Chapter 46

"K-kuya..." Bulong ko sa sarili ko and I know that he already knows what happened to me.

I prepared myself dahil alam kong pag sasabihan nya ako.

"Ano bang pinag-gagawa mo Cass! Bakit ka pumunta sa club at nag-pakalasing! On top of that, bakit ka nag-pabuntis! Di sana yan mangyayare kung hindi ka nag-pabaya sa sarili mo!" Sigaw niya at para bang nanliit ako sa kinatatayuan ko.

Namuo agad ang mga luha ko at nahulog ako sa lapag. Di ako makasagot sa kanya, di ko alam ang sasabihin ko. At di lang yun, may mas malala pa palang mag-sesermon sa akin.

"From now on, hindi na kita kapatid. Di ko alam kung saan ako nag-kulang pero... My God Cass! Napakatanga mo!" And he walked past me without saying another.

Umiyak lang ako dun, and the least person that I didn't want to see in the world came to my view.

"I knew I should have brought you in States with me, wag kang mag-alala isasama kita next month. This will be your last month here in the Philippines." Sabi ng nanay ko at kasama niya ang bago niyang kanong asawa.

"M-mama..." I stuttered at binigyan niya ako ng disgusted look.

"Di ko alam kung ikaw paba ang Prinsesang iniwan ko dito, nag-bago ka na Cass. You disappoint me." Was the last words she said bago siya umalis.

That was the day when my life turned upside down, where I lost everything, when I lost Simon...

I went to school the next day and let's just say na parang back to start ang lahat. Wala ng guards ang sumasabay sa akin, iniiwasan ako ng lahat at si Daff lang ang kasama ko. Demonia was back on bullying me at may mga taong nag-babato sa akin ng mga basura.

"Slut!"

"Walang kwenta!"

"Malandi!"

"Salot!"

"Di ka namin kailangan dito!"

"F**** off girl!"

Yun ang mga sinasabi nila sa akin, I guess alam na pala ng lahat. Nakita ko si Simon at para bang hindi na niya ako kilala. Sinundan ko siya para malaman ko kung anong problema and I caught him with another girl.

"Simon!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin, nag-tawanan lang sila ng babae niya.

Pumunta agad ako sa harapan nila at kinonfront siya.

"Simon ano ba, bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong ko sa kanya at nagulat ako sa nakita ko.

His eyes were ice cold, as if he never knew me. Para bang stranger nalang ako sa harapan niya. The Simon that I used to know na mahal ako was not there anymore.

"Simon sino siya?" Tanong ng babae.

"Di ko kilala." Malamig na sagot ni Simon at sumakit ang puso ko.

Anong nangyayare sa kanya? Bakit sya nag kakaganto?

"Girlfriend niya ako." Matapang kong sagot at tumawa ang babae.

"Girlfriend? Ate wag kang ambisyosa, ako ang one and only girlfriend ni Simon." Malandi niyang sinabi.

"Simon ano ba tong ginagawa mo, kung prank ito hindi na nakakatawa." Seryoso kong sinabi pero ganun parin ang mga mata niya.

"Sorry miss pero hindi kita kilala, now if you excuse us, may date pa kami ng girlfriend ko." Para bang sinaksak ang puso ko ng paulit ulit sa sinabi niya.

"Simon! Ano ba! Ako eto, si Cass! Your Cess! Ang babaeng minahal mo! Sabi mo mahal mo ako, sabi mo gagawin mo ang lahat para mapasayo lang ako sayo! Anong nangyare sayo!" Hinila ko ang kamay niya pero tinulak niya ako.

"Hindi kita kilala kaya layuan mo ako." Maikli niyang sinabi bago sila nag-patuloy mag-lakad.

Andun lang ako sa lapag, iyak ng iyak. Di ko alam kung anong nangyare sa kanya pero hindi na siya ang Simon na nakilala ko.

"My gash, nasobrahan ata siya sa drugs diba babe? Girlfriend mo daw, ang taas naman ng ambition nya to imagine you to be her boyfriend." Tawa ng babae.

"Bes! Anyare sayo!" Sigaw ni Daff habang tinulungan akong makatayo.

Inakap ko agad siya at umiyak, hinaplos niya ang likod ko at humagulgol ako sa kakaiyak. Porket may bata na sa tiyan ko kakalimutan na ni Simon ang lahat lahat? Kung ganun din lang edi handa akong ipalaglag eto para lang bumalik siya.

"Simon ano toh, bakit hindi mo man lang tinulungan si Cass!" Sigaw ni Daff at napatigil si Simon at ang babae.

"Lubayan nyo nga ako, hindi ko kayo kilala." Saad ni Simon.

"Kung ang bata ang problema, ipapalaglag kotoh." Sabi ko at napatitig sa aken si Simon. "Bumalik ka lang saken please."

"Ate, can you leave my boyfriend alone? Sumosobra kana eh." At umalis na silang dalawa.

"Boyfriend?" Tanong ni Daff.

"Bes, pasabi kay ma'am Glaiza I'm not feeling well, uuwi na ako." Sabi ko at umalis.

Pumunta ako sa hospital at nag pa book ng abortion. Nag hihintay ako ngayon sa upuan at iniisip ang mga nangyare.

"Cassandra De Guzman?" Tinawag na ako ng doctor at tumayo ako.

"Bes, sure kana ba sa desisyon mo?" Tanong sa akin ni Daff at napatigil ako.

Tumulo nanaman ang mga luha ko at hinawakan ang tiyan ko.

"Kung eto lang ang paraan para bumalik siya sa akin, handa na akong ipalaglag ang bata." Sagot ko at dahan dahan akong nag-lakad sa room.

"Miss De Guzman, papirma nalang po dito at humiga na po kayo doon." Ininstruct ng doctor at pinirmahan ko na ang papel tapos humiga na sa kama. "Just letting you know, wala na pong balikan toh."

Naalala ko ang mga pinag-samahan namin ni Simon. Mga masayang ala ala naming dalawa, mga araw na mahal niya pa ako at ngayon ay tinapon niya lang ang lahat ng yun. Kasalanan ko naman eh, kung hindi ako pumunta sa club edi sana okay pa ang lahat.

May pumasok na dalawang nurse at ready na ang lahat. Pinikit ko ang aking mga mata at narinig ko ang mga sinabi sa akin ni Simon noon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top