Chapter 30

Back to Cass POV

"Uyy sorry na, patawarin mo na ako please?" Nag-pout si Simon at talagang napaka-cute niya.

"Osige na nga, since sinubukan mong sagipin ang buhay ko." I surrendered.

"So... tayo na?" He wiggled his eyebrow and I rolled my eyes.

"In your dreams, ligawan mo muna ako." I sticked my tongue out at imbis na malungkot siya ay tila naging masaya pa siya.

"Pumayag ka nang ligawan ko ah, wala nang bawian yan." Nanlaki ang mga mata ko kasi diko narealize ang sinabi ko.

"I mean, nililigawan mo naman na talaga ako diba?"

"Pero para sayo, hindi pa opisyal ang panliligaw ko. Ngayon opisyal na!"

Bago pa ako makasagot ay bigla niyang hinalikan ang noo ko. At bigla din naman akong namula at kinilig.

"Cute mo pag kinikilig ka." He commented and I rolled my eyes.

"Yeah yeah whatever." Yun na lamang ang sinabi ko before I turned around para itago ang mukha ko.

Chill lang Cass chill!

"Alam mo..." He trailed off at sinilip ko siya sa balikat ko. "Di ko alam ang gagawin ko kung may nangyareng masama sayo. Sorry at nasaktan kapa dahil nag-ingay ako, uminit lang kasi ang-"

Natigil siya sa pag-sasalita dahil inakap ko siya. Tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ang nangyare.

"A-ako dapat ang humingi ng tawad, nasaktan ka nang dahil sa kahinaan ko." Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga mata ko gamit ang hinlalaki niya.

"Wag ka nang umiyak, ayoko na umiiyak ka. Pumapanget ka eh." Okay na sana ang mood pero sinira niya pa.

"Mapang-asar ka talaga!" Hinampas ko siya at napa-aray siya. "Ay sorry sorry, nakalimutan ko-"

Tumawa siya nang malakas at dun ko lang natanto na binibiro nanaman niya ako.

"Loko loko ka talaga!" Pinag-hahampas ko siya at wala akong pake kung masaktan siya.

Sinalo niya ang mga kamay ko at nilapit niya ako sa kanya. Sa sobrang lakas ng kutob ng puso ko ay di ko na alam kung lalabas ito sa dibdib ko. Napakalapit niya sobra at para bang bibigay na ako. Then bigla nya akong hinalikan sa pisnge which made me stare into space.

"Dyan muna hangang hindi pa tayo. I love you Cass, hinding hindi ko na hahayaang may mangyareng masama sayo. Mahal na mahal kita." Inakap niya ako at inakap ko siya.

Nilanghap ko ang amoy niya at napaka-bango. Hindi ko gustong humiwalay sa kanya, gusto ko andito lang kami habang buhay at hindi ko na itatangi pa, mahal na mahal ko din siya.

At syempre hindi mawawala ang mga tao na tila laging sinisira ang moment niyo.

"Cass- hala sila, dito pa talaga nag-landian." Nang pumasok si Marj ay humiwalay agad ako kay Simon.

Namumula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Wrong timing ka talaga Marj." Simon sighed in disappointment.

"Need ko kasi yung list, pinapakuha ni Keith." Sabi ni Marj at may binigay na papel si Simon sa kanya.

Normal POV

"Ano yun?" Tanong ni Cass.

"Wala yun, listahan lang ng pag-kain na balak naming lutuin." Sagot ni Simon.

Hinihintay ni Keith, Yvonne at Juan ang pag-labas ni Marj para makita ang listahan na binigay ni Simon. Pag kabukas ni Juan ay may nakita silang limang lalake na naka drawing at may notes sa gilid.

Guy 1: Tatlong suntok, apat na sipa
Guy 2: Isang suntok, tatlong sipa
Guy 3: Limang suntok, isang sipa
Guy 4: Limang suntok
Hans: Bugbugin para matatak sa utak nya to never mess with me or Cass ever again!

