Chapter 2 - Alone
Kim Taehyung's Point of View
The sunlight flashed through my eyes.
What the?
Bigla nalang ako napabangon. Sinong tarantado ang nagbukas ng bintana? Bwiset! Kahit na sa sahig ako nakahiga, tamang-tama sa mata ko yung sinag ng araw. Aish!
Napansin kong ako nalang pala ang nandito sa kwarto. Iniwan nanaman nila ako. Palagi naman. Sige, okay lang. Sanay na 'ko :3
Maya-maya, nagbukas ang pinto at iniluwal nito si Jimin. "Hey, Taehyung! Good morning!" Ngumiti siya at pumasok sa loob ko--este dito sa loob ng kwarto.
Tumayo ako at niligpit na yung hinigaan ko. Napansin kong may kinuha siya sa ilalim ng unan niya. Ano naman kaya 'yon?
"Ano yung kinuha mo?" Kunot-noong tanong ko. Na-cucurious ako.
"Wala. Bumaba ka na." Sabi niya at lumabas ng kwarto. Napa-pout ako. Ang daya! Siguro, isa nanaman 'yon sa ireregalo niya kay Jungkook. Aish!
Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa sala at..nakitang kumakain na sila. Aba! Mga walanghiya. Hindi man lang hinintay? Ang dadaya talaga nila :3
"Bakit hindi niyo 'ko hinintay?" Pagta-tantrums ko. Okay, ako na isip-bata :3
"Huwag kang isip-bata diyan, V ! Umayos ka!"
Ayan nanaman yung tawag niya sa'kin. Hindi talaga ako sanay kapag tinatawag ako ni Jimin na V.
Nirolyo ko lang ang mga mata ko.
Umupo na ako sa pwesto ko. At simulang kumain ng hangin, pfft. Joke. Syempre, kumuha muna ako ng pagkain bago kumain.
Bakit hindi ako nagmumog? Wala lang, eh sa ayaw ko. Bakit ba, paki niyo? Hindi naman kayo ako so shut up nalang XD
~
Eto ako ngayon, may napaka-awkward na atmosphere kasama ang bestfriend kong si Jimin. Kami lang ang nandito sa dorm. Umalis kasi ang iba.
"Hey, aalis lang kami ni Namjoon, ha. Mag-gogrocery lang kami. Paubos na kasi yung mga stocks natin." Saad ni Seokjin-hyung.
"Okay." Sabi ko lang.
"Ay, kailangan ko ring umalis kaso wala akong kasama." Jungkook pouted. Cute.
"Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ko.
"Sa bahay nung girlfriend ko. Bibisitahin ko yung Nanay niya, may sakit kasi."
Napatingin ako kay Jimin. Napansin kong umirap siya. Pfft, nabibitter siya kasi may girlfriend si Jungkook.
"Kami nalang sasama sa'yo, Kookie." Nag-grin pa si Yoongi. Tumingin naman sa'kin si Hoseok at kinindatan ako.
Huh? Anong ibig sabihin no'n?
Tapos lahat sila ay umalis na. Iniwan kami ni Jimin dito sa dorm.
Oh!
So, ang ibig sabihin nung pagkindat ni Hoseok sa'kin ay para raw ma-solo ko si Jimin. Gano'n ba? Ay, enebe!
(A/N: Landi ni Taehyung, tangina!)
At eto kami ngayon, awkward na awkward ang atmosphere. Para kaming strangers na na-trap nang magkasama sa isang island sa sobrang awkward namin.
Maya-maya, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Napakunot ang noo ko at kinuha ang cellphone ko. May nagtext.
From: Hobi [Received 5:38 pm]
Hey, ikaw nang bahala kay Jimin hahaha. Okay yan, para masolo mo siya XD Nandito pa kami sa bahay ng girlfriend ni Jungkook. Baka bukas na kami maka-uwi. Ingat :)
WHAT?
"Ang tagal namang mag-grocery nina Seokjin-hyung." Rinig kong sabi ni Jimin.
Napatingin ako sakanya, "Yeah. By the way, baka bukas na raw maka-uwi sina Jungkook."
"What? Hell no!" He exclaimed.
"Reklamo ka pa. Psh." I rolled my eyes and laid on the sofa. Matutulog nalang ako since wala akong magawa at nabobored ako.
"Oy, matutulog ka, bro?" Tanga!
"Halata ba, bro?" Inirapan ko siya.
"Huwag kang matulog, Taehyung." He pouted. Cute.
"Bakit ba? Para namang may kukuha sa'yo. Atsaka, mas matanda ka pa nga sa'kin, dapat nga ikaw ang nagbabantay sa'kin." I made a 'hay-nako' look. Okay, ano bang pinagsasabi ko?
