Chapter 45 - Happy
Kim Taehyung's Point of View
"Guys!" Hinila ko sina Hoseok at Jin hyung. Medyo lumayo kami kina Jimin para hindi nila marinig 'yung pag-uusapan namin.
"What?" -Jin hyung,
"So, what's the plan?" -Hoseok,
"May naisip ako. Bakit hindi natin gawin 'yung surprise sa garden natin? Maayos naman na idea 'yun ha!" Suggestion ko.
Oo, may garden kami, hindi lang halata. Nabasag pa nga nina Jimin at Jungkook dati 'yung favorite vase ni Jin hyung eh.
{A/N: Remember, sa chapter 1? xD}
"Ang cheap! Bakit sa garden lang?" Reklamo ni Hoseok at nagcross-arms pa.
"Saan gusto niyo, sa restaurant, ganern? Ang common na, atsaka hindi ko afford." Sabi ko at tumawa ng konti.
"What the hell!" Halos sabay nilang sabi. Grabe!
"Mas maganda siguro kung magbigay kayo ng suggestions 'no? Nang hindi ako nahihirapang mag-isip dito tapos mag-cocomplain kayo. Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" Sabi ko sa kanila at nirolyo ko ang mga mata ko.
"Alam ko na! Do'n sa coffee shop na pinagtrabahuan ko dati, pwede do'n. Itatry kong kausapin 'yung manager kung papayag." Suggestion ni Jin hyung.
Hmm..
"Pwede rin, hyung. Magandang idea 'yan!"
"O kaya..uhm, eh kung do'n na lang mismo sa loob ng apartment. Atleast nakakatipid tayo." Suggestion naman ni Hoseok,
"Pwede rin. Do'n sa apartment or coffee shop?" Tanong ko,
"Ikaw ang bahala, suggestion lang naman namin 'yun."
Tumango ako ng saglit, "Jin hyung, try mong kausapin 'yung manager ng coffee shop. Pero kung hindi papayag, dito na lang sa apartment natin gawin 'yung surprise."
Tumango-tango si Jin hyung, "Sige, sige."
"Kailan ba natin gagawin 'yung surprise?" Tanong ni Hoseok,
"Uhm..saㅡ"
"Hey guys! Ano bang ginagawa niyo dyan? Halina kayo rito!" Pa-epal lang, Yoongi? Tss.
Si Namjoon, hingal na hingal. Galing kasi sa parking lot, nilagay 'yung pinamili namin para hindi kami mahirapan.
Sumunod na lang kami kina Yoongi. Naglalakad lang kami rito sa Mall. Sumasakit na nga ako mga paa ko.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko, "Ang sakit na ng paa ko."
Gusto kong itapon 'yung rubber shoes na suot ko. Magkakapaltos yata ako sa sakit ng paa ko. Medyo maliit na kasi para sa paa ko 'tong rubber shoes kaya medyo masakit na sa paa kapag sinuot. Hayst. Sorry, wala nang budget, pinambili ko na ng regalo.
Aba! Syempre, uunahin ko sila bago ang sarili ko. Hindi naman kasi ako makasarili 'no.
"Gusto ko sa arcade." Sabi ni Jungkook habang nagtatatalon pa. Parang bata.
"Hindi. Mag-sine na lang tayo." Sabi ko kaya napatigil sa pagtalon si Jungkook at nagpout. Nako! Kung hindi lang siya cute, sinapak ko na siya.
"Ang mahal ng ticket, Taehyung. Nuh ba! Mag-arcade na lang tayo." Sabi ni Seokjin hyung habang naka-akbay sa kanya si Namjoon. Luh?
"Eh~ ayoko sa arcade!" Ayoko do'n, okay? Ayoko do'n!
"Eh~ gusto ko sa arcade."
"Tara, sa arcade tayo."
Bakit ba kasi si Jungkook 'yung pinakabata? Tss. Pangalawa naman ako sa pinakabata, pero ayaw nila akong pagbigyan.
Huhuhu nakakasakit sila ng feelings :3
Nakacross-arms lang ako habang naglalakad kami papuntang arcade. Bumuntong hininga ako at nirolyo ang mga mata ko. Bata na kung bata pero...aish!
"Yah! You okay?" Nagulat ako nang may umakbay sa'kin, si Jimin pala.
Nag-hum lang ako at tumango bilang sagot.
"Gusto mo, mag-solo tayo? Saan mo ba gustong pumunta?" Nagblush ako saglit. Enebe yen! Kenekeleg eke!
Ay puta! Ang landi. Ew.
"Kahit saan basta kasama ka." Nag-wink pa 'ko. Muntanga. Wala ako sa sarili kaya 'yan ang nasabi ko.
"Are you..flirting..with me?"
TANGINAAAAA.
"Perharps. Yes, I am." Kunwari na lang hindi ako kinikilig.
"Tss. Kapag ako nag-flirt sa'yo, tamo!"
"Eii~"
Hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa loob ng arcade.
"Hyung, lalabas lang kami. Ayaw ni Taehyung dito eh." Sabi ni Jimin habang kinakalabit si Jin hyung.
"Sige. Magtetext na lang ako kung uuwi na." At ngumiti siya.
Hinila ako ni Jimin palabas ng arcade.
"Saan mo nga gustong pumunta?"
Hmm.
"Alam mo, umupo muna tayo. Kanina pa sumasakit ang paa ko eh." Umupo kami sa isang bench malapit sa arcade at ginalaw-galaw ko ang mga paa ko kasi sobrang sakit na talaga.
"Tsk. Alam nang ang liit na sa'yo 'yang sapatos na 'yan, sinusuot mo pa rin." Umiiling na sabi niya.
