Chapter 27 - Single
Kim Taehyung's Point of View
"Ito na yung ice cream!" Pambungad ni Jungkook pagkapasok niya dito sa apartment, may dala-dala niyang plastic.
Hanggang ngayon, hindi pa rin dumarating sina Hoseok. Hays. Masyado yatang nag-enjoy sa panunuod.
"Aw. Ang sweet naman!"
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Jungkook. Hanggang sa ma-realized kong nakahiga pala sa lap ko si Jimin. Horeshet, muntik na 'kong magblush XD
Nag-distribute na si Jungkook ng ice cream. Tig-iisang baso kami ng ice cream. Nagising na si Jimin kaya binigay ko sakanya yung ice cream niya. Tinanggap niya naman ito ng walang sinasabi saka bumangon at nagkusot ng mata bago kainin yung ice cream.
Shit. Ang cute niyang kumain! Lalo na kapag ngumunguya siya, yung chubby cheeks niya, nag-eexpose. Bakit gano'n? Bakit kailangan niyang maging hot and cute at the same time? Huhuhu hindi ko kinakaya.
Tahimik lang kaming kumakain. Ni isa sa'min, walang nagsasalita, walang kumikibo. Ingay lang ng electric fan at ang pagkuha namin ng ice cream sa baso gamit ang kutsara at ang tanging maririnig sa sobrang tahimik.
Nauna akong maka-ubos ng ice cream, nilagay ko na 'tong baso sa kusina. Sumunod naman ay si Jungkook bago si Jimin.
At tahimik nanaman :3 Ang awkward na nga ng atmosphere namin eh. Hays.
"Uhm..guys." Pambasag ko ng katahimikan dahil nakakabingi na ang sobrang tahimik.
"Uhm.." Paggaya nila. Ano ba 'yan! :3
Napansin kong antok na antok na lumapit si Jimin kay Jungkook at humiga sa lap nito at pumikit.
Nirolyo ko lang ang mga mata ko nang suklayin ni Jungkook ang buhok ni Jimin gamit ang mga daliri niya.
Errrrrrr. Kingina! Ang sarap mambuhos ng kumukulong tubig ngayon. Tangina talaga! :3
Padabog kong hinagis yung unan sa sahig. Napansin ko pang napakunot ng noo si Jungkook bago ako maka-akyat papunta sa kwarto namin.
Jeon Jungkook's Point of View
Napangiwi ako nang tuluyan nang maka-akyat sa taas si V-hyung.
"Taehyung.." Rinig kong sambit ni Jimin-hyung habang natutulog siya. Sleep talking?
"Taehyung..bakit?"
Napakunot ako ng noo. Kingina! Sleep talker si Jimin-hyung. Gusto kong natawa kaso baka magising siya. Napuyat daw kasi siya kaya kailangan niya raw ng maraming tulog. Pfft, jusko!
"Taehyung.."
Gusto ko na talagang matawa. Bakit pa kasi ayaw pang umamin ng pandak na 'to do'n sa alien na 'yon. Napaka-torpe nilang dalawa :3
"Sabi mo, mahal mo 'ko.."
Ay, da fck!
"Bakit hindi ako maka-amin sa'yo na mahal din kita?"
Gisingin ko na kaya? Baka mapa-cringe pa 'ko dito.
"Jimin-hyung, wake up!" Inalog-alog ko pa siya para magising at sawakas, nagising siya.
"Kookie?"
"You're dreaming, Hyung. You're confessing your feelings." Sambit ko sakanya kaya napabangon siya.
"What? I'm confessing? Anong sinasabi ko?" Napa-lunok ka.
"Mahal mo si Taehyungie-hyung?"
Nanlaki ang mga mata ko, "N-no!"
"You're lying." I smirked.
"No, I'm not." Kinakabahang sagot niya habang naglalaro ng mga daliri niya.
"Psh. Okay, if you say so!"
Tumayo ako't pumunta sa kusina. Kumuha ako ng baso at binuhusan ang laman nito ng tubig. Kilala namin si Jimin-hyung, when he's nervous or lying, pinagpapawisan. Pfft.
