Chapter 36 - Sweet

A/N: Dahil lugmok ang utak ko ngayon, pagtiyagaan niyo na lang ang mga mababasa niyo. Yun lang, salamat :)
-

Kim Taehyung's Point of View
"Hello guys! I'm back!" Napatingin kaming lahat sa may pinto. Halos lahat kami, napatigil sa ginagawa namin.

"Jungkookie!"

Ito na naman yung pagiging clingy ni Jimin kay Jungkook. Aish.

Napa-irap na lang ako at muling itinuon ang mata ko sa TV. Ako lang yata ang nanunuod ng TV dito eh.

Si Yoongi, as usual, nagsu-soundtrip lang. Si Hoseok, naglalaro sa phone niya. Si Jin-hyung, as always, lumalamon--este kumakain na naman sa lamesa. Si Namjoon, ewan, nakatitig lang siya kay Jin-hyung. Psh. Poreber na ba dis? Dejk, walang poreber 'no.

"ARAY!" Nagulat ako nang may nambatok sa'kin. Wtf!

"Hoy Jeon Jungkook! Ang laki ng ilong mo. Bakit ka ba nambabatok?"

"Kapal ng mukha mo, malaki rin naman 'yang ilong mo, ha."

"Mas malaki 'yung sayo." Tapos tumawa pa 'ko.

"Oh! Para sa'yo." Tapos may binigay siya sa'king KitKat na isang buo.

Nanlaki 'yung mata ko, pero mas malaki pa rin ang ilong ni Jungkook, "Hala! Thank you! Thank you talaga, Jeon Jungkook!"

"Oo na lang, hyung. You're welcome!"

"Guys, galing pala kina Chaehyun 'yang mga chocolates. At Jimin-hyung, para sa'yo nga pala." At binigyan siya ng toblerone na malaki.

What? Bakit sa kanya toblerone? Tapos sa'min KitKat lang? Wth!

"Ang daya naman! Ba't sa'min, KitKat lang, tapos kay Jimin, toblerone? Hindi yata makatarungan 'yun." Reklamo ni Hoseok.

"Oo nga. Eh may gusto yata 'yang Chaehyun na 'yan kay Jimin kaya espesyal 'yung sa kanya." Dagdag pa ni Jin-hyung.

Si Chaehyun? May gusto kay Jimin? No way bish! Jimin is mine!

Pero pansin ko nga, parang may gusto nga yata si Chaehyun kay Jimin. Kasi, obserbahan niyo.

Noong una, parang hindi siya mapakali noong nandun na kami, especially si Jimin. Tapos noong kausap niya si Jimin, nauutal-utal siya at hindi na naman mapakali.

Bish please, Jimin is MINE!

"Sus! Inggit lang kayo~ Bleeeeh! Hindi ko kayo bibigyan!" Nambelat pa, leshe!

Pero ang cute niya nung ginawa niya 'yun. Ohmygat!

"Hyungs! Parang gusto kong magpunta sa Mall." Biglang nagsalita ulit si Jeongguk.

"Na naman?" Sabat ni Yoongi.

"Kayo na lang." Sabi ni Jin-hyung.

"Tara!" Nagsabay pa kami sa pagsabi ni Jimin nun.

"Yey! Sasamahan ako nina Jimin-hyung at V-hyung!" Nuh ba 'yan! Parang bata eh :3

"Dali na, Jimin-hyung, V-hyung, halina kayo! BILIS!"

"Teka, hindi pa 'ko naliligo." Sabi ko. EXCITED lang?

"Bilisan mo na, hyung! DALI!"

"Eto na oh! Ang excited ng ilong mo, Jeon Jungkook!" Umirap pa 'ko bago umakyat papuntang CR. Oo, may CR sa taas, pake niyo?

"HYUNG, BILIS!" Rinig ko pang sigaw ni Jungkook.

Time skip >>>

"Ang dami namang couples dito. Couple Day ba ngayon? Ba't 'di ako na-inform?"

Paano ba naman, simula pagpasok namin dito sa Mall, ang dami na naming nakitang couples. Like what? Couple Day ba ngayon?

"Dapat pala sinama ko na si Eunbin. Geez."

"Tumigil ka nga, Jeon Jungkook! Ang laki talaga ng ilong mo!"

