Chapter 28 - What?
Park Jimin's Point of View
May isa akong tanong. Bakit ang aga kong nagising? Himala yata!
Tumingin ako sa orasan sa cellphone ko at nagsasabi itong 5:45 palang ng umaga. Ang aga ko ngang nagising. Wow!
Napatingin ako kay Taehyung na nasa kabilang kama lang. Gising na rin pala siya, nagse-cellphone lang.
"Good morning, Taehyung!"
Napatingin siya sa'kin, "Gising ka na pala? Good morning!"
May iba sa boses niya. Mas lalo itong lumalim, mas lalo tuloy siyang naging hot huehue
"Tae..anong nangyari sa boses mo?"
"Sore throat."
Nanlaki ang mata ko, "Teka lang, gagawan kita ng honey juice. Wait ka lang!"
Tumayo na 'ko mula sa kama ko.
"Huwag na, Jimin. Okay lang ako."
"Aish! Basta, gagawan kita." Agad akong lumabas ng kwarto para i-gawa siya ng honey juice.
Kim Taehyung's Point of View
Gusto kong kiligin, kingina! Ahihi concern siya sa'kin--ay, bestfriendly concern lang pala 'yon :3
Tumayo ako mula sa kama at pumunta sa may cabinet namin. Bubuksan ko sana yung cabinet ko pero ang nabuksan ko ay yung kay Jimin, at may papel akong nakita.
Napa-kunot ang noo ko. Ano kayang laman nito? Na-cucurious ako. Shit.
Kinuha ko yung papel at nagdadalawang-isip pa 'ko kung bubuksan ko ba o hindi. Pero sa huli, binuksan ko pa rin ito at nagulat ako sa nakasulat.
My dearest Taehyungie,
Hindi ko alam kung paano magsisimula. Basta kung ano nalang ang maisulat ko dito.
Alam mo bang simula noong nakilala kita, I instantly fell inlove with you. You know why? 'Cause you look like an angel at para bang may cupid na pumana sakin at kaagad na nainlove sa isang nilalang na tulad mo.
I don't know, masyado bang cheesy 'to? Ni hindi nga ako marunong magpakilig. Ay, ewan!
Sana hindi mo 'to mabasa. Dahil kung mabasa mo 'to, lagot na. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.
Dito nalang sa sulat na 'to ko ibubuhos lahat ng nararamdaman ko.
Like what I've said lately, when the first time I met you, I quickly fell inlove with you. Maliban sa mukha kang anghel, hindi ko na alam kung bakit kita nagustuhan. Ang hirap talagang magpaliwanag kapag mahal mo na ang pinag-uusapan.
Buti nalang naging magkaibigan tayo. Atleast, may chance akong mapalapit nang tuluyan sayo. Pero ayoko naman na hanggang bestfriends lang, ayoko naman na forever bestfriends tayo. I want more than bestfriends.
Taehyung, I love you more than bestfriends. I love you more than you expected. Matagal ko nang gustong sabihin yon sayo pero wala akong lakas ng loob. Yes, I love you at hindi si Jungkook. I want you to be my forever.
Hanggang dito nalang dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Basta mahal kita, yun lang!
Sincerely,
Jiminnie ♡
Habang binabasa ko yung sulat ay napapaiyak nalang ako hanggang sa may luha nang tuluyang tumulo.
Tinupi ko na ulit at binalik sa loob ng cabinet niya. Baka mahalata niya pa.
At sakto namang nagbukas ang pinto at iniluwal nito ang lalaking mahal na mahal ko.
"Hey, Taehyung--oh, why are you crying?"
Umupo ako sa kama niya at tumabi naman siya sakin.
"Tell me why are you crying?" Tanong niya ulit habang may hawak-hawak na tasa.
"W-wala. A-ano kasi..nata-touch ako."
Kumunot ang noo niya, "Nata-touch ka? Dahil saan, alin, ano?"
Napalunok ako, "D-dahil..concern ka sa'kin at ginawan mo pa 'ko ng honey juice kahit sinabi ko nang 'wag na."
"Of course. Bestfriends, right? Tahan na." Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang thumb niya at saka inabot sa'kin yung tasa ng honey juice.
Bestfriends? Stop pretending, Park. I already knew.
Agad ko naman tinanggap yung tasa, "Thank you, Jimin."
"You're welcome. Sige na, inumin mo na 'yan para bumalik yung totoo mong boses."
Nag-chuckle ako bago inumin yung juice.
Nakatitig lang siya sa'kin.
"W-what?"
"W-wala. Sige, ubusin mo 'yan."
Park Jimin's Point of View
He's weird. Bigla-biglang iiyak at sasabihing na-touch siya. I know there's reason behind that pero hindi ko alam kung ano.
Nang maubos niya yung juice ay inilapag niya sa sidetable yung tasa at nginitian ako.
"Thank you, ulit."
Medyo bumalik na sa dati yung boses niya. "Walang anuman." Ngumiti ako nang bahagya.
Nagulat kaming pareho nang biglang pumasok si Jungkook dito sa kwarto.
"Ay, gising na pala kayo. Baba na hihihi."
Tapos bigla niya 'kong hinila. Ang weird din nito ni Jungkook eh. Aish! Bakit ba ang weird ng mga tao dito, kasama na 'ko do'n XD
Kim Taehyung's Point of View
Tangina talaga ni Jungkook. May Eunbin na nga siya, inaagaw pa niya sa'kin si Jimin. PARK JIMIN IS MINE AND MINE ALONE.
Bumaba na 'ko at nagtaka ako dahil lahat sila ay nakapila sa may CR, excluding Jimin and Jungkook.
