Chapter 26

At pumunta na kami sa room, mag-kalapit lang ang room namin kila Simon. Mag-kakasama sila ni Keith at Dranreb. Si Dranreb, ang pinsan ni Marj pero kami ni Daff lang ang nakakaalam.

And what I meant by malapit, is kaharap lang namin ang room nila. Boys on the left and girls on the right side. Nang makapasok kami sa room, binaba ni Demonia ang mga gamit niya sa gitna ng kwarto.

"This half is mine and that half is yours. If I see you stepping on my side, malalagot kayo sa akin." Banta niya.

"Oh really? Pano yung lagot?" Pilosopong tanong ni Marj and Demonia narrowed her eyes on her.

After that, tumapak si Marj sa side na sinabi ni Demonia at nag-tatatalon talon.

"How dare you." Demonia growled at para bang makakasapak na siya.

"Me? How dare dare me? How dare dare you!" At pinag-patuloy ni Marj ang pang pipilosopo niya.

All of the sudden, tinulak ni Demonia si Marj at natumba si Marj.

"Marj!" Nag-madali akong pumunta sa kanya.

"Deserves you right!" Demonia exclaimed.

Nang tutulungan ko na si Marj, ay inatempt ni Demonia na sampalin ako pero hinawakan agad ni Marj ang kamay niya. Nagulat nalang ako nang makita ko siyang nakatayo na.

"Let me go!" Demonia cried pero di siya pinakawalan ni Marj.

"Wala akong pake kung ako ang saktan mo o laitin mo..." Umabante si Marj and she locked her eyes on Demonia. "Pero pag-dinamay mo ang kaibigan ko, aba ibang usapan na yan. Kamatayan ang hinihintay mo."

Maski ako ay natakot sa banta ni Marj, pero ganun naman talaga siya. Di niya kayang ipag-tanggol ang sarili niya pero pag dating sa kaibigan niya, hindi mo siya makikilala.

"Don't you know who I am! I am the dau-PLAK!" Biglang sinampal ni Marj si Demonia.

"And I am the daughter of the President!" Sigaw ni Marj.

Wala na akong masabi sa nangyare, si Demonia ay gulat na gulat sa ginawa ni Marj.

"Now if you excuse me, paki move naman ng gamit mo para malagay ko ang gamit ko." Utos ni Marj at sumunod si Demonia.

Knock knock!

"I got it." Sabi ko at binuksan ko ang pintuan.

Pag-kabukas ko ay nagulat ako kung sino ang nasa pintuan.

"B-babe! Finally you're here!" At umakap naman si Demonia. "Pasok ka!"

Pumasok nga si Hans at pumunta ako kay Marj, who was now organizing her gamit. Nag-halikan si Demonia at Hans habang umupo sa kama.

"Grabe, dito pa talaga nag-landian. Cass tara, tulungan mo nalang akong ayusin ang gamit naten." Tawag sa akin ni Marj kaya pumunta na ako sa kanya.

Habang nag-aayos kami ay sinasadya nilang lakasan ang ginagawa nila. Not that it's inappropriate, nananadya lang talaga sila.

Nakita ko na nag-labas si Marj ng bluetooth speaker at pinatugtog eto sa full volume.

"Wohoooo! Yeaaaaaaaaah!" Sigaw ni Marj.

Sa sumunod na tugtog, naalala ko si Simon.


Ikaw lang sapat na By: Andrea Brilliantes

Nag-simula sa aking,
Pusong humihiling
At nung ika'y nakita,
Di makapaniwala

At nung nakilala,
Ayaw na kitang mawala
O alam mo ba,
Gustong sabihin na

Naalala ko bigla ang mga araw na crush ko palang si Simon noon. Halos araw araw siya ang bukang-bibig ko at mainis inis pa sa akin si Daff noon. He was the reason why I'm still alive, he was the reason why I always look forward going to school.

Ngayong mas nakilala ko na sya, at himala na nanliligaw sya, natatakot ako na isang araw ay bigla syang mawawala. Nasanay na ako na palagi syang nandyan para saken to the point na pag nawala sya, hindi ko alam ang gagawin ko. Corny diba?

Gusto kitang makasama,
Sa habang buhay
Pero kailangan munang,
Mag-hinay hinay

Kahit araw ko'y malungkot
Kahit puso ko'y kumikirot
Di ko kailangan nang gamot
Dahil aking mahal

It was true, tuwing bad days ko o nalulungkot ako, makita ko lang si Simon, nabubuo na ang araw ko. Isang ngiti na nag-papasaya sa akin kahit hindi ako ang dahilan nun.

Ikaw lang sapat na,
Ikaw lang sapat pa
Kahit araw ko'y malungkot
Kahit puso ko'y kumikirot,
Di ko kailangan ng gamot
Dahil aking maha-

Nakaramdam ako ng kalabit sa likod ko at pag ka lingon ko, nagulat ako kasi si Simon iyun. 

"Ikay lang sapat na, ganda ng music na toh." He commented.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko at tinuro niya ang likuran niya.

Sa pintuan ay nakatayo si Marj at nakikipag-usap siya kay Keith. Andun din si Juan pero kausap niya si Yvonne.

"Kanina kapa tinatawag ni Marj pero di mo siya pinapansin." Sagot niya at nang tignan ko si Demonia at Hans, masama ang tingin nila sa akin na parang nag-seselos. "Anyways, aayain sana kitang kumain sa resto. My treat."

"Sige ba." Mabilis kong sagot. "Walang hiyaan diba? Go lang ng go."

At pumunta nga kami sa restaurant, which is on the ground floor. And guess what, sumunod sa amin si Demonia at Hans. Mag-dedate daw sila.

"Di ka talaga lulubayan ng dalawang yan noh?" Pabulong niyang sinabi sa akin.

"Parang ikaw, di moko nilulubayan." I mumbled.

"Bat naman kita lulubayan, diba sabi ko liligawan pa kita." Nagulat ako kasi di ko ineexpect na maririnig niya ang sinabi ko.

Naramdaman ko ang pag-tibok ng puso ko pero pinaalala ko sa sarili ko na baka niloloko niya lang ako. Kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko sya, eh baka naman dun na siya biglang mawala.

Natatakot na akong masaktan ulit, natatakot akong mawala sa aken si Simon. Siguro mas mabuti pa na hindi ko aminin sa kanya na mahal ko na sya kasi baka iwan nanaman nya ako.

"Marj! Uy Maaaaaarj!" Lumingon kami sa likod namin nang marinig namin na may tumatawag sa kaibigan ko at si Dranreb iyun.

"Budo? Uy Budo!" Budo ang tawag ni Marj kay Dranreb.

"Sama naman ako!" Sigaw ni Dranreb.

"Sige ba!" Pumayag si Marj at sabay silang nag-lakad.

At that time, sinabayan din ni Keith silang dalawa.

"May nag-seselos." Bulong sa akin ni Simon at alam kong si Keith ang tinutukoy niya.

Halata naman na gusto nila ang isa't isa pero wala pang umaamin. Si Dranreb naman ay pinsan ni Marj, mabait siya, masaya kasama at palabiro. I guess hindi pa alam ni Keith na mag-pinsan sila.

"Bagay sila noh." Nireplyan ko si Simon at napangiti siya.

"Mas bagay tayo." At naging drum nanaman ang puso ko.

Di ko ba alam kung bakit pero madaling bumibigay ang puso ko kapag si Simon na ang kausap ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top