Chapter 44 - Buying Gifts
A/N: Emeghed 44! HAHAHAHAHA. Anyway, sino po ba rito ang galit na galit or inis na inis kay Chaehyun? Grabe naman po kayo! HAHAHAHA let me know guys in the comment and bakit kayo naiinis sa kanya hahaha! [/hindi pinansin; inamag; xD
P.S. This chapter is a bit cliché ^^
-
Min Yoongi's Point of View
"YAAAAH! MIN YOONGILAGID! GISING NA ANTUKING GILAGID!"
Tangina. Ang ingay! Atsaka grabe makapanlait 'tong kabayong 'to. Bwiset! Bahala siya dyan, inaantok pa 'ko :3
"SYUUUGAAA!"
Argh.
Napabangon ako ng wala sa oras. Inaantok pa 'ko, ano ba!
"Jung Hoseok! What?"
Nagpout siya, "Kanina pa kita ginigising eh,ayaw mong magising. 10 o' clock na kaya."
Teka. Ang alam ko, maaga akong natulog kagabi, 7:00 yata, I guess. Tapos 10:00 ako nagising? Gano'n ba 'ko kahaba matulog?
"10:00 na? Talaga?"
"Opo kaya. Hindi ka pa nga kumakain ng breakfast eh. Nako! Brunch na 'yan!"
Brunch?
"What is Brunch even?"
"Brunch. Breakfast plus Lunch equals Brunch hihihi."
"Tss. Ang dami mong alam. Sige, bumaba ka na. Susunod na 'ko."
Nagpout siya ulit. Stop it! Baka mahalikan ko 'yan, nako!
"Bilisan mo na! Bababa na 'ko, ha." Ngumiti siya bago lumabas ng kwarto namin. 'Namin'? Parang mag-asawa lang xD
Niligpit ko na 'yung pinaghigaan ko at saka bumaba na. Dumeretso akong CR para magmumog at maghilamos.
Pagkatapos ay lumabas na 'ko at demeretso sa dining area.
"Ano bang pagkain meron?" Tanong ko,
"Nandyan, nakatakip, mamili ka na lang."
Binuksan ko 'yung nakatakip at napakunot ang noo ko dahil isang pirasong fried chicken lang naman ang nakita ko. What the hell! Ang pipiliin ko rito?
"Ano bang pagpipilian ko rito? Eh isang pirasong fried chicken lang naman 'tong nandito. Akala ko pa naman meron pang iba."
"Kaya nga! Mamili ka na lang kung kakain ka or hindi."
Ay, tangina.
"Ge, kakain na 'ko."
Umupo na 'ko para kumain. Ang daya nila! Hindi man lang nila ako ginising kanina, edi sana sabay-sabay kaming kumain. Kung kailan 10:00 na, saka ako gigisingin. Hayst.
Teka. Bakit medyo sunog 'tong chicken? Si Taehyung siguro nagluto nito.
"Hobi, sinong nagluto nitong chicken?" Tanong ko,
"Si Jin hyung."
"Si Seokjin? Eh bakit parang sunog? Akala ko tuloy si Taehyung ang nagluto nito."
"Muntik niya na kasing makalimutan na may niluluto pala siya, nakikipaglandian kasi kay Namjoon. Tss. Hayaan no na, kainin mo na 'yan, masarap naman eh."
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Teka, nasaan pala sila?"
Kanina ko pa napapansin na wala 'yung lima pero ngayon lang ako nagtanong.
"Lumabas lang saglit." Sagot niya at tinuon na ang mata sa phone niya.
Tumango na lang ako at kumain na lang ulit.
Grabe naman! Isang fried chicken lang ang natira sa'kin, hindi man lang ginawang dalawa. Tss. Ganito ba ang epekto ng late ang magising? Aish!
"HEY GUYS! WE'RE BACK!"
Biglang umingay ang atmosphere dahil kay Taehyung.
"Guys, maligo na kayo't magbihis. Mamayang mga 11 o' clock, aalis na tayo para maaga tayo makauwi." Anunsyo ni Jin habang nakapamewang pa malapit sa pinto.
Mukha siyang nagpipictorial pero walang photographer. Para siyang tanga sa may pintuan :3
"Yow! Yoongi!"
"What is it, Park Jimin?"
Nginitian niya lang ng napakalapad. Tss.
"Oo na, oo na. Hindi ko pa 'yun nakakalimutan. Tss."
"Thanks, Yoongi hyung!" Ngumiti ulit siya, 'yung halos hindi na makita 'yung mata niya.
Napailing na lang ako pero natawa pa rin. Alam ko na kung bakit gustung-gusto siya ni Taehyung. Dahil cute siya, oo, cute si Jimin.
time skip >>>
Park Jimin's Point of View
"Hyung-deul!"
Bigla kong hinila sina Yoongi at Namjoon.
Tapos nagtaka ako nang hilain ni Taehyung sina Jin hyung at Hoseok hyung.