"Ang laki-laki mo na, babantayan pa kita? Sige na, matulog ka na. Tangina!" Ginulo niya ang buhok niya sa inis.
"Kailangang magmura, bro?" Ang sama niya talaga. Buti nga'y hindi ko siya minumura.
"Oo, kailangan 'yon, para damang-dama mo, bro!" Nirolyo niya ang mga mata niya at humiga sa kabilang sofa.
"Ewan ko sa'yo, Jimin!"
Pinikit ko ang aking napakagandang mga mata. Makatulog na nga lang, kaysa bungangaan ako ng bestfriend kong walang ibang ginawa kundi ang harutin si Jungkook kahit na alam niyang may girlfriend ito. Psh :3
Park Jimin's Point of View
Nakatitig lang ako sa natutulog na Kim Taehyung. Napaka-peaceful ng kanyang tulog. Mukha siyang anghel na binaba mula sa langit. Or he's like a fairy. Ewan, basta maganda siya.
Pwe. Ano bang pinagsasabi ko? Nababaliw na yata ako. Ang pangit-pangit nga niya. Hindi nga siya mukhang anghel nor fairy eh. Psh.
(A/N: Deny pa, amputs Jimin)
Ano bang pwedeng magawa? Bored na bored na ako dito. Gusto ko sanang makipaglaro kay Taehyung ng Snakes & Ladders kaso tulog siya. Aish!
Bakit ba kasi ang tagal nina Namjoon at Seokjin-hyung dumating? Napakatagal naman nilang mag-grocery, gabing-gabi na eh. Or baka naman natabunan na sila ng mga pagkain do'n sa grocery store. Tapos sina Jungkook, Yoongi at Hoseok, bukas pa raw uuwi. Aish!
Hindi ko na alam gagawin ko. Nababaliw na ako. Mas lalo akong nababaliw dahil kasama ko ang alien kong bestfriend, and worst, kami lang naiwan dito sa dorm. Grabeng buhay 'to :3
"Jimin.."
Napatingin ako kay Taehyung. Napakunot ang noo ko. Siya ba yung tumawag sa'kin? Pero tulog siya. Nagkibit-balikat nalang ako at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko. At nakita kong may notification.
1 unread message
From: Namjoon [Received 9:37 pm]
Boi, na-traffic kami. Baka mamaya pa kami makauwi. Ingat nalang kayo dyan.
WHAT?
Hindi pwede 'yon. Wala kaming kasama ni Taehyung at kanina pa ako bored na bored.
Grrrr. Ano bang pwedeng gawin?
"Jimin.."
Hala! Ayon nanaman. Sino ba yung tumatawag sa'kin? Tangina naman oh :3
Napatingin ulit ako kay Taehyung. Napakunot nanaman ang noo ko. Hindi kaya, si Taehyung yung tumatawag sa'kin? Kumbaga, sleep talking, ganun. Siguro napapanaginipan niya 'ko. Tss, ang gwapo ko kasi XD
Magising na nga 'tong alien na 'to at do'n na sa kwarto matulog dahil gabi na.
Lumapit ako sa sofa na hinihigaan niya. Gigisingin ko na sana siya pero biglang nagmulat ang mga mata niya.
"I'm awake."
Nirolyo ko ang mata ko, "Do'n ka na sa kwarto matulog. Sige na, solohin mo na yung kama ni Jungkook since wala naman siya ngayon." Nginitian ko siya.
Biglang nagliwanag ang mukha niya't napabangon, "Talaga?"
"Oo nga. Ayaw mo ba?" Ngumisi ako.
"Syempre, gusto." Tapos tumawa na siya at patakbong umakyat sa taas. Napa-iling nalang ako dahil sa akto niya.
Hays. Minsan talaga, ang isip-bata niya. Bakit ko ba naging bestfriend 'yang alien na 'yan?
Kim Taehyung's Point of View
O M G. Isang malaking O M G.
Sawakas! Makakatulog na ulit ako sa kama. Namiss ko ang matulog sa kama. Grabe! Nagtiis ako sa sahig at ngayon, sa kama na ako matutulog.
Bigla akong napa-pout.
Kaso, for this night lang pala kasi wala si Jungkook. Aish! Pero okay na rin, atleast kahit isang araw, makakatulog ako sa kama.
Aba! Mahirap kaya ang matulog sa sahig. Masakit sa likod tapos feeling uncomfortable pa. Hays.
Pero sawakas, finally, MAKAKATULOG NA AKO SA KAMA. Orayt!
-
A/N: So lame again, sorry.
Ang hirap pala kapag walang wifi buong araw. Shet! Ang boring :3
Well, enjoy :)
~Mrs. Park
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top