"Di parin talaga siya nag-babago. Nilista lahat ng ginawa nung mga taong nang bubog sa kanya." Comment ni Juan while shaking his head. "Eto may sulat pa, iwan daw natin si Hans para sa kanya. Kawawang Hans."

"What's the letter for?" Marj asked.

"Revenge."Keith answered.

Marj immediately got what they meant.

"Sige, tara na. Been a while since the last time na nang-bugbog ako noh." Pinatunog ni Juan ang kanyang mga daliri at leeg.

"Naku po gulo nanaman toh! Sad nga lang at hindi ako ang naunang nakahanap sa kanila." Malungkot na sabi ni Keith.

"Okay lang yan bro, may next time pa."

Back at the Infirmary, pumasok ang teacher na si Mike sa kwarto ni Simon.

"Di niyo ba talaga nakita ang gumawa nito sa inyo?" Tanong niya at tinignan ni Cass si Simon in a questioning look.

"Hindi po sir, lahat po sila naka-maskara." Sagot ni Simon at nanatiling tahimik si Cass.

"I see, ikaw Cass? Nakita mo ba sila?"

"Hindi po sir, sorry." Alam ni Cass na parang may balak si Simon kaya sinakyan na lamang niya yun.

"I apologize at nangyare toh sa inyo, kung may maalala kayo please pakisabi at pwede nating i-kansel ang trip." Explanation ng teacher.

"Yes po teach and di niyo na po kailangang i-kansel ang trip, sayang naman po yung biyahe." Depensa ni Simon at umalis na ang teacher.

Cass's POV 

"Bakit di mo sinabi yung totoo?" Tanong ko kay Simon.

"Let's just say na, sayang yung revenge kung makakansel ang trip." Sagot niya at napa-nod nalang ako.

He make a good point, pag malaman nila na si Demonia at Hans ang may pakana ng atake, baka makansel ang trip.

"Anyways, sino pala ang nakahanap sa atin?"

"Si Dranreb at Marj, may masama daw kasi silang kutob nung nakita niyang lumabas ng building sila Demonia at Hans na may kasamang apat na lalake. Ayun sinundan nila at nakita nilang pinuntahan tayo, after that nag-request back-up sila tas yun, naka savage." Explain niya at natawa ako.

"Ano yun? Mobile Legends?"

"Parang ganun na nga, tayo yung unang na gank tas dumating sila." Parehas kaming nag-tawanan.

"So ikaw ang firstblood?"

"And you were my Angela." 

"Huh, anong connect?"

"Cause you saved me."

"Haha, corny mo."

Natigil ako nang maalala ko ulit ang ginawa niya para sa akin. Sinubukan niyang patumbahin ang apat na tao para mailigtas lang ako pero kahit hindi niya nagawa, masaya akong malaman na may taong gagawa nun para sa akin.

"Bakit ka nakatitig? Baka matunaw ako niyan." I snapped out of my thoughts nang marinig kong mag-salita si Simon.

"Wala, wag mo nang isipin yun." Sagot ko and he gave me a puzzled look.

"Mukhang importante eh, sabihin mo na." Nag-pout siya at ang cute niya.

"O sige..." Lumapit ako sa kanya biglang binulong na "Secret."

"Daya mo!"

Bumalik na kami ni Marj sa room namin at andun nga ang babaeng nanakit sa amin. As soon as Marj saw her, inatake niya ito ng walang warning.

"Hayop ka! How daring daring you na saktan ang kaibigan ko! Tapos ngayon may gana ka pang mag-pakita sa amin! Papatayin kitang bruhang babae ka!" Sigaw ni Marj habang sinasabunutan si Demonia at kinailangan ko siyang hilain.

"Oh my gosh you crazy witch! Isusumbong kita kay sir Mike!" Banta ni Demonia.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top