Chapter 25 - Weird

A/N: This chapter is dedicate to all JiKook shippers. Pakasaya kayo. Pwe :3
-

Park Jimin's Point of View
Bumaba ako at bumungad nanaman sa'kin si Jungkook na nakangiti ng malapad.

"Hello, Hyung! Ginawa ko 'to para sa'yo." Nakangiti niyang sabi habang may inaabot sa'kin na cupcake.

Kumunot ang noo ko, "Para sa'kin?"

"Oo, sa'yo at sa'yo lang." Ngumiti ulit, tinanggap ko na yung cupcake. Sayang naman eh.

"Hala! Is it miracle?"

"Kung 'yon ang tawag mo." Ngumiti ulit siya.

Hala!

"Homaygad! Kookie, may sakit ka ba?"

"Wala akong sakit, Hyung. Ano ka ba!"

"Weh, 'di nga?"

"Aish! Bahala ka nga! Ang bait ko na nga sa'yo eh. Gusto mo, magdate pa tayo mamaya? Wala naman yung girlfriend ko, nasa bahay nila, kakaalis lang kanina."

Wait. Tama ba yung narinig ko? Hala! Si Jungkook pa talaga ang nang-aya ng date? Is it really miracle?

Kahit naman noong wala siyang girlfriend, hindi niya 'ko pinapansin. Anyare ngayon? May himala nga talaga! XD

"Kookie, totoo ba 'yan?"

"Oo nga. Ano, tara na?"

"Tara!"

Tumawa pa siya at hinila ako palabas ng apartment.

"BYE GUYS!" Sigaw ko bago kami umalis.

"PASALUBONG HA!" Huli naming rinig bago kami makalayo nang tuluyan.

Kakaalis ko lang kanina, aalis nanaman. And this time, kasama ko si Jungkook. Yehey!

"Saan mo gustong pumunta, Hyung?" Tanong niya.

Ayoko na sa Mall. The fuck!

"Sa park."

Napa-facepalm siya. "Kingina Hyung, sa park lang?"

"Oo, ayoko na sa Mall."

"Bakit?" Kinunot niya ang noo niya.

"Basta."

"Fine."

Kim Taehyung's Point of View
Argh. Nakatulog pala ako. Nakatulog ako kakaiyak.

Bumangon ako't luminga-linga. Nasaan si Jimin?

Bumaba ako sa sala, "Guys, nasaan si Jimin? Atsaka si Jungkook?"

Napansin ko kasing wala rin si Jungkook dito sa sala.

Teka..

"Uhm.."

Oh shit. Magkasama sila?

"Saan sila nagpunta?" Tanong ko pero ni-isa sa kanila, hindi ako sinagot. Aba! Nagsayang lang ako ng laway :3

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Itetext ko si Jimin.

To: Jiminnie [sent 16:46]
Chimchim, where are you?

Umupo ako sa sofa at hinintay ang reply niya. Pero lumipas na ang ilang minuto pero wala pa ring reply. Hays.

Park Jimin's Point of View
"Hyung, ang cute nung ibon!"

May dumaan kasi na ibon.

"Mas cute ka."

"Aish! Ang bolero mo naman, Hyung."

"Tss."

Ito kami, nakaupo sa bench habang kumakain ng ice cream na libre niya. Pinagmamasdan lang namin yung mga dumadaang mga kotse, naglalarong mga bata, mga pamilya at mga couples.

"Jungkookie.."

"Hmm?"

"Paano mo niligawan si Eunbin?"

Napatingin siya sa'kin, "Actually, siya yung nanligaw sa'kin." Natatawa sabi niya kaya natawa rin ako.

"Seriously?"

"Yup. Nakakatawa nga eh. Alam mo, ang clingy-clingy niya noon. Tapos ayon, sa kakapantasya niya sa'kin, nainlove ako sakanya. Tapos ewan ko na, niligawan niya 'ko. Pero sabi ko sakanya, ako dapat ang manligaw sakanya kasi ako ang lalaki so ayon, I court her hanggang sa naging kami. Kataka-taka ba na nagkaroon ako ng girlfriend samantalang takot ako sa babae noon?"

"Oo. Sobra kaming nagtaka."

"Wala eh. I was known to be the international playboy pero sakanya ako nagseryoso."

Pfft. "Naks! Ang gwapo mo naman pala, Kookie!" Natatawang sabi ko. Ubos ko na nga pala yung ice cream na chocolate flavor.

"Syempre naman, Hyung!"

"Ang hangin mo rin pala 'no?"

"Hindi naman. Minsan lang."

Pfft. Mababatukan ko 'to eh.

Bigla akong napaisip. Kailan kaya ako makakaamin kay Taehyung? Paano kung ligawan ko siya ng patago? Lels is that even possible? XD

(A/N: Top!Jimin is hot, y'know! XD)

"Hyung, may iniisip ka ba?"

"W-wala."

"Ay, wala ka nga palang isip. Display lang pala yung utak mo." Tapos tumawa siya kaya napa-facepalm ako.

Pigilan niyo 'ko, hihilain ko dila nitong bastos na batang 'to :3

"Bwiset ka!"

Tumawa siyang muli. Argh.

"Hyung, tara! Do'n tayo sa swing."

"What?"

Ang laki-laki na, maglalaro pa sa swing.

