Chapter 19 - Ignored
Kim Taehyung's Point of View
"GUYS!!!" Masayang sigaw ni Jimin habang bumababa ng hagdan.
"Guys! Oh my god! Gosh! PANSININ NIYO 'KO!"
Bakit ba masaya 'to?
"Oh! Ano ba 'yon?" Tanong ni Suga-hyung habang busy sa pagkain ng chocolate.
"Lalalalala magde-date kami ni Jungkook mamaya! Waaaaaaaaaah!"
Sobrang saya niya. Paano naman ako? Kailan kaya ako magiging masaya?
"Ano kamo? Magde-date kayo? May girlfriend siya, 'diba?" Gulat na gulat na tanong ni Hoseok.
"Huwag kayong maniwala sakanya. We're not going date. Lalabas lang kami since palagi siyang nakakulong sa kwarto and kasama naman si Eunbin." Biglang sabat ni Jungkook.
"Aba! Panira ka ng moment. Akala ko date 'yon. Aish! Pero okay lang hihihi."
Napa-facepalm kaming lahat.
Sige, kayo nang masaya. Kayo na talaga. Ako na, hindi. Ako na'ng hindi masaya. Ako na'ng walang lovelife. Hays.
Pwede bang sa'kin ka naman tumingin, Jimin?
"Sige, byeeeee!" Masayang sabi niya bago sila lumabas na tatlo.
Hays.
"Oh! Anyare sa mukha?" Biglang sumulpot sa tabi ni Hoseok.
Para naman 'tong kabuti, sulpot-sulpot. Sulpot, ha hindi supot XD Akala ko ba kabayo siya, bakit naging kabuti? XD
"Ito. Malungkot."
Asdfghjkl ayoko na!
Park Jimin's Point of View
Tangina! Sabi na eh. Magiging hangin lang talaga ako. Ngayon, nafefeel ko na si Taehyung kapag magkasama kami ni Jungkook.
Ngayon, ako naman ang parang hangin dito kina Jungkook at Eunbin.
Tangina lang. Fuck fuck fuck fuck.
Fuck fuck? 'Diba ang english no'n ay Wings? Huehue
Tumawa kayo, please? HAHAHAHAHA
Okay, walang tumawa. Alam ko -___-
"Tawagin niyo nalang ako kapag tapos na kayong maglandian, ha!" Sabi ko sakanila at pumunta do'n sa bilihin ng mga damit.
Bakit nga ba ako pumasok dito? -___-
Since nandito na rin naman ako, bibili na 'ko ng damit. Bibilhan ko na rin si Taehyung. Parang galit yata sa'kin. Galit din ako sakanya. I hate him. I hate him so much that makes me love him more.
What? Ano raw? Ewan. Huwag niyo nang pansinin 'yon. Nababaliw lang siguro ako :3
"Yes sir, what do you want?" Biglang may sumulpot na babaeng parang kabuti.
"I want peace and happiness."
Binigyan niya lang ako ng 'are you serious?' look. Letse! Eh sa 'yon ang gusto ko. Bakit ba?
"Aish!"
Tapos nagtingin-tingin nalang ako ng mga damit. At may damit na pumukaw ng atensiyon ko.
"Miss, pwede bang magpa-customized ng gano'n?" Tanong ko do'n sa babaeng sumulpot sa tabi ko kanina habang nakaturo do'n sa damit.
Actually, parang bestfriend/couple shirts siya.
"Yes po, sir. Anong gusto niyong ipalagay?"
Ngumiti ako.
Jeon Jungkook's Point of View
"Kookie, punta tayo do'n sa mga accesories. Bilhan mo 'ko ng bracelet, please?"
Hays. Buti nalang, nakahingi ako kay Namjoon-hyung ng mga ilang dollars.
"Oh sige."
"Yey!"
Ngumiti lang ako.
Min Yoongi's Point of View
"Hoseok, ano ba!" Nakakainis naman kasi. Ang clingy niya. He keeps on nagging me. Tapos maya-maya, yayakapin ako, hahawak sa braso ko tapos biglang magsasabi ng 'I love you', eh hindi naman kami.
Ligawan ko na kaya? Huehue joke lang. Wala akong lakas ng loob manligaw. Baka kasi kahit alam kong mahal niya rin ako, sa huli, hindi niya 'ko sasagutin. Sayang yung mga naging effort ko kaya huwag na lang, masasaktan din naman ako.
"Yoongi-ah!" Ito nanaman siya. Parang kami pero hindi. Sana nga, kami nga.
"Love you."
I frowned, "Walang 'I'?"
"'I'? 'Diba kanta 'yon ni Taeyeon-noona?"
Ang korni niya. Pramis :3
"Tumahimik ka nga. Ang korni mo."
"Ano ba 'yan! Suportahan mo naman ako sa mga jokes ko." He pouted. Cute.
"Ilang tawa ba gusto mo?"
He smiled, "Mga benteng tawa, sapat na hehehe."
Nirolyo ko lang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba nagustuhan 'tong taong 'to--este kabayo pala siya XD
"Guys, bukas magjojogging tayo, ha. Maaga." Sabi ni Namjoon.
Anong pumasok sa kokote nito at biglang gustong magjogging?
"Bakit?"
"Wala lang, bakit ba?"
Nakakatamad.
