Chapter 22
"Eto maganda ba toh?" Tanong ni Daff at umikot siya para ipakita ang damit na sinukat niya.
"Maganda naman." Sagot ko. "Marj?"
"Yeah, bagay sayo." Reply ni Marj.
"Yun, gusto ko yan. Teka, di kaba mag-susukat Marj? Kanina pa tayo andito pero ni kahit isang damit wala ka pang sinusukat." Tinignan namin si Marj.
"Alam mo naman na di siya nag-susukat ng mga ganito, ipunta mo siya sa Anime store baka lahat bilhin niyan." Biro ko at tumawa kaming dalawa.
Anyways, nang makarating kami sa mall ay nag-hiwahiwalay muna kami dahil matagal pa naman ang sine. Girl's hangout and boy's hangout. Kasama din namin si Yvonne sa pag-shoshopping namin.
"Sige mamaya punta tayo sa Anime store." Suggested ni Daff at tumalon talon si Marj.
And we did went to an Anime store at pag-pasok palang, kung san san na napunta si Marj.
"She really loves anime ahh." Saad ni Yvonne.
"She does kagaya ni Cass. Di ngalang halata kay Cass." Sabi ni Daff at siniko kosya.
"Sikreto koyun ahh." Bulong ko sa kanya.
"Oh so you like Anime too po ate, same din po kayo ni Simon!" Masayang sinabi ni Yvonne.
"Omg! May Hunter x Hunter, andito din si Feitan! Seven Deadly Sin, ang cute ni Gowther! Fairy tail, Kyah ang hot ni Gray!" Natuon ang atensyon namin kay Marj na kung ano ano ang pinag-sasabi habang pinapakita ang iba't ibang posters.
"Ay ewan, wala akong alam diyan sa Anime. Kpop at BTS ako noh." Sabi ni Daff.
Nakita kong pumasok si Simon at Keith kaya nag-madali akong nag-tago.
"Osige, dun lang ako titingin." I said while going to the corner.
Sinilip ko yung dalawang lalake at nag-kita si Marcus at Keith.
"Do you also like Anime?" Tanong ni Marj.
"Yes of course! I'm watching Solo Levelling at the moment and Idol is my favorite." Reply ni Keith.
"Really? I haven't watched any of them."
"We can both watch Idol together when we have time, I don't mind watching it again."
"Sure!"
Then I put my attention to Simon. Nilapitan niya si Daff.
"Asan nga pala si Cass?" Tanong niya at madalian akong nag-sneak out of the store.
Nang makalayo na ako dun, umupo ako sa bench.
"Ginagawa mo Cass? Bat ka umalis? Oo nga, bakit ako umalis? Wala naman akong ginawang masama diba?" I ask no one. "Wag kang mag-papaaffect dun, kakagaling mo lang sa break up eh."
Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko.
"No no no no no, don't Cass. Don't be fooled again." I said to myself.
Hindi ko na notice na may tao sa harap ko. Na-realize ko lang iyun nang buhusan ako ng coke nung tao. Tumingala ako para makita kung sino ang nag-buhos sa akin and saw that it was Demonia.
"You deserve it." Tawa niya. "Because of you, I've been suspended! You don't know the embarrassment I've received and how my mom punished me!"
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lamang akong natawa.
"What's so funny?!" Galit na tanong ni Demonia at tinitigan ko sya.
"Magaling ka palang mag English kapag galit ka, dapat palagi kang galit para naman hindi mo na maipahiya sarili mo sa iba." I don't know where I found the courage to talk back, I can only assume na I've had enough with all her bs.
"Pag-sisisihan mo ang lahat." Banta ni Demonia.
"Pinag-sisihan ko naman, pinag-sisihan ko na hayaan ang sarili kong mainlove sa katulad ni Hans. And as for you..." I took a step forward at muntik na syang matalisod ng umatras sya. "Pinag-sisihan kong hindi lumaban noon sa tuwing pinag-tutulungan nyo ako. The old Cassandra is dead, hinding hindi kona ulit hahayaang saktan mopa ulit ako!"
"T-this isn't over!" Nag-mamadaling nyang sinabi at tumakbo sya ng mabilis.
Five seconds later, Simon and the others came. Nagulat si Simon nang makita niya ang kalagayan ko.
