Chapter 19

Cassandra's POV

I woke up with a headache, grabe di ko alam kung ilang oras ako umiiyak kagabi. Naabala ko nanaman si Daff. Nang makita ko ang oras ay nagulat ako kasi tanghali na pala, I missed school.

"Uy, gising na pala ang Sleeping beauty." Sabi ni Daff na may dalang pag-kain. "Brunch?"

"Bes, late na ako sa school." Taranta kong sinabi habang tinitiklop ang kumot.

"Alam ko, sarap nga ng tulog mo eh pero okay lang yan, tinawagan ko na si ma'am Glaiza. Oh eto kain ka muna." Nilagay niya ang pag-kain sa tabi ko at tinitigan ko lang yun.

"La akong ganang kumain..." I muttered at umupo siya sa tabi ko.

"Kakain ka o tatawagin ko si Simon para subuan ka?" Pabiro niyang tinanong at napatawa ako.

"Baliw ka talaga."

"Mas baliw ka, baliw sa pag-big." Nalungkot ako sa sinabi niya pero bigla niyang narealize yun. "Aaaaay, tara kain kana bes. Wag mo nang isipin yun."

_________________

"Anak nang, BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SA AKIN!" Galit na sigaw ni kuya sa akin at hindi man lang ako makaimik.

"Sorry kuya..." Was all that I said pero enough na yun para tumigil siya sa kakasermon sa akin.

"Gusto mo puntahan ko?"

"Wag na po."

"Kailangan ko pang sipain bayag nun."

"Di na po kailangan, okay lang po ako." I gave him a sincere smile and he finally sigh in defeat.

"Okay, pero pag nakita ko yun papatulan ko yun."

"Hala, naging bakla si kuya."

"Loko loko ka talagang bata ka."

Pumunta na ako sa kwarto ko at humiga padapa. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya chineck ko eto.

________________

Simon: Wanna play ml?

________________


Nagulat ako kasi di ko inexpect na galing pala kay Simon ang text.


________________

Me: I'm busy, sorry

_______________


After nun ay sinilent ko ulit ang phone ko at natulog na. The next day I did my daily routine, nalobat ang phone ko kaya iniwan ko sa bahay tas pumunta na ng school.

I know I haven't recovered yet pero di ko pwedeng ipakita sa kanila na naapektuhan ako sa ginawa nila. I must stay strong, ginawa na nila eto noon kaya mag-papakatatag ako ngayon.

"Bye kuya." Paalam ko kay kuya.

"Ingat ka!"

Pag-labas ko nang bahay nakita ko si Simon sa driveway with his Volvo car.

"Simon? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Tinext kita kagabi, sabi ko susunduin kita ngayon. Di mo ba nakita?" Reply niya at nakalimutan ko na tinulugan ko siya matapos siyang mag-aya mag-laro.

"Ah eh nalobat yung phone ko kaya iniwan ko muna sa bahay para mag-charge. Nakatulog din ako nang maaga kagabi." I explained at ngumiti siya.

"Okay lang, tara sakay ka na." Bumaba siya ng kotse niya at binuksan ang passenger seat.

"Huh? Teka, biglaan naman ata toh. I mean, what's the reason para pick-upin mo ako?" Confuse parin ako sa nangyayare.

"Pumasok ka nalang, dali baka malate pa tayo sa school." Hindi na ako kumontra kasi tama naman ang sinabi niya.

After he close my door ay pumunta na siya sa side niya and started drivimg.

"Simula ngayon, hatid sundo na kita." He stated and I gave him a confuse look.

"Teka bakit?"

"Kasi gusto ko lang, may masama ba dun?"

"Wala naman, nakakapagtaka lang."

"Ano naman ang pinag-tataka mo?"

"Eh bigla ka nalang sumulpot sa driveway namin tas sasabihin mo 'Simula ngayon, hatid sundo na kita' I wanna know why, what's the real reason? Dare nanaman batoh ni Demonia para pahiyain ako?!" Sinabi ko na ang totoong nasa isip ko.

"Di ba obvious? Simula ngayon, manliligaw mo na ako. Nililigawan kita. At walang kinalaman dito si Demonia. Peksman mamatay man." Reply niya at nag-cross arms ako.

"Teka teka teka, kailan ako pumayag na pwede kang manligaw? Tyaka kakatapos lang nang break-up ko, kailangan ko pa ng oras para maka move on. Di naman magiging madali yun."

"Edi maghihintay ako, marunong naman akong maghintay. Tagal ko nangang nag-hihintay sayo eh." Natahimik ako sa sinabi niya at napaisip.

Matagal na syang nag-hihintay? Joke batoh! Pakana nanaman siguro ni Demonia toh! Pero sabi nya walang kinalaman dito yung babae, I trust Simon naman...- hinde! Control your feelings Cass, wag kanang mag-papaloko ulit!

"Penny for your thoughts?" Naputol ang pag-iisip ko ng mag-salita si Simon.

"Wala ka bang jowa?" Tanong ko.

"Wala." Mabilis niyang sagot.

"Wala as in wala?"

"Wala nga."

"Eh ang daming babae ang nakapaligid sayo, plus ikaw ang pinakapopular na lalake sa school. Posible namang wala kang jowa."

"Wala nga, no girlfriend since birth. Bat ayaw mong maniwala."

"Like what I said, ikaw ang pinaka-popular na lalake, di ako maniniwala na di kapa nag-ka jowa since birth."

"Baket, nag-seselos kaba kaya gusto mong malaman?" Kinindatan niya ako at umirap ako.

"Ako? Mag-seselos? Pfft, no way." Angal ko at tumawa siya. "Nung nakakatawa?"

"Ikaw, kunware di nag-seselos pero halata naman na nag-seselos ka."

"Hindi nga!" I defended at patuloy ang pag-tawa niya.

"Sige tawa pa, tumawa ka hanggang mamatay kana." Pinag-hahampas ko siya at iniilagan niya ang mga palo ko.

"Uy! Nag-dridrive ako! Baka mabangga tayo!" He exclaimed kaya tumigil ako.

"Basta hindi ako nag-seselos!" Madiin kong sinabi.

"Osige na, hindi na kung hindi, basta liligawan parin kita at hihintayin ko ang sagot mo."

"Hay naku, mga lalake pare-parehas lang kayo. Di na ako mag-titiwala noh, baka mamaya mag-kasabwat nanaman kayo ni Demonia. I learnt my lesson at hinding hindi na ako mag-papauto ulit."

"Wag mong lahatin, seryoso ako noh at papatunayan ko yun sayo." We finally made it to the school.

"Eh basta di na ako mag-papauto ulit!" Sabi ko at bumaba na ako ng kotse without waiting for him to open it.

"Uy! Hintayin moko!" Nag-madali siyang lumabas ng kotse at hinabol ako.

Pag-kalabas ko ay maraming tao ang nakatingin sa akin.

"Bat niya kasama si Simon?"

"Ginagawa niya sa kotse niya?"

"Ew."

"Kaka-break lang nila Hans ah, naka-hanap agad ng iba? Iba talaga pag gold digger."

"Oh my God, sabi sayo witch yan. Ginayuma niya ata si Simon. Pag desperada nga ba naman."

"I hate her so much."

Imbis na mag-bulungan ang mga tao, talagang nilaksan nila ang boses nila para marinig ko. Namumuo ang mga tubig sa mga mata ko pero pinigilan ko iyun.

Not long after, tinabihan ako ni Simon at inakbayan.

"Simula ngayon, wala nang pwedeng manakit kay Cass! She is mine. Bago niyo siya makausap, mag ask muna kayo ng permission sa akin and if marinig kong may nang bubully sa kanya, makakatikim kayo sa akin." Banta ni Simon at hinila niya ako papalapit sa kanya while kissing my forehead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top