Chapter 47

"Mahal na mahal kita."

"Kahit anong mangyare hinding hindi kita iiwan."

"Mamatay muna ako bago kita iiwan."

"You are the most important person in my life, di ko kakayaning mabuhay kapag mawala ka."

"I love you so much Cess, akin kalang kahit anong mangyare ah."

"Wag kang mag-alala, kahit pumanget kapa mamahalin parin kita."

"Ikaw lang ang pipiliin ko no matter what happens."

Naramdaman ko ang metal sa baba ko at napadilat ako.

"Wait, teka po!" Sigaw ko at bumaba ako ng kama. "Hindi ko kaya... hindi ko kaya... sorry..."

Napaupo ako sa lapag at hinawakan ang tiyan ko, umiiyak nanaman ako. Di ko akalaing ipapalaglag ko ang isang blessing sa isang tao. Siya man ang dahilan kung bakit nag-bago si Simon, pero wala akong karapatan para tanggalan ng buhay ang isang sanggol na walang kamalay malay sa mundo.

Di niya kasalanan ang pag-kabuntis ko, sarili ko dapat ang sisihin ko at dapat panagutan ko ito.

"Good choice Miss." Hinawakan ako ni Doctor sa balikat and all I did was nod.

Pag-kalabas ko ng room ay agad akong pinuntahan ni Daff. And like before, umiyak ako at inakap ko siya.

"B-bes... hindi ko kaya bes... s-sorry..." Halos mamaos na ang boses ko pero inintindi niya ako.

"Okay lang bes, sorry din at di ko agad sinabi sayo ang plano namin ni Simon." Nag-simula siyang umiyak. "Sorry dahil ng dahil sa pag-tatago ko ng lihim na yun ay hiniwalayan ka ni Simon."

"Bes, wag kanang umiyak bes. Dimo kasalanan yun." Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Kasalanan ko bes, kasalanan ko ang lahat! Mapatawad mo sana ako!"

One month later...

"Uy bes sleepover mamayang gabi ah." Paalala sa akin ni Daff.

"Oo alam ko, di mo na kailangang ipaalala." Sabi ko sa kanya.

Isang buwan narin ang nakalipas, mahirap mang mag move on pero nagawa ko. Tinanggap ko narin na hindi na maibabalik ang feelings sa akin ni Simon, and guess what? Wala na akong pake.

Last day ko na pala ngayon at aalis na ako States kinabukasan. Sasamahan ako ni Hans dahil dun di siya mag-aaral. Nag katuluyan si Daff at si Bryan, medyo awkward na ang friendship nila Marj at Keith dahil kay Simon.

I guess ang taong nakasama ang mahal niya ay si Daff lang, mapag-laro nga talaga ang tadhana. Minsan di mo na alam kung sino talaga ang para sa iyo, pero okay lang dahil nakikita mo naman silang masaya sa iba hindi ba?

Anyways, nag-paparty si Marj plus a sleepover. Syempre invited lahat ng kakilala niya, and that includes Simon. One month na rin akong buntis at hindi ko pa alam ang totoong tatay, ni di ko nga nakita ng mabuti mukha nun eh.

Pero okay lang dahil wala namang nakakaalam na buhay padin ang anak ko maliban kay Daff at Marj. Nang matapos na akong mag-ayos ay pumunta ako sa bahay ni Daff at sabay kaming pumunta sa bahay ni Marj.

"Kamusta yung puso mo?" Tanong sa akin ni Daff habang nag-dridrive siya.

Tumibok agad ang puso ko ng malaman ko kung sino ang tinutukoy niya, mahal ko parin si Simon and I am not denying that pero kung iba na ang mahal niya, edi wala na akong magagawa.

Kami na pala ni Hans, haha unexpected noh? Pero may dahilan kung bakit sinagot ko sya. It's not like I'm using him as a rebound, pinag-bigyan ko lang siya para matanggap na niya ang tunay na katauhan niya. 

Yep, you heard me right, bakla si Hans at tutulungan ko siyang tanggapin yun kasi hindi nya pa narerealize. Natatakot kasi siya sa tatay niya kaya nag-kunwari akong jowa niya.

"Okay lang naman ang puso ko, tumitibok parin." Matamlay kong sagot and I heard her sigh.

"Sorry bes ah, kala ko kasi mahal ka niya talaga pero... di ko alam kung anong nangyare sa kanya. Kung bakit siya nag-kakaganun."

"Okay lang, sabi nga nila, people change all the time." At pumasok na kami sa bahay ni Marj.

We were greeted by Marj and Dranreb.

"Uy Cass, Daff! Andito na pala kayo, welcome to my home!" Bati ni Marj.

Wala naman kaming ginawa masyado, nag-party party lang tapos dumating ang taong minsan ko nang minahal, si Simon. Kasama niya ang jowa niya na si Alessia. Nag-katinginan kami pero iniwas niya agad ang kanyang mga mata.

Sumikip ang dibdib ko dahil di ko akalaing magagawa niya sa akin yun. Syempre nandun na si Hans pero nakikipag-landian siya sa ibang lalake. Si Keith naman ay nakikipag usap kay Juan at Yvonne, si Marj at Dranreb ay may ginagawa sa kitchen. Si Daff ay nasa boyfriend niya so mag-isa ako.

"Oh my gosh, ikaw yung babaeng assuming. Di lang assuming, nag-pabuntis pa sa walang oras." Nilapitan ako ni Alessia.

"Babe, tama na yan." Pinigilan siya ni Simon and that was when I felt na may something pa sa aming dalawa.

Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala pero mabilisang nawala iyun. Like what they said, Words can lie but the eyes can never lie.

"No, I am not done yet. I want to know why she thinks na naging kayo in the past?" Tanong ni Alessia at tumayo ako.

"Wala kanang pake dun, buhay ko na yun. At kung iniisip mong naging assumera ako, well nag-kakamali ka. Prinapraktis ko lang noon ang drama namin and you were wrong..." I took a deep breathe and I locked my eyes on Simon. "Never naging kami, not now not ever."

And with that, I walked away. Muntik na akong mapaiyak sa harap nila pero mabuti nalang ay medyo madilim. Pumunta ako sa kitchen at nakita si Marj na malungkot habang si Dranreb ay nag-luluto.

"Anyare sayo?" Tanong ko.

"Nasunog ko yung chicken, nag luto pa naman sana ako para ma pa impress ko si Keith kaso hindi talaga ako marunong mag luto." Sagot ni Marj.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top