Chapter 18

Umalis na silang dalawa at wala akong magawa kundi linisan ang pagkain sa akin. I guess di pa sila nag-sasawang apihin ako

"Be strong Cass, be strong. Kaya mo toh." Sabi ko sa sarili ko sa salamin bago ako lumabas.

Pag-kalabas ko hinanap ko si Hans na tila nawawala. 

"Anyare sa walang ibang lugar na pupuntahan?" I said to no one hang nilabas ang phone ko.

Tinawagan ko siya pero di siya sumagot. Nag-tanong tanong din ako kung may nakakita sa kanya pero wala daw. Palagi saken sinasabi ni Hans na dapat nag-papaalam ako sa kanya. 24/7 naka monitor ang location ko at mga pinag-gagawa ko. Ni hindi ko nanga masyadong nakikita si Daff at Marj.

I felt trapped, pressured pero dahil jowa ko si Hans, sumusunod nalang ako sa gusto nya para wala na syang masabi at hindi kami mag-away.

I soon saw Simon at si Keith na nag-lalakad sa garden.

"Uy guys, nakita niyo ba si Hans?" Tanong ko sa kanila.

Nag-tinginan muna silang dalawa and I knew something was off.

"Cass, about the other day i just want to apologize for what happened. Ako na ang hihingi ng tawad." Sabi ni Simon.

"Ha? Wala yun, eto naman. Ako dapat ang humingi ng tawad noh nasali kapa sa gulo." sagot ko.

"Hans is in the laboratory, the one that Daff was framed in." Turo ni Keith at medyo nag-taka ako kung bakit nalaman nya na dun na frame-up si Daff.

"Thank you." Sabi ko.

"Cass, gusto mo mag ml mamayang gabi?" Tanong saken ni Simon.

"Sorry, baka mag-selos si Hans eh." Sagot ko at ngumiti sya.

"No worries, I'll wait for you in the lobby if ever na mag-bago isip mo." Nag nod ako at umalis na.

Pagka-bukas ko ng pintuan sa lab ay nahuli ko si Hans at Demonia na nag-hahalikan.

"What the-" Parehas silang tumingin sa akin.

Nang makita ako ni Hans ay para bang wala lang sa kanya na nahuli ko sila.

"Oh, it's the loser. You're finally here, ang tagal mo namang hanapin ang jowa mo. Yan tuloy, nakahanap ng iba." Malanding pag-kasabi ni Demonia. "Now this is so funny, feels like... Deja vu."

Naalala ko ang nangyare sa ex ko. It was the same scenario but different place. Nahuli ko ding nakikipag-halikan si Demonia sa ex ko and she said the same words.

'Oh, it's the loser. You're finally here, ang tagal mo namang hanapin ang jowa mo. Yan tuloy, nakahanap ng iba'

"Anong nangyayare dito?" Tanong ko kay Hans at nag-smirk siya.

"Everything we have, it's fake. Ginawa kolang yun para pag-mukhain kang tanga. Which you were, I can't believe na magiging success ang mission ko. Ang mission na saktan ka. Bobo mo nga eh, dami nang warning sayo ni Daff at Marj pero pinairal mo ang katangahan mo." Natatawang sabi ni Hans.

Pinigilan ko ang mga luha ko, ayaw ko namang umiyak sa harapan nila. Ayokong makita ulit nila na nanalo nanaman sila.

"Just like what I said, once a loser will always be a loser. No one will love ever loser a like you. Ang stupid mo naman kung iisipin mo na someone like Hans, who is so beautifully handsome and smart, will fall in love with someone like you? A pig and a loser." Tinignan ako ni Demonia from toe to head.

"You heard her, now get lost loser." Hinalikan ulit ni Hans si Demonia "Oh and one more thing, I'm breaking up with you! See this place here? Ako ang nag trash ng place and framed Daff. It was Demonia's idea para naman walang mag advice sayo at maging tanga tanga ka. And it works!"

Hindi ko na napigilang ang sarili ko kaya tumakbo na ako papalayo sa kanila.

Madaming tumawag ng pangalan ko pero di ko sila pinansin. Gusto ko lang makaalis sa lugar na yun, mag-pakalayo where no one will see my tears and pain.

Dumeretsyo ako sa bahay ni Daff kasi di ko kayang harapin ang kuya ko. Anong sasabihin ko sa kanya, na nagpaka-tanga nanaman ako? Na hindi namaman ako marunong pumili ng lalake? Ayokong makita niya na nasaktan nanaman ang kapatid niya dahil marami na siyang problema, ayokong makadagdag pa dun.

"Ay letcheng Hans yan, di lang ako suspended nasipa ko na yan sa bayag. Hanapin natin ngayon para masipa ko!" Galit na sigaw ni Daff pero di ko naririnig ang mga sinasabi niya.

Nandun ako sa couch at bigla nalang akong nag-breakdown.


Daffodil's POV

"I'm sorry bes, napakatanga ko talaga! Ang tanga tanga mo Cass! Ang tanga tanga ng puso mo!" Natigil ako sa kakasalita ko nang biglang mag break-down ang besfriend ko.

Naawa talaga ako sa kanya, di naman niya deserve ang nangyare sa kanya. Napaka-demonyo talaga nang Demoniang iyun. Kung andun lang ako parehas ko na silang naumbagan.

After two hours of her crying, nakatulog siya sa couch. Kinumutan ko siya at nung susunod na araw, gumising ako nang maaga.

Hindi ko na ginising si Cass pero pumunta ako sa school ng sobrang aga at may inabangan ako. After waiting for a few minutes, dumating din ang taong gusto kong makausap.

"Simon, pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Sure."

Pumunta kami sa malapit na café at kinapalan ko na ang mukha ko.

"So ano ang pag-uusapan naten?" He started the conversation.

"Well, alam mo naman na ang nagyare kay Cass diba?" I asked and he nodded. "Okay, gusto kong mag-ask ng pabor."

Huminga ako ng malalim bago inilabas ang gusto kong isabi.

"Pwede bang mag-panggap ka na manliligaw niya?" At nasabi ko rin.

There was a moment of silent between us bago siya mag-salita.

"Ayun lang ba?" Tanong niya at nagulat ako dun.

"Hindi lang ayun ayun yun, napahiya nang sobra ang kaibigan ko kahapon. Dalawang oras siya nag-iiyak sa couch ko at higit doon, ayoko na siyang mabully na lagi nalang siyang heartbroken. Pangalawang beses na kasi tong nangyare. Di niya deserve ang maganun. Plus, patay na patay sayo yung demonyitang babae nayun so kung liligawan mo si Cass, sampal sa mukha nya yun."

"Tela. pangalawang beses na? So na heartbroken na din siya noon?"

"Oo, at kagagawan din ni Demonia. Scott ang pangalan nang ex ni Cass at gaya nang ginawa ni Hans, nag-panggap siya na may gusto siya kay Cass pero sa bandang huli, nung nakuha niya na ang loob ni Cass, he turned against her at ipinahiya siya sa maraming tao." Inexplain ko.

"I see..." Napaisip siya bago ngumiti. "I will do your favour in one condition."

"Kahit ano pa gagawin ko yun basta matulungan mo lang ang best friend ko." Makaawa kong sinabi.

"Madali lang naman..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top