Chapter 10 - Ice Cream Date
Jeon Jungkook's Point of View
"Guys!" Sigaw ko sa buong dorm habang bumaba sa hagdan.
"Oh? Bakit? May problema ba?" Tanong ni Suga-hyung.
"Wala pero..waaaaaah! Uuwi na si girlfriend dito. Excited na 'ko!" Masayang sabi ko.
Nagtext kasi siya sa'kin, sabi niya uuwi na raw siya sa makalawa. Waaaaaah! I'm going to see her again. I really missed her, really!
"Edi shing." Biglang sabi ni Jimin-hyung.
Hala! Problema nitong pandak na 'to?
"Talaga, Jungkook? Talaga ba? I'm excited!" May something sa ngiti ni V-hyung. Mukhang alam ko na kung ano.
"Uh..yeah."
"Oh! Yeah, wassup man! Congratulations!"
Hala! Nabaliw na yata si Hobi-hyung. Pfft.
"Excited kaming makita yung girlfriend mo. I mean, maliban pala sa isa diyan hehehehe."
Ang creepy nung 'hehehe' ni Hyung. Sht.
"Uh..yeah, maraming salamat. Excited na rin daw siyang makita kayo." Ngitian ko pa sila.
Park Jimin's Point of View
Ewan. Wala naman akong pake kung darating na yung girlfriend ni Jungkook. Oh edi, susulitin ko na.
"Jungkookie!"
At hindi niya 'ko pinansin. Aba! Masakit. Porket darating na yung girlfriend niya, hindi na niya ako pinapansin. Kalungkot. Masakit. Bakit ganito ang buhay ko?
Dejoke lang, ang drama :3
Hayaan niyo siya. Hindi siya kawalan. May Taehyung pa naman ako hehehehe
Ako ang tunay na International Playboy. XD
"Guys, gusto niyo ba ng hot chocolate? Gagawa ako." Sabi ko sakanilang lahat.
Pero walang pumansin sa'kin. Aba! Mga walanghiya! Lahat sila busy.
Sina Yoongi at Hoseok, may pinanunuod sa laptop ni Namjoon, tawa pa ng tawa. Malamang, funny videos ang pinapanuod nila. Si Seokjin-hyung, nasa kusina. Si Namjoon, ewan ko kung nasaan, nasa kwarto nila yata. Si Jungkook, busy sa cellphone niya, may katext yata. At si Taehyung, nakatulala lang kay Jungkook. Actually, wala siyang ginagawa, nakatitig lang talaga siya kay Jungkook.
Oh edi, kayo na! Ayoko na! Palagi nalang nila akong hindi pinapansin. Bakit sila ganyan? Ang sama nila sa'kin palagi. Hays.
"GUYS!" Sigaw ko sa buong dorm, pero wala paring pumansin sa'kin, maliban kay Taehyung.
"Yes, Hyung, bakit?"
Nagpout ako. Kumunot nalang ako noo niya.
"May problema ba, Hyung? Sabihin mo sa'kin."
I like it when Taehyung calls me Hyung. Kaya mahal ko siya, pero mas mahal ko si Jungkook XD
"Wala naman. Bakit hindi niya 'ko pinapansin?" Sabi ko sakanya habang naka-pout parin.
Ngumiti siya at tumabi sa'kin. "Labas tayo. Yung tayong dalawa lang." I swear, napansin ko siyang nagsmirk.
"Hmm..sige."
Buti pa 'tong bestfriend ko, ang bait sa'kin. Kaya mahal ko siya, pero mas mahal ko si Jungkook XD
Kim Taehyung's Point of View
Waaaaaaaaaaaah!
Pumayag siya!!
Kyaaaah! Kyaaaaah!
Kaso, saan naman kaya kami pupunta? Hehehe sinabi ko lang naman 'yon para ma-solo ko siya eh XD Pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Jeon Jungkook's Point of View
Nagtext si Girlfriend sa'kin, miss niya na raw ako. At gusto niya raw makita ang Hyung-deul.
Luminga ako at napansin kong wala sina V-hyung at Jimin-hyung. Hala! Nasaan sila? Kung umalis sila, dapat sinama nila ako. Ang boring dito sa dorm. Huhuhu
"Hyung-deul, nasaan sina V-hyung at Jimin-hyung?" Tanong ko sakanila pero ni-isa sakanila, walang sumagot.
Wow! Grabe. Ang sakit. Hindi man lang nila pinansin ang maknae nila? Huhuhu they hurt mah feelings. Huhu
Bumuntong hininga nalang ako at umakyat sa kwarto namin. Ako'y matutulog nalang dahil ako'y nabobored.
Park Jimin's Point of View
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng alien na 'to--este nitong si Taehyung.
Naglalakad lang kami hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang Ice Cream Parlor.
Bakit kaya Ice Cream Parlor yung tawag diyan? Ano 'yon, yung habang kumakain ka ng ice cream, ginugupitan ka pa ng buhok, ganun? Huehue joke lang XD
Ang korni ko talaga, nakakainis. Nahawa kasi ako kay author huehue
(A/N: Aba! Nadamay pa 'ko. Siraulo ka!)
"Bakit dito?" Tanong ko dito sa alien na kasama ko.
"Ayaw mo ba? Treat ko. Atsaka, nag-cracrave ako ngayon sa ice cream kaya dito nalang tayo." Ngumit siya ng napakalapad.
