Chapter 49 - Noche Buena + Surprise

Kim Taehyung's Point of View
Time check: 22:13 / 10:13 PM

Emeghed! Pasko na mamaya! Aym so egsayted na! Oh my gosh! ^^

"Taetae, tulungan mo nga ako rito!" Sambit sa'kin ni Jimin na nagpupunas ng mga kutsara't tinidor na gagamitin mamayang noche buena.

Lalapit na sana ako pero naunahan ako ni Chaehyun. Argh~

"Tulungan na kita dyan, Jimin-ssi."

Sinamaan ko lang ng tingin si Chaehyun. Argh!

"O-oh! S-sige." Nahihiyang sabi ni Jimin. Psh, nahiya pa! Malandi naman siya :3

Nirolyo ko lang ang mga mata ko at pumunta sa kusina. Nadatnan ko sina Eunbin, Jungkook at 'yung mga nanay nina Eunbin at Chaehyun, tumutulong kay Jin hyung. Naghihiwa sila ngayon ng mga ingredients.

"Anong lulutuin niyo?" Tanong ko sa kanila,

"Secret!" Sagot sa'kin ni Jin hyung. Ano na 'yan! Ang daya!

Napapout ako at pumunta sa sala, dinaanan ko lang sina Jimin. Pwe. Nagtatawanan lang sila about something na wala naman akong paki :3

"Hyung, pahiram ng laptop." Sabi ko kay Suga at tumango na lang siya. Busy kasi sila ni Hoseok sa paglilinis ng mga appliances.

Binuksan ko 'yung laptop niya na nakalapag lang naman sa center tableㅡhindi ko alam ang tawag do'n kaya center table na lang.

Pagkabukas ko, bumungad sa'kin 'yung wallpaper ng laptop niya. Picture nila 'yun ni Hoseok na nakapeace sign pa. Infairness, ang cute nila together.

Ni-click ko 'yung files at bumungad sa'kin 'yung mga folders ng Hiphop songs, Anime, Pictures nila, at kung anu-ano pa.

Ni-click ko naman 'yung folder ng Anime. Ano kayang mga anime ang nandito? Siguro, si Hoseok ang nagdownload nito. Malamang sa malamang xD

"Oh my gosh!" Reaksyon ko nang makita ko 'yung mga videos ng anime na nakasave dito.

May Charlotte. Emeghed! Ang gwapo dyan ni Yu, tapos ang ganda ni Nao. Pero mas maganda akoㅡcute lang pala ako, ahue

Nag-scroll pa ako through this folder at may nakita akongㅡ

"Huta~ bakit may hentai videos dito?" Bulong ko sa sarili ko.

"OMG! Hoseok, bakit ka nagse-save ng hentai dito? Ang pervert mo! Mas pervert ka pa yata kay Jimin." Sabi ng isip ko. Liek, OMG!

Um-exit na ako sa folder na 'yun at pinindot naman 'yung folders ng mga pictures nila. 'Yung iba sa mga pictures na 'to, ay noong mga panahong hindi pa nagiging sila.

"Ang cute~" Ang cute nila together kahit nabibitter ako. Pero okay lang. Oo, may forever sa kanila. Yaaaas~

Okay, masyado na akong nagfa-fangirl ditoㅡeste fanboy. Sarreh naman!

Nag-scroll lang ako nang nag-scroll hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo.

Ay, 'yun na 'yun? Bakit parang bitin? O masyado lang akong kinikilig sa kanila? xD

Nag-exit na ako sa folder na 'yun at nag-exit na rin sa mismong files.

Ano bang pwedeng gawin dito? May laro ba 'to? Aish! Ang boring namanㅡhindi 'yung laptop ha, 'yung mismo atmosphere ang boring. Wala akong magawa, nabobored na ako.

"Nabobored ako!" Pero ni isa sa kanila, walang pumansin sa akin. Aba! Futa~

"Nagugutom na ako! Ang tagal mag-alas dose!" Plus hindi pa sila tapos magluto.

Napatingin ako kina Chaehyun at Jimin. Nag-uusap lang sila habang magkaharap na naka-upo. Parang ang comfortable na nila sa isa't-isa. Argh! Hindi pwede 'yun :3

Nakatitig lang ako kay Jimin habang masama ang tingin ko sa kanya.

Park Jimin, makuha ka sa tingin.

Napatingin siya sa'kin at nginitian lang ako bago nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Chaehyun.

WHAT THE ACTUAL FCK!

Sinara ko 'yung laptop ni Yoongi at nilapitan si Jimin.