"Kayo nalang. Alam niyo namang late ako magising, 'diba?" Sabat ni Taehyung.
"Edi, gigisingin ka namin ng maaga." Nakangiting sabi ni Hoseok.
"Ayoko."
"Whatever, Taehyung! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." Naks naman, Namjoon!
"Pagbigyan na natin si Namjoon. First time lang 'to, baka magbago pa isip." Natatawang sabi ko.
"Fine." Nirolyo ni Taehyung ang mata niya.
Ano bang problema nito? Gusto niya bang sumama kina Jimin? Tapos ano? Sasabihin nanaman niyang parang hangin lang siya na dinadaanan nina Jimin. ANO BANG PROBLEMA NI TAEHYUNG?
Park Jimin's Point of View
Lumabas na 'ko ng shop at nakasalubong ko pa sina Jungkook at Eunbin.
"Saan kayo galing?" Kunot-noong tanong ko sakanila.
"Bumili nitong bracelet ni Eunbin, nagpapabili kasi." Sabi niya habang pinapakita yung plastic.
"Saan 'yan?" Tanong ko.
Gusto kong bumili, bakit ba. Kahit galit ako kay Taehyung, gusto kong siyang bilhan. Pero siguro, ibibigay ko nalang kapag nakapag-confess na 'ko sakanya.
Kung makakapag-confess ako :3
"Basta! Dere-deretso lang, makikita mo 'yon. Sige hyung, mauna na kami, gusto raw kasing kumain ni Eunbin." Tapos umalis na sila.
Tangina.
Iniwan ako?
Atsaka ayos niyang magbigay ng direksyon, ha. Grabe, gets na gets ko. Sobrang gets na gets ko talaga :3 *note the sarcasm*
Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko yung accesories shop or jewelry shoppe. Kung ano man ang tamang term.
Pumasok ako sa loob at nakakamangha ang mga nakita ko. Punong-puno ng mga couple accesories. Well, may mga pangsolo naman pero mas marami lang talagang pang-couple.
Nakakabitter :3
Should I buy a couple accesories? Wala naman akong kasintahan, ni-hindi naman kami magboyfriend ni Taehyung.
Shet lang.
Bibili na nga lang ako ng couple bracelet kahit hindi naman kami ni Taehyung. Ibibigay ko nalang din kapag nakapag-confess na 'ko kay Taehyung.
Kung makakapag-confess ako :3
"Hello sir. What do you want to buy?" Tanong ng isang babae sa'kin.
"Uhm.pwede bang magpa-costumized ng couple bracelet?"
Yes sir, pwedeng-pwede po. Para po ba sa inyo ng kasintahan mo?"
Bumuntong-hininga ako, "Sana nga magkasintahan kami."
"Oh! I'm sorry. Anong gusto niyo po bang ipalagay and yung style ng bracelet na gusto niyo?"
Ngumiti ako.
Kim Seokjin's Point of View
Bakit kaya kami magjojogging bukas? Anong pumasok sa utak nitong lalaking 'to at natripang magjogging? Actually, tinatamad din akong magjogging bukas, atsaka late rin akong nagigising.
Anyways, ang tahimik nanaman ng buong apartment. Pramis, hindi talaga ako sanay :3 Madalas kasi, sina Taehyung at Jimin ang pasimuno ng kaingayan tapos sasabayan ni Hoseok. Pero iba na ngayon. Huhuhu anyare? Ano bang problema ng mga tao dito?
"Jin-hyung!"
"Ay putangina mong gago ka--hala! Namjoon, sorry. Bakit ka naman kasi nanggugulat?"
"Sorry kung nagulat kita, hindi ko alam."
"Ano ba kasi?"
"Nagugutom na 'ko eh. Lunch na po, hyung. Magluto ka na po." Tapos nag-grin.
Ano pa ang inutusan ng gunggong na 'to.
"Oo, ito na oh! Magluluto na." Sabay lakad ko sa kusina.
Aish! Ang sarap-sarap pa ng upo ko sa sofa eh, tapos may manggugulong at magsasabing magluto na raw ako. Masakit. Palagi nalang ako ang gumagawa ng gawaing bahay. Tumulong naman sila, 'wag namang puro ako. Ako nalang palagi. Masakit na, ha.
Bakit ba ang drama ko? Pwe.
Kim Taehyung's Point of View
* knock knock*
Who's there? Dejoke.
Napatingin kami sa may pinto nang may kumatok. Baka sila na 'yon. Ang bilis naman nila.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang magandang mukha ni Jimin.
"Ang bilis niyo naman."
"Syempre." Si Jungkook yung sumagot.
Pumasok na sila sa loob. Nginitian nila ako habang papunta sa sofa except kay Jimin na dere-deretso lang sa taas at nilagpasan lang ako. Na parang hangin lang ako sakanya. Na parang hindi niya 'ko nakikita. Na parang hindi niya 'ko kilala.
Napabuntong-hininga ako.
Hays. Ito nanaman tayo.
-
A/N: Sabaw nanaman :3
Anyways, sorry sa mahabang paghihintay. Sawakas at nakapag-update na 'ko! PAKISISIHIN YUNG MGA ANGST NA NABABASA KO. GRRRR
Thanks for reading! :)
P.S. ANG GWAPO NI JIMIN DUN SA MULTIMEDIA. ASDFGHJKL /le dies;
~Daeni
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top