Chapter 46 - Selecta Ice Cream
A/N: Fastforward po. December 22 na sa kanila. Late nga 'diba? Wow, ang lufet xD
-
Park Jimin's Point of View
"Tangㅡ ba't ang kalat dito?"
Grabe! Bumungad sa'kin 'yung mga kalat. May balat ng candies at mga piraso ng gift wrappers. Ano ba naman 'yan!
"May basurahan naman, ang lapit-lapit eh. Nasa kusina lang." Banas na sabi ko habang bumababa ng hagdan.
"Sorry na, Jiminnie! Mamaya ko na itatapon 'yan." Sabi niya at ngumiti pa ng malapad, as in 'yung box smile niya.
"Ngayon mo na itapon, baka pagalitan pa tayo ni Jin hyung." Utos ko sa kanya pero nagpout lang siya.
"Nagkakalat rin naman siya eh. Tignan mo, sa Jin hyung kaya galing 'yang mga piraso ng gift wrappers na 'yan." Tangina.
"Kim Taehyung!" Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya.
"Fine, fine." Isa-isa niyang pinagpupulot 'yung mga kalat na nasa sahig. Hanggang sa naabutan siya ni Jin hyung na kakalabas lang ng CR.
"Oh Taehyung! Very good 'yan. May ice cream ka mamaya." Napalingon naman si Taehyung kay Jin hyung, halata sa mukha niya ang excitement.
"Talaga? Yey! Thanks, hyung!"
"Ano, angal-angal ka pa kanina ha." Natatawang sabi ko.
Bumukas ang pinto ng apartment at iniluwal nito sina Yoongi, Hobi, Namjoon at Kookie.
"Saan kayo galing?" Tanong ko sa kanila at umupo sa sofa dahil na-realized kong kanina pa pala ako nakatayo malapit sa may hagdanan.
"D'yan lang sa tabi-tabi." Sagot ni Yoongi at umupo sa sofa.
Third Person's Point of View
"Jimin, pakikuha nga ng christmas tree." Utos ng pinakamatandang si Jin sa pandak na si Jimin.
"Nasaan nakalagay?" Tanong nito at tumayo mula sa sofa,
"Nando'n lang sa bodega sa taas, 'yung malapit sa kwarto namin ni Namjoon."
Tumango na lang si Jimin at umakyat sa taas.
Meanwhile, mukhang sinasapian yata ng kasipagan si Taehyung dahil kanina pa siya nagwawalis kahit wala nang kalat. For the sake of the ice cream, kailangan niyang magsipag.
"Taehyung, tama na 'yan! Wala nang kalat oh. Napupuwing na kami rito!" Saway si Seokjin kay Taehyung na ngayo'y pinapagpag 'yung walis, halos kumakalat na ang mga dumi na naiipon ng walis.
"Tangina Taehyung, ibalik mo na 'yan sa kusina. 'Yung mga dumi, kumakalat na. Baka magkasakit tayo!" Inis na saway sa kanya ni Namjoon na panay ang pagpapaypay sa hangin gamit ang kamay.
"Okay." Nagpout lang si Taehyung at binalik na ang walis sa kusina.
Napatingin siya sa fridge nila.
"Ano kayang pwedeng makain dito?" Sabi niya at binuksan ang ref nila.
"Oy. May ice cream, hihihi. Ito ba 'yung sinasabi ni Jin hyung?" Kinuha niya 'yung Selecta ice cream na naka-display sa freezer.
Excited na excited siyang kumuha ng baso't kutsara dahil natatakam na siya sa ice cream.
Pagkatanggal niya ng takip ay nanlumo siya at napapout.
"Tangina. Karne lang ang laman? Umasa na naman ako."
Narinig naman niya ang halakhak ni Jin mula sa sala. Malamang halakhak 'yun kaya malakas.
"Na-troll ka 'no? Magtanong-tanong din kasi! Nando'n sa blue na lalagyan, may ice cream." Sigaw ni Jin kay Taehyung mula sa sala. Inaayos ngayon ni Seokjin ang christmas tree para lagyan ng decorations.
At dahil sa sinabing 'yon ni Seokjin ay biglang nagliwanag ang mukha ni Taehyung. Binalik niya sa freezer 'yung "selecta ice cream" at kinuha 'yung blue na tupperware na may laman na ice cream daw sabi ni Seokjin.
Binuksan niya ito at napanganga siya sa nakita niya. Punong-puno ng ice cream ang laman nito.
"This is hebeeeen!"
"Hoy, magtira ka ha, 'wag mong ubusin 'yan! Hindi sa'yo lahat 'yan!" Sigaw muli ni Seokjin sa kanya.
Naghum lang ni Taehyung bilang sagot at naglagay na ng ice cream sa kanyang baso, halos pinuno niya ito ng ice cream. Because ice cream is his favorite.
Oh! Same with Author, ahue xD
Binalik na niya ang ice cream sa refrigerator at saka bumalik sa sala habang may dalang baso ng ays krimㅡeste ice cream, at umupo sa sofa.
"Pahingi ako, hyung." Sabi ni Jungkook pero nilayo ni Taehyung 'yung baso kaya napapout si Jungkook.
Aww. Poor Kookie.