"Bro."

"Yes, bro?" Nakangiti siyang nakatingin sa'kin pero agad namang nawala 'yun nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya ng seryoso.

"Why?"

Umiling lang ako at umakyat sa taas, "Pakitawag na lang ako kapag kakain na, ha?" Sigaw ko at tuluyang pumasok sa kwarto namin.

Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Naiiyak ako.

Oo, alam kong mutuals lang kami at wala akong karapatang magselos. Pero ano bang magagawa ko? Nagseselos ako kasi mahal ko siya. Ayoko siyang makuha ng iba. Gusto ko'y akin lang siya. Selfish na kung selfish pero wala akong paki.

PARK JIMIN IS MINE!

*****

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Bumangon ako saka nagstretching ng buong katawan para mabuhayan ako ng dugo.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Nagtaka na lang ako kung bakit tahimik silang naka-upo sa sofa at sahig.

Sina Jungkook, Eunbin, Chaehyun, at mga nanay nilang dalawa, naka-upo do'n sa sofa. And then sina Jimin, Namjoon, Seokjin hyung, Yoongi at Hoseokㅡhindi totally naka-upo si Hoseok kundi nakahiga siya sa lap ni Yoongi, as usual.

Kumunot ang noo ko at tumabi kina Seokjin hyung.

"Bakit ang tahimik?" Tanong ko kay hyung na nagpabasag sa katahimikan ng atmosphere.

"Naghihintay kami ng alas dose. Parang ikaw, naghihintay ka rin, 'diba?" Teka, bakit parang double meaning 'yung last sentence ni hyung para sa'kin. Aish! Nevermind!

"Oo, ang tagal kasi ng alas dose, nagugutom na ako." Sagot ko at tumawa ng bahagya.

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihinㅡay, nevermind na lang, Taehyung."

Pagkatapos no'n ay naging tahimik na ulit ang atmosphere.

Waaaaaaaah! Hindi ako sanay. Pero wala naman akong gana para mag-ingay ngayon kahit na egsayted akong mag-alas dose na.

Haaaaaays!

"Taehyungie~" May biglang tumawag sa aking napakagandang pangalan xD Hindi ko siya pinansin. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Jin hyung.

ANG TAGAL NG ALAS DOSE MGA BES!

Time skip >>>

OMG! 5 minutes na lang, pasko na. Yeeeey!

"Tara, kain na tayo!" Biglang sambit ni Jungkook.

"Hindi pa alas dose. 'Wag kang excited, Ilong!" Sabi ko at tumawa ng konti.

"Hindi Ilong ang pangalan ko!" Tinawanan ko lang ulit siya dahil ang laki ng ilong niya xD

Medyo kanina pa maingay sa labas ng apartment. Syempre, mga kapit-bahayㅡhindi pala bahay, kaya dapat "kapit-apartment" ahue.

Minsan kasi, hindi na namin pinapansin 'yang mga 'yan. Minsan pa nga, may mga nag-iingay sa katabi naming apartment. Hindi ako makatulog minsan dahil sa kanila.

Lumipas na ang limang minuto at...PASKO NA! YEEEEY!

"Tara, kain na tayo. Kanina pa ako nagugutom." Nanguna pa si Jungkook sa may lamesa. Gutom na rin ako kanina pa, tinitiis ko lang. Halos kumukulo na nga ang tiyan ko eh.

Kumuha na kami ng pagkain at pumunta ako sa may sofa. Dito na lang ako kakain kasi nando'n sina Eunbin, nakakahiya naman kasi.

Maya-maya ay tumabi sa'kin si Jimin. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Taetae-yah!" Hindi ko pa rin siya pinansin. Kain lang ako ng kain.

"Taehyungie! Taetae! Kim Taehyung! Pansinin mo naman ako, hoy! Babe!"

"Putangㅡ anong babe? Ginawa mo pa akong baboy." Nirolyo ko pa ang mga mata ko. Naiinis ako sa kanya. Ang landi-landi niya!

"Babe naman eh~"

Half kinikilig, half naiinis. 'Yun ang nakakaramdaman ko ngayon.

"Pwedeng tumigil ka nga, kingina mo!" Tapos pinasakan ko siya ng kutsara sa bibig niya nang tumahimik siya!

"Hmm." Tinanggal niya 'yung kutsara sa bibig niya at binalik sa plato ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Yieee~ indirect kiss! Direct kiss na lang para masaya!" Sabat ni Hoseok habang tinataas-baba ang kilay, kaya naman binato ko sa kanya 'yung sapin sa sofa.

