Chapter 20 - Couple Game

(A/N: Bago magsimula, gusto ko lang sabihin na walang kwenta 'tong chapter na 'to, pramis! Sige, continue reading!)
-

Park Jimin's Point of View
"JIMIN! GISING NA! MAGJOJOGGING DAW TAYO."

Aish! Istorbo naman eh. Ang sarap pa ng tulog ko dito eh :3

"Hoy, Park Jimin! Gising na!"

Iminulat ko ang mga mata ko, "Ano ba!"

"Bumangon ka na diyan. Magjojogging pa tayo."

Ay. Paksht.

"Sino namang nakaisip na magjogging tayo?" Tanong ko at bumangon.

"Si Namjoon. Malay ko ba do'n, ayaw ko nga ring sumama eh."

Well, matagal na rin akong hindi nakakapag-jogging. Palagi kasi akong late nagigising, parehas kami ni Taehyung.

Nawawala na yata abs ko. Dejoke lang. Syempre, meron pa. Nakatago lang XD

"Oo na, susunod na."

"Bilisan mong maligo."

Nirolyo ko lang ang mata ko at bumaba na. Sumunod naman siya sa'kin.

Dere-deretso akong naglakad papunta sa salamin at nagsalamin, syempre.

"Wala ka nang maigu-gwapo kasi hindi ka naman gwapo. Panget ka."

Aba! Putangina. Piligan niyo 'ko, hihilian ko gilagid ni Yoongi :3

"Ang sama niyo kay Jimin." Natatawang saad ni Taehyung, "Pero oo nga, Jimin. Huwag ka nang tumingin sa salamin, pangit ka talaga."

Putangina.

Bestfriend ko ba talaga 'tong alien na 'to?

"Grabe kayo! Ang sama niyo sa'kin!" Nagpout ako at pumasok na sa CR para maligo.

Bwiset sila. Ang sama nila. Bakit sila gano'n sa'kin? Huhuhu

Matapos ang ilang minuto ay tapos na rin akong maligo. Lumabas ako nang may tuwalya sa bewang, abs ko nalang ang naka-expose XD

"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Inggit kayo sa abs ko? Mag-gym din kayo. Pwe."

At hindi na nila ako pinansin.

"Bilisan mo nga! Lechugas ka!"

"Tao ako, Namjoon, hindi lechugas." Tumawa pa 'ko bago umakyat ng kwarto.

Bakit? Tama naman, ha. Tao ako at hindi lechugas XD

Kim Taehyung's Point of View
Tao pala si Jimin? Akala ko anghel huehue

#BumabanatSiAko XD

Time skip >>
(A/N: Nagmamadali ako. No one cares :3)

Tapos na kaming mag-jogging at papunta kami sa isang Mall. Wow! Libre daw ni Namjoon huehue. Ang bait naman niya lol

"Saan tayo punta?" Tanong ko.

"Sa puso mo huehue joke lang."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Isa pa, Park Jimin! Makakatikim ka ng sapak sa'kin."

"Ay, nako! Kayong dalawa talaga." Umiiling-iling na sabi ni Jin-hyung.

"Iniwan pala natin sina Jungkook at Eunbin sa apartment." Biglang singit ni Hoseok.

"Sila naman ang nagpaiwan eh. Hayaan niyo na." Saad ko.

"Hala! Si Kumamon!" Sigaw ni Yoongi at tumakbo papunta kung saan.

Napakunot kami ng noo at sinundan nalang siya. At nakita naming nakayakap siya sa isang mascot, at si Kumamon 'yon kaya napahinto kami sa paglalakad at nasa gitna kami ng Mall. Nakikipag-away pa siya do'n sa mga batang sinusubukang yakapin din si Kumamon.

Hindi naman alam na may ganitong side pala si Yoongi.

"Ang isip-bata naman niya." Rinig kong banggit ni Hoseok, "Hindi ko alam na may ganyan pala s'yang side." Dagdag niya pa.

"Guys, nayakap ko si Kumamon!" Masayang sigaw ni Yoongi habang papalapit sa'min.

"Yeah. We know." Sagot lang ni Namjoon.

"Tara! Kain tayo. Nagugutom ako." Sabat ni Jimin.

Well, nagugutom na rin ako. Hihi

Inakbayan ko si Jimin, "Ikaw ang manlilibre." Sabi ko sakanya.

"AKALA KO BA SI NAMJOON ANG MANLILIBRE?" Malakas na sabi niya pero sure akong hindi s'ya naninigaw.

"Fine. Palagi namang ako ang nanlilibre." Sabi ni Namjoon at naglakad na.

