niya.
Bumuntong hininga na lang ako. "Kookingina! Ano bang pwedeng makain dyan?"
"Ba't narinig ko 'yung gwapo kong pangalan sa pagmumura mo?" Sabat ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya,
"Pangalan mo lang ang gwapo sa'yo." Sabi ko at nirolyo niya lang ang mga mata niya. Tumawa ako ng bahagya at dumeretso sa kusina.
Anyway, naka-uwi na pala sina Eunbin sa kanila. Do'n na raw sila sa kanila magse-celebrate ng bagong taon. Mabuti na rin 'yun, ahue xD
"Jiminnie~" Umupo ako sa tabi niay at sinubukang sumilip sa phone niya pero mabilis niya itong iniwas kaya hindi ko nakita kung anong ginagawa niya.
Napa-pout ako dahil do'n, "Nag-iba ka na, Jiminnie! Ba't ayaw mo na akong pasilipin sa phone mo?"
"I just can't, Tae. I just can't."
"Anong 'I just can't'? Jiminnie, why?"
Nagdrama ako pero hindi niya 'ko pinansin. Bastos! Busy na naman kasi siya sa phone niya. Hays.
"Ay, sige, palagi mo na lang hindi pinapansin 'tong feelings ko. Ganyan ka naman eh!" May pa-hawak pa 'ko sa dibdib effect.
"Ang drama mo, Tae. Tumigil ka nga."
"Baka si Chaehyun na 'yang katext mo, ha." Kunot-noong sambit ko.
"Taehyung. Hindi, okay? Hindi. Kaya tumigil ka na, please lang."
Nagpokerface ako. Okay, fine.
"Anyway, Mr. Park Jimin. Wala ka bang naalalang mangyayari bukas?" Nakangiting saad ko sa kanya.
Tumingin siya sa'kin na nakakunot ang noo, "Huh? Anong mayro'n bukas?"
Napa-pout ako, "Wala ka talagang naalala?"
"Wala. Ano ba 'yun?"
"Ah, wala. Sige, hayaan mo na."
KINGINA! Nakalimutan niya na birthday ko bukas. Huhuhu.
"Sorry, Taehyung!"
"Okay lang."
Nginitian niya 'ko at binalik na niya ulit ang atensyon niya sa cellphone niya. Napabuntong hininga na lang ako at humiga sa lap niya. Tinaas niya ng konti 'yung phone niya na dahilan ng pagkunot ng noo ko.
Ang daya niya talaga! Ano ba kasing ginagawa niya sa cellphone niya, ba't ayaw niyang ipasilip sa'kin? Aish!
Bumuntong hininga na lang ako at pumikit.
Park Jimin's Point of View
In-off ko na ang cellphone ko at tinago ito sa loob ng bulsa ng shorts ko.
Napatingin ako kay Taehyung. Nakapikit siya. Tulog ba 'to?
Hinawi-hawi ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"Jet'aime." Bulong ko habang nakangiti sa nakapikit na Taehyung.
Minulat niya ang mga mata niya at tumingin sa'kin. Tumingin ako sa mga mata niya. Ang pupungay ng nga ito at para itong bituin sa kalangitan, ang sarap titigan.
Okay, ano bang mga pinagsasabi ko? Aish! I'm being cheesy here. Ew.
"Jimin. Bakit?"
"W-wala."
"Ano 'yung binulong mo?"
"'Yung Jet'aime?"
"Oo. Anong ibig sabihin no'n?"
"Secret~"
Nagpout siya. Cute. "Ang daya!"
"Sige na, Tae. Kung matutulog ka, matulog ka na." Nakangiting sambit ko sa kanya at binigyan siya ng halik sa labiㅡjoke, sa noo lang. Umasa naman kayo!
Tumango na lang siya at pumikit nang muli.
"Ay, ang sweet naman! Nakakakeleg!" Napalingon ako kay Hoseok. Aish! Kahit kailan talaga, panira ng moment 'tong kabayongㅡeste taong 'to.
"Hobi-ah, hayaan mo na sila! Moment nila 'yan eh." Sambit sa kanya ni Yoongi at tumawa na lang si Hoseok at hinayaan na kami.
Napa-flinch ako dahil may naramdaman akong nagvibrate sa bulsa ko. 'Yung cellphone ko lang pala. Lintik!
[Jackson]
Hoy pre! Okay na yung mga gamit. Kailan ba gaganapin?
[Me]
Bukas pre. BUKAS.
[Jackson]
Okay sige pre.
Kung akala niyo'y nakalimutan ko na ang birthday ni Taehyung. But no! Kahit kailan, hinding-hindi ko makakalimutan ang birthday niya, like never.
In-off ko na ulit ang cellphone ko at binalik ito sa aking bulsa.
Napatingin ako kina Namjoon at Seokjin hyung. Naglalaro sila ng chess. Wow!
Ay teka. Kailan pa kami nagkaro'n ng chess board? Ah! Isa na naman siguro 'yan sa mga binili ni Namjoon na pampatalino. Tss.
I just can't believe na 149 ang IQ ni Namjoon. Eh noong nakaraan lang, naglagay siya ng fries sa butas ng ilong niya. Gawain ba 'yun ng taong may 149 na IQ? Pfft.
"Oy! Ang daya mo naman, Namjoon."
"I'm not."
Umiling-iling na lang ako at hindi na sila pinansin.
Napatingin naman ako kay Jungkook na nasa kabilang side lang ng sofa. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa cellphone niya pero tawa siya ng tawa. Tss.
"Dinner na pala? Hala! Hindi pa 'ko nakakapagluto." Biglang sambit ni Seokjin hyung.
"Oh sige, mamaya na lang tayong maglaro ulit."
Tumango na lang si Seokjin hyung at dumeretso na sa kusina.
*****
Kim Taehyung's Point of View
"Taehyungie~ wake up!"
Sino ba 'yung nanggigising sa'kin? Ang lambot ng kamay niya. Sarap nitong hawakan forever. Ay, wala nga pa lang forever xD
Minulat ko ang mga mata ko. Si Jimin pala 'yung nanggigising sa'kin. Sabi na eh.
"Huh?"
"Kakain na. Ano, matutulog ka na lang ba? Mamaya ka na matulog ulit."
"Ah, hindi. Sige, tara! Kain na tayo."
Bumangon ako mula sa lap niya at tumayo na. Sabay kaming pumunta sa dining area at umupo sa pwesto namin.
"Taehyung hyung! Advance happy birthday!" Sambit sa'kin ni Jungkook.
"Hahahaha thank you~ pero bukas mo na lang ako batiin ulit."
Tumango siya't ngumiti, at ngumiti rin naman ako.
"Oy sige na! Kumain na kayo mga anak!" Tumatawang sabi ni Seokjin hyung.
Halos sabay-sabay kaming napa-cringe. Anak? Ew.
Hindi na lang namin pinansin si Seokjin hyung at kumuha na lang ng pagkain namin.
-
A/N
Annyeong! Sorry sa mahabang paghihintay. Sorry kung ngayon lang nakapag-update si author-nim. Huehue sorry din kung ganyan lang. Pasensya na! Babawi ako sa next update ko!
Ppyong~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top