Chapter 17 - Bored

Third Person's Point of View
Hello! Hello! Tell me what you want right now. Dejoke lang. Nandito na ulit ang napaka-GWAPO niyong narrator huehue

Take note, bakla po ako. dejoke lang XD

Okay, sa story na tayo. Kanino ba tayo magsisimula? Okay, since si Taehyung ang bida and cute siya pero mas cute si Jimin, siya ang uunahin natin XD

Hindi magkanda-ugaga si Taehyung sa kamang hinihigaan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumaba kahit na tinawag na siya ng mga kaibigan niya.

Kasi naman, kinikilig daw siya. Hindi man sila naging awkward ni Jimin pero KINIKILIG talaga siya. At pati ako na si narrator ay kinikilig din. Asdfghjkl

"Waaaaaaaaaaah!" Sa sobrang lakas ng sigaw niya, syempre narinig 'yon ng mga ka-members at pati na rin sa buong universe. Dejoke lang po XD

Ako'y nagbibiro po lamang. Pero hindi sa lahat ng oras ay nagbibiro ako, hindi sa lahat ng oras ay ngumingiti ako, hindi sa lahat ng oras ay nagpapatawa ako. Marunong din naman akong magseryoso at magalit.

Okay, bakit naging ma-drama na rin si Narrator? What the fck lang! Sige, balik na tayo sa istorya huehue

Biglang nagbukas ang pinto ng kwarto at iniluwal nito ang kabayong si Hoseok, "Hoy, anong problema mo? Bakit ka sumisigaw?"

"Wala naman hihihi."

Kaya napasapo nalang sa noo si Hoseok sa kalandian ni Taehyung, "Bumaba ka na!"

"Oo na, ito na hihihi."

Napaka-creepy nung 'hihihi'. Parang witch lang. Mas maganda yung 'hehehe' para pang-abnormal. At dahil abnormal si narrator, 'hehehe' ang madalas niyang gamitin XD

Bumaba na sila habang si Taehyung ay may namumulang mukha pa rin.

"Hyung, okay ka lang ba? May sakit ka ba? Bakit namumula ka?" Hindi niya nalang pinansin ang maknae at dere-deretso sa sofa.

"Hindi ka man lang ba magmumumog?" Tanong ni Hoseok at umiling lang si Taehyung.

Aba! Kadiri pala 'tong si Taehyung.

"Bastos 'to! Parehas kayo ni Jimin, hindi rin siya nagmumog. Ew." Sabi ni Yoongi.

"Hoy, bobo nito! Nagmumog kaya ako!"

Pero ang totoo, hindi talaga nagmumog si Jimin. Kadiri 'tong dalawang 'to. Mga bastos!

"Nako! Huwag kayong maniwala diyan. Hindi rin 'yan nagmumog." Sinamaan lang ni Jimin si Namjoon na ngayo'y tumatawa.

Bakit ba ang lalim ni narrator magtagalog? Parang makatang ewan lang :3

Anyways, balik na ulit tayo sa istorya.

Si Jimin naman ay habang gumagamit ng kanyang cellphone ay panay ang sulyap sa bestfriend niyang si Taehyung. Ay, huwag daw palang bestfriend kasi masakit. Oh sige, mahal nalang. Sa mahal niyang si Taehyung. Yiee

At si author ay kinikilig nanaman. Para doble ang kilig, punta tayo sa YoonSeok.

Si Yoongi ay kasalukuyang nagsi-soundtrip. Well, as usual naman, palagi siyang nagsi-soundtrip or kung hindi naman, natutulog.

Hanep! Yoongi's hobbies represent Fangirls' everyday life. Palaging tulog at nagsi-soundtrip.

"Syubie~" Medyo--I mean, sobra pala, malanding tawag ni Hoseok kay Yoongi. Naghum lang ang nakatatanda bilang sagot.

"May joke ako."

"Oh! Ano? Siguraduhin mong hindi 'yan waley. Kundi kukutusan kita."

Hanep ulit kasi hindi sila awkward.

Kung bakit hindi awkward? Mga walang hiya kasi sila kaya gano'n huehue

"Anong tawag sa maliit na aso?"

"Tuta."

"Mali."

"Eh ano? Puppy? Gago! In-english lang."

