Chapter 42 - Triple Date

Jung Hoseok's Point of View
"HELLO PEOPLE OF THE WORLD! GOOD MORNING!" Sobrang saya naman ngayon ni Taehyung. Anong meron? Anong nangyari?

"Ang saya mo ngayon, ha? Anong meron? Kwento ka naman!" Sabi ko sa kanya.

"Wala lang. Trip ko lang maging masaya." Sagot niya at ngumiti pa ng pagkalaki-laki.

"Pwede ba 'yun? Trip mo talaga lang maging masaya, ganern? Hala!" Minsan talaga, may sapak sa utak 'tong Kim Taehyung na 'to. Ay mali, palagi pala xD

"Oy, may event daw sa xxx Mall para sa mga couples. Punta kayo ni Yoongi." Sabi sa'kin ni Namjoon.

Napatingin naman si Yoongi, "What? Kailan? Saan?"

"Sa xxx Mall nga, sa may fourth floor. Mamaya, mga 1:00 ng hapon."

Napansin kong nagkatinginan sina Taehyung at Jimin nang marinig 'yung sinabi ni Namjoon. Bakit? Anong masama sa sinabi ni Namjoon?

"Huwag! 'Wag kayong pupunta do'n! Promise, pagsisisihan niyo." Sabi ni Jimin na ikinakunot ng noo ko.

"At bakit naman? Inggit ka lang, lol."

Nirolyo niya ang mga mata niya, "Bahala kayo kung gusto niyong pumunta since couple naman kayo." Sabi niya at umupo sa sofa sabay kuha ng remote.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na siya pinansin. Ano bang ibig niyang sabihin? Nakapunta na ba siya do'n?

"Gusto mo bang pumunta?" Tanong ni Suga sa'kin.

Parang gusto kong pumunta. Na-curious kasi ako sa sinabi ni Jimin. Ano kayang meron do'n?

"Sige." Sagot ko na lang kasi curious talaga ako sa sinabi ni Jimin.

"Ay teka nga, Namjoon. Saan mo nalaman 'yun?" Tanong ko kay Namjoon. Curious lang din.

"Nabasa ko lang somewhere. Naisip ko na i-share sa inyo."

"Sali kaya kami ni Eunbin?" Biglang sabat ni Jungkook.

"Pwede rin. Dali, para tayong apat." Nakangiting saad ko.

"Sige, wait. Text ko lang si Eunbin." Sabi niya at kinuha ang phone niya na nakalapag sa center table.

Park Jimin's Point of View
"Gusto mo, punta tayo?" Bulong ko kay Taehyung, 'yung as in siya lang ang makakarinig.

"Ayoko na 'no. Atsaka, hindi naman tayo magboyfriend."

Awts. Ang sakit no'n, ha. Pero tama nga naman, hindi kami magboyfriend.

"Pwede naman siguro. Dati nga, napagkamalan tayong magboyfriend 'diba?" Pumayag ka na kasi, Taehyung.

"Ehh~ gusto mo, magpanggap tayong magboyfriend? Ayoko nga! Gusto ko, totoohanin natin hihihi." I mentally facepalm.

"Gosh! Taehyung!"

Ayoko ng agad-agad. Gusto ko, 'yung mag-eeffort muna ako tapos mapapaiyak siya kaya sasagutin niya 'ko. Oh 'diba? Maganda 'yung gano'n!

Kesa 'yung ginawa ni Yoongi. Jusko! Ang cheap. Wala man lang effort. Nag-confess lang siya then bam! Sila na agad ni Hoseok. Wow! Ang galing lang xD

Ang gusto ko 'yung bongga. 'Yung may effort, 'yung hindi cheap. Kaso hindi ko alam kung paano gagawin 'yun. Hays.

"Arte mo, Taehyung!"

"Sige na nga, punta tayo! Basta ayoko nang umiyak. Halos ma-trauma na kaya ako."

Tinawanan ko lang siya. Ang cute niya~ ba't ganun?

time skip >>>

Min Yoongi's Point of View
Nandito na kami sa xxx Mall, sa may fourth floor kung saan nakalocate 'yung event.

By the way, kasama namin sina Jungkook, Eunbin, Taehyung at Jimin. Oo, sumama 'yung magbestfriend na 'yan. Gusto raw kasi nila sumama at sumali.

Aish! Sila 'tong nagsabing 'wag pumunta kasi baka pagsisihan lang daw pero eto sila ngayon, kasama namin. Hays.

At eto ngayon si Hoseok, kapit na kapit sa braso ko. Ang clingy niya, jusko! Kung hindi ko lang mahal eh.

Oh! 'Wag kayong kiligin, ha. Nako!

"Ano bang meron dito?" Tanong ko at pinalibot sa paligid ang mga mata ko.

"Ewan ko." Sagot ni Jungkook at ginaya 'yung ginawa ko.

Napagpasyahan namin na umupo muna dahil kanina pa kami nakatayo.

At hanggang ngayon, nakakapit pa rin sa braso ko si Hoseok. Jusme naman!