Tumawa lang siya bago binalik 'yung sapin do'n sa sofa.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na sa kusina 'yung pinagkainan ko.

Nang matapos na rin ang lahat na kumain ay umupo si Jin hyung malapit sa christmas tree.

"Mamimigay na ako ng mga regalo, guys!" Anunsyo niya bago kumuha ng isang regalo mula sa ilalim ng christmas tree.

"From Chaehyun, To Jimin." Pagbasa ni Jin hyung saka binigay kay Jimin 'yung regalo.

Pwe!

"Waaaah! Ano 'to?" Inalog-alog niya pa 'yung regalo habang nakangiti. Sige lang Park Jimin, lumandi ka lang. Sa sahig ka matutulog! :3

"From Hoseok, To Namjoon. Oh babe, para sa'yo pala 'to." Babe? Ew. Paskong-pasko, 'wag muna landian. Tss :3

"From Eunbin, To Jungkook." Tapos sunud-sunod na, so on and so forth.

"And lastly. Hmm..From Jimin, To Taehyung." Saka binigay na sa'kin 'yung regalo.

Lahat kami may hawak-hawak nang mga regalo.

"Bakit walang regalo sa'kin si Taetae?" Rinig kong bulong ni Jimin habang nakatingin sa mga regalo na hawak-hawak niya. Katabi ko lang naman kasi siya, may space in between lang.

"Sabay-sabay nating buksan, ha. One..two..three."  At nagbukasan na nga kami ng regalo.

Nabuksan ko na ang lahat ng regalo ko maliban 'yung galing kay Jimin.

"Woy, buksan mo na 'yan." Sabi niya sa'kin.

Tinitigan ko lang 'yung regalong galing sa kanya. Ano kayang laman nito? Isang malaking box kasi. Baka prank lang 'to ha, kagaya nung mga nakikita ko sa internet. 'Yung mga kunwari malaking regalo pero ang daming box sa loob.

Bumuntong hininga ako.

"Buksan mo na 'yan, Taehyung. Pinapatagal mo pa eh." Sabi ni Hoseok.

Sinira ko na ang gift wrapper at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Isang box ng Converse High shoes. Owemji!

Tinanggal ko ang takip nito at isang sapatos na Converse High na color blue ang nakita ko. Hori shit!

"Do you like it?" Tanong niya habang naka-smirk.

Ngumiti ako, "No. I love it! Thank you, Chimchim!" Tapos bigla ko siyang niyakap.

"Hindi ka na galit sa'kin?" Tanong niya nang kumalas kami sa yakap.

Umiling ako habang nakangiti pa rin, "Hindi na. Thank you talaga, Jiminnie!"

"You're welcome, Taehyungie! That's what bestfriends do."

Bestfriends.

"Y-yeah. B-bestfriends."

Ang sakit nung salitang 'bestfriend'. Bestfriend pa rin pala ang turing niya sa 'kin.

"Oh, tama na 'yan! Tama na landi, hindi naman kayo." Sambit ni Yoongi kaya tumawa lang sina Hoseok. Pwe.

Aray ha, massaquette 'yon! Tagos na tagos sa puso eh, feel na feel ko :3

*****

"Shh. 'Wag kayong maingay! Mamaya, bababa na si Jimin." Nag-gesture ako sa kanila na tumahimik.

Mabuti nga't lumabas ng apartment 'yung mga Nanay nina Eunbin at Chaehyun, para hindi nila masaksihan ang magaganap dito, ahue. Kasi nakakahiya 'yun, panigurado.

Isa-isa na kaming nagtago dahil pababa na siya, naririnig ko na 'yung pagbukas ng pinto.

Sina Yoongi at Hoseok, sa CR nagtago. Sina Jungkook, Namjoon at Jin hyung, sa kusina naman nagtago. At 'yung magbestfriend, sa may labas ng apartment, sisilip na lang daw sila sa bintana.

Tapos ako, humiga sa sofa habang nakatalukbong ng kumot.

Remember 'yung plano namin nina Seokjin hyung? Eto na 'yun. Oo, dito lang sa apartment namin gagawin 'yung surprise para tipid. Atsaka wala akong masyadong budget xD

Nakita kong bumababa na siya ng hagdanan, nagtataka siya kung bakit walang tao. Pupunta sana siya sa kusina pero hindi niya na tinuloy. Hays, buti naman!