"Sino gumawa niyan sayo." He was demanding an answer instead of asking.
Nakalimutan kong tinapunan pala ako ni Demonia ng coke.
"Doesn't matter." Sagot ko and I was about to walk away, pero hinawakan niya ang aking kamay.
I turned around and faced him. Nag-labas siya ng panyo at pinunasan ang mukha ko. Hindi ako nakaimik, my whole body was frozen. Nag-simula nanamang tumibok ang puso ko ng mabilis at para bang may paru paru na lumilipad sa tiyan ko.
I never had this feelings with Hans before, not even once. I've always had this feeling with Simon kahit dati pa, pero never with Hans. Maybe because na pressure lang talaga ako noon, did I even really loved him?
Mas okay na siguro na hindi ako tuluyang nafall sa kanya, kungdi mas masakit ang dadanasin ko.
"Okay kalang?" Tanong ni Simon at nag nod ako.
May mga taong pinag-tatawanan ako ng makita nila pero di ko na lamang sila pinansin. Then Simon did something unexpected.
"Ate pede bang akin nalang eto?" Kinuha niya ang coke sa kamay ng isang babae at binayaran niya, then binuhos niya ang coke sa ulo niya. Nagulat ang mga tumatawa sa amin kanina at umalis sila na para bang walang nangyare.
He then walked to me and smiled.
"Now we're the same." Sabi niya and took my hand. "Tara na, malate pa tayo sa movie."
Ngumiti ako nang patago at hinayaan nalang tumibok ang puso ko.
------------------
"No..."
"Bakit nangyare toh..."
"Di dapat nangyare toh..."
"Bakit moko iniwan ng maaga!"
"Mahal na mahal pa naman kitaaa..."
"...Newt ko...!"
Iyak ako ng iyak sa sine sa part na sinakripisyo ni Newt ang sarili niya para hindi niya na mapatay ang kaibigan niyang si Thomas.
I mean I already know that he was going to die kasi nabasa ko na ang libro pero minsan iniiba naman nila ang story sa movie diba? I had hopes that he was going to survive pero masama ang Director kasi hinayaan niya siyang mamatay.
"Uy bes, baka gusto mong irewind natin para mabuhay ulit siya." Daff jokingly said at tinignan ko siya ng masama.
Hindi ito ang tamang panahon para lokohin ako, kakamatay lang ng paborito kong character and I wasn't in the mood to talk to anyone. Nag-mumukmok na nga yung tao tapos lolokohin pa.
"Not. Funny." Galit kong sinabi sa kanya and she did a zip sign sa lips niya.
Matapos ang movie ay lumabas agad ako ng sinehan. Sinundan agad ako ni Simon at yung iba ay umuwi na. Si Daff naman ay sumabay sa iba so it was only me and Simon.
Umupo ako sa bench at nag-mukmok nanaman. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit kaninong tao. Tumabi si Simon sa akin and he lets me sulk.
Maya maya ay tumayo siya pero inignore kolang. Pag-balik niya ay may hawak na siyang dalawang ice cream.
"Cookies and cream? I heard from Daff it's your favourite ice cream flavour." Inabot niya sa akin ang ice cream at napangiti ako. "Ayun, there's my favourite smile."
Nag-sigh ako at naalala ang pag-kamatay ni Newt.
"Ang sad lang kasi, trio sila ni Thomas at Minho pero siya lang ang namatay. Siya pa naman pinaka-paborito kong character." Malungkot kong sinabi.
"I also liked him, he was the Glue of the team. He always get everyone together. It was touching when he sacrificed himself to save his friend." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.
"Nanonood karin pala ng Maze Runner?" Tanong ko.
"I told you before, I've been interested in it after reading your story. You should continue the story." Sagot niya and I did remember yung incident na nag-kabangaan kami and he gave me the book.
There was a moment of silence between us, not an awkward silent, but a peaceful once. Ineenjoy lang namin ang pag-kain ng ice cream.
Doon ko lang narealize na never namin ginawa ni Hans yun. Everything Simon would do to me, ni kahit isa hindi nagawa ni Hans.
Sadyang ganun nga talaga kapag one sided ang pag-mamahalan ng dalawang tao. I did try na mahalin si Hans pero I was lucky not to fall deep into the hole. That way, I have a chance to not hurt myself even more.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top