Chapter 34 - Meeting Eunbin's Bestfriend

A/N: Ang cute ni Namjoon sa Multimedia ^^
-

Shin Eunbin's Point of View
"Shet! Birthday na bukas ng Mama mo! YES!"

Napatingin na lang ako sakanya ng 'bakit-ang-saya-mo?' look.

Kasi naman, minsan lang siyang sumaya ng ganyan. Hays. Nababaliw na 'tong babaeng 'to!

"Bakit ba ang saya mo?" Tanong ko sakanya.

Ngumiti siya ng malapad, yung tipong wala nang mata. "Pupunta ba dito yung boyfriend mo? Kasama niya ba sina Jimin?"

Ah! Kaya naman pala. She's happy kasi inaasahan niyang pupunta sina Jimin dito bukas. Hays. 'Tong babaeng 'to! Nako, ang sarap sapukin!

"Hindi ko lang alam kung isasama niya 'yung mga kaibigan niya."

Biglang lumungkot 'yung mukha niya, "Ay, sayang! Sana sumama sila kay Jungkook! Huehue, Eun, sabihin mo sakanya na isama niya 'yung mga kaibigan niya, ha? As in yung kasama si Jimin, please?"

Hays. Jusme! Hindi ko na alam ang gagawin sa babaeng 'to!

"Edi sasabihin ko na lang na si Jimin na lang ang isama niya. Hahaha."

"Ayun! Edi mas maganda, ahehehe."

Naparolyo na lang ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hays. First time siyang nagkaganyan! Nasira tuloy 'yung boyish image niya dahil kay Jimin. Hays.

Jeon Jungkook's Point of View
Habang sina Hyung ay may kanya-kanyang ginagawa. Syempre, ako rin ahuehue XD

Eto, naglalaro lang ng piano tiles. Atsaka ayokong maadik sa Pokemon Go, kagaya ng iba dyan na halos madisgrasya na kakalaro. Hays.

Nagulat ako sa biglaang pagvibrate ng phone ko. Shet. May nagtext. Teka lang! Naglalaro pa 'ko. Wait!

"Ayan! Na-dead tuloy."

Tinignan ko 'yung message. Si Eunbin lang pala ahuehue.

Eunbin [13:46]
Kookie, pupunta ka ba dito bukas? Birthday ni Mama bukas eh, remember?

Hala! Oo nga pala. Shet! Hindi pa 'ko nakakapagpaalam kina Hyung.

Me [13:47]
Oo, promise! Pupunta ako.
Teka, anong oras ba?

Eunbin [13:48]
Hapon ka nalang pumunta.
Maghahanda pa kasi kami eh.
Kasama mo ba sina Jimin?

Me [13:50]
Hindi ko alam kung sasama sila eh.
Tatanungin ko nalang sila.

Eunbin [13:51]
Okay, okay. See you tomorrow, Kookie!
I love you, ahihi 😘😍

Me [13:52]
Okay, love you too!

(A/N: Landeeee niyo! Walang forever!! Magbebreak din kayo, lul :3)

Pagkatapos ay binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Hyung-deul, birthday ng Mama ni Eunbin bukas. Pupunta ako, sama kayo?"

At walang pumansin sakin. Wow lang ha! Ang sakit. Grabe sila! -3-

"Hoy, guys! Nagtatanong ako, ano ba! Pansinin niyo 'ko!"

"Hindi na, Kookie." Sagot ni Jimin-hyung.

"Ah! Okay."

"Hoy, sumama na tayo! Samahan natin si Jungkook!" Sabat ni Hoseok-hyung.

"Ayoko nga! Kung gusto niyo, kayo nalang."

Ang sungit naman ni Jimin-hyung.

"Sige na, Chim! Sama tayo, please?"

Umirap muna si Jimin-hyung, "Okay, fine."

Basta kapag si Taehyung, hindi siya makatanggi. Wala eh, ganun talaga, mahal niya kasi eh. Ahuehue XD

Park Jimin's Point of View
Ano namang gagawin namin dun? Atsaka hindi naman kami close sa girlfriend niya. Hays. Mas gusto ko pang magstay dito sa bahay kaysa lumabas. Aish! Nahawa na yata ako kay Suga-hyung.

Time skip >>>

Shin Eunbin's Point of View
"Hoy, Chae, tumulong ka nga dito!"

Ay, kinangina talaga! Pupunta dito sa bahay ng maaga tapos hindi man lang tumulong. Aish!

"Kaya niyo na 'yan! Atsaka duh~ bisita ako dito 'no? Ang mga bisita ay hindi pinagtatrabaho."

Nako! Masasapak ko talaga 'tong babaeng 'to!

"Tangina Chae! Anong bisita ka dyan? Hindi ka na bisita dito, hoy! Halos araw-araw ka kayang pumupunta dito sa bahay namin."