"Wala na 'kong ibang sapatos kundi ito na lang." Sagot ko at nagpout.
Tumayo siya at lumuhod sa harap ko. Hala! Anong gagawin niya? 'Will you marry me' na ba? Wala pa ngang 'Will you be my boyfriend' eh. Hala! Ang bilis naman.
Enebe!
Hindi pa 'ko ready!
Ay. Tinanggal lang pala 'yung sapatos ko. Hayst. Masyado akong umasa.
"Namumula na 'tong paa mo." Nilapag niya sa tabi ko 'yung rubber shoes ko at minasahe ang paa ko.
"Oh my god. Jimin, what are you doing?"
"Massaging your foot, obviously. Para hindi na masyadong sumakit."
"Aww. How so sweet. OMG! I love you."
"Kailangan ko bang sagutin 'yan?" Natatawang tanong niya,
"Ikaw ang bahala." I grinned pero natatawa ako.
Tumawa siya ng bahagya, "I love you more."
OWEMJI! Emerghed! I think I'm gonna die. Why you do this to me? Why?
Tumigil na siya sa pagmasahe ng paa ko at umupo sa tabi ko.
"So?"
"So..what?"
Okay. Bakit naging awkward 'yung atmosphere namin? Hindi ako sanay :3
"Ang bango pala ng paa mo 'no." Bigla siyang nagsalita.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Che!"
Tumawa siya, "Bakit? Totoo naman eh."
"Ewan ko sa'yo."
"Suotin mo na 'yang sapatos mo. Magsisine tayo."
"Really?" Biglang nagliwanag 'yung mukha ko nung sinabi niyang 'sine'.
"Oo nga. Ayaw mo? 'Wag na lang, ayaw mo yata eh."
"Eto naman eh. Syempre gusto ko."
Sinuot ko na ang sapatos ko at tumayo. Tumayo na rin siya at inakbayan ako kahit mas matangkad ako kaysa sa kanya.
Pagkarating namin sa Movie World ay pumila kaagad si Jimin.
"Ikaw na ang bumili ng popcorn at drinks, ito pera."
Inabot niya sa'kin 'yung pera pambili at kaagad akong pumila sa bilihin. Mabuti't maikili lang ang pila.
May isang babaeng sumingit sa'kin. Aish! Hindi ba 'to marunong pumila?
Nirolyo ko na lang ang mata ko at hinayaan na siya.
When it's my turn, nakatitig lang sa'kin 'yung babae na tagabenta.
Eto na naman 'yung mga titig nila. Ano bang problema sa mukha ko? Masyado ba 'kong gwapo para titigan nila? Tss.
"Uh..Miss?"
At nabalik naman siya sa ulirat, "Ay, sorry. Ano po sa inyo, Sir?"
"Dalawang large popcorn at dalawang large coke."
Paki niyo sa large popcorn? Gutom ako, nuh ba! Wag kayo :3
"Here na po, Sir." Binigay na sa'kin 'yung order ko at nagbayad na 'ko.
Lumapit sa'kin si Jimin habang may dalang dalawang tickets.
"Aish! Ikaw maghawak nitong ticket." Binigay niya sa'kin 'yung tickets at kinuha ko naman ito.
Tinignan ko ito at *insert movie name here*? Okay.
{A/N: Sorry. Wala akong maisip na movie, kayo nang bahala mag-imagine}
Kinuha ko 'yung isang coke at si Jimin nang bahala do'n sa dalawang popcorn at isang coke.
*****
After naming mag-sine, ay papunta kami sa foodcourt. Oo, sa foodcourt ulit.
Pagkarating namin sa foodcourt ay umupo kami sa bakanteng upuan. Nandito kami hindi para kumain kundi para tumambay. Ang sakit na naman kasi ng paa ko.
"Taehyungie.." Napalingon ako sa kanya,
"Huh?"
Nilapit niya 'yung mukha niya sa mukha ko. Oh fudge!
"J-jimin?"
Oh shit, oh shit. Bakit hindi ko siya tinutulak? Kyaaaaaaaah!
Pumikit na lang ako at hinintay na dumampi ang labi niya sa labi ko.
Ilang segundo akong naghintay pero wala pa rin. Luh?
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nagse-cellphone. Hala! Punyeta!
Umasa na naman ako. Palagi na lang akong umaasa pero sa huli, ako rin naman ang masasaktan.
Okay, ba't ba ang drama ko? :3
"Nagtext si Jin hyung. Uwi na raw tayo. Tara!"
Tumango lang ako at tumayo na. Tumayo na rin siya at inakbayan akong muli kahit mas matangkad ako kaysa sa kanya.
Pumunta kami sa parking lot at hinanap 'yung Van. Agad kaming sumakay dahil kami na lang pala ang hinihintay.
"Let's go home! Yey!" Sabi ni Hobi at nagdrive. Yung katabi niyang si Yoongi, tulog na. Ang bilis naman!
"Hyungdeul, sa'tin daw magpapasko sina Eunbin, kasama sina Chaehyun."
Dafaq! What?
Bakit kasama pa si Chaehyun? Argh!
"Okay lang naman sa'min, maliban sa isa d'yan. 'Diba Taehyung?" Tangina mo Jung Hoseok!
Nirolyo ko lang ang mga mata ko at nagsight-seeing na lang sa may bintana.
Basta ayoko kay Chaehyun. Tapos!
-
A/N
Ano bang mga pinagsusulat ko? Huehue xD
Thank you :D
P.S. Happy Birthday TWICE's Sana. Emerghed! ^^ 사랑해 💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top