"Hala! Kanino ako sasama?" Pagmumukmok ni Jungkook,
"Dito ka!" Hinila ni Namjoon si Jungkook.
Nandito kami ngayon sa Mall para mamili ng regalo.
"Teka. Ano bang mayroon? Maglalaro ba tayo? Bakit tayo naka-grupo sa dalawa?" Takang tanong ni Taehyung habang nakakunot ang noo.
"Aba! Ewan ko sa'yo. Ba't mo ba hinila sina Jin hyung at Hoseok?" Tanong ko sa kanya. Malay ko ba kung ginaya niya lang pala ako or what.
"Hindi ko rin alam, ginaya lang kita eh."
Halos mapa-poker face kaming lahat. Sabi na eh. So wala siyang alam sa nangyayari? Mabuti naman kung gano'n!
"Sige, since nakahati na tayo sa dalawa, maghiwa-hiwalay muna tayo. Kayo dyan, dito kami." Sabi ni Namjoon at sikreto akong ngumiti.
Tumango lang sina Taehyung at naglakad na papuntang kabilang side. Kami naman ay naglakad na papunta sa isa pang kabilang side.
"So?" Panimula ako.
"Ano bang pwedeng bilhin para kay Eunbin?" Tanong ni Jungkook,
"Ano bang hilig ng girlfriend mo?" Tanong pabalik ni Yoongi kay Jungkook,
"Uhm..panda."
"Edi bilhan mo ng stuffed toy na panda, I'm sure magugustuhan niya 'yun, plus galing naman 'yun sa'yo kaya oaniguradong magugustuhan niya 'yun, promise." Suhestiyon naman ni Namjoon, na dapat yata isasagot din ni Yoongi kaso nga naunahan ni Namjoon LOL
"Good idea 'yan, hyung! Sige, thanks!" Tapos bigla siyang umalis, "Magkita na lang tayo sa foodcourt." Sigaw niya bago makalayo ng tuluyan.
Lokong bata! Bigla-biglang umaalis, tsk.
Kim Taehyung's Point of View
"Aish! Ano bang pwedeng iregalo kay Namjoon?"
"Atsaka kay Yoongi."
Edi sila nang may lovelife. Jusko! I'm just gonna love mahself xD
"Iregalo niyo na lang mga sarili niyo." Natatawang sagot ko. Aba malay ko ba kung anong gusto ng mga 'yun xD
"Ang bastos!" Akmang hahampasin ako ni Jin hyung pero hindi niya na tinuloy.
"Hyung, ang bastos nakahubad, special kapag nakatuwad." Sabi ko saka tumawa. Wala na 'kong masabing matino, sorry xD
Sinamaan ako ng tingin ni Jin hyung. Ngumiti lang ako at nag-peace sign.
"Guys, bibili pa ba tayo ng mga regalo or what?" Napalingon kami kay Hoseok.
"Ay, sorry."
Naglakad-lakad na kami rito sa Mall. Naghiwa-hiwalay kami para bumili ng regalo. Sabi ni Jin hyung, magkita-kita na lang daw kami sa food court.
Hindi ako sanay na mag-isa sa Mall pero kabisado ko naman ang pasikut-sikot dito kaya okay lang.
Pumasok ako sa Department store. Ano kayang pwedeng bilhin kay Jimin? Damit na lang kaya? Magugustuhan niya naman siguro 'yun.
Naglibot-libot pa ako rito sa loob ng Department store, baka sakaling may makita ako na pwede kay Jimin.
Sa kakalibot ko, napatigil ako sa isang damit. Isa itong T-shirt na may nakasulat na 'I'll Be Your Man'
Teka. Parang ito 'yung damit na tinititigan ni Jimin dati. Oo, naalala ko pa 'to.
Tinignan ko ang size pero medium ang nakalagay. Hala! Small ang size ni Jimin. Mayroon kaya silang small nito?
{A/N: Ang saket nung small LMAO}
Ito na lang kaya? Magkano kaya 'to? Sapat kaya itong perang mayroon ako? Hala!
"Yes sir, ano po 'yon?" Biglang may saleslady na lumapit sa'kin.
"Mayro'n ba kayong small nito?" Tapos tinuro ko 'yung damit na napansin ko.
"Uhm..teka lang sir, titignan ko po." Sabi ko at tumango lang ako.
Umalis na 'yung saleslady para maghanap kung may stock silang small. Habang naghihintay, nagtingin-tingin pa 'ko ng pwedeng bilhin.
May nakita akong keychain na bunny. Oh! Ang cute~ parang si Jungkook xD
Bilbili ako nito tapos ito na lang ang ireregalo kina Hyung atsaka kay Jungkook, ahue. Syempre kay Jimin 'yung special ^^
Bumalik ako do'n sa may damit at nando'n na 'yung babae, may dala-dalang damit na kagaya nung nakita ko.
"Ay sir, ito na po. Para kanino po ba? Sa inyo po ba?"
