Chapter 34

I mean, nasa dilim ka nung una tas ngayon biglang sumindi ang ilaw edi masakit sa mata

The next thing we know is napapaligiran na kami ng iba't ibang uri ng manika, nung naka pag-adjust na ang mata namin sa liwanag.

"OH MY GOSH SI ANABELLE!" Napasigaw si Dranreb at napahawak kay Marj na ikina selos ni Keith.

Dahan dahan kaming nag-lakad at kumakabog ng sobrang lakas ang puso ko, di dahil sa kilig kundi dahil sa takot. Matanda na ako pero takot parin ako sa mga manika noh.

Isa sa mga manika ay si Chucky na may hawak na kutsilyo. Gumalaw ang ulo niya at tinignan kami.

"Guys, si Chucky!" Turo ko at tumingin silang lahat.

Bigla nalang kumanta si Chucky.

"You are my buddy, until the end. More than a Buddy, you're my bestfriend. I love you more than you'll ever know..."

Tumigil ang Chucky at tumayo.

"I will never let you go!"

The Chucky charged at us and we all stepped backwards, dun naman umatake ang Anabelle at hinawakan si Dranreb.

"AAAAAAH! TULUNGAN NIYO KO TULUNGAN NIYO KO!" Sigaw ni Dranreb at hinila niya si Marj tapos tumakbo.

"Guys takbo!" Sumunod si Juan pati narin kami.

Marami pang manika ang sumubok hawakan kami pero patuloy ang pag-takbo namin hanggang sa mabitawan ko si Simon.

Bago ko pa siya mahawakan ulit, ay may tumalon na manika from the movie Boy sa harapan namin kaya iniwanan ko na siya at tumakbo palabas ng mga manikaan.

Pag-kalabas ko ng room ay wala na yung iba kong kasama, mag-isa nalang ako dun at madilim ulit ang paligid. I continued walking while hugging myself.

"Guys?" Tawag ko pero ang tanging naririnig ko lang ay ang mga sigaw ng mga nananakot.

"Guys asan na kayo?"

"Marj! Dranreb!" Still no sign of them.

"Keith! Juan! Yvonne! Ano ba, nasan na kay-" Bigla akong nagulat nang may tumakip sa bunganga ko at hinila ako kung saan.

Pipiglas na sana ako pero nakita ko na si Juan iyun at may finger siya sa ilong niya na nag-sasabing shush.

"Tatakutin natin si Simon, wag kang maingay." Bulong niya at andun din ang iba. "Tignan natin kung wala talaga siyang kinatatakutan."

At nagustuhan ko ang sinabi niya, naalala ko ang sinabi ni Simon bago kami pumunta sa Haunted house.

Flashback

"So... wala kang kinatatakutan?"

"Wala." Nag-smirk siya at nag-roll eyes ako.

"As in wala?"

"Wala nga."

End of Flashback

Tignan natin kung hindi siya matatakot kapag ginulat namin sya. Maya maya pa ay narinig na namin siyang nag-tatawag.

"Guys! Cass! Asan naba kayo! Cassandra!" Tawag ni Simon at kinilig naman ako kasi mostly pangalan ko ang tinatawag niya.

"Wait for it..." Bulong ni Keith at nag-handa na kaming lahat.

Nag-senyas siya ng go at lahat kami ay madaliang lumabas sa tinataguan namin.

"BOO!" Sigaw naming lahat at nagulat siya.

"Ahaha nagulat siya, may kinakatakutan ka naman pala-" Napatigil ako sa pag-sasalita nang bigla niya akong akapin.

"Don't you ever do that again, diba sabi ko sayo never let my hand go? Di mo alam kung gaano ako nag-alala sayo!" Hinawakan niya ang mga pisngi ko at kitang kita sa mata niya na nag-alala talaga siya.

Di ko naman alam na mag-aalala siya kapag nawala ako sa tabi niya.

"Bakit ka maman nag-alala? Di naman ako mawawala dito ah Haunted house lang toh." Biniro ko siya at nag-sigh siya.

"Takot akong mawala ka Cass, takot ako na baka may manyareng masama sayo kapag wala ako sa tabi mo. Ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang mawala ka sa akin." He explained at niyakap ulit niya ako.

Nagulat naman ako sa mga sinabi niya at di ko na alam ang susunod na sasabihin. Ako lang pala ang kinakatakutan niyang mawala at sobrang saya ko dun. Nang marealize nya na kasama namin ang iba, bigla syang napakamot ng ulo.

"I mean, you said takot ka sa dilim diba? Baka mamaya mahimatay ka o kaya atakihin sa puso. Stay kalang sa tabi ko para hindi na ako mag alala." Sabi nya at nag nod nalang ako.

"Aherm, sanaol!" Ubo ni Marj at nag-tawanan sila.

"Andito naman ako ah, you have me." Dranreb pointed out.

"Oo nga noh."

Biglang pumagitna si Keith sa kanilang dalawa.

"I am here too you know, you have me too." Keith said habang tinitigan si Dranreb.

"May problema kaba sa akin dude? Pansin ko lang kasi sa tuwing lalapitan ko si Marj, lagi mo kaming pinag-hihiwalay." Nag-taas ng kilay si Dranreb.

I already know what he's doing, sinusubukan niyang paaminin si Keith. Halata naman na may gusto sila ni Marj sa isa't isa pero ayaw pang mag-aminan.

"I don't have a problem with you, you were just in the way so it's natural for me to go in between you two. We're in a race remember?" At lumayo si Keith.

"Keith, don't you know that Dranreb is her cou-" Sasabihin ko na sana ang totoo pero pinigilan ako ni Dranreb.

"Hala yung oras, tama si Keith, nasa race tayo remember! Tara na at baka mahuli pa tayo!" Sigaw ni Dranreb at hinila niya si Marj.

Wala na kaming magawa kungdi sundan sila dahil it was true na nasa race pa kami. And yes marami pa kaming na-encounter na nakakatakot pero okay lang sa akin dahil this time, I didn't let Simon's hand go.

"Sa wakas, tapos narin ang nightmare." Buntong hininga ni Yvonne ng makalabas kami at nakuha ang next clue.

"Babe, na-enjoy ko ang pag-akap mo sa akin ah. Tara ulitin natin." Simon joked at narealize ko na mag-kahawak parin kami ng kamay.

"Ewan ko sayo, balik ka mag-isa mo." I let go of his hand pero hinabol niya ako at hinawakan ulit ang kamay ko.

Di na ako pumatol kasi naeenjoy ko naman. Bumalik sa pinanggalingan. That was the next clue at naisip namin na ang lugar na yun ay ang hotel na pinag-stayan namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top