"No! Akin lang 'to. Kumuha ka do'n." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.
Parang batang hindi pinakain ng isang linggo si Taehyung. Dahil ang kalat niyang kumain at natutuluan pa ang kanyang t-shirt na suot, pati na rin 'yung sofa ay natutuluan na rin, at may mga bakas pa ng ice cream sa paligid ng kanyang bibig.
{A/N: Anak, pinapakain naman kita ha. Bakit ka ganyan? Huhuhu}
"Ew, hyung! Kadiri ka." Umalis naman si Jungkook sa tabi ni Taehyung at lumipat sa kabilang sofa dahil nga kadiri si Taehyung.
"Kim Taehyung! Maghilamos ka nga do'n ng mukha at magpalit ka ng damit. Para kang bata! Nako!" Saway sa kanya ni Seokjin na agad namang sinunod ni Taehyung.
Ganyan talaga kapag masarap ang kinakain mo, lalo na kapag paborito mo ito. 'Yung feeling na wala kang paki kung makalat ka or hindi, basta enjoy mo lang 'yung pagkain mo.
Okay, sa kabilang dako naman. Nakaupo ngayon sa sahig si Yoongi dahil nandiri rin siya sa kababuyan ni Taehyung. Kasalukuyang nakahiga si Hoseok sa lap niya.
"Yoongi-ah!" Pagtawag ni Hoseok sa boyfriend niya at naghum lang si Suga bilang respond dahil naglalaro siya sa phone niya.
"Anong gagawin natin sa Christmas?" Tanong nito kaya napatingin sa kanya si Suga,
"Uhm..kakain?" Nag-aalangang sagot niya.
"I mean, 'yung tayong dalawa lang." Sabi ni Hobi at kinagat ang ibabang labi niya.
"Ikaw ang bahala. Ano bang gusto mong gawin sa pasko?" Tanong ni Suga sa kanya pabalik.
"Gusto ko sa Amusement Park." Nakangiting sabi ni Hobi kaya napangiti na rin si Suga.
"Hmm..sige, sabi mo eh."
"Siguraduhin mong afford ng budget mo 'yan ha! Baka sa fastfood chain mo na naman ako dalhin. Nako! Makikipagbreak talaga ako sa'yo, Min Yoongi, sinasabi ko sa'yo."
Pero syempre, hindi niya naman 'yun tototohanin dahil mahal na mahal niya si Min Yoongi.
"Okay, fine! Ayoko namang makipagbreak ka sa'kin 'no. No way in hell!" Sabi ni Suga kaya napangiti na lang ulit si Hoseok.
"I love you talaga~ Yoongi~"
"I love you more."
Naistorbo ang kanilang paglalandianㅡeste sweet moment dahil isang bitter na alien ang sumabat sa kanila ng, "Che! Walang poreber!"
Tumawa na lang ang YoonSeok couple sabay sabi ng "Bitter!"
Inirapan lang sila ni Taehyung at saka umupo sa tabi ni Jimin na busy sa pagse-cellphone.
"Yah! Jiminnie! Chimchim! Jimbles! Jimin-ah! Jamless! Park Jimin! Oh my gosh! Jimin-hyung!"
"What is it, Kim Taehyung?"
"Why are you ignoring me, Park Jimin?"
"No, I am not."
"Yes, you are."
Gosh! 'Wag kayong mag-english, nanonosebleed ako sa inyo :3
"Kim Taehyung! I'm not ignoring you, okay?"
"Okay. If you say so." Ngumiti naman si Taehyung at hinagkan sa pisngi ang nakatatanda kaya nagulat si Jimin at muntik pang magdikit ang kanilang mga labi.
#Sayang :3
"What was that for?" Asked Jimin, who is now all red. He is blushing.
"Nothing." Sagot lang ni Taehyung at humiga sa lap ni Jimin.
Bumuntong hininga lang si Jimin kasabay ng pag-rolyo ng mga mata niya.
"I don't know why I love you, Kim Taehyung." Natatawang sabi ni Jimin,
"Because I'm cute and you can't resist my cuteness!" Sagot ni Taehyung at nag-aegyo pa kaya natawa na lang si Jimin.
Jimin loves Taehyung because first, he's cute and too kind. But most of all, he loves him because Kim Taehyung is Kim Taehyung no matter what happen.
"Yeah, right. Yes, you are!"
-
A/N
Emerghed! Ano bang pinagsusulat ko? xD Actually, ka-random-an lang 'to ni Taehyung at ng kanyang Selecta ice cream, huehue xD Sorry po kung may mga typos at maling grammar, let me know kung meron hihihi.
By the way, today is December 30. Birthday ng anak ko ngayon emerghed! 😍😍
Kim Taehyung, saeng-il chukhahamnida! 22 years old ka na! OMG! (Mag-ina po kami pero mas matanda siya. Ang lufet, 'no?)
At Happy Birthday din sa tatay kong banal (na ngayo'y hindi na xD) Joshua Hong Jisoo! ^^
And by the way again, salamat sa pagbabasa nitong walang kwentang chapter na 'to. Labyu all! 💕
P.S. Share ko lang. 1 fact about me. Parehas po kami ng ngiti ni Taetae, boxy smile. Natural po since birth ^^ Ge, 'yun lang :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top