Take note, nakatalukbong ako ng kumot pero may nakikita pa rin ako. Hindi naman kasi masyadong makapal 'yung kumot na nakataklob sa'kin ngayon. Medyo naiinitan na nga ako eh.

"Oh! Para kanino 'tong regalo?" Nakakunot 'yung noo niya habang nakatingin do'n sa regalo na nakalapag sa dining table.

Park Jimin's Point of View
"Para kanino 'to?" Kunot-noong tanong ko habang hawak-hawak 'yung box. Pero walang sumagot dahil ako lang ang nanditoㅡako nga lang ba?

May nakita akong nakatalukbong na tao sa sofa.

"Kim Taehyung!" Inalis ko 'yung kumot at biglang umingay na nagpagulat sa'kin.

"SURPRISE!" Oh shit. What is this? Tapos na ang birthday ko ha. Atsaka, bakit may confetti?

"Saan kayo galing?" Tanong ko sa kanila,

"Nagtatago kami kanina sa CR. Nasa kusina naman sina Namjoon kanina." Sagot ni Hoseok.

Ay, sayang. Edi kung pumasok pala ako kanina sa kusina, failed na 'tong surprise nila.

"Guys, ano ba kasi 'to? Hindi ko naman birthday eh." Bakit kasi may ganito-ganito pa sila. Para saan ba 'to? Ano bang mayroon?

"Mr. Park, buksan mo na 'yang regalo." Napalingon ako kay Taehyung.

"Mr. Park?" Nag-chuckled ako bago sinira 'yung gift wrapper.

Isang Snapback at T-shirt na may 'I'll be your Man' na nakalagay. Ito 'yung damit na matagal ko nang gustong bilhin.

"Oh my goshㅡthank you, Taehyung!" Bigla ko siyang niyakap.

"Alam mo ba, sinadya ko talagang ihuli 'yang regalo ko para sa'yo."

"Kaya pala~ pero thank you pa rin!" Hindi maalis sa labi ko ang ngiti.

"Sorry kung ang cheap nito. Wala na kasi akong budget, pasensya na. Nangutang at nagpatulong pa nga ako ng konti kina Namjoon para lang magawa 'to para sa'yo."

I think I wanna cry.

Ano ba 'yan! Paskong-pasko eh. Naiiyak ako!

"Mr. Park Jimin...I love you." Nakangiting sabi niya sa'kin,

"Aww. Mr. Kim Taehyung...I love you, too."

Nilapit ko 'yung mukha ko sa kanya at maglalapat na sana 'yung mga labi namin, kasoㅡ

"Tama na landi, wala namang kayo." Aray! Massaquette! Tagos na tagos sa puso. Feel na feel ko!

Ano ba 'yan! 'Yun na 'yun eh. Panira ng moment. Tss.

"Seokjin hyung naman eh! Pa-epal ka! Moment na namin 'to, bes. Naki-singit ka pa!" Sinamaan siya ng tingin ni Taehyung kaya natawa lang ako.

"Joke lang! Sige, ituloy niyo na 'yan." Natatawang sabi niya.

Tumingin ako kay Taehyung at niyakap siyang muli.

"Thank you."

"You're welcome."

Lee Chaehyun's Point of View
Nakasilip lang kami rito sa may bintana. Hindi na kami pumasok dahil baka maka-istorbo pa kami sa loob.

"I told you, wala kang pag-asa kay Jimin." Sambit ni Eunbin at tumawa ng bahagya.

Kahit gusto ko si Jimin, pero kinikilig ako sa kanilang dalawa ni Taehyung.

"Okay lang naman sa'kin. As long as masaya siya. Atsaka uuwi na kami ni Mama sa Japan next week, so hindi ko na siya muling makikita in personal. Baka nga pagbalik ko rito, mag-asawa na sila ni Taehyung eh. Char~"

Kung hindi niyo natatanong, half-Japanese po ako. Sa Japan ang hometown ni Mama, si Papa naman ang korean. So that's why dala ko ang apelyido niya.

"Ay. Oo nga pala. I will miss you, bes!" Nginitian niya pa ako.

"I will miss you, too bes!"

Okay. Ba't ang drama na namin? xD

"Oh! Anong ginagawa niyo rito sa labas?" Ay. Nandito na pala sina Mama, hindi ko namalayan.

"Wala lang naman, Ma. Hehehehe"

-

A/N

ANG CORNYYYY huhuhu TT

Para sa'kin, ang corny nito. Feeling ko kasi hindi ko kayo napakilig. Sorry naman po! :3

But still, thanks for reading :)

P.S. Sorry kung may mga typos at wrong grammars xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top