Sinamaan pa niya 'ko ng tingin, "Bakit ba trip mo ilong ko? Inggit ka?"

"Hindi ako naiingit. Kontento na 'ko sa ilong kong cute." Binelatan ko pa siya na parang bata.

"Jimin-hyung~"

Napatingin ako kay Jimin. Nakatingin siya dun sa isang damit na may design na 'I'll Be Your Man'.

"Hoy, Jimin!"

Napalingon siya, "Huh?"

"Kanina ka pa nakatingin dyan sa damit. Bakit hindi mo kaya bilhin?"

Nag-chuckle lang siya, "Nag-iipon ako."

What?

"Ang yaman mo na nga, nag-iipon ka pa? Kamusta naman ako 'diba? Ako 'tong galing sa mahirap na pamilya, hindi ako nag-iipon kasi gastador ako."

"Magkaiba naman kasi tayo, Taehyung."

"Okay, fine." Ang haba ng speech ko tapos ganun lang sagot niya? Wow!

"Uhm..mga hyung, mag-iikot pa ba tayo or?"

"Tara na! Hoy, kung hindi mo bibilhin 'yan, tara na!"

Bumuntong hininga si Jimin bago sumunod sa'min.

Naglalakad lang kami, napapagod na nga 'ko eh. Pero hinding-hindi ako mapapagod na mahalin siya.

Pwe, ang drama. Hanuraw?

"Uy, ang cute nung headband oh!" Biglang sabi ni Jimin at tumakbo sa kung saan.

Pumasok siya sa isang shop. Paano niya nakita 'yung headband mula sa labas ng shop?

Ah! Kitang-kita pala 'yun mula sa labas ng shop huehue

"Miss, magkano 'yung headband?" Tinignan pa siya nung babae,

Bakit? Masama na bang magsuot ng headband ang mga lalaki? Ang judgemental ng mga 'to :3

Ilang minuto siyang tinitigan nung babae bago sabihin 'yung presyo, nag-aalangan pa nga 'yung babae eh.

Kumuha si Jimin ng tatlong cat ears na headband at pumunta sa cashier. Hinayaan na lang namin siya. Mukhang masaya siya sa headband, nakangiti pa nga eh.

Nakangiti siyang lumabas ng shop. Sinundan na lang namin siya ni Jungkook.

"Oh! Kookie, para sa girlfriend mo." Binigay ni Jimin 'yung isang headband kay Jungkook.

"Thanks, Hyung!" Ngumiti na lang si Jimin at kinuha 'yung isang headband,

Lumapit siya sa'kin at nagulat na lang ako nang isuot siya sa ulo ko 'yung headband.

"Cutie~" Sabi niya pagkatapos niyang isuot sa'kin 'yung headband at kinurot pa 'yung pisngi ko.

Hindi ko tulog maiwasang mamula dahil sa ginawa niya, "T-thank you."

Kinuha naman niya 'yung natirang headband at binigay sa'kin, "Isuot mo sa'kin." Nakangiting sabi niya.

Ang cute niya talaga!

Nag-chuckle ako bago isuot sa ulo niya 'yung headband. Mas lalo siyang naging cute dahil sa headband.

"Yan! Para tayong couple!" Sabi niya gamit ang maliit na boses niya at kumapit pa sa braso ko.

"Para nga kayong couple, ang cute niyo!" Nag-giggle pa si Jungkook pagkatapos niyang sabihin 'yun.

At namula na naman ako. Leshe naman! Bakit mo ba ginagawa 'to, Park Jimin?

"Tara na! Nagugutom ba kayo? Halika, kain tayo! Libre ko." At muli, ngumiti na naman siya.

Bakit ba ang saya niya ngayon? Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute niya!

"Tara! Tara! May naisip akong restaurant na pwedeng pagkainan."

At hinila pa kami ni Jungkook papunta sa restaurant na sinasabi niya.

Kung 'yung tatlong headband, nabili kaagad ni Jimin. Bakit kaya hindi niya binili 'yung damit na tinititigan niya kanina?

Eh kung bilhin ko kaya? Tapos ireregalo ko sa kanya sa pasko. Kaso kailangan ko na namang pag-ipunan 'yun. Pero paano ko ulit gagawin 'yun? Magpapatulong na naman ako kina Hyungs? Hays.

