Chapter 40
"San ka galing? Anong oras na ah." Tanong ng kuya ko ng makauwi na ako at halatang galit siya.
"L-lumabas lang po kasama mga kaibigan ko." Sagot ko.
"Gantong oras? Mag-aalas dyis na ah." Di ako makatingin sa mata niya dahil ayaw kong makita na galit siya. "Sinong nag-hatid sayo."
"Si... si..." Alam naman ni kuya na I'm bad at lying kaya malalaman niya agad pag nag-sinungaling ako.
"Ako po sir." Ang akala ko ay nakaalis na si Simon pero nandito parin pala siya at nag-pakita pa.
My brother narrowed his eyes at ang lalim ng tingin niya kay Simon. Parang papatay na siya any minute now. If looks could kill, mabilisang mamamatay si Simon.
"At sino ka naman." He was demanding an answer instead of asking it.
"K-kuya siya po si-" I was cut off nang sigawan ako ni kuya.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" Nakakatakot na sabi ni kuya at natameme ako.
"My name is Simon Fraser, I'm your sister's girlfriend." Matapang na sagot ni Simon at namangha ako sa kanya dahil parang hindi man lang siya natakot kay kuya.
"Kailan pa?" Bumaba na ang tono ni kuya.
"Since fieldtrip po and I can assure you thay I will never hurt your sister."
"Narinig ko na yan, maraming beses na but she always ended up getting hurt." Nag-cross arms si kuya.
"Well I'm different, wala po akong masamang intensyon sa kapatid niyo po. Makakaasa po kayo. You may not believe it but I can show it to you by how I treat her." Biglang ngumiti si kuya, indicating na he approved.
"Sinabi mo yan ah, pag yan sinaktan mo susugurin kita sa bahay mo." Banta ni kuya at nag-nod si Simon.
Nakahinga din ako ng ginhawa dahil hindi na galit si kuya.
The next day, sinundo din namin si Daff. Nasabi ko na kay Daff ang nangyare at kilig na kilig siya sa ginawa ni Simon.
"Alam mo ba si Hans noon takot na takot mameet ang kuya ni Cass! Ang tapang mo naman!" Sabi ni Daff at pinapatahimik ko siya pero ang ingay ingay parin niya.
"I already told Cass na ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang hindi nila ako matanggap at pag-hiwalayin nila kami." Simon stated at tinuro siya ni Daff.
"Gusto ko toh, approved siya sa akin bes!"
Demonia's POV (Dun dun dun)
I was early today at school, gusto ko kasing harapin si Simon. I wanna tell him na I like him and I'm sure papatol yun. Mas maganda at mas lamang ako keysa kay Cassandra noh. Kayang kaya ko siyang palitan ng ganun ganun lang. No one can resist me!
Ang ganda ganda ko kaya, sino naman ang hindi luluhod sa harapan ko?
Nakita ko si Simon at si Daffodil na pumunta sa garden. Agad ko naman silang sinundan para malaman kung anong pakay nila sa isa't isa. Nagtago ako sa puno at pinakinggan sila.
"Galing ko noh..." Sinimulan ni Daff.
Magaling? Saan magaling? Paanong magaling?
"Kung di dahil sa akin, sa idea ko na mag-panggap ka na ligawan siya edi sana hindi magiging kayo diba?" Tanong ni Daffodil and that's when I know na panggap lang ang lahat.
Kapag pinag-tadhana nga ba naman kami ni Simon oh, ako ang mag-bubunyag ng sikreto nila. Humanda kalang Cassandra, everything you knowing is faking again! Kawawang Cassie of the maze, you are never meant to have true love.
Umalis na ako para simulan ang plano ko na ibunyag ang sikreto nila. Mwahahah!
Simon's POV
"Kung di dahil sa akin, sa idea ko na mag-panggap ka na ligawan siya edi sana hindi magiging kayo diba?" Tanong ni Daff at natawa ako.
"Daff, simula pa nung unang tinanong mo ako diyan, alam mo na ang sagot ko." Sagot ko sa kanya at ngumiti siya.
"Alam na alam ko."
Flashback
"Ano, gagawin mo ba?" Tanong niya.
"Gagawin ko, pero sa isang kondisyon." Sagot ko at ngumiti ako.
"Ano yun?" Mukhang nag-aalala siya.
"I will do it for real..." I started at nanlaki ang mga mata niya. "Ayokong daanin sa pangap pangap na parang She's Dating the Gangster dahil mahal ko talaga si Cass. Liligawan ko siya ng totoo at makakaasa ka na hindi siya masasaktan."
"Sure kaba diyan? Di ka nag-bibiro?" Parang di parin siya makapaniwalan and I nodded.
"Yes, I am sure. Matagal ko nang mahal si Cass, di ko lang alam kung paano siya lalapitan dahil torpe ako. Pero after ng nangyare sa kanila ni Hans, I know that she needs me and this is my time para lumapit sa kanya. I will heal her broken heart sa lahat ng makakaya ko and I will never leave her side." I gave her my serious look at naniwala din siya.
"O sige, sabi mo yan ah! Ingatan mo bestfriend ko! Ayiee nakakakilig! naman!" Masaya nyang sinabi.
End of Flashback
"Kaya nga nag-papasalamat ako sayo dahil sinabihan moko na mag-panggap, which I didn't need it dahil mahal ko naman talaga siya." I said and she smiled. "And I was planning na lapitan sya but nahihiya lang talaga ako."
"Basta wag mo siyang sasaktan ah." Payo niya and I gave her a reassuring smile.
"I don't plan on to."
Cassandra's POV
Dumating na ang lunch time, nag-madali akong pumunta sa canteen para maiwasan si Simon. This time, walang nag-guard sa akin at di rin ako hinanap ni Simon.
I had a weird feeling about it kasi last time na di ko mahanap si Hans, dun ko nalaman na niloloko palang niya ako. So the search had began. Sana naman ay hindi na maulit ang nangyare noon.
Inuna ko sa garden, sa classrooms, sa lunch area pero wala parin siya. Then naalala ko kung saan na frame-up si Daff kaya dun ang sumunod na pinuntahan ko since dun kodin naman nahuli si Hans noon.
There was still no sign of him sa Lab. Inisip kong mabuti kung saan siya nag-pupunta pero wala akong maisip kaya nag-lakad lakad ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top