Natawa nalang kami at sinundan siya. Saan naman kaya kami kakain? Gusto ko sanang maranasang kumain sa isang restaurant. Paano ba naman, palagi kaming dinadala ni Namjoon sa isang fast food chain lang.

Tapos may nakwento pa sa'kin si Hoseok. Dati daw nung pumunta kami sa Amusement Park, dinala raw siya ni Yoongi sa isang fast food chain.

What da fck lang 'diba?

Ang kukuripot naman nila :3

Pumasok kami sa isang fast food chain, as what I've expected. Aish! PALAGI NAMAN EH. SIGE, OKAY LANG. SANAY NA 'KO :3

Hindi ko na babanggit kung anong pangalan nung fast food chain dahil hindi ko alam at hindi ko mabasa. Ang gulo naman kasi, cursive pa :3

Naghanap kami ng mauupuan at umupo sa sahig..dejoke. Syempre, sa upuan. At katabi ko si Jimin, huehue XD

Tumayo na sina Namjoon at Jin-hyung para pumuntang counter, malamang oorder na ng makakain.

Okay, uhm..may napansin lang ako. Kanina pa magkahawak-kamay sina Yoongi at Hoseok nung papunta kami dito, hanggang ngayon na nakaupo na kami.

Seriously, anong meron? Sila na ba? Bakit hindi man lang ako na-inform.

"Hoy--"

"Kayo na ba?"

Hindi ko na natuloy yung dapat kong sasabihin kasi nagsalita rin si Jimin. Mukhang napansin din niya.

"Malapit na." Nagba-blush na sagot ni Hoseok.

Malandi po. Bakit gano'n? XD

Oh! Edi sila na'ng may lovelife. Ako na'ng walang lovelife. Huhuhu saklap ng buhay ko! :3

"WALANG POREBER." Sabi ko sakanila.

Oo, bitter ako :3

"May forever kaya." Sabat ni Jimin at nirolyo ko lang ang magaganda kong mga mata.

Siguro nga'y may forever. Forever kong mamahalin si Jimin at forever niya 'kong bestfriend at hanggang do'n lang 'yon, hanggang bestfriend lang ang turing niya sa'kin. Ang sakit! Sobrang sakit! Tagos to the bones hanggang sa lungs :3

Maya-maya pa'y dumating na sina Namjoon at Jin-hyung na may dala-dalang tray na may lamang pagkain. At 'yon yung usual na kinakain namin, hindi ko na babanggitin XD

Nagsimula na kaming kumain at panay ang nakaw ko ng tingin kay Jimin. Kung pulis lang siya, malamang ay inaresto na niya 'ko dahil ninanakawan ko siya ng tingin XD

"Bakit ba panay ang tingin mo sa'kin?"

Sht. Napansin niya pala?

"Huh?"

"Ewan ko sa'yo! Kumain ka nalang." Tapos nirolyo niya ang mata niya.

Jung Hoseok's Point of View
To be honest, hindi ko gusto ang lasa nitong kinakain ko. Nakipagpalit kasi sa'kin si Yoongi ng pagkain at hindi ko inaasahan na ganito pala ang lasa.

Parang matabang na ewan na may maasim na chuchu. Pero tinitiis ko nalang. Baka mamaya, bigla nalang akong masuka.

Kaya pala binigay sa'kin 'to ni Yoongi. Argh. Ang sama! Nakakainis. Hays. Ayoko na :3

"Ayoko na nga!" Ibinagsak ko yung kutsara at tinidor.

"Oh! Bakit? Sayang naman 'yan!" Sabi ni Taehyung at sinamaan ko siya ng tingin.

"Subukan mong tikman kung hindi ka aayaw."

Kinunot niya ang noo niya at tinikman yung pagkain ko at nagpakita siya ng nandidiring mukha.

"Ang pangit ng lasa." Bulong niya at uminom ng tubig.

"Sabi sa'yo eh."

"Hati nalang tayo dito." Sabi ni Yoongi.

"Hindi, huwag na. Okay lang ako! Kumain ka lang d'yan."

Pero sa totoo lang, gusto ko nang makihati sakanya kaso 'wag na, baka makulangan siya, huehue XD

Kaya ito ako ngayon, nakatingin lang sakanila habang iniinom 'tong softdrink. Hays.

Nang matapos sila ay agad kaming lumabas at naggala-gala nalang. Bale, naghiwa-hiwalay muna kami at magkita nalang daw kami sa Parking Lot.

At kasama ko si Yoongi. Ang magkasama ay sina Namjoon at Jin-hyung, at sina Taehyung at Jimin. Palagi naman XD

Kim Seokjin's Point of View
Kanina pa kami palakad-lakad dito. Saan ba talaga kami pupunta? Or maglalakad-lakad lang talaga.