"Mali rin."

"Ano nga? Sabihin mo na!"

"Edi kapirASO. Hehehe"

Sinamaan siya ni Yoongi ng tingin, "Binibigyan kita ng limang segundo para umalis sa tabi ko."

Nag-grin lamang si Hoseok at umalis na sa tabi ni Yoongi. Hanep talaga dahil walang awkwardness na nagaganap.

MGA WALANGHIYA TALAGA SILA KAYA GANO'N. NYETA! Antonietta! Kilala niyo 'yon? Yung sa Bubble Gang? Huehueeee

Okay, balik na ulit tayo sa istorya.

Napatingin sila sa kusina nang may marinig silang kalabog ng mga kaserola.

Agad naman silang tumakbo papunta sa kusina (except sa girlfriend ni Jungkook na nagse-cellphone lang sa Sofa, langya!) at iniwan ang kanilang mga ginagawa.

"Hyung, anyare?" Concern na tanong ni Hoseok.

"Wala. Nalaglag lang yung mga kaserola. Hehehe. Sige na, bumalik na kayo do'n."

Tumango lang sila at bumalik na sa sala para balikan ang kanilang walang kwentang ginagawa.

Isa...

Dalawa..

Tatlo...

Naging awkward na ang kanilang atmosphere sa sobrang tahimik ng paligid. Ni-isa sakanila ay walang nagsasalita, walang kumikibo. Tanging ingay lang ng electric fan ang naririnig.

"Guys, nakakabingi ang katahimikan! Mag-ingay naman kayo!" Pagbasag ni Taehyung sa mukha--este sa katahimikan.

"Edi mag-ingay ka." Sarkistong sabi ni Jimin habang busy sa paglalaro ng Candy Crush Saga. Pfft.

"Mag-iingay talaga ako."

Tumayo siya at nagsimulang magsasayaw at magsisigaw sa gitna na ikinainis ng ibang members.

"Pwede ba, tumahimik ka!" Saway ni Namjoon.

Si Jungkook naman ay walang paki, nagse-cellphone lang.

Sige, mag-cellphone kayo ng mag-cellphone nang lumabo ang mga mata niyo :3

Kahit anong saway nina Namjoon, Hoseok at Yoongi kay Taehyung ay hindi ito tumatahimik. Mukhang iisang tao lang ang makapagpapatahimik sakanya.

"Pwede ba, Kim Taehyung! TUMAHIMIK KA NA!" Agad naman na napahinto si Taehyung dahil sa pagsigaw na iyon ni Jimin.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumungo, "S-sorry." Umupo na lamang muli siya sa Sofa at nanahimik nalang.

"Good."

Sikretong napa-smirk sina Min Yoongi at Jung Hoseok. Of course, Taehyung and Jimin is too oblivious to notice that.

Naks naman! Napapa-english si Narrator huehue

"V!" Napa-flinch si Taehyung dahil sa pagtawag sakanya ni Jimin ng pangalan na 'yon--este, letra pala 'yon, hindi 'yon pangalan.

Hindi siya sanay na tinatawag siyang 'V' ni Jimin. Iisa lang ang dahilan kapag tinatawag siyang 'V' ni Jimin. 'Yon ay..galit sakanya si Jimin.

Bakit ito galit? May nagawa ba siya? May kasalanan ba siya? Dahil ba do'n sa pag-iingay niya na sanhi ng boredomness niya? Ang daming tanong na sumasagi sa isipan niya.

"B-bakit?" Tumingin siya kay Jimin at agad na napa-pout nang makita niyang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Jungkook.

Oo, halata naman. Nagseselos si Kim Taehyung. In english, Kim Taehyung is jealous. In korean, 김 태형 의 질투 (Kim Taehyung ui Jiltu) Huwag kayong ano, ginoogle ko lang 'yan huehue

"I love you, Jimin."

At napatingin ang lahat sa kanya, except kay Jimin, na nanlalaki ang mga mata.

At dahil tinatamad na si Author at pabitin siya, hanggang dito nalang. Credits kay xxkpopxxloverxx do'n sa joke. Lol, bhe ang korni talaga nung joke na 'yon. Pramis! XD

So, maraming salamat sa pagbabasa ng walang kwentang chapter na ito hihihi. Love lots :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top