Chapter 21 - Dare
A/N: Bago magsimula ulit, gusto ko lang ulit sabihin na WALANG KWENTA 'TONG CHAPTER NA 'TO, PRAMIS! Sige, continue reading! :)
-
Jung Hoseok's Point of View
"Ano bang pwedeng makain diyan?" Tanong ko kasi nagugutom ako.
"Si Yoongi-hyung, kainin mo hihihi." Punyeta talaga 'tong si Jungkook :3
"Ewan ko sa'yo, Jeon Jungkook!" Binato ko siya ng unan, tumawa lang siya.
Ang sarap niyang balatan ng buhay :3
Napatingin ako kay Taehyung na nakatulala. Kanina pa 'yan nakatulala. Ewan ko ba kung anong nangyayari.
"Hoy, Kim Taehyung!" Tumingin lang siya sa'kin at nginitian ako.
"Hoy, Jimin, ano bang nangyayari diyan kay Taehyung?" Pero hindi siya sumagot at nag-cellphone lang.
Punyemas!
Anong problema nito ni Taehyung?
"Hoy, Taehyung, napipi ka na ba? Magsalita ka naman." Ngumiti lang siya sa'kin.
Punyemas talaga!
Binato ko ng unan si Taehyung, "Kim Taehyung! Kapag hindi ka nagsalita diyan, hindi kita bibigyan ng ice cream." Tumayo ako para pumuntang kusina.
Lumabas ako ng kusina nang walang dalang ice cream kasi wala naman talagang ice cream XD
"Hoy, Kim Taehyung, hindi ka talaga magsasalita?" Tanong ko at naglakad papuntang Sofa.
Napakunot ako ng noo nang kumuha siya ng papel at ballpen at nagsulat.
"Wait lang. After 30 minutes, magsasalita na ako."
What? After 30 minutes pa siyang magsasalita? Ano bang trip nito ni Taehyung? :3
Sinampal ko siya, "Sabihin mo nga, ano bang trip mo!" Sinamaan niya lang ako ng tingin.
Sasapakin ko na 'tong lalaki 'to. O kaya buhusan ko nalang ng kumukulong tubig nang mapasigaw. Joke, ang sama ko naman XD
Napansin kong umakyat sa taas sina Jungkook at Eunbin. Si Yoongi naman, pumuntang CR. At sina Namjoon at Jin-hyung naman ay lumabas ng apartment.
So, kaming tatlo nina Taehyung at Jimin ang naiwan dito sa Sofa.
-____-
(A/N: ASDFGHJKL VMinHope. Sunshine Line. Homayghad!)
"Kim Taehyung!" Sinampal ko ulit siya ng mas malakas para magsalita na.
"TANGINA! MASAKIT NA!" Tapos nagpout siya at tumingin kay Jimin at napansin kong nagsmirk si Jimin.
Hala! Anong meron? Wala ba akong alam? Sabihin niyo, ano bang meron? Huhu ba't wala akong alam?
Dejoke, ang OA ko naman :3
"Nakakainis! Natalo tuloy ako sa dare!" Nagpout ulit siya.
Anong dare? Ano bang meron? Paki-sabi nga sa'kin kung anong meron?
"Anong dare?" Nakakunot-noo kong tanong sakanilang dalawa.
"Hoy, anyare?" Tumabi sa'kin si Yoongi. Tapos na pala siyang mag-CR.
"Yung about ba sa dare? Sige, ikukwento ko. Pitingini kasi!"
Kim Taehyung's Point of View
"Nakakainis kasi. Panira ka kasi, Hoseok! Ito na, ikukwento ko na. Aish!" Tumango lang sila.
* Insert black & white effect for flashback *
Nandito kami sa kwarto kahit hapon palang huehue. Yung iba, nasa baba. Wala silang pake kung nandito kami sa taas. XD
"Jiminnie.."
"Hmm?"
"Naaalala mo ba yung Ice Parlor na pinuntahan natin noon?" Tumango lang siya.
"Ano ba naman, Jimin! You're not paying attention."
Padabog siyang humarap sa'kin, "Ano ba kasi 'yon?"
"May dare ako."
Kinunot niya ang noo niya, "Huh?"
"Within 1 hour, walang magsasalita. Kahit bulong, wala. Isang oras tayong hindi magsasalita. Tapos kapag may nagsalita sa isa sa'ting dalawa nang hindi pa natatapos ang isang oras, means talo at ililibre yung nanalo do'n sa Ice Cream Parlor. Deal?"
"Sus! Ang dali naman niyan. Deal!"
At nagsimula na ang dare.
* end of flashback *
"KAYA AYON, ILILIBRE KO TULOY SI JIMIN SA ICE CREAM PARLOR. HUHUHU"
NAKAKAINIS TALAGA.
