Chapter 41
Di ko namalayan na nasa hallway na pala ako nang marinig kong may nag- uusap. Nabosesan ko kung sino yun kaya nag-tago ako sa may halaman na naka-display.
Tama nga ang hinala ko, it was Simon and Demonia talking to each other. Kumirot bigla ang puso ko at biglang nang-hina ang katawan ko. Di ko alam ang gagawin, kung hahayaan sila o lalapitan ko.
Oo nag-seselos ako pero wala naman akong karapatan dahil walang kame. Plus baka niloloko nanaman nila ako. Inisip ko nalang na they were having a friendly conversation pero bigla nalang inakap ni Demonia si Simon.
Dun ko na narealize na tanga tanga parin ako, na nag-papauto parin ako sa mga laro ni Demonia. Bakit napakasama nya, bakit palagi nya akong sinasakta. Akala ko sincere na sa aken si Simon pero hindi pala.
Di na ako nag-aksaya ng oras, umalis na ako. Habang nag-lalakad ako na pinipigilan ang pag iyak ko ay may nabangga ako.
"Ano ba, tumingin ka nga sa dina-" Napatigil ang nakabangga sa akin nang makita niya ako. "Cass? I'm sorry di ako tumitingin sa dinadaanan ko."
"Okay lang Hans." Pinilit kong ngumiti para di niya makita ang sakit na nararamdaman ko.
"Anyways gusto kong kalimutan ang lahat at mag-simula ulit. Ngayon ko lang narealize na... mahal na mahal talaga kita. Dapat hindi na kita pinakawalan. Kung pwede, bumalik kana sa akin?" Nag-makaawa siya at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
"May boyfriend na ako Hans." Maikli kong sagot at dumeretsyo na ako sa classroom.
"Uy Cass, musta!" Masayang bati ni Juan.
"Kung sa tingin niyo maloloko niyo ulit ako, nag-kakamali kayo!" Sabi ko at umupo na sa upuan ko.
"Huh? Are you okay? What are you talking about?" Tanong ni Keith.
Bago ako makareply, dumating ang mga taong nanloko sa akin. Si Simon, Demonia at Hans. Tinignan ako ni Demonia ng masama pero di ko nalang siya pinansin.
Uupo na sana si Simon sa tabi ko pero hinarangan ko siya.
"Bianca, diba dito ka uupo ngayon?" Tanong ko sa kaklase ko at ngumiti siya.
Since the day na niligawan ako ni Simon, halos lahat nang babae ay gustong mapalapit sa akin para makilala ako.
Halatang nadismaya si Simon sa ginawa ko pero hinayaan ko nalang si Bianca at umupo si Simon sa tabi ni Juan. Napabuntong hininga na lamang ako dahil kumikirot nanaman ang puso ko.
"Bes, okay kalang?" Tanong saken ni Daff at nginitian ko sya.
"Okay na okay bes." Sagot ko na may kasamang pag ka sarcastic.
Matapos ang klase, binilisan kong ipack-up ang mga gamit ko at lumabas ng classroom tapos hinabol ako ni Simon.
"Cess! Uy Cass! Cassandra!" Tawag niya sa akin pero nag-kunwari ako na wala akong naririnig.
"Cess!" Hinarangan niya ako kaya napatigil ako. "Anong nangyare? Bakit moko iniiwasan?"
At nag-maang maangan pa ang playboy. Of course he's a playboy, hindi imposible na wala pa siyang naging jowa. Sa gwapo nyang yun ako ang mapipili nya? Pwes, hinding hindi na ako mag papa uto ulit!
"Iniiwasan ba kita? Hindi noh, kailangan ko lang umuwi agad. May gagawin pa akong homework." Palusot ko.
"Homework? Wala naman tayong homework ngayon." He pointed out at nakalimutan kong mag-kaklase pala kami.
"Basta kailangan ko lang umuwi agad." Madalian kong sinabi and I walked past him pero hinarangan niya ulit ako.
"Ihahatid na kita." Sabi niya and I shook my head.
"No need, kaya ko na ang sarili ko."
"I need to, don't want my Princess to get in-" I cut him off.
"Anong pinag-usapan niyo kanina ni Demonia sa hallway?" I went straight to the point at lumaki ang mga mata niya pero bumalik sa dati agad.
"That-" Di niya natuloy ang sasabihin niya dahil dumating si Demonia.
"We were just talking listening about the how we plan on tricking joking you again." Sagot ni Demonia and at the same time, dumating si Daff. "That everything between you is miracle fake."
"What do you mean?" Seryoso kong tanong kahit na nahihirapan akong intindihin ang sinabi nya.
"Di ba totoo Simon? Daffodil? Plinano naten na mag-panggap si Simon na ligawan si Cass para makamove on siya kay Hans." She replied at sumakit ang puso ko habang tinignan si Daff.
Nag-simulang mamuo ang mga tubig sa mga mata ko.
"Totoo ba toh?" Tanong ko kay Simon at parang gulat siya sa sinabi ni Demonia.
"Bes-" Di ko pinatapos si Daff sa sasabihin niya, right now I wanted to know the truth.
"Daffodil, totoo ba? Plinano niyong mag-panggap si Simon para ligawan ako?" Seryoso kong tanong.
"Totoo, ako nag plano nun." She replied at tumulo ang mga luha ko. "Pero bes-"
Mag-dadahilan pa sana siya pero I have heard enough. I can't believe pati bestfriend ko magagawang makipag team up kay Demonia para lokohin ako. Don't I deserved to be love?
"Tama na Daff, di ko akalaing magagawa niyo sa akin eto at ikaw pa ang nag pasimuno." Tinignan ko si Demonia and she was smirking. "Sinama niyo pa yang demonyitang niyan."
At nag-walk out ako. Di ko sila pinansin nung tinatawag nila ako, I just wanted to be alone. Pumunta ako sa City library at nagmukmok sa gilid.
"Yan kasi Cass, lagi ka nalang naniniwala sa kanila. Sinabi ko na sayo noon na lolokohin kalang niya, heck nag kakuntyaba pa sila ng bestfriend mo! Ang tanga tanga mo talaga!" Sabi ko sa sarili ko.
Nasakto pa na ang tugtog na tumutugtog sa library ay Only Love can hurt like this.
I'd tell myself you don't mean a thing
But what we got, got no hold on me?
But when you're not there I just crumble
I tell myself that I don't care that much
But I feel like I'm dying till I feel your touch
Only love, only love can hurt like this
Only love can hurt like this
Must have been a deadly kiss
Only love can hurt like this
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top