Chapter 45

"Sinabi ko kay Daff noon na liligawan kita, pero tototohanin ko. Cass simula palang nung una kitang nakita nainlove na ako sa iyo and I did not stop thinking of you since that day. At gagawin ko ang lahat para mapa saakin kalang." And with that, everything became clear to me. "I love you Cass, I don't know what I'll do if I lose you."

"Totoo ang sinasabi nya besh." Biglang pumasok si Daff at umiiyak na eto. "I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo nung una, I should had told you kaso for some reason, I didn't see the point kasi liligawan ka ni Simon for real eh. Sorry talaga beshy."

"Okay lang beshy, sorry if I didn't give you the chance to talk. I should have let you explain your side as well." Nag akapan kami ni Daff at nilagay nya ang kamay sa shoulder ni Simon.

"Osya, iwan ko muna kayo ah, may aasikasuhin lang ako." Umalis na si Daff.

"Cass, I'm really sorry for hurting you." Malungkot na sabi ni Simon at hinawakan ko ang kamay nya.

"It's okay Simon, I'm sorry too." 

Hahalikan na sana niya ako pero biglang pumasok ang nurse. Nag-blush kaming dalawa at tinulak ko siya palayo konti.

"Hi Miss De Guzman, may name is Daniela. How are you feeling today?" Tanong ng Nurse.

"Okay naman po nurse pero medyo masakit yung baba ko, bakit po ganun Nurse?" Sagot ko at kahit na anong posisyong gawin ko ay lumalala ang sakit sa baba ko.

"Wala kabang naaalala miss De Guzman?" Kitang kita ko ang pag-aalala niya sa mga mata niya at may masama akong kutob dahil nalungkot nanaman ang mga mata ni Simon.

Sinubukan kong alalahanin ang lahat pero mahirap talaga, as in blanko. Parang may void sa utak ko na hindi ko ma reach.

"After getting drunk, wala na akong maalala." Sagot ko at nag nod siya habang nag-susulat sa notebook niya.

"Well miss De Guzman, whatever happened that night, may news ako na baka ikagulat mo." Sumeryoso ang tono ng boses niya and I could tell that it's not a good news.

"A-ano yun?" Takot kong tanong at nag-sigh siya.

"Miss De Guzman, I'm so sorry to tell you this but..." She took a deep breath at hindi matigil sa kakatibok ang puso ko, not because kinikilig ako ,it's a type of feeling na parang nasa panganib ka. "May bata sa sinakapupunan mo Miss De Guzman."

And it's like my world stopped spinning, di ako makapaniwala sa sinabi niya. Para bang naging Kadenang Ginto ang buhay ko minus Margareth Bartolome. Hindi ko maalala ang nangyare sa akin at hindi ko maalala kung sino ang nang rape sa akin.

"A... ano..." Was all I could get out.

Regret and guilt was shown on Simon's eyes at para bang gusto na niyang mag-wala. Di ko alam ang gagawin ko, ano nalang ang sasabihin nang iba? Si Simon? Kuya ko? Mga kaklase at kaibigan ko! ... my parents...

"You're pregnant Miss De Guzman." The nurse repeated at bumuo ang mga luha sa akeng mga mata.

"Hindi... hindi pwede yan... no! Di ako papayag!" Halos humagulgol na ako sa kakaiyak.

Di ako pwedeng mabuntis, madami pa akong pangarap sa buhay. Madami pa akong gustong gawin and I won't be able to do all of those if I'm pregnant.

"I'm sorry Miss De Guzman pero wala na kaming magagawa para mabago yun. There's always an option for abortion." Umalis na ang Nurse and I was left here with Simon.

Napansin ko na nakatayo lang siya sa tabi ko, wala siyang sinabi ni kahit ano. Umiiyak na ako pero di niya ako kinomfort.

"Si-Simon..." Tinawag ko ang pangalan niya at para bang natauhan na siya.

Tumalikod siya sa akin at bigla na lamang siyang umalis. Natulala ako sa ginawa nya and I feared the worst. Paano kung iwan nya ako dahil may ibang nakabuntis sa aken? 

"Simon!" Sinubukan ko siyang habulin pero sumakit ulit ang baba ko kaya di ako nakagalaw.

Three days, three days akong nasa hospital bago ako ma-discharged and not once bumisita si Simon after finding out that I was pregnant. I had some visitors, si Daff, Marj, Dranreb, Keith, Juan and Yvonne. 

Di alam nila Keith at Juan kung anong nangyare kay Simon. Kung bakit biglaan syang umalis at hindi na bumalik. 

Nag-bago siya simula nung nalaman niyang may bata sa tiyan ko and I hated myself for it. Ng dahil sa bata, may chance na mawala sa aken si Simon, ang taong tanging natitirang kalakasan ko.

Alam na ng mga kaibigan ko ang tungkol sa baby at di din sila makapaniwala. Hiyang hiya ako sa sarili ko, di ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi nag paka lasing pa ako! Ang tanga tanga ko!

I am so lost, eto ang oras na pinaka-kailangan ko si Simon pero wala siya. He never came, he never visited. Para bang bula na biglang nag-laho. 

Tinanggap ko nalang ang kalagayan ko, na may bata sa loob ng tiyan ko. Ano pa bang magagawa ko, andyan na yan eh. Kasalanan ang mag-palaglag ng bata. Tinangap ko narin na iiwan na ako ni Simon dahil sino ba naman gustong maging jowa ang buntis?

They wouldn't want to take the responsibility of raising a child that's not theirs, kahit na mahal nila yung babae. Bata pa kami ni Simon, he still have his future but I don't have mine anymore. Nang dahil sa katangahan ko, nag bago ang lahat.

I finally got discharged at ngayon ang balik ko sa bahay at kasama ko si Daff sa pag uwi. Sinabi nya sa aken na hindi sya pinapansin ni Simon sa school. Pag-kapasok ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top