Chapter 29
"Wag niyo siyang isama dito! Layuan mo siya!" Pag-mamakaawa ni Simon and this time, sa chest ko naman tumama ang bakal.
"Next one will be the head." Inilapit ni Demonia ang bakal sa mukha ko at dinuraan ko siya. "Ew yuck! Bugbugin niyo si Simon!"
Sinampal ako ni Demonia ng malakas pero halos di ko naramdaman dahil kinailangan kong panooding mabugbog ang taong mahal ko sa harapan ko.
"Nooo!" Sumigaw ako at halos mawalan na ako ng boses nang makita kong binubugbog si Simon.
"Enough! Balik naman tayo sayo." Tinuro ni Demonia ang bakal sa akin at sinenyasan ulit si Hans.
Halos nakaluhod nalang si Simon matapos siyang mabugbog at nakatuon parin sa akin ang mga tingin niya. Mga matang nag-sasabing sana mapatawad ko siya.
Di nag-tagal ay pinag-patuloy ni Hans ang pang-hihipo niya. Dumapo ang kamay niya sa chest ko at hinalikan ang neck ko. Wala akong magawa dahil ayoko nang masaktan si Simon. Pinigilan kong mabuti na hindi mag ingay. Ni hindi man lang ako makalaban, ni hindi ko man lang masagip si Simon.
"BITAWAN MO SIYA P******* INA MO!" This time, lumaban si Simon at napatumba niya ang dalawang lalake ngunit halatang pagod na din siya at nanghihina nang mapatumba siya ng isang lalake.
"I feel sorry for you Cass." Nag-kunwaring nag pout si Cass at pinaalis niya si Hans. "Next one is on the face."
"Itigil mo na toh Demonia, parang awa mo na." Iyak na pag mamakaawa ni Simon pero nag smirk lang sya.
"Ayoko nga, I can't believe na gusto mo talaga tong babaeng toh. We wouldn't had any problem kung ako ang pinili mo Simon!" Tinaas niya ang bakal at bumwelo siya.
Pinikit ko ang mga mata ko at inantay ang impact.
Blagg!
Narinig ko ang tunog ng bakal ngunit walang sakit ang dumapo sa mukha ko. Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko na nasa harap ko na si Simon, he took the pain for me.
Mas lalo akong umiyak nang mahulog siya sa akin at hinawakan ko naman siya. Nagulat si Demonia dahil hindi ako ang natamaan niya kungdi si Simon.
"Simon! No, Simon!" Sigaw ko habang inakap ko ang katawan ni Simon.
Biglang bumukas ang pintuan at may mga taong pumasok. Hindi ko na sila nakita kasi sobrang labo na ng mga mata ko at ang tanging atensyon ko lang ay kay Simon.
"I'm... sorry... you got hurt because of me..." Mahina niyang sinabi bago siya mawalan ng malay.
"Nooo! Simon! Please wag mokong iwan!" Patuloy ang pag-iyak ko at halos humagulgol na ako.
Maya maya ay biglang may kumuha sa kanya at sinubukan ko silang sampalin. Nang makita ko na si Juan yun ay tumigil na ako.
"Cass!" Boses ni Marj ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.
Nang magising ako ay bigla akong tumayo at hinanap si Simon. Nasa tabi ko lang si Daff at Marj at nagulat sila ng makita nila akong gising. Katabi niya si Dranreb at Keith.
"Cass! Dahan dahan lang, kailangan mong mag-pahinga." Sabi niya sa akin pero nag-shook ako ng ulo at hinanap si Simon.
"Si... s-si Simon bes, nasaan si S-Simon?" Tanong ko sa kanya at biglang nag-iba ang timpla ng paningin nila.
Ni kahit isa ay walang nag-salita.
"Nasaan si Simon!" Inulit ko.
"He's at the next room beside yours." Reply ni Keith at dali dali akong tumayo kahit na masakit pa ang katawan ko.
"Bes kailangan mo pang mag-pahinga." Alalang sabi ni Marj habang hinarangan ako.
"Kailangan ko siyang makita." Nag-makaawa ako sa kanya at sa wakas ay hinayaan nila ako.
Pumunta ako sa next room at dun ko nakita si Juan at Yvonne. Nag-tuloy tuloy na nahulog ang mga luha ko nang makita ko si Simon na nakahiga sa kama at may dextrose pa.
"Sorry ate, pero sa ulo siya natamaan ng bakal, baka daw macomatose siya o mawalan ng ala ala." Pag-papaliwanag sa akin ni Yvonne.
"S-Simon..." Pumipiyok na ang boses ko at tumabi na ako sa kanya. "P-patawarin mo ako, kung di dahil sa akin hindi ka mag-kakaganito..."
Marj's POV
"Patawarin mo sana ako, gumising ka na diyan please!" Iyak ng iyak ang bestfriend ko habang hawak niya ang kamay ni Simon.
Ang hindi niya alam ay nag-papanggap lang si Simon. Hindi sa ulo natamaan si Simon kungdi sa likod. Malakas pa nga siya eh matapos mabugbog.
Nakita ko na natatawa na ang mga iba at nandun lang ako nanonood, medyo natatawa nadin na naaawa. Idea kasi ito ni Juan, gusto niya daw makita ang reaction ni Cass kapag nakita niyang ganito si Simon.
"Simon! Diba sabi mo mahal moko! Diba sabi mo hinding hindi mo ako iiwan! Tuparin mo pangako mo Simon! Liligawan mo pa ako diba! Di... di ko pa nasasabi sayo na..." Napalaki ako ng mga mata nang malaman ko ang susunod na sasabihin ni Cass.
Aaminin na niya sa kanya, sa wakas! Sa loob ng tatlong taon, erase the part na naging sila ni Hans, aaminin niya nadin na mahal niya si Simon.
Sanaol kayang umamin!
Tinignan ko si Keith at nakita ko na napapatawa na din siya. Kinalabit ako ni Dranreb at tinignan ko siya. Dahil sa itsura ng mukha nya, bigla akong natawa. Pero I pretended na umiiyak ako at siniko si Dranreb.
Dahil naman sa reaction ko, natawa ang iba at tumalikod sila para hindi makita ni Cass.
"Mahal kita Simon!" Bumalik ang atensyon namin kila Cass at Simon. "Mahal na mahal kita dati pa! Simula pa nung sinagip moko sa rooftop. Ikaw ang dahilan kung bakit andito pa ako kaya please... wag mokong iwan..."
Tuloy ang pag-iyak ni Cass at parang nakuha nadin ni Juan ang gusto niya. At biglaang nag-tawanan ang lahat. Nagulat si Cass kung bakit sila nag-tatawanan.
"Uy bro, siguro naman narinig mo na ang gusto mong marinig! Bumangon kana diyan!" Malakas na tawa ni Juan at di makapaniwala si Cass sa nakita niya.
Dinahang dahang minulat ni Simon ang mga mata niya.
"Mahal mo ako? Wala nang bawian yan ah." Ngiting abot langit ang nasa mukha ngayon ni Simon.
"Walang hiya ka! Pinag-mukha mokong tanga! Mapapatay kita!" Galit na sigaw ni Cass habang pinag-susuntok si Simon.
Dumipensa si Simon tapos sinalo ang mga kamay ni Cass.
"I'm sorry..." Sincere na sabi ni Simon at yun ang signal para mag-silabasan kami.
"Pero gusto ko pang manuod. Ang sweet kaya! Sanaol!" Sabi sa akin ni Dranreb at tinulak ko siya palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top