"Yehey! Ginawa-gawa mo pa kasi 'yang dare na 'yan eh!" Tapos tumawa siya.
Sinamaan ko lang ng tingin si Jimin.
"Fine. Halika na nga!"
"YEHEY! Ice cream cake ulit."
"Fine." Nirolyo ko ang mata.
Narinig kong tumawa si Hoseok, "Pasalubong, ha." Huli kong narinig bago kami lumabas ng apartment.
"Kasalanan ni Hoseok 'to." Inis na sambit ko habang naglalakad kami.
"Hindi niya kasalanan, kundi kasalanan mo. Kung hindi ka nag-react sa sampal niya edi hindi ka natalo." Saka nag-smirk siya.
Tanginang smirk 'yan. Bwiset!
"Argh. Nakakainis talaga!" Tinawanan niya lang ako.
Time skip >>>
Park Jimin's Point of View
Nandito na kami sa Ice Cream Parlor at putangina nitong waiter na 'to. Lechugas talaga!
Panay ang kindat kay Taehyung. May sakit yata 'to sa mata eh. Lagyan ko kaya ng black eye para mas maganda? Argh!
Matapos makuha nung waiter ang order namin, hindi pa rin siya umaalis sa lamesa namin. Bibigyan ko na talaga siya ng black eye, I swear.
"Uh..okay na, nakuha na namin yung order namin kaya pwede ka nang umalis." Nabalik naman sa ulirat yung waiter na malandi.
"Ah..eh..sorry po." Muli siyang sumilay kay Taehyung at kumindat nanaman bago umalis.
Pigilan niyo 'ko, susugurin ko na talaga yung malanding waiter na 'yon. Argh.
"Infairness, ang cute nung waiter pero mukhang may sakit yata sa mata." Saad ni Taehyung habang nakatingin sa'kin.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Mas cute ako."
Tinaasan niya 'ko ng kilay, "Really? Ang hangin mo talaga!"
Nirolyo ko lang ang magaganda kong mga mata.
"Jimin, nagseselos ka ba?"
"Why would I?"
"Mukha ka kasing nagseselos nung kinikindatan ako nung waiter. Malay mo, may sakit pala sa mata 'yon."
The fck. "Kung may sakit ang mata no'n, edi dapat may shades na suot 'yon." Iniiwasan kong lakasan ang boses ko.
OO NA, NAGSESELOS NGA AKO. PUNYETA! TAPOS SASABIHIN NIYA PANG CUTE YUNG WAITER SAMANTALANG MAS CUTE NAMAN AKO. AY, PUTRAGIS TALAGA! :3
Okay, kalmado na 'ko.
"Nagseselos ka nga."
"HINDI NGA SABI. ANG KULIT MO NAMAN!"
"Fine."
Maya-maya'y dumating na ang order namin at ang nakakainis ay yung waiter kanina ay siya pa yung nagserve ng order namin. Argh :3
"Enjoy your ice cream." Tapos tumingin siya sa'kin, "Ang ganda po ng kasama niyo."
Ginawa pang babae si Taehyung.
"Uh..eh..h-hindi po ako babae, lalaki po ako." Sabi ni Taehyung at awkward na ngumiti.
"I know." Saka umalis na yung waiter pero bago 'yon, kumindat nanaman siya kay Taehyung.
Tutusukin ko na ng eyeliner yung mata no'n :3
"Bro, may gusto yata sa'yo yung waiter." Sabi ko at tinusok yung tinidor sa cake dahil nagagalit ako.
"Hindi ko alam. 'Wag mo nalang pansinin." Ngumiti siya ng malapad saka kumain na.
Bumuntong-hininga lang ako saka kumain na.
Min Yoongi's Point of View
"Yow, nandito na kami ahihi." Pambungad ni Taehyung nang pumasok sila dito sa loob.
"Sa'n kayo galing, aber?" Tanong ni Seokjin.
"Sa Ice cream parlor hehehe. Teka, sino si Amber?"
"Tanga! Aber 'yun, hindi Amber." Binatukan naman ni Jimin si Taehyung.
"Aray naman! MASAKIT!"
"Yoongi, labas tayo." Napatingin ako kay Hoseok,
"Bakit?"
"Huwag na nga lang." Tumayo siya at pumuntang CR.
Napakunot ang noo ko. Anong problema no'n?
"Guys, si Eunbin!"
Napatingin kami agad kay Jungkook, "Bakit? Anyare sakanya?" Tanong ni Jin.
"May sakit."
-
A/N: Oh diba, WALANG KWENTA. Sabi sainyo eh XD
Babawi nalang ako next time, pramis! :3
Thanks for reading! :)
~Daeni
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top