"Eii~ dali na, Hyung! Please?" Nagpuppy eyes pa, punyeta! :3

"Fine."

"Yey!" Tapos hinila na niya papuntang swing.

May dalawang swing na bakante do'n kaya tig-isa kami at umupo na.

"Teka, itulak mo muna ako, Hyung." Sabi niya sa'kin.

"Aish! Kaya mo na 'yan!"

Nagpout pa siya, "Please?"

"Okay, fine." Ano bang magagawa ko, mas bata siya sa'kin.

Tinulak ko yung swing na inuupuan niya ng dalawang beses saka umupo na sa kabilang swing at tinulak ko nalang ang sarili ko.

"Waaaaaaaaah!"

Para talagang bata 'to. May girlfriend na, isip-bata pa rin.

Naramdaman kong hindi tumitigil sa pag-vibrate ang phone ko kaya tumigil ako at kinuha ito.

Taehyungie

Accept | Ignore

Bumuntong hininga ako at sinagot yung tawag. Hindi ko naman siya matitiis. Hays.

"Anong kailangan mo?"

[Chim, where are you?]

"You don't care."

[I care because we're bestfriends.]

BESTFRIENDS.

"Aish! Hayaan mo na nga muna ako, please!"

[Chim, bakit ka ba ganyan?]

"What?"

[Aish! Just go home.]

"NO!"

Call Ended.

"Hyung, sino 'yon?" Tanong ni Jungkook sa'kin nang tumigil siya sa pagsi-swing.

"Si Taehyung."

"Oh! Hinahanap ka na yata niya. Tara, uwi na tayo. Mag-gagabi na rin, delikado na. Tara na, Hyung! Atsaka baka mapagalitan pa tayo ni Jin-hyung."

Tss. Kailan ko ba hindi matitiis 'tong batang 'to? Actually, silang dalawa ni Taehyung.

"Aish! Fine." Ginulo ko ang buhok ko.

Naglakad kami pauwi.

Nang maka-uwi kami, naghehesitate ako na pumasok ng apartment.

"Hoy, Yoongi, sabi ko'y ayusin mo yung aircon sa kwarto nina Taehyung at Jimin. Ano ba!" Rinig naming sabi ni Jin-hyung mula sa loob.

"Tara na, Hyung!"

"Bukas na. Sus! Madali lang 'yan. Pag-tyagan nalang muna nila 'yon." Sagot naman ni Yoongi.

"Hay nako! Ang tamad mo talaga! Kung si Namjoon naman ang utusan ko, baka masira pa lalo. Tapos hindi naman marunong magkumpuni ni Hoseok pati ako. Taehyung naman kasi eh."

"Hindi ko naman kasi sinasadya."

Nag-away-away na sila sa loob.

Pumasok na kami ni Jungkook sa loob. "Kami nalang ni Kookie ang mag-aayos, 'diba Kookie?"

Napatingin naman siya sa'kin nang nanlalaki ang mga mata, "What?"

"Please? Pagbigyan mo na 'ko, this time!" Nagpuppy eyes pa 'ko para no resist.

"Fine. Ano bang magagawa ko, mas matanda ka kaysa sa'kin."

"Yey!" I pinched his cheek, "Ang cute mo!"

"Aish!"

"Tama na 'yan! Umakyat na kayo't ayusin niyo 'yon. Kung saan-saan kayo pumunta, hindi man lang kayo nagpapaalam sa'kin."

Parehas kaming napa-grin ni Jungkook at sabay na umakyat sa taas.

Pumasok ako sa kwarto nina Yoongi para kunin yung gamit pang-ayos ng sirang gamit. Sikretong karpentero kasi 'yang si Yoongi. Hahaha dejoke lang XD

Kim Taehyung's Point of View
Napa-pout ako.

"Mukha kang pato, 'wag kang mag-pout."

Napawi ang pout ko at sinamaan ng tingin si Hoseok, "Mukha ka namang kabayo!"

Tumawa lang siya at niyakap ang kanyang boyfriend na si Yoongi. Landi, deputa! :3

HINDI AKO BITTER!

"Ang landi niyo, bwiset!" At umalis ako sa tabi nila.

"Bitter ka lang!" Natatawang sabi niya.

"HINDI."

HINDI NGA AKO BITTER, ANG KULET! :3

Pumunta ako sa kusina. Nagulat ako't nanlaki ang mga mata nang makitang nakasandal si Jin-hyung sa Fridge habang si Namjoon at pinipin siya do'n.

"Ano ba, Namjoon!"

Hala! Baka makakita pa 'ko ng liveshow dito kaya lumabas na 'ko ng kusina.

Homaygad! May tinatago rin palang kalandian ang dalawang 'yon.

Umakyat nalang ako sa taas. Binuksan ko yung kwarto namin at nakita ko sina Jimin at Jungkook na natutulog habang magkayakap pa sa kama ni Jimin.

Oh shit.

Parang biglang nadurog ang puso ko. Ano ba yung nakita ko? Huhuhu do'n nalang muna ako sa kwarto nina Hoseok makikitulog.

Hays.
-

A/N: [/le cringes; Ang sabaw nanaman nito huhuhu.
Dalawang update sa isang araw, yey!
Oh sige, last na update na talaga 'to bago magpasukan huehue XD

Thanks for reading! :)

~Daeni

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top