Park Jimin's Point of View
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kakyutan ng dalawang kasama ko.

"Guys, hinay-hinay lang naman kayo sa pagkain, baka mabilaukan kayo."

"Sorry, hyung."

Para silang gutom na gutom na ewan, lalo na si Jungkook. Paano ba naman, halos tuloy-tuloy ang pagsubo ng pagkain sa bibig. Jusme!

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa isang arcade.

Binigyan ko na lang sila ng pera pambili ng token. Wala akong gana ngayon maglaro kaya sila na lang muna.

"Hyung, laro tayo ng air hockey." Pagyaya ni Jungkook.

"Tara!" Pagsang-ayon naman ni Taehyung kaya ayun, naglaro silang dalawa.

Pinapanuod ko na lang sila. Ilang beses natatalo si Taehyung.

Sadya bang natatalo or sinasadya niyang matalo? Magaling kasi sa larong 'yan si Taehyung, natatalo niya nga 'ko kapag kami ang naglalaro niyan.

Well, magaling din naman si Jungkook. Baka nga sadyang natatalo si Taehyung.

Kilala niyo naman si Jeon Jungkook, ang golden niyan. Lahat ay kaya niyang gawin. Almost perfect na nga kung tutuusin.

Ang galing pumili ng boyfriend 'tong si Eunbin, wow!

Pero hindi ko pa rin alam kung paano naging sila. It's like a miracle. Eh dati, halos takot si Jungkook sa mga babae. May mag-hi lang sa kanya, bigla-bigla na lang magtatago sa likuran ni Hoseok or kaya ni Jin-hyung.

"Hyung!"

"Huh? Bakit?"

"Ubos na token namin, pahingi ulit pambili hehehe."

Napa-facepalm na lang ako. Mauubos yata pera ko sa mga 'to.

Binigyan ko siya ng singkwenta, "Last na 'yan ha, tapos aalis na tayo."

"Okay, hyung! Thank you!"

Ang saya nila tignan.

Ngayon pa lang, nag-iisip na 'ko kung anong pwedeng iregalo sa kanila.

Can you imagine? 50 days na lang before Christmas. And then 55 days before Taehyung's birthday. Hays.

Naalala ko nung birthday ko last month, sobrang saya kahit kami-kami lang. Ang pinakafavorite ko is 'yung niregaluhan ako ni Taehyung ng sweater. Hindi lang 'yun ordinaryong sweater. Sweater 'yun na gucci. Ghost Gucci yata 'yun.

Nung una, nagtaka ako kung paano niya nabili 'yung sweater na 'yun kasi sobrang mahal talaga nun.

Pero sabi niya, nag-ipon daw talaga siya para dun. Nagpatulong pa raw siya sa mga Hyungs para lang maka-ipon siya.

Grabe! How sweet. That's why I really love Taehyung, kahit minsan ang weird niya talaga.

"Hyung, wala na kaming token." Nag-grin pa si Jungkook.

"Oh! Ano naman?"

"Hyung, last na. Please?"

"Jeon Jungkook, tama na. Aba! Nauubos ang pera ko dahil sa inyo. Ikaw 'tong nang-aya mag-mall tapos wala kang pera." Nag-tsk pa 'ko.

"Eh hyung, ako naman ang nagbayad ng pamasahe natin papunta dito, ha."

"Yun lang? Pamasahe lang? Kamusta naman ako, halos sa'kin galing lahat pati 'yung pagkain natin."

Nagpout pa siya, "Sorry, hyung. Sige na nga, tama na!"

"Nuod tayo sine."

"Isa ka pa, Kim Taehyung! Tama na!"

"Ay, sorry."

Nirolyo ko ang mga mata ko, "Halina kayo. Gusto niyo na bang umuwi?" Sabay pa silang umiling.

"Oh sige, mag-ikot muna tayo."

At habang naglalakad kami...

"Park Jimin!"

Luminga-linga kami. Sino 'yung tumawag sa'kin?
-

A/N:
Finally! Nakapag-UD na rin after ng ilang linggo huehue. Pasensya na, sinapian na naman ng katamaran si otor-nim ahue xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top