"Siguro ka, treat mo? Ang mahal kaya dito!" Sabi ko sakanya at napa-pout. Hindi ko alam kung bakit ako napa-pout.
"Argh. Bakit ang cute niya?" Rinig kong bulong niya pero hindi ko nalang pinansin.
Oo, alam kong cute ako, matagal na. XD
"Dito tayo kasi gusto ko, okay lang kahit mahal. Kumupit ako ng mga ilang dollars kay Namjoon huehue. Atsaka parang date na rin natin 'to--I mean, bestfriend date. Hindi yung palagi nalang kayo ni Jungkook." At nagpout niya.
Shet. Ang cute niya.
Sinabi ko bang cute siya? Joke lang 'yon. Ang pangit niya kayang mag-pout, mukha siyang bibe.
Bibe ng buhay ko.
Huehue joke lang. XD Nakokornihan na 'ko sa sarili ko. Sht :3
"Tara na!"
Kaya pumasok na kami sa loob. Wala namang masyadong tao. Ang dami ngang bakanteng upuan eh.
Naghanap kami ng pwesto at syempre, umupo na.
May dumating na waiter at binigay sa'min yung Menu Book na naglalaman lang naman ng mga ice cream.
"Ay, ice cream cake nalang i-order natin. 75 dollars lang ang isang slice. Hihihi."
Da fck lang! Para siyang witch do'n sa 'hihihi' niya. Pero ang cute.
Wait, kanina pa 'ko sabi ng sabi ng cute. HINDI NIYA SIYA CUTE, ang pangit niya kaya, hmp.
"Oh sigeeeee." Pagsang-ayon ko.
Kahit ano nalang. Hindi naman ako nagugutom. Atsaka, ayaw ko lang sa dorm, boring do'n. Tapos hindi pa ako pinapansin ni Jungkook porket darating na yung girlfriend niya. Psh.
Nag-chuckle siya at nagtawag ng waiter. After niyang sabihin yung order namin, ay umalis na yung waiter.
Teka lang. Waiter? 'diba, english 'yon ng tubig? Huehue ang korni ko nanaman XD
"Jiminie!"
Nag-hum lang ako bilang respond.
"Bestfriends tayo, 'diba?"
Ang sakit naman nung bestfriend :3
"Y-yeah. B-bakit?"
"I love you."
KIKILIGIN NA SANA AKO kaso hanggang bestfriend lang pala. Masakit.
"But I hate you."
I hate you for doing this to me. Bakit ba patuloy akong na-iinlove sa'yo? At bakit ba patuloy mo 'kong sinasaktan?
"I know."
No, you don't know. You don't know that I love you, too. Pero hindi tulad ng turing mo na hanggang bestfriend lang kasi I love you more than bestfriend. I love you more than Jungkook.
ANO BA? BAKIT ANG DRAMA NAMAN? ALAM KO KASI, DAPAT HUMOR 'TONG ISTORYANG 'TO. BAKIT NAGKAROON NG DRAMA?
Siguro, random genre 'to. Punyemas!
Maya-maya, dumating na yung order naming two slices of ice cream cake.
(A/N: [/le dances to Ice Cream Cake by Red Velvet; XD ang ganda talaga ni Seulgi. Homaygad!)
"Hmm..ang sarap."
"Mas masarap ako hehehehe."
Kaya hinampas ako ni Taehyung ng tinidor. Tangina! Masakit. Pero mas masakit yung hanggang bestfriend lang ang turing niya sa'kin.
Pwe. Ang drama nanaman. PUTRAGIS NAMAN OH!
"Ang hangin mo talaga. Umuwi ka na nga!"
"Joke lang naman, hindi ka talaga mabiro." Sabi ko habang hinihimas yung braso ko na hinampas niya ng tinidor.
"Ayoko na ng biro. Sawang-sawa na 'ko sa mga biro. Yung feeling na akala ko totoo, 'yon pala nagbibiro lang. Masakit kaya." Seryoso niyang sabi.
Binigyan ko lang siya ng 'are you serious?' look? Huta! Ang drama niya rin eh.
"Joke lang din 'yon, ano ka ba!"
Nirolyo ko lang ang mata ko.
"Tangina mo talaga, Taehyung! Bumalik ka na nga sa planeta mo."
Tumawa siya, "Joke nga lang eh."
Nirolyo ko lang ulit ang mga mata kong magaganda XD
Nang matapos na kaming kumain ay nagbayad na si Taehyung saka umalis na kami.
"So, saan naman?" Tanong ko.
"Sa puso mo. Hehehe. Joke lang."
Napa-facepalm lang ako.
Nandito ka na sa puso ko eh. Eh ako, nandiyan ba sa puso mo?
ARGH, PUTANGINA! ANG DRAMA KO TALAGA. :3
"Baliw!"
Tumawa kaming pareho at saka inakbayan niya 'ko. HINDI AKO KINIKILIG, OKAY? HINDI.
Min Yoongi's Point of View
Nakatitig lang ako dito sa katabi kong si Hoseok habang siya'y nanunuod ng Anime.
Bakit ngayon ko lang narealized na..
ANG CUTE PALA NI HOSEOK.
-
A/N: Ayan, sabaw nanaman.
Sa wakas, nakapag-update na rin. Hays.
Thanks for reading! :)
~Daeni
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top