"Hoseok naman! Bumitaw ka muna. As if namang may kukuhaㅡ"

At bigla na lang dumilim at hindi ko na naramdaman ang presensya ni Hoseok. Oh shit.

"Yoongi!" Rinig kong pagtawag sa'kin ni Hoseok.

Oh shit again. What is this? Eto ba 'yung sinasabi ni Jimin? The fck!

Jeon Jungkook's Point of View
Hindi ko alam pero bigla na lang dumilim dito. 'Yung as in, wala akong makita. Para akong bulag. At hindi ko na rin maramdaman ang presensya ni Eunbin, kahit hininga niya ay hindi ko maramdaman.

What the fck! What is this? Horishit lang! :3

At biglang nagbukas 'yung ilaw at wala na nga sa tabi ko si Eunbin. Sina Jimin hyung at Suga hyung, wala na rin sa tabi nila sina Taehyung hyung at Hobi hyung. Ganun din 'yung iba.

Inuulit ko, what the fck! What is this? Horishit lang! :3

Tumingin kami sa harap at do'n ay may nakita kaming maraming pinto na may mga naka-indicate na mga numbers.

Okay! Parang alam ko na 'to. Kailangang mahanap namin 'yung mga partners namin sa isa sa mga pinto na 'yan. In just one try.

Okay, I knew it.

Medyo mahirap pero kakayanin ko. Kailangang mahanap ko si Eunbin in just one try.

"Mukhang alam niyo na ang gagawin, right?" May narinig kaming isang boses.

"Remember, just one try. Ang magkamali, hindi na maaaring magpatuloy sa program, understand?"

Ah, okay.

"NOW. GO!"

Uh..Teka! Anong gagawin ko? Sa dami ng pinto, hindi ko alam kung saan ako tatapat.

Natira na lang 'yung door number 14 kaya wala akong choice kundi ang do'n tumapat. Hopefully na lang, nandito si Eunbin. Hays.

"Sana nandito sa pintong ito si Eunbin." Bulong ko sa sarili ko.

Napansin kong ang daming nakakuha ng maling partner. Ang awkward no'n siguro.

Si Yoongi hyung, nahanap niya si Hoseok hyung. Nasa door number 18.

Si Jimin hyung naman, nasa tapat ng door number 13, which is katabi ko lang, may space lang ng konti.

"Hyung, sure kang nandyan si Taehyung hyung?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nanlaki ang mga mata niya, "Jiminnie!" Agad silang nagyakapan.

Orayt! Na-stuck ako rito. Hindi ko kasi sure kung nandito si Eunbin. Pero tiwala lang! Nandito siya, okay? Nandito siya!

Dahan-dahan kong binuksan ang pintong katapat ko at hindi ako makapaniwala. NANDITO NGA SI EUNBIN!

"Jungkookie!" Agad niya 'kong niyakap at hinagkan sa pisngi.

"Buti na lang, nahanap mo 'ko! Huhuhu halos mangiyak ako sa loob."

Tumawa ako ng konti, "It's okay, Eunbin. Atleast, nahanap kita hihihi." At muli niya 'kong niyakap.

After nito ay pinaupo kaming mga natira sa laro. At naglesson sila about couple.

Kung paano raw tatagal ang isang relasyon? Paano magwowork out ang LDR or Long Distance Relationship para sa isang couple? Kung bakit naghihiwalay o nag-aaway ang isang couple? At marami pang iba.

*****

After ng program na 'yun ay nagpunta naman kami sa fast food chain. Oo, fast food chain again because we are poor as fck :3

Medyo enjoy naman 'yung event. Marami kaming nilaro LOL.

"Kami na lang ni Taehyung ang mag-oorder. Anong gusto niyo?" Saad ni Jimin hyung.

Sinabi na namin sa kanya ang anong gusto namin at saka umalis na sila para mag-order.

Secret na kung ano 'yung in-order namin hihihi.

Kim Taehyung's Point of View
Eto kami ngayon, nakapila sa counter. Grabe! Ang haba ng pila. Wala kaming choice dahil lahat ng pila rito, mahahaba. Hays.

When it's our turn, sinabi na ni Jimin 'yung orders.

"Yun lang po?" Tanong ng cashier. Hmm, meron pa ba?

"Ay, ate! Atsaka isa pong choco sundae."

Tumango siya at nag-punch na do'n sa screen niya. Nagbayad na si Jimin at binigay naman ni Ateng cashier 'yung sukli at table number.

Bumalik na kami kung saan 'yung pwesto namin. Umupo na kami at inilapag naman ni Jimin 'yung table number sa lamesa.

Bumuntong hininga kami ng sabay-sabay. Oo, as in magkakasabay kaming bumuntong hininga. Nang marealized namin 'yun ay nagtawanan kami.

Ang galing lang! xD

Maya-maya'y dumating na 'yung lahat ng orders namin at kinuha naman ng waiter 'yung table number saka umalis na.

"Nakakahiya naman, ako lang mag-isang babae." Biglang saad ni Eunbin.

"It's okay, babe!"

