Chapter 17
"Hindi naman." Sagot ni Simon and I raised an eyebrow.
"Anong hindi naman? Magaan kaya ako!" I pouted at tumawa siya.
"Edi hindi."
"Napilitan?"
"Hindi noh."
"Eh ano pala?"
"Wala lang."
"Ha? Ang gulo mo."
"Ha? Hakdog."
"Cheesedog!" Sabay na sabi ni Keith at Marj.
Nag-katinginan ang dalawa at parehas silang tumawa.
Halatang halata sa mukha ni Marj na may gusto talaga siya kay Keith at halata din na may gusto sa kanya si Keith.
"Aherm, sana all. Eto na sana ang moment niyo ni Simon pero... may jowa na eh. Sayang na Sayaaaang..." Sabi ni Daff at nag-kunyare siya na may luhang tumutulo sa mata niya. "Talagaaaaa!"
Baliw ka talaga Daff!
"Anong sayang?" Bigla nalang nag-tanong si Simon.
"Ah eh yung isang kaibigan ko kasi, may gusto siya sa kaibigan kong lalake kaso may jowa na. Although di siya sure sa feelings niya sa jowa niya at matapos maging sila ay bigla silang naging close ng lalakeng friend ko. Yung isang friend kotoh ah hindi si Cass." Daff explained and I mentally facepalmed.
"Ah, so parang love triangle." Nilagay ni Simon ang kamay nya sa chin nya.
"Oo parang ganun." Siniko ako ni Daff. "Pero sa tingin mo, ano ang dapat gawin ng kaibigan ko?"
"Well if I was her, I would follow my heart. But it's complicated. Kung may gusto ang friend mo sa lalake, bakit siya nag-jowa?" Reply ni Simon at napaisip ako.
Pero bago pa ako makaisip, siniko ako ni Daff.
"Oo nga, kung mahal niya pa ang lalake bakit kaya siya nag-jowa!" Daff exclaimed.
"Maybe because she wants to move on? You know nagustuhan na niya na ng matagal yung lalake pero maybe she thought na wala na talagang pag-asa." Sabi ko and I gave Daff the look.
"Sinubukan ba ng babae na tanungin kung may gusto din sa kanya ang lalake? Malay mo meron." Saad ni Simon.
"Bakit babae ang magtatanong, job yun ng lalake noh."
"Walang mawawala kung itry noh."
"Meron, friendship. Marami nang mag-bestfriend ang hindi nag-papansinan ngayon dahil umamin ang isa."
"Porket babae, kailangan ang lalake ang mag make ng first move, pano kung torpe ang lalake?"
"Torpe man o hindi, mali parin pag babae ang unang mag make ng move. May dignidad din kami noh."
"Guys! Kaibigan ko parin ba ang pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Daff and she gave me a look na nag-sasabeng sitwasyon ko na ang napag-uusapan namin.
"Yung kaibigan mo, di ba obvious." I commented.
"Yeah, it's all about your friend." Simon added.
"Hey guys, it's time for the movie!" Sinagip kami ni Keith in the most awkward moment.
Nag-tinginan kami ni Simon pero agad naman akong nag look away. Ano bang nangyayare ngayon, bakit parang pinag-lalaruan ata ako ng tadhana.
"G tara!" Excited na sabi ni Marj and we went to the movies.
_____________________________
"Into the unknoooown!"
"Into the unknoooooooooown"
"Aaah haa aah haa!"
Yep, after the movie ay nag-sisikanta ang mga lalake. As in non-stop. Lalong lalo na si Keith, na tila sinasabayan ni Marj.
"Into the unknooo-" Biglang napatigil si Keith sa kanta nya.
Lahat kami ay tumingin sa kanya at para bang nakakita siya ng multo. Sinundan ko kung ano ang tinitignan niya at nakita ko si Hans walking towards us.
Nang makita niya ako, lumaki muna ang mga mata niya bago eto napalitan nang galit. Binilisan niya din ang pag-lakad niya at nang makararing siya sa akin, kinuha niya ang kamay ko at hinawakang mahigpit.
"Hans! Wai- nasasaktan ako!" Hiyaw ko pero di parin niya ako pinakawalan.
"Pre, nakakasakit kana." Hinawakan siya ni Simon sa wrist.
"Wala kang pake dito, jowa ko siya!" Galit na sabi ni Hans.
"Di mo dapat sinasaktan ang babae!" Tinulak ni Simon si Hans at binitawan din niya ang kamay ko.
"Wala ka na dun dude!" Tinulak din ni Hans si Simon. "Samin na toh, wag kang mange-alam!"
Mag-susuntukan na sana sila pero pinigilan sila ni Juan at Keith.
"Bro, that's enough!" Saad ni Keith habang hawak si Simon.
"Ano, gusto mo ako ang kalaban mo?" Tinanong ni Juan si Hans but Hans backed away.
Sino ba naman di matatakot kay Juan eh ang laki laki ng katawan. Sumasali din sya sa boxing kaya halatang walang laban si Hans.
"Umalis na tayo dito Cass." Hans demanded at nag walk out siya.
Tinignan ko si Simon and gave him a sad smile.
"Sorry..." Was my last word before I left.
________________________
"Hans! Hans pansinin mo naman ako! Uy!"
Di ko alam kung ilang beses ko nang tinawag ang pangalan niya pero di niya parin ako pinapansin.
"Hans!" Pumunta ako sa harapan niya and this time tumigil na siya. "Ano bang problema mo? Bat kaba nag-kakaganyan?"
"Cass tao din ako! Kanina pa kita tinatawagan at tinetext pero ni kahit isa di mo man lang sinagot! Tapos makikita ko nalang na kasama mo ang ex crush mo! Bakit hindi ka man lang nag-paalam saken!" Galit niyang sinabi.
Chineck ko ang phone ko at nakita ko na naka silent pala iyun.
"Sorry, naka silent phone ko. Di kasi ako tinigilan ng kapatid ko kahapon, sorry talaga." Sabi ko at nag sigh siya.
"Sorry din at nasaktan kita, tao din naman kasi ako Cass. Nag-seselos din ako." His eyes went soft and he put out a hand. "So, we good? Promise ko sayo babawi ako."
"We're good." Hinawakan ko ang kamay niya at nag hand-shake na kami.
He pulled me into a hug while caressing my hair.
"Basta next time mag-paalam ka sa akin ah, ayaw ko lang naman kasing maagaw ka ng iba." Nag nod nalang ako sa sinabi niya.
Pag-kauwi ko ay tinawagan ako ni Daff kung gusto kong makipag sleepover sa kanila kasama si Marj. Umo-o agad ako at pumunta sa kanila. I told them what happened but they didn't question me like they always do.
"Anong nangyare? Bakit parang wala ata kayong masabi?" Tanong ko sa kanila.
"Ayaw kalang namin masaktan if we were to give you advice." Sagot ni Marj.
"Masaktan? Bakit naman ako masasaktan?"
"Kasi-" Daff was interrupted when my phone started ringing.
"Oh Hans, bakit ka napatawag?" Tanong ko sa jowa ko.
"Umuwi kana." Demanda nya.
"Kakarating ko lang dito, mag sleepover kami." Sabi ko.
"Ang sabi ko, umuwi kana!" Natakot ako sa tono ni Hans kaya sinunod ko nalamang eto.
"Eto na, uuwi na."
Nag-tinginan si Marj at Daff at nag sorry na lamang ako sa kanila.
"Bebe time haha, see you guys nalang next time." Sabi ko.
"Sige, mag-iingat ka."
Paano nalaman ni Hans kung nasaan ako? Pinadownload nya sa aken ang app na pede nyang makita ang location ko.
Baka nag-seselos lang yun, hayaan mo na Marj
_________________
Back to school again, at di lang yun, medyo awkward na kami ngayon ni Simon tuwing nakikita ko siya. Gusto ko sanang mag apologize sa kanya ngunit lagi na akong sinasamahan ni Hans.
Ayoko din naman na ipakita sa kanya na parang hinahabol ko yung tao. Our love was complicated, at mas lalong mahirap para sa akin kasi wala na si Daff sa tabi ko para mag advice. Sabi ni Marj makakasama si Daff sa field trip so hindi ko alam kung ano ang balak nya.
And not only that, tuwing may pupuntahan ako kailangan ko laging mag-paalam kay Hans. Para ba akong isang ibon na nakakulong without any freedom. Ang weird diba?
One more week before the field trip... sana nga makasama si Daff samen
"Punta lang ako sa bathroom." Sabi ko kay Hans at nag nod siya.
"Wag kang pupunta sa ibang lugar ah." Simangot niyang sinabi.
"As if may ibang lugar naman sa bathroom." Pabiro kong sinabi pero tinignan nya ako ng masama. "Joke lang."
Matapos kong gamitin ang bathroom ay hinugasan ko na ang mga kamay ko. Not long after, dumating si Demonia at Jessica.
"We finally got you cornered." Patawang sabi ni Demonia. "This time, wala na talagang sasagip sa iyo. The act is over loser."
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya at tumawa ulit siya.
"Once a loser, always a loser. You will always be fooled, tandaan mo yan." Nag-labas si Jessica nang panis na pag-kain at tinapon sa akin. "Now that's what I called pig! Expect more Cassie, this is only the begging."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top