"Ah hindi. Para sa bestfriend ko." Bestfriend ko na future boyfriend ko, ahuehue.
"Ah! Ang sweet naman!" Nginitian ko lang siya,
"Sige sir, enjoy your shopping!"
"Thank you."
Mukha akong pabebe na ewan dito, nagbow pa 'ko do'n sa saleslady.
Pumunta akong counter para magbayad sa cashier. Nakasabay ko pa sa pila si Hoseok.
"Yah Hoseok!"
"Oy, Taehyung!"
Nagngitian lang kami bago naging awkward 'yung atmosphere namin.
Alam niyo 'yung mga awkward na magkakilala? 'Yung magbabatian lang then awkward na? Gano'n 'yung sa'min ni Hoseok.
After niyang makapagbayad ay ako na ang sumunod. Nakatitig lang sa'kin 'yung cashier. Bakit? May problema ba siya sa mukha ko? Tss, ang cute ko kasi xD
"Uh..miss?"
Nabalik siya sa ulirat at bigla na lang namula, "Ay sorry." Ngumiti siya ng awkward at sinimulang i-scan 'yung mga pinamili ko.
After kong magbayad ay nagsabay na kami ni Hoseok papunta sa foodcourt. Baka nando'n na si Jin hyung, sabi niya kasi do'n daw kami magkita-kita eh.
Nang makarating kami do'n ay hinanap namin siya. At nakita naming kasama niya sina Jimin.
"Yow!"
Lumapit kami do'n at umupo ako sa tabi ni Jimin. Umupo naman si Hoseok sa tabi ni Yoongi.
Park Jimin's Point of View
{Ito 'yung bago nila nakatabi si Jin}
Nandito kami ni Jungkook sa foodcourt, naghihintay kina Yoongi at Namjoon. Nagkasabay kasi kami ni Jungkook sa Penshoppe kanina.
"Ang tagal naman nina Hyung." Naiinip na sambit ni Jungkook.
"Chill ka lang, darating din 'yung mga 'yun." Sabi ko sa kanya at tumango lang siya.
"Yow guys!" Ah! Nandito na pala sila.
"So?" Pambungad ni Yoongi hyung at umupo na silang dalawa.
"Guys, tutulungan niyo 'ko kay Taehyung ha." Panimula ko.
"Ano bang tulong ang gusto mong ibigay namin sa'yo?" Sabi ni Namjoon. Wait. Medyo ang lalim no'n ha.
"Ganito kasi. Medyo common na 'yung pagpo-propose sa restaurant. So ang naisip ko, sa school natin dati, do'n natin gawin 'yung surprise para kay Taehyung. Ayos ba?"
"Good idea 'yan, hyung!" Pagsang-ayon sa'kin ni Jungkook.
"Jungkook agreed. How about you guys?"
"Ayos sa'kin 'yun. Atsaka namiss ko 'yung school kaya gusto ko ring puntahan 'yung school natin dati." Pagtango ni Yoongi hyung,
"Ikaw, Namjoon hyung? How about you? Good idea 'yun, right?" Tumawa pa ako ng konti.
"I agree with you. Ang kinakatakot ko lang, baka dumugin ka ng mga students and teachers do'n. Remember, famous ka dati, 'diba?"
Totoo 'yun. 'Famous' ako sa school namin dati. I mean, 'yung tipong papasok lang ako ng school or classroom ay magsisigawan na ang mga students. Ilang taon kong pinagtiisan 'yung mga sigawang 'yun.
Pati nga mga teachers, halos mabaliw sa'kin. Hindi sa nagmamayabang ako pero 'yun ang totoo. Anyway, past is past! Kalimutan na natin 'yun, nakaraan na 'yun xD
Ang gwapo ko talaga! ^^
"Hyung, dati 'yun. Atsaka mga bagong students na ang nando'n, baka nga pati teachers ay bago na rin."
"Oo nga naman. Oh sige, agree ako sa naisip mo."
Yey!
"Thanks guys!"
"Kailan ba natin gagawin 'yung surprise para kay Taehyung?"
"Saㅡ" Naputol 'yung sasabihin ko dahil biglang sumulpot out of nowhere si Jin hyung.
"Hey guys! Nandito rin kayo?"
"Yup."
"What are you guys talking about?"
"Explain namin sa'yo mamaya."
At sakto namang dumating din sina Taehyung at Hoseok. Whutt?
"Yow!"
"So?" Umupo na si Taehyung sa tabi ko at si Hoseok naman ay tumabi kay Yoongi.
"Let's buy some food. What do you want guys?" Tanong ni Namjoon at saka naglabas ng wallet. Aba! Ang yaman xD
"Ramyeon!" Halos sabay-sabay naming sabi.
Bumuntong si Namjoon kaya natawa kami, "Aish, fine! I'll be back." Umalis siya para bumili ng ramyeon.
"Yey!"
-
A/N
Merry Christmas guyseu! ^^
사랑해 💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top