Bumalik ako do'n sa pwesto namin kanina at binigay sakanya yung baso, "Uminom ka, Hyung. You're sweating."
"Uh..t-thank you." Agad niyang kinuha yung baso mula sa kamay ko at itinungga ito.
Binalik niya sa'kin yung baso at binalik ko naman ito sa kusina at bumalik ulit sa sofa.
"Jungkook.."
"Yes, Hyung?"
"Don't tell him, okay?"
I smirked, "I knew it! Of course, I won't tell him. Trust me!" I smiled after I say that.
Ngumiti lang siya, isang malapad na ngiti. Hindi ko maikakailang ang cute talaga ni Jimin-hyung. Minsan lang talaga, mukhang siyang ewan--ay palagi pala XD
"Help me, Jungkook."
"Anong tulong?"
He flashed a flat and straight smile, "Huwag na nga lang." Kinagat niya pa ang ibabang labi niya. Humiga nalang muli siya sa sofa at muling natulog.
Kim Taehyung's Point of View
Nagpapa-gulong lang ako dito sa kama. Hindi alam ang gagawin dahil nabobored ako't ayoko sa baba. Makakakita ako ng pagtataksil. Dejoke lang XD
Pero ayoko talaga do'n sa baba because I'm jealous. Yes, I'm jealous! :3
"Taehyungie!" I heard a knock.
"Bukas 'yan, ugok!" Alam ko namang si Jimin 'yon.
Agad na nagbukas ang pinto ng kwarto at iniluwal nito si Jimin na nagkukusot ng mata. Ang cute~
Umupo siya sa tabi ko, "Uh..galit ka ba?" Tanong niya. Oo, galit na galit ako.
"No. Why?" Simpleng sagot ko.
"Talaga?"
"Oo nga. Ang kulit mo!"
Nag-pout siya, "I miss you."
Putangina! Ano raw? Teka, ang weird naman yata niya ngayon?
"I-I miss you, too. Don't give a cold shoulder anymore, okay?"
"Hmm..okay." Ngumiti siya, "Bestfriends, right?"
Hanggang bestfriends lang ba talaga ako sa'yo, Jimin?
"Yeah."
"Then, I love you."
"I love you, too." I love you more than bestfriends, I love you more than you expected.
Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko dahil nandito pa siya.
"Ano, Jimin..uh..labas ka muna, please!" Saad ko sakanya at kinagat ang ibabang labi ko.
"Bakit?"
"B-basta."
"O-okay." Ngumiti siya bago lumabas ng kwarto.
Bumuntong-hininga ako at pumikit at saka nagsimula nang tumulo ang kanina pang nagbabadyang mga luha ko.
Hindi ko na alam. Ewan ko kung aamin pa ba 'ko o hihintayin ko siya na umamin sa'kin. As if namang gusto niya rin ako eh malinaw na malinaw na ang gusto niya ay si Jungkook.
Park Jimin's Point of View
Bununtong-hininga ako.
Umiiyak ba siya? Bakit naman siya umiiyak? May ginawa ba 'kong nakasakit sakanya? 'Bestfriends' naman kami, bakit ayaw niyang magsabi sa'kin ng problema. I'm willing to listen.
"WE'RE BACK!" Rinig kong sigaw mula sa baba kaya agad akong bumaba.
"Nasa'n si Taehyung?" Tanong ni Jin-hyung.
"Nasa kwarto." Simpleng sagot ko lang.
"Okay." Saka umupo sila sa sofa. Hingal na hingal pa. Ano namang ginawa nila't hingal na hingal sila?
Maya-maya, bumababa na rin si Taehyung. Agad siyang tumabi kay Hoseok at yumakap sakanya. Buti pa si Hoseok, niyayakap niya. Tapos ako, minsan lang niyang yakapin. Wow! It's unfair :3
-
A/N: Wow! It's sabaw :3 (uy, rhyme yun hehehe)
Sawakas, nakapag-update na rin ulit ako XD Pagpasensyahan niyo na ang kasabawan nito, wala lang talagang pumapasok na idea sa utak ko huehueee
Thanks for reading! :)
~Daeni
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top