Aba! Inirapan lang ako. "Except ngayon, ahihi."

Busy kasi siya sa cellphone niya. Putangina niya at ng kalandian niya. Ini-stalk nanaman niya siguro si Jimin. Hay nako!

"Ano ba, Chae! Tama na ang pang-iistalk kay Jimin. Darating naman yata siya mamaya eh." Yata lang. Hindi ko sure kung sasama sila kay Jungkook mamaya.

Biglang nagliwanag ang mukha niya, "Talaga? Di nga?"

"Ang kulit mo. Tumulong ka nga dito."

"Oo na, eto na. Sabi ko nga, tutulong na 'ko!" Umirap muna siya bago tumayo mula sa Sofa. Hays, 'tong babaeng 'to talaga! -3-

Park Jimin's Point of View
"Hyung, sama ka na kasi! Sige ka, ikaw na lang mag-isa dito." Pangungulit sakin ni Jungkook.

Ano naman kung mag-isa lang ako dito sa bahay? Mas maganda nga 'yun eh, walang pakielamero.

"Hindi na, Kook. Okay lang ako dito. Kayo nalang."

Halos lahat kasi sila, nakabihis na. Ako lang ang hindi pa.

"Jimin-hyung, sama ka na please? Baka ma-out of place ako dun." Fck. How can I resist Taehyung?

Napabumuntong hininga nalang ako, "Aish! Sige na nga. Teka, magbibihis lang ako."

"Yehey!"

Kim Taehyung's Point of View
Kapag ako talaga, hindi niya matanggihan. Ahuehue ang cute ko kasi XD

After niyang magbihis ay lumapit siya sakin, "Ayan, okay na. Ano, tara na?"

"Tara!"

Kaya lumabas na kaming lahat ng bahay. Ini-lock naman ni Jin-hyung yung pinto bago kami tuluyang umalis.

Sumakay na kami ng Van (naks, ang yaman!) at si Hoseok na ang nagdrive nito since alam niya yung daan papunta sa bahay ng girlfriend ni Jungkook.

Ganito yung pwesto namin dito sa loob ng Van;

Hoseok (driver) | Yoongi (passenger's seat)
Jimin | Ako | Jungkook
Namjoon-hyung | Seokjin-hyung

Hay nako! Baka tulugan lang ni Yoongi-hyung yung katabi niya XD

"Malayo ba 'yun?" Biglang tanong ni Namjoon na nasa likod lang.

"Hindi hyung, malapit lang 'yun." Sagot naman ni Jungkook habang naglalaro sa cellphone niya ng piano tiles.

Hindi ba siya nagsasawa sa piano tiles? Halos masira na cellphone niya sa kakalaro niyan eh, binabagsak kasi kapag naiinis siya. Jusme! Hindi na uso 'yan, pokemon go na ang uso ngayon.

Well, ayoko namang laruin 'yun. Baka madisgrasya pa 'ko kagaya ng mga adik dyan sa larong 'yun. Hays.

Ilang minuto rin ang lumipas at nandito na kami sa bahay nina Eunbin. Hmm, maganda naman, ang laki ng bahay nila kumpara samin. Well, apartment lang naman kasi 'yun na may tatlong kwarto, second floor at isang banyo.

Bumaba na kami ng Van at kumatok naman si Jungkook sa pintuan ng bahay nina Eunbin.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa'min si Eunbin na may hawak pang lighter.

"Ay, hello! Halika, pasok kayo. Sandali lang, ha! Inaayos ko pa kasi yung cake ni Mama."

Tumango lang kami at pumasok na sa bahay. Wow! Ang laki talaga. Ang ganda rin ng loob. Hindi kasi nagkaroon yung pamilya ko ng ganito kalaking bahay. Nakatira lang kami noon sa isang simpleng tirahan na may maiingay na mga kapit-bahay -3-

Shin Eunbin's Point of View
Pumunta ako ng kusina para ayusin yung cake. Hindi ko pa kasi nasisindihan yung kandila eh.

"Uy bes, nandyan na si Jimin." Naka-smirk na sabi ko kay Chaehyun habang naghuhugas siya ng pinggan.

"Teka, wait. Talaga? Kingina! Sandali. Wait!" Natataranta siya dahil kay Jimin. Hay nako! Ang lakas ng tama niya kay Jimin. Oh my ghad!

"Huwag ka ngang mataranta! Act normal, Chae! Just act normal, okay?"

Huminga siya ng malalim, "Okay."

Nang biglang...

"Jimin-hyung!"

"Ano ba, Taehyung? Nasa ibang bahay na tayo, ang ingay mo pa rin. Can you just shut up, kahit ngayon lang please?"

"Fine. Ang kati kasi ng dila ko eh! Kamutin mo nga hahaha."

