Chapter 25
Ang sarap pala sa feelings na yung dating mong crush ay nakakasama mo na araw araw. Yung feeling na hangang tingin kalang pero ngayon ni hindi na sya makaalis sa tabi mo. Although because of my past exes, may alinlangan parin sa puso ko, mga tanong na gusto kong masagot.
Totoo ba talaga eto?
Gusto niya ba talaga akong ligawan?
Anonang intensyon niya?
Isa nanaman ba toh sa prank ni Demonia?
Si Simon ang pinaka popular student sa school namin, bakit ako ang napili niyang ligawan? I mean, it must be some kind of pranks diba?
Kaya hindi ako mag-papauto ng ganun ganun ulit. This time I will take extra precautions. Ayoko nang masaktan pang ulit. For some reason, nakabalik sa school si Demonia. Apparently, nabiktima lang sya ni Hans. He threatened her kaya daw sinunod nya ang gusto ni Hans. Umamin naman si Hans na totoo yun kaya nakabalik ng mas maaga si Demonia.
The day of the fieldtrip finally came, and yes mas naging close kami ni Simon. He picks and drop me off everyday. Di na rin ako malapitan nila Demonia at ang kanyang mga minions dahil lagi akong may kasamang kaibigan ni Simon tuwing wala siya sa tabi ko.
Feeling ko tuloy isa akong Prinsesa na kailangan lagi ng guards. Sinabi ko naman sa kanya na kaya ko ang sarili ko pero he insists daw. Anyways today is our fieldtrip, sana naman walang masamang mangyare sa kahit na sino.
"Hello guys, my name is Jackson and I will be your entertainer today." Sabi ng guide sa bus.
"Are you excited Cass? It's our first fieldtrip together." Tanong ni Simon.
Mag-katabi nga pala kami sa bus, sa likod namin sina Daff at Bryan, sa harap naman ay sina Marj at Keith. On the opposite side is Juan and Yvonne.
"Super excited, matagal kong hinintay toh. Ayaw panga akong pakawalan ni kuya eh." Sagot ko.
"Ayaw din kitang pakawalan, andito lang ako palagi sa tabi mo."
"For now, at pag nahulog ako sayo mawawala kadin." Pabulong kong sinabi habang nalungkot.
"Ano yun?" Tanong niya at nag-flinch ako.
"Huh? Ah eh sabi ko pogi ka." Sana hindi niya narinig ang sinabi ko.
"So crush moko?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Crush ka diyan? Bakit naman kita magiging crush?" Nag-raise ako ng one eyebrow.
"Kasi sabi mo pogi ako, so crush moko." He smirked and I rolled my eyes.
"Di porket sinabihan kitang pogi ka eh crush na agad, expression lang yung sinabi ko."
"Ah, basta ako crush kita." He winked at me at di na ako nakaimik.
Tumingin na lang ako sa labas ng binatana at inenjoy ang view. Then we came to our first stop, hiking sa mountain.
"Alright guys, welcome to Pagsanhan Falls. Make sure na you are wearing a comfortable walking shoes kasi the road is a bit steep." Instructed ni sir Mike at nag-handa na kaming lahat.
Isisintas ko na sana ang sapatos ko pero lumuhod agad sa harapan ko si Simon at siya ang nag-sintas.
"Dapat laging nakasintas toh, alam mo kung bakit?" Tanong niya with a cute smile.
"Bakit?"
"Cause I can't risk you falling for someone else." At natapos na niyang isintas ang sapatos ko.
"Nag-pick up line pa, corny naman." I commented tas naalala ko ang pick-up line noon ni Hans.
"Corny, but cute..."
"Wala ka Simon, sinasabi niya sa akin noon na kahit corny ang mga pick-up lines ko, sinasabi niya na cute padin yun!" At dumating ang taong nasa isip ko. "Kawawang bata, nag-pauto kasi."
Pupuntahan na sana siya ni Simon pero pinigilan ko siya.
"Hayaan mo na." Sabi ko sa kanya.
"Nice one babe." Malanding tawa ni Demonia habang hinalikan si Hans.
For some reason, napayagan din na sumali si Hans sa fieldtrip. Apparently, he contributed sometihng big sa school kaya kinalimutan bigla ang kanyang kasalanan.
"Okay kalang?" Tanong sa akin ni Simon at nag-nod ako.
"Syempre naman." I gave him a smile para di na siya mag-alala pa. "So, let's go?"
"Tara." Hinawakan niya ang mga kamay ko nang di ko inaasahan.
I quickly glanced kay Demonia at nakita ok na parang nainis sya. Oh well, bahala sila jan, I am with the most popular guy!
"Ay!" Napasigaw ako dahil naapakan ko ang bato at ngayon ay mahuhulog ako sa lapag.
Pero imbis na lapag ang nakasalo sa akin, si Simon ang sumalo.
"Sabi ko naman sayo lagi kang mag-iingat, ayoko na sa iba ka nahuhulog noh. Buti nalang andito ako para saluhin ka." Sabi niya at kinilig naman ang buong katawan ko.
"Sayo lang naman ako nahulog ng sobrang lalim noh." Di ko namalayan na ako na ang nag-sabi nun hanggang sa mag-hiyawan ang mga kaibigan niya.
"Ayieee!"
"Awit!"
"Iba talaga pag pumapag-ibig!"
"Tayo nalang dalawa~"
"Walang forever!"
"Wait teka, anong sinabi mo? Di ko kasi narinig, ang ingay nilang lahat." Tinakpan ko ang mga bibig ko dahil nahiya ako sa sinabi ko and at the same time, kinikilig.
"Isang beses ko lang sasabihin noh, ano ka sineswerte?" At nag-lakad na ako, leaving him behind.
Hay naku, umiral nanaman ang pagka-clumsy ko. Umayos ka nga Cass, nakakahiya ka noh!
"Cass watch out!"
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, di ko namalayan na may puno sa harapan ko. Ayun, nabangga ako.
"Aray..." Pabulong kong sinabi.
"Cass, okay kalang ba? Anyare, nasa harap mo yung puno di mo pa nakita?" Alalang tanong ni Simon.
Sa sinabi niya ay nakaisip akong hugot para mapakita na hindi ako nasaktan.
"Ganyan ka naman eh, kaharap mo na ako hindi mo pa ako nakikita." Sabi ko.
"Huh? Hugot ba yan?"
"Oo, sinadya kong mabangga para makasalita ko ng maiihugot ko. Kung ikaw sa pick up lines magaling, sa hugot naman akin." Palusot kong sinabi at naniwala siya.
"Ah I see, bitter ka pala."
"Naman, kaw ba naman saktan ng paulit ulit, tignan natin kung di ka magiging bitter."
"Pano kung di pa ako nasaktan? Kasi ngayon palang ako nainlove, edi tawag sa akin sweet? Ikaw ang bitter at ako ang sweet? Edi... match tayo?" Natulala nalang ako sa sinabi niya.
I regained my conscience kasi ayaw ko naman ipakita na naaapektuhan na ako sa mga ginagawa niya.
"Ewan ko sayo, puro ka kalokohan." And I walked way ahead of him para wala na siyang masabi pa.
"Pero di naman ako nag-loloko." Narinig ko ang sinabi niya pero nag-kunwari akong di ko narinig.
Sana nga Simon, sana nga...
Nang makarating kami sa taas, sobrang hangin doon pero maganda ang tanawin. Habang tinitignan ako ang view, biglang humangin ng malakas at muntik na akong matumba.
Although may kamay akong nahawakan at hinila ako pabalik. Dun ko lang narealize na si Simon pala iyun.
"Thanks..." Pabulong kong sinabi, di ko ba alam kung bakit ko binulong pero I'm sure narinig niya yun.
Cass umayos ka naman, wag kang maging clumsy sa harap niya!
"Gusto mo talagang mahulog sa iba noh?" Pabiro sinabi ni Simon and I playfully rolled my eyes.
"Ha ha ha, di ba pwedeng clumsy lang talaga yung tao?" Sagot ko at napatawa siya.
"Wag kang mag-alala, ako lang ang laging sasalo sayo. Sa akin kalang pwedeng mahulog." Nag-blush ata ako sa sinabi niya then parang may naalala siya.
"Oo nga pala, yung nasa hallway tayo noon, first time mong nag-takong sa school, may nakabangga sayo at nadulas ka across the hallwa-" Tinakpan ko ang bibig niya para walang makarinig.
"Ano ba, wag kang maingay." Binulong ko sa kanya and when I was sure na hindi siya mag-sasalita, I let him go. "Nakita mo pala yun."
"Syempre naman, ikaw lang naman ang hindi nakakakita sa akin kahit kaharap mo na ako eh." Kinindatan niya ako.
"Teka teka, sa akin ang hugot ah."
"Hugot lang, walang sayo." He smirked and I narrowed my eyes.
Ganyanan pala ah, game ako diyan
"Wala pala ah, edi wag kanang man ligaw!" Bigla syang nag panic.
"Uy, joke lang, eto naman di na mabiro. Tara na at baka maiwanan pa tayo."
"Maiwan lang walang tayo." I teasingly said at napa-nganga siya.
"Wala pa sa ngayon pero one day, mapapa-oo din kita." This time, ako yung ngumanga.
"Guys, tama na ang landian. Tara na!" Tawag ni Juan at nag-patuloy kami sa pag-lalakad.
And yes we saw the falls at ang ganda nun sobra.
"Pero mas maganda ka." Sabi sa akin ni Simon at napatitig ako sa kanya.
Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko pero anong magagawa ko, in love na ako sa kanya eh. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.
"Alam mo, pogi ka sana..." I trailed off and he gave me a puzzled look. "Loko loko ngalang."
Di ko parin kasi matanggap na someone like him, is in love with someone like me.
"Pero di naman kita niloloko ah." He fires back while taking a step towards me.
"Sa ngayon." I retorted.
"Hindi ngayon..." Nalungkot ako sa sinabi niya. "Hindi din bukas, at hinding hindi sa future."
Nawala agad ang lungkot ko nang marinig ko ang sinabi niya. And ayun, nakatitig nalang kami sa isa't isa. Let's just say na I got lost in his eyes.
"Kung mag-halikan nalang kaya kayo, nag-kakahiyaan pa eh." Nagulat ako kay Marj, who appeared by our side at nag-step back ako.
That's when I notice na isang hakbang nalang ay mag-kakahalikan na kami ni Simon.
"Bakit ngayon kapa nag appear? Sayang yung chance." Narinig kong binulong ni Simon kay Marj. "Moment na namin yun eh!"
Natawa na lamang ako sa kanila at nag-libot libot sa paligid.
"Omg, ayun pala yung nag-sayang sayo babe." Nakita kong inakap ni Demonia si Hans at tumingin silang dalawa sa akin. "Ay wait, di ka pala niya sinayang, nag-pauto lang pala siya."
At nag-halikan sila. Medyo masakit parin ng konti sa puso ang nakita ko pero di ko dahil ex koparin si Hans and I trusted him once. Now he's with the person who had hurt me many times. All of the sudden, bigla na lamang may umakbay sa akin.
"Ayun, maganda ka palang patungan eh." Guess who, yes it was Simon at inaasar niya nanaman ang height ko.
"Fyi, this is the normal height for me." I defended at nag pout siya.
"Talaga? Para kasing dwende na ata yung kasama ko eh." I playfully punched him and he caught my hand. "Pati pag-suntok parang wala lang, mas masakit pa ata yung kagat ng langgam."
"Makapang-asar toh wagas, eh mas madami pa nga diyang mas maliit sa akin!"
"Where? Di ko sila makita, ikaw lang kasi ang nakikita ko." Hinawakan niya ang chin ko at kinindatan ako.
Syempre ako naman kinilig kaya nilagay ko ang kamay ko sa bibig ko.
"Uyy, kinikilig siya." At ngumiti pa siya ng sobrang cute.
"Hindi noh!" Tumalikod ako sa kanya para di niya na ako makita.
Dun ko lang nakita na parang Dragon na si Demonia kung makatingin sa aming dalawa. May gusto din pala siya kay Simon noon, diko lang alam kung meron pa ngayon since jowa na nya si Hans.
She is a chick girl after all
"Edi hindi, denial pa eh. Di nalang aminin na may gusto din siya sa akin." Dinilaan niya ako at inirapan ko siya.
"Whatever..."
Ang next stop na pupuntahan namin ay ang hotel na pag-iistayan namin.
"In each room, there will be three of you mixed with the other school. The people in the room will be mixed, this is so everyone can mix and mingle with each other." Sabi ni sir Mike.
"Oh my gosh, no. No way I'm combining with more losers. Kadiri ang mga public schools!" Angal ni Demonia. "I demand my own room."
Did I mention na private school ang school namin?
"Whether you want it or not Demonia, you are going to be sharing rooms." Sabi ni sir Mike.
"My mother is the Principal, she won't be happy if he founds ou-" Hindi pinatapos ni sir Mike ang sentence ni Demonia.
"Found out what? Na maarte ang anak niya at iyakin?" Sir Mike interrupted at umirap lang si Demonia.
"Anyways, eto na ang mag-kakasama sa room." Nag-labas si sir ng papel at nag-simulang tawagin isa't isa ang mga pangalan ng mga isdtudyante.
"Marjorie Fernandez, Cassandra De Guzman at Demonia Glasgow. Room 18." Tawag ni sir at nag-tinginan kami ni Marj.
"No! I can accept sleeping with Public trash school but I ain't sleeping with that witch!" Sigaw ni Demonia habang tinuro ako.
"Either matulog ka kasama nila, or matulog ka sa labas ng hotel." Banta ni sir at nag-cross arms si Demonia.
"You wouldn't dare." Nag-taas ng kilay si Demonia.
May sinenyasan si sir sa likod namin at pag-tingin namin sa likod ay nakita namin si sir Scott at hawak niya ang bag ni Demonia.
"Pwede mo yang iwanan sa labas!" Instructed ni sir pero pumunta agad doon si Demonia at kunuha ang bag niya.
"I will get half of the room whether you like it or not." She demanded at nag-shrug nalang kami ni Marj.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top