"Tangina, Hoseok! Bilisan mo naman d'yan!" Sigaw ni Namjoon na nasa pangalawa ng pila.
"Jusme! SASABOG NA PANTOG KO, BILISAN MO D'YAN! KINGINA KA!" Sigaw naman ni Jin-hyung.
"ALAM MO NAMANG MAHAL NA MAHAL KITA PERO TANGINA, PAKI-BILIS NAMAN PLEASE!" Sigaw naman ni Yoongi.
Hays. Bahala nga sila d'yan.
"SANDALI LANG NAMAN. KITANG JUMEJEBS PA YUNG TAO DITO EH." Rinig naming sigaw ni Hoseok mula sa loob ng CR.
"TAO KA PALA? AKALA KO, KABAYO." Natawa kami dahil sa sinabi ni Namjoon. Ang hard, pfft.
"Ang hard ni Namjoon-hyung." Natatawang saad ni Jungkook.
Ito nanaman sila. Kingina! Seseryosohin ko na talaga yung pinapagawa sa'kin ng magsyotang kabayo't pagong--este Hoseok at Yoongi kahit hindi naman talaga seryosong mission 'yon XD
"Hi, Jungkookie! Pwede ko bang mahiram 'tong bestfriend ko?"
Hinawakan niya ang braso ni Jimin, "Hindi."
Aba! Kingina talaga. Kung hindi lang siya mas bata sa'kin, sinapak ko na siya.
"Please?"
"Hiram lang, ha? Go!"
Aba! Deputa! Wala na siyang galang ngayon. Huhuhu
"Huwag niyo naman akong pag-agawan. Alam kong gwapo ako, okay!" Natatawang sabi ni Jimin.
Isa pa 'tong mahanging bestfriend ko. Kapag hindi ako nakapagtimpi, kahit mahal ko siya'y sasapakin ko talaga siya. Argh :3
Nirolyo ko ang mga mata ko at hinila siya palabas ng apartment.
"Wala ka bang sasabihin or aaminin sa'kin?" Mariing saad ko sakanya.
Kinunot naman niya ang noo niya, "Anong aaminin ko?"
Kingina! Stop acting like you don't love me. Stop pretending, Park, just stop! Kasi kahit alam kong mahal mo rin ako, nasasaktan pa rin ako.
"Aish!" Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at sinamaan siya ng tingin.
"What? Ano ba kasing kailangan kong aminin, hmm?"
Nirolyo ko nanaman ang mga magaganda kong mata, "Never mind nalang, Park. Wala namang kwenta." Teka, wala nga bang kwenta?
"Ang weird mo ngayon."
"You know I'm always weird." Sagot ko lang.
"I mean, mas lalo kang naging weird. Hindi ko alam kung anong dahil ng ikinikilos mo ngayon. May hindi ka ba sinasabi?"
Putangina talaga, Park Jimin! Kapag ako nainis, baka ipakain ko sa'yo yung papel na sinulatan mo ng confession mo sa'kin. Kingina!
Bakit ba 'ko mura ng mura? Aish! Naiinis kasi ako.
"Baka ikaw ang may hindi sinasabi or inaamin?" Nag-smirk ako.
Nanlaki ang mga mata niya, "Hala! Hindi naman ako kriminal, ha? Ano bang dapat kong aminin?"
Napa-sapo nalang ako sa noo. "Never mind na nga lang, ulit. Kingina ka talaga!"
Kumunot nanaman ang noo niya, "Hindi talaga kita maintindihan, Taehyung. Ang weird mo talaga kahit kailan." Saad niya at naglakad palayo.
Isa lang ang masasabi ko. PUTANGINA.
Sinundan ko siya kung saan man siya pupunta at napatigil kami sa isang bench sa labas ng court.
Umupo kaming dalawa do'n.
"Taehyung.."
"Hmm?"
Napangiti ako nang hiniga niya ang ulo niya sa lap ko.
Matapos ang ilang minuto, naging tahimik ang atmosphere naming dalawa.
Tulog yata siya.
"Jimin, are you asleep?" Hindi siya sumagot. Tulog na nga.
Sinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok niya, "Jiminnie.."
Bumuntong-hininga ako, "Alam mo Jimin, para ka ring anghel eh. Hindi ko nga alam kung tao ka ba talaga kasi bakit ang perpekto mo?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko, "Dederetsuhin ko na. Mahal din kita, Jimin! Mahal kita higit pa sa kaibigan."
Park Jimin's Point of View
Teka..tama ba yung mga narinig ko? Wait..hindi nagpoprocess sa utak ko.
Tangina! Mahal niya rin daw ako. Pero wait, paano niya nalaman? Shit. May nagsabi ba or..horeshet, yung sulat. Siguro, 'yon yung dahilan ng pag-iyak niya kanina. Shit, nabasa niya. Hala! Paano na? Shit. Kunwari nalang hindi ko alam kasi 'tulog' ako.
"Jimin.."
Kahit paos siya, musika pa rin sa tainga ko ang boses niya.
"Jimin, gawan mo ulit ako mamaya ng honey juice, please!"
Iminulat ko ang mga mata ko, "Sure."
Nanlaki ang mga mata niya, "Kanina ka pa ba gising?" Tanong niya.
"Uhm..h-hindi. Ngayon-ngayon lang." Galing ng palusot mo, Park Jimin. Galing!
"Ah!"
Bumuntong-hininga ako. Just pretend, Jimin. Just pretend! :3
-
A/N: Sabaaaaaw nanamaaaaan~ :3
Pagpasensyahan niyo na ulit, jusko. Blangko ang utak ko ngayon, sarreh XD
Thanks for reading! :)
~Daeni
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top