"Tangina! Kadiri, ayoko nga. Ipakamot mo nalang sa aso hahahaha, kauri mo naman 'yun."

"Ang sama mo talaga sakin."

"Minsan lang, uy."

Napatingin ako kay Chaehyun. Tapos na siyang maghugas ng mga pinggan.

"Kalmado ka ba?" Kunot-noong tanong ko sakanya.

"Mukha bang kalmado ako? Shet lang, Eun! Hindi ako makakalma kasi nandyan siya."

"Ay, ewan ko sayo!"

Natapos ko nang ayusin yung cake at dinala ko na sa dining area at inilapag sa lamesa.

Nakita ko pa na nagtatalo sina Jimin at Taehyung. Palagi namang nagtatalo 'yang dalawang 'yan.

"Eunbin, kami lang ba ang bisita?" Tanong sakin ni Jungkook.

"Oo, kayo lang. Hindi na kami nag-imbita ng ibang relative namin kasi ang plano namin, sa next week na kami pupunta ng probinsya para i-celebrate ulit yung birthday ni Mama with our relatives."

"Hoy, Eunbin! Tangina ka talaga! Gusto mong sunugin kita gamit 'tong lighter? Palagi ka na lang nang-iiwan."

"Sanay ka namang maiwan, 'diba?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay, "What the fuck, bes!"

Park Jimin's Point of View
"Chim, naiihi ako."

"Pake ko? Edi umihi ka." Nirolyo ko ang mata ko.

"Nevermind na lang pala, umurong yung ihi eh."

"Ay, bastos 'to! Gago!"

"Park Jimin, watch your mouth!"

Napatingin ako kay Namjoon, "Sorry, hyung."

Nang biglang may babae ang naglapag ng tray sa center table. "U-uminom muna k-kayo ng j-juice."

May sakit ba siya? Bakit nauutal siya?

Agad na kumuha si Taehyung ng juice, "Hay salamat! Uhaw na 'ko eh."

Napairap na lang ako dahil kay Taehyung. Napaka-walanghiya talaga kahit nasa ibang bahay na. Tsk tsk.

"Want some?" Inalok pa 'ko ni Tae,

"No thanks. Pwedeng tubig na lang?"

Napabalikwas yung babae, "Huh? Tubig? Sige, wait lang." Tapos nagmadali siyang umalis.

Weird.

Bumalik yung babae na may dalang baso ng tubig at binigay sa'kin, nag-thank you naman ako.

"You're welcome, Jimin!"

Alam niya ang pangalan ko? How nice! Ako nga, hindi ko alam ang pangalan niya eh. Stalker ba 'to? Dejoke.

"I'm Lee Chaehyun, Eunbin's bestfriend." Nakatingin lang siya sa'kin.

Pake ko?

"Okay."

Lumungkot 'yung mukha niya. "Ah sige, k-kung may k-kailangan pa kayo, m-magsabi lang k-kayo, o-okay?"

Tumango lang ako at umalis na siya.

May sakit ba 'yun? Kanina pa kasi siya nauutal eh. Nanginginig din yung mga kamay niya nung binibigay niya sakin yung baso ng tubig. So weird.

Pero walang mas wi-weird pa kay Taehyung. Umaapaw ang kaweirduhan ng lalaking 'yan. Hays.

Tumayo ako para ibalik sa lamesa yung baso. Maglalakad na ulit sana ako pabalik sa Sofa nang makabangga ko 'yung bestfriend ni Chaehyun.

"Sorry." Ani ko.

"H-hindi, o-okay lang. A-ako nga dapat ang magsorry eh. Sorry ha? Hehehe."

"O-okay. uhm..sorry ulit."

Kanina pa talaga siya nauutal eh. Siguro nga'y may sakit siya.

Lee Chaehyun's Point of View
Agad akong tumakbo sa kusina.

"Bes, ang cute niya talaga!" Sabi ko na pasigaw-bulong kay Eunbin na naglalagay ng pagkain sa lalagyan.

"Ano ba, Chae! Stop being obsess, please?"

Nirolyo ko ang aking mga mata, "Hindi ako obsess. Masama bang maging crush ko siya? Ang cute niya kaya hihi." Kinikilig ako, enebe.

"Ewan ko sayo, Chae! Tulungan mo na lang kaya ako 'no? Ilagay mo 'yan sa lamesa." Tinuro niya yung mga naka-ready nang mga pagkain.

"Okay, fine. Hihihi." Kinuha ko naman ang mga ito ay pumunta sa dining area, kasabay ni Eunbin, at inilapag sa lamesa.

KINIKILIG PA RIN AKO HANGGANG NGAYON! ><
-

A/N: WAG NYO 'KONG PATAYIN DAHIL KAY CHAEHYUN, PLEASE??? HAHAHAHA.
SIGE, PYOOONG~ XD

~Mrs. Park

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top