I mentally cringed dahil sa sinabi ni Jungkook. Like ew! Nakakabitter sila, promise! :3

"Ang landi niyo. Tama na nga ang PDA, please? Mahiya naman po kayo sa mga single." Sabi ko at umirap.

Narinig ko pang tumawa si Jimin na nasa tabi ko lang. Pati sina Yoongi at Hoseok, tumawa lang rin. Tss.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain dahil nagugutom na 'ko :3

Kim Seokjin's Point of View
"Kim Seokjin!"

Napalingon ako kay Namjoon. Teka, nasaan 'yung 'hyung'? Bakit hindi niya 'ko tinawag na 'hyung'? Hala! Galit ba siya or something? HALAAAA!

"Yes, Namjoon?" Gusto kong umiyak. Bakit wala 'yung 'hyung'? Anong nangyari? Hala!

"Seokjin! Kukunin ko ang pagkakataon na 'to habang wala pa sila."

Hala! Bakit? Anong gagawin niya? Hala! Hala! Teka, hindi pa 'ko ready xD

Nagtaka ako nang maglabas siya ng isang maliit na box. Wait! Anong ibig sabihin nito? Magpopropose ba siya? Emeghed! Teka lang! Ang bilis naman yata? Ahihihi.

Okay, tama na landi. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi niya 'ko tinawag na 'hyung'? Nakakasakit ng damdamin!

"Uh..Namjoon?"

"Seokjin, hindi mo man napapansin pero...mahal kita. Sobrang mahal kita, Kim Seokjin."

Oh shit. Wait! Tama ba 'yung pagkakarinig ko? Mahal niya 'ko? Mahal ako ni Kim Namjoon? Emeghed ulit!

"Naiiyak ako, ano ba 'yan! Oo, tama 'yung narinig mo. Mahal kita. Mahal ka ng isang Kim Namjoon."

Nabasa niya ba 'yung nasa isip ko? Hala! Ang galing naman niya.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Shet shet! Mahal niya rin ako? Homayghad! SHEEEEET!

"Seokjin! Say something, please."

"Something."

Bigla siyang napa-facepalm. Bakit? Anong mali sa sinabi ko? Sabi niya say something, kaya sinabi ko, something. Enebe!

"I mean, anong masasabi mo? Feeling ko tuloy, rejected ako." Lumungkot bigla 'yung mukha niya. Hala!

"Oy, Namjoon! Hindi naman sa gano'n. Enebe! Nagbibiro lang ako. Hindi lang talaga ako makapaniwala na mahal mo rin ako. Matagal ko nang tinatago na may gusto ako sa'yo pero ngayong alam ko nang mahal mo rin ako, wala na 'kong dapat itago sa'yo. Kasi Namjoon, mahal din kita."

Oh shit. Kinikilig ako !

"And one more thing, tawagin mo 'kong 'hyung', okay? Hindi ako sanay eh." Dagdag ko pa.

Tumawa siya ng bahagya, "Oo nga pala. Kaya hindi kita tinawag na 'hyung' kanina kasi gusto kong banggitin 'yung pangalan mo na may apelyido ko."

Kumunot ang noo ko at hinampas siya ng mahina sa braso, "Tanga! Parehas lang naman tayo ng apelyido eh."

"Alam ko. Okay na 'yun para kapag kinasal tayo, hindi mo na papalitan 'yung apelyido mo, 'diba?" Kumindat pa siya.

"Tss. Dami mong alam." Tumawa ako at umirap.

"Ay, muntik ko nang makalimutan. Para sa'yo 'tong necklace."

Binuksan niya 'yung box na kanina niya pa hawak at kinuha ang lamang nitong necklace. Wala na 'kong paki kung saan niya nabili 'yang necklace na 'yan.

Ngumiti siya at isinuot niya ang necklace sa leeg ko. Aww, how sweet!

"Hyung, kahit effortless 'to pero sana'y na-appreciate mo."

"Oo naman, Namjoon. Sobra kong na-appreciate 'to. Ano ba!" Nginitian ko pa siya, "Thank you sa necklace."

Ngumiti ulit siya. He's so cute! "You're welcome, hyung. So, tayo na?"

"Syempre naman! Tatanggi pa ba 'ko? Jusme! Yes na yes!"

Tumawa siya at niyakap ako at niyakap ko rin siya pabalik.

Pero na-udlot ang yakapan namin nang biglang,

*ting*

"Oh shit! 'Yung bine-bake ko! Teka lang, Namjoon!"

Tangina. Masyado akong nag-enjoy at nakalimutan na may bine-bake pala akong cookies. Jusme naman!

Narinig ko pang tumawa siya, "Dapat masarap 'yan, ha!"

"Oo naman! Atsaka para sa inyo 'to!"
-

A/N

Sinong kinilig? AKO!!
Ang totoong title nito ay "Triple Date ft. Namjoon's Confession" kaso masyadong mahaba at baka malaman niyo kaagad 'yung mangyayari ahihi.

So, yeah. Kahit ang corny nito, thank you sa pagbabasa! :D

~Mrs. Park

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top