Chapter 51
And just like that, babalik ako sa Pilipinas kung saan nag-simula ang lahat.
"Are you sure magiging okay kalang?" Pang-isang daan nang tanong sa akin ni Hans at nag nod ako.
"Again Hans, magiging okay lang ako. I just need to renew the contract and after kong magawa yun edi babalik agad ako dito." Sagot ko.
"Di naman yun ibig sabihin ko, tinatanong ko yung puso mo kung magiging okay lang yan. Pano kung mameet mo ulit si you know who, muli bang titibok yang puso mo?"
"Hans, five years na ang nakalipas at naka-move on na ako. May anak na din ako oh, which is the reason kung bakit siya nakipag-hiwalay sa akin. I don't need anyone else aside from Jiro. Promise magiging okay lang ako." After he, ay she was pala, was convince nag-akapan kami.
"Ingat ka dun ah, ingat din yang puso mo." Sabi niya at ngumiti ako.
"Sila ang mag-ingat sa akin."
_____________________
"Mummy where are we going?" Tanong sa akin ng anak ko when we arrived at the airport.
"Mummy just need to do something for another company, I promise you it will be done quickly." Sagot ko. "Now we only need to find Wilanda, asan na ba yun?"
Tinawagan ko si Wilanda pero hindi siya sumagot. Nag-lakad lakad kami sa Airport para hanapin siya pero di namin siya makita.
"Wilanda asan ka na ba?" At nakita ko rin siyang bumibili ng libro sa Bookstore. "Pambihira tong kaibigan ko, kanina ko pa hinahanap dito ko lang pala siya makikita."
Pinuntahan namin siya ni Jiro at pag-tapos niyang bumili ay nakita niya din kami.
"Oh Cass, andyan kana pala." Inosente niyang pag-bati and I gave her a straight face.
"Andyan andyan, kanina pa kita tinatawagan hindi mo man lang sagutin yung tawag ko." I stated at chineck niya ang phone niya.
"Ay naka-silent yung phone ko, sorry haha!" Tawa niya at nag-buntong hininga ako.
"Ano nanaman binili mo ngayon?" Tanong ko sa kanya at itinaas niya ang libro.
"Eto Tadhana. Grabe bes ang ganda sobra ng story nito, nakakakilig! Actually, may libro na ako nito pero gusto ko ulit bumili ng isa pa para basahin sa eroplano. Excited na nga akong mabasa yung part two eh kaso di pa siya lumalabas. Alam mo yung story nakakaiyak siya, nag-tataka nga ako kasi parang real life yung story." Sagot niya at nanlaki mga mata ko.
Hindi niya alam pero ako ang sumulat ng storya na yun, ang story na sinulat ko mula highschool nung crush ko pa si Simon noon.
"Hindi lang yun ah, yung story sa Tadhana konektado siya sa past love story mo. Nabuntis din yung main character at nag-ibang bansa siya." Patuloy niyang sabi at bigla siyang napatigil. "Teka lang..."
Nilabas niya ang libro na Tadhana at may binasa siya, after nun ay nanlaki ang mga mata niya. She glanced from me to the book then me again.
"Hala, ikaw pala ang nag-sulat ng Tadhana! Di mo man lang sinabi!" Sigaw niya at nag-labas siya ng ballpen. "Pa-sign naman, I am a fan!"
"Fan fan ka diyan, tara at ma-lelate pa tayo sa flight naten." Iniwan namin siya ni Jiro at pumunta na kami sa gate namin.
"Bes ang ganda talaga ng story, nabitin ako sa part one. Excited na akong mabasa ang part two, gusto kong malaman kung anong nangyare sa main character. Lalo na title ng part two Muling Itinadhana, alam mo yun muling itinadhana, meaning mag-kakabalikan pa ang main characters at may pag-asa pa!" Biglang nag-salita si Wilanda habang nakaupo na kami sa eroplano.
Inisip ko ang Tadhana, five years ko na yung nasulat at nakalimutan ko na ang storya nun. Balak ko sanang gawan ng part two kaso biglaan ang hiwalayan namin ni Simon. Di ko nga alam na na-publish pala ang libro at isa pa sa bestfriend ko ang nag-babasa nun.
"So kailan labas ng part two?" Tanong ni Wilanda at tinignan ko siya.
"Di ko alam at di na lalabas ang part two, tinatamad na akong mag-sulat." Sagot ko at tinulungan kong mag-lagay ng belt si Jiro.
"Ang sad naman, excited na akong mabasa yun! Gusto ko nang malaman kung anong nangyare kay Caroline at Sean." Napatigil siya at tumingin siya sa akin. "Teka, story niyo ba ni Simon toh?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya and I guess alam na niya ang sagot dun.
"Story niyo nga, kaya siguro wala pa ang part two kasi nag-hiwalay na kayo. Ang sad naman ng story niyo bes, wala man lang happy ending. Pag malaman ko kung sinong nang rape sayo, papatayin ko yun! Panira yun ng love story!" Tinakpan ko ang bunganga niya at tumingin sa paligid.
"Bes nasa eroplano na tayo, madaming makakarinig sayo. Itrato mo nalang toh na parang library, bawal maingay." U-moo siya and I let her go.
"Sayang kasi, nakakakilig na yung story tapos napaiyak pa ako, wala palang part two." Bulong niya at nilagay ko ang headset ko para di niya na ako kausapin tungkol sa storya.
Five years na ang nakalipas, inside those five years madami na akong napag-daanan. Ang mag-palaki ng aking anak, masabihan na pabaya sa ibang tao at iba pa. Nag-aral akong mabuti para guminhawa ang buhay ko pati na ang anak ko at para narin sa future naming dalawa.
I joined my mother's company, and after earning enough money, I built my own company. Napalaki ko at madami akong na-contribute sa kompanya ko and The Golden Staff is our highest investors kaya naman dapat kailangan naming gawin ang lahat to continue working with them.
Even if it means I have to travel all the way back to the Philippines, where I have the chanece to meet everyone again... and probably him
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top