Aish! Minsan, hindi ko na alam kay Namjoon. Baliw ba 'to? Seriously, saan ba talaga kami pupunta? Napapagod na 'ko kakasunod sakanya. Hays.

"Hoy, magpahinga naman tayo. Kanina pa tayo palakad-lakad. Ano ka ba, Namjoon!" Tumigil kami sa paglalakad.

"Basta. Matutuwa ka kung saan kita dadalhin." Ngumiti siya ng napakalakad saka nagpatuloy ulit sa paglalakad kaya sinundan ko ulit siya.

PAGOD NA AKO! :3

Park Jimin's Point of View
Nakatambay kami sa isang bench malapit sa Department Store, kumakain ng ice cream. Nagpalibre kasi, kinulit ako. Hindi ko naman matiis. Hays, bakit gano'n? :3

Naubos ko na yung ice cream ko pero yung sakanya, hindi pa ubos. Ang tagal namang kumain nito :3

"Hoy, bilisan mo ngang kumain." Siniko ko siya sa tagiliran.

"Sandali. Nilalasap ko pa eh."

Psh. Dami n'yang arte. Haist!

Biglang may dalawang babae ang lumapit sa'min. Nagulat nalang kami nang bigla kaming hilain nung mga babae at pinasok kami sa isang elevator kasama sila.

Ni-press nung isang babae ang pang-fourth floor.

Wait, saan naman kami dadalhin ng mga 'to?

"Uhm..mga Miss, saan niyo kami dadalhin?" Tanong ko.

Hindi sila sumagot -___- Aba! Nag-sayang lang ako ng laway.

"Seriously mga Miss, saan niyo ba talaga kami dadalhin?" Tanong naman ni Taehyung, na ubos na ang ice cream, pero hindi parin sumasagot yung dalawang babae.

Mga alien ba 'to? Baka mamaya, dalhin kami sa isang rocketship papuntang outer space. Dejoke, as if naman.

Pero saan ba talaga kami dadalhin ng mga 'to? Kanina ko pa gustong malaman. Hays.

* ting *

Nagbukas na yung elevator at lumabas na kami. Hinila kami papunta sa kung saan man.

Madaming mga couples ang nandito. Nagtaka naman ako. Bakit kami dinala dito? Akala ba nila couple kami? Fck. Pero sana nga XD

Bigla nalang may nanghila kay Taehyung. Sht.

"Jimin!"

"Taehyung!"

Sht. Wait. Ano bang nangyayare?

Meron ding mga nanghihila sa mga babae dito at ang naiwan nalang ay puro lalaki. Hindi naman babae si Taehyung, ha.

What da fck lang! Ano bang nangyayari? Sht. Wala akong alam :3

Biglang namatay lahat ng ilaw at pagkabukas, may bumungad na mga pinto sa harapan namin.

Seriously, anong meron?

"Alam mo ba kung anong meron?" Biglang may lalaking nagsalita sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya.

"Hindi ko rin alam. Bigla nalang kaming hinila dito." Sagot ko lang bago tignan ulit yung mga pinto.

"Parehas pala tayo."

"HANAPIN NIYO ANG MGA KASINTAHAN NIYO SA ISA SA MGA PINTO NA 'YAN. IF FAILED, MAIIWAN DITO."

Shit. What is this even? Is it a game? What kind of game is this? :3

Paano naman namin malalaman? Ang hirap naman. Wala man lang bang hint?

"Wala po bang hint?" Sigaw ng isang lalaki.

Mukhang pare-parehas kami ng mga iniisip dito.

"SURE."

May mga boses na lumabas mula sa mga pinto. At nangingibabaw ang boses ni Taehyung.

Sa palagay ko, nasa pinaka-una siyang pinto. Pumunta ako do'n at kinatok yung pinto.

"Taehyung?"

"Hmm."

Holy shit. Iba ang boses pero may kutob ako na nandito siya. Argh. Ang hirap naman :3

Anong mangyayari kung maiiwan kami dito? Is there another game? Aish. Kailangan mahanap ko kung nasaan si Taehyung.

Itong lalaki sa tabi ko, binuksan niya ang pinto at may lumabas na babae at biglang lumungkot ang mukha nung lalaki. I guess, he didn't opened the right door. Kaya maiiwan sila dito.

I have to find Taehyung.

BAKIT BA KASI HINILA KAMI NUNG DALAWANG BABAE DITO?

Napansin kong dalawang pinto nalang ang hindi pa nabubuksan. Itong nasa harap ko at yung nasa dulo.

"THERE ARE TWO DOORS LEFT."

Shit.

Napalunok ako at bubuksan na sana yung pinto pero may narinig akong bulong mula sa loob,

"Jiminnie!" It's Taehyung!

Agad kong binuksan yung pinto at tama nga, nandito si Taehyung.

"Jiminnie!" Agad niya 'kong niyakap at napangiti ako.

"TO THOSE WHO GOT THEIR GIRLFRIENDS CORRECT, YOU MAY LEAVE NOW."

HINDI NGA SABI BABAE SI TAEHYUNG! ANG KULIT NG MGA LAHI NG MGA 'TO! :3

Kumalas na siya sa yakap, "Alam mo ba, natakot ako nung hinila ako tapos ipinasok ako sa isang pinto. Kinabahan ako na baka hindi mo 'ko mahanap." He pouted. Cute.

"Tss. Kilala ko ang boses mo. Pero, yung kanina, parang iba ang boses mo do'n." Kinunot ko ang noo ko.

"Hindi ko rin alam. Anyways, tara na sa Parking Lot, baka nando'n na sila."

Tumango lang ako at lumabas na kami sa exit, alangang sa entrance :3

Matapos ang ilang baba namin sa mga escalators, naglakad na kami papunta sa isa pang exit na papunta sa Parking Lot. Hinanap namin yung Van at pagkarating namin do'n, nando'n na silang lahat.

Kami nalang pala ang hinihintay?

"Jimin, tinext kita. Hindi mo ba nareceive?" Sabi sa'kin ni Hoseok na ikinalaki ng mata ko.

Oh sht. Naka-silent nga pala ang cellphone.

Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko at meron ngang text mula sakanya.

From: Jung Hoseok [Received 13:39]
Hoy boi, nasaan kayo? Nandito na kami sa Van. Kayo nalang hinihintay.

At tinignan ko yung orasan and it' fucking 2:34 in the afternoon. Holy shit. Halos one hour silang naghintay. Gano'n ba kami katagal nando'n?

Nag-sorry lang kami at saka sumakay na sa Van at agad namang pinaandar ni Namjoon.

Tapos nagkwento si Taehyung about do'n sa nangyari sa fourth floor.

Hays. Seriously, hindi ko talaga alam kung bakit kami napagkamalang couple. Like really? We're both guys, bakit kami mapagkakamalang couples? Aish!

"Mukha bang babae si Taehyung?" Tanong ko out of the green--este blue XD

"Hindi. Gwapo siya para maging babae." Sagot ni Hoseok.

"Oy, thank you naman!" Sabi ni Taehyung kaya binatukan ko siya.

"Aray!"

"Naniwala ka naman, ugok!"

"Pangit ka kasi."

"Oo na. Hindi mo kailangang ipagsigawan." Tumawa lang siya.

Pero para sa'kin, hindi siya gwapo. Maganda siya kahit na alam kong lalaki siya. Magandang lalaki. A beautiful boy, pretty boy. Gano'n!

Pagka-uwi namin sa apartment, nakita naming natutulog sa Sofa sina Jungkook at Eunbin habang naka-on ang TV, hindi na namin sila ginising. In-off naman ni Jin-hyung ang TV at dumeretsong CR.

Umakyat ako papunta sa kwarto and I didn't expected na sumunod pala si Taehyung sa'kin.

"Oh, bakit?" Tanong ko pagkapasok namin at sinara naman niya ang pinto.

"Wala lang. Alam mo bang natatakot pa rin ako hanggang ngayon. Na-trauma yata ako dahil sa kanina."

I titled my head and furrowed my eyebrows, "Seriously?" Tumango lang siya.

"I'm always here for you no matter what...because we're bestfriends." At nginitian siya, ngumiti lang din siya.

I seriously doesn't want to be his bestfriend, I want to be more than just bestfriend.

"I love you, Tae.." I muttered before I laid down on the bed and closed my eyes.

"I love you, too, Jimin.."
-

A/N: SABI SA INYO EH, WALANG 'TONG KWENTA! ITO NA YATA ANG PINAKAMAHABA KONG UPDATE. WOW!
Sorry sa hindi pag-uupdate ng mga ilang araw. Sorry po talaga! :3 And since malapit na rin ang pasukan so, asahan ninyo ang mabagal na updates huhuhu.

Anyways, thanks for reading! At sana'y sinusuportahan niyo at suportahan niyo pa rin itong istoryang 'to hanggang dulo. Maraming salamat. I love you all! /throws hearteu ev'rywhere/

PS. ANG GANDA NI KANG SEULGI.

PPS. BAKIT BA ANG GWAPO KO? XD

~Daeni

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top