Chapter 23 - Aircon

Kim Taehyung's Point of View
"Oh! Bakit? May problema ba tayo d'yan?"

Aba! Siraulo pala 'tong si Jin-hyung :3

"Malamang, Hyung. Wala naman akong kasalanan, tapos bibigyan mo 'ko ng parusa! Aba, hindi makatarungan 'yon." Nagpout ako habang sinasabunan yung mga baso.

"Anong wala kang kasalanan? Nagsumbong sa'kin si Jungkook, muntik na raw masira yung aircon."

"Jusko naman, Hyung~ muntik lang eh! Atsaka si Jimin ang may kasalanan." Reklamo ko.

"Huwag mong idamay si Jimin!" Mariing sambit niya at sinamaan ako ng tingin.

"Kim Taehyung, kailangan bang sa lahat ng kasalanan mo, sisisihin mo si Jimin? Kailangan bang idamay pa siya? Walang alam yung tao, bakit mo sisisihin? Ha, bakit ganyan ang ugali mo? Baguhin mo 'yan, Taehyung, ha! Ayokong naninisi ka ng iba sa gawang hindi naman nila kasalanan."

Napa-pout ako. Hindi ko alam isasagot.

"Taehyung, sumagot ka!"

"Hyung, naghuhugas ako!"

"Hindi pwedeng magsalita habang naghuhugas?"

"Baka matalsikan ng laway."

"Taehyung, naghuhugas ka, hindi nagluluto. Kaya sumagot ka! Tama ba 'yon?"

Hindi ako sumagot. Sht. Ayoko talagang pinapagalitan.

"KIM TAEHYUNG!"

"ANO BA! Kasalanan naman talaga ni Jimin eh. Kung hindi niya 'ko hinaharut-harot habang ino-off yung aircon, atsaka muntik lang naman eh."

"Muntik? Paano kung natuluyan? And for your information, noong nasa taas ka kanina, nandito sa baba si Jimin. So, ano 'yang sinasabi mo? Gumagawa ka ng story, Taehyung? Kailan ka pa naging sinungaling? Kung hindi lang dahil kay Jungkook, hindi ko pa malalaman."

Ang daldal talaga ng ilong no'n.

"Pero Hyung naman, bakit mo pa pinoproblema, eh muntik nga lang naman."

"Oh sige, sabihin na nating muntik lang. Pero nag-observe ako kanina at biglang natanggal yung grill. Iyon ba ang muntik?"

Holy sht. Wala akong ligtas.

"Hyung, sorry na!"

"Lumabas ka!"

"Huh? Bakit?"

"LUMABAS KA! IWANAN MO YUNG HUGASIN. AT 'WAG MONG ISASAMA SI JIMIN. ALAM KONG INSEPERABLE KAYO PERO PLEASE, KAHIT NGAYON LANG, 'WAG MO S'YANG ISAMA!"

Fine.

Naghugas ako ng kamay at padabog na lumabas ng kusina.

Park Jimin's Point of View
"Taehyung, 'wag mo 'kong dinadabugan!"

Hala! Bakit pinapagalitan ni Jin-hyung si Taehyung? Anong kasalanan niya?

"Tae--"

"JIMIN, 'WAG MONG LALAPITAN AT SUSUNDAN SI TAEHYUNG."

Lumabas ng apartment si Taehyung. Bumuntong-hininga ako.

"HUWAG KANG BABALIK DITO!" Sigaw pa ni Jin-hyung bago pumuntang kusina.

Hala! Bakit?

"Guys, bakit?"

Napatingin sa'kin si Jungkook, "Kasalanan ko. Sinumbong ko kasi si Taehyungie-hyung eh. Sinabi ko na muntik na niyang masira yung aircon sa kwarto niyo. Nag-observe do'n si Jin-hyung kanina at natanggal yung grill."

Holy shit.

"Bakit niya kasi pinapakielaman yung aircon?"

"Hindi ko alam. Pagpasok ko sa kwarto niyo kanina, nakita ko siya na may inaayos sa aircon. Sorry, Hyung, ang daldal ko talaga, napagalitan pa tuloy si V-hyung." Sabi niya habang nakatungo.

"Okay lang, Kookie. Tama naman yung ginawa mo eh." Hinimas ko ang likod niya.

Nagpout siya, "Pero napagalitan si V-hyung at kasalanan ko kung bakit siya napagalitan."

Sumabat si Hoseok, "Tama ang ginawa mo, Kookie! Kung hindi mo sinumbong si Taehyung, baka kapag nakita ni Jin-hyung na sira yung aircon, baka mas matindi pa do'n sa kanina ang gawin ni Jin-hyung kay Taehyung."

"Tama!" Singit naman ni Yoongi.

"Ano pang hinihintay mo, Jimin? Sundan mo yung bestfriend mo!" Sabi sa'kin ni Hoseok.

"Pero ang sabi ni Jin-hyung--"

"Ako ang bahala sa'yo. Kaya sige na!"

Bumuntong-hininga ulit ako at tumango.

Lumabas ako ng apartment para hanapin si Taehyung. Either nasa park siya or nasa ice cream parlor.

Jung Hoseok's Point of View
"Oh! Nasa'n si Jimin?"

Lagot.

"Uhm.."

"Pinalabas mo? Para ano? Para sunduin si Taehyung? Tss." Umiling-iling pa siya.

"Hyung naman, hayaan mo na!"

"Ganyan naman kasi kayo. Hinayaan niyo lang, tapos gagawa nanaman ng kasalanan at hahayaan niyo lang?"

"Seokjin, hindi naman kasi gano'n. Nag-aalala lang kami na baka may mangyaring masama kay Taehyung sa labas." Singit pa ni Yoongi.

"Bakit naman? Ang laki-laki na ni Taehyung at kaya niyo ang sarili niya! Bahala nga kayo d'yan!" Padabog siyang umakyat sa taas. Si Namjoon, nasa taas din.

Pare-pareho kaming napa-buntong hininga.

Teka, nagpalit ba ng soul sina Taehyung at Namjoon, si Taehyung naman ngayon ang nakasira. Or baka may kung anu-anong kinakalikot si Taehyung sa aircon kaya nasira? Or baka naman, masyado nang luma yung aircon kaya nasira? Actually, secondhand lang yung mga aircon na nasa mga kwarto at ang sabi, medyo matagal-tagal na rin daw ang mga 'yon.

Ewan ko. Hays.

Park Jimin's Point of View
Pumasok ako sa Ice cream parlor at nando'n nga siya. Hawak-hawak yung tinidor at parang galit na tinutusok-tusok yung ice cream cake habang nakatingin sa kawalan.

Lumapit ako do'n at tumabi sakanya, "TaeTae, stop it!" Kalmado kong sabi.

"Hayaan mo nga ako!" Tinabig niya 'ko.

"Taehyung, sige na, tumigil ka na." Pinapanatili kong kalmado ang boses ko.

"Umalis ka na! Bakit mo ba 'ko sinundan? Baka pagalitan ka rin ni Jin-hyung!" Binitawan na niya yung tinidor at inilapag sa lamesa.

"Wala akong paki kung pagalitan ako. Halika na!" Hinila ko siya pero binawi niya ang braso niya.

"Hayaan mo na kasi ako!"

"Kim Taehyung, ano ba!" At bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang makitang umiiyak siya.

"Hala! Shit. I'm sorry. Halika na kasi! Taehyung, please?"

Nag-pout siya at tumayo na. Wala akong paki kung nakagawa man kami ng eksena dito sa loob at wala rin akong kung nakatingin silang lahat sa'min.

Nasayang lang yung cake.

Hinila ko na siya palabas ng Ice cream parlor.

"Sabihin mo, saan mo gustong pumunta?" Tanong ko, "Libre ko." Dagdag ko pa at ngumit ng bahagya.

"Kahit saan basta kasama ka."

I swear, hindi ko talaga bibigyan ng meaning yung sinabi niyang 'basta kasama ka'. I swear! PROMISE!

"Halika na!"

Min Yoongi's Point of View
"Sundan kaya natin sila." Salita ni Hoseok habang nakapatong sa balikat ko ang ulo niya.

"Huwag na. Hayaan mo nang si Jimin ang sumundo kay Taehyung. Atsaka bigyan na rin natin yung dalawang 'yon ng time para magsama. Kasi.."

"Kasi ano?" Inalis na niya yung ulo niya sa balikat ko at tumingin sa'kin nang may nagtatakang tingin.

"Basta." At nagsmirk lang ako habang nakatingin sa kawalan.

"Ang daya mo naman!" At saka niyakap niya 'ko at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko.
-

A/N: NANG DAHIL LANG SA AIRCON? LANGYANG YAN! PFFT.

Sawakas! Nakapag-update na ulit ako!!
Anyways, thanks for reading! :)

PS. PLEASE SHIP YOONSEOK/SUGAHOPE!!

PPS. ANG HIRAP NG WALANG WIFI NG BUONG ARAW. HAYS.

~Daeni

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top