Chapter 16

"Hmmm, simula nung naka-work ko sya as a coffee maker." Marj started. "Actually na love at first sight ata ako sa kanya haha pero pinigilan ko lang kasi strict yung manager namin. Bawal daw love love sa workplace."

"Ah I see, continue."

"Pero nung mas nakilala kopa siya, mas lalong lumakas yung nararamdaman ko sa kanya. We sometimes hangout, minsan nga hirap ng pigilan ang kilig ko eh but yeah. Yung picture ko sa phone ko, nag-lakas loob ako kung pwede kami mag-selfie. Sobrang kilig ko nun." Hinawakan niya ang phone niya.

"Bagay kayo." Sabi ni Daff at napangiti ako kasi yun din ang sinabi ko. "Kahit english spokening yung tao at na nonosebleed ako bagay na bagay kayo."

"Oo nga pala, kinombine nila ang fieldtrip niyo sa fieldtrip namin." Inannouce ni Marj, which hindi kopa nalalaman.

"Bakita ko nga, sayang di ako makakapunta." Malungkot na sabi ni Daff.

"Bakit, anong nangyare?" Tanong ni Marj at sinabi ni Daff lahat kung anong nangyare. "May camera sa lab nyo diba?"

"Meron." Sagot ko at ngumiti sya.

"Then makikita naten kung ano talagang nangyare." May dinayal si Marj sa phone nya at hinintay nyang sumagot yung tao. "Yo bro, pede mag request?"

Nag-tinginan kami ni Daff, wondering kung ano ang ginagawa ni Marj pero wala kaming idea.

"Sankyu, aasahan kita ah." Sabi ni Marj before ending the call and gave us a big smile. "Mag-handa kana Daff, lahat tayo makakapunta sa field trip!"

Hindi man namin alam ang sinasabi ni Marj, we continued eating and catching up with each other. Matapos naming kumain ay nag-gala gala kami sa mall at habang nag-tatawanan kami, nakasalubong namin si Simon, Juan, Yvonne at Keith.

"Oh, it's you guys! Fancy seeing you here." Si Keith ang unang bumati sa amin.

"Uy!" Si Marj ay parang natataranta na.

"Ginagawa niyo dito?" Tanong ni Juan.

"Wala, nag-gagala lang." Sagot ko while avoiding eye contact with Simon. "Kayo?"

Hindi ko alam kung baket, pero parang nanghihina ako kapag tinitignan ko sya.

May jowa kana Cassie! Pigilan mo ang nararamdaman mo!

"Manonood kami ng Frozen 2, ngayon yung labas nun eh." Sagot ni Simon.

I'm not sure if it's me or not pero parang... nakatingin saken palagi si Simon?

"You guys want to come? My treat." Inoffer ni Keith at medyo lumaki mata ni Marj.

"Sige ba!" Inaccept agad ni Daff ang offer niya nang hindi pa kami nakakapag-desisyon. "Diba Marj okay lang sayo?"

"Huh? Ah, ou, syempre naman." Sagot ni Marj.

"Ikaw Cass?" Tinignan ako ni Daff at nag nod na lamang ako.

"It's settled then, let's go!" Masayang sinabi ni Keith.

Pumunta na kame sa sinehan at bumili si Keith ng ticket and since 6pm pa ang movie, may four hours pa kaming free time.

"San niyo muna gustong gumala?" Tanong ni Juan.

"Kahit saan."

"I don't mind anywhere."

"Kayo bahala."

Sabay sabay silang nag reply at biglang pumalakpak si Keith.

"May dancing competition ata na event! It's not really a competition, mga larong sayawan lang!" Yvonne suggested at nag-agree kaming lahat.

Well, si Daff ang umoo, as always. Mas mabuti narin siguro yun kasi halos hindi kami makapag-salita ni Marj. Nang makapunta na kami sa sinasabing lugar ni Juan, pinalagay nila ang pangalan namin sa papel.

"Ah guys, mauna na kayo. May idodouble check lang ako sa pangalan ko." I saw the look on Yvonne's face na she's planning something pero inignore ko nalang.

Although nakita ko na may inabot siya sa receptionist. Baka nag-kamali sya sa pangalan nya?

"Alright mga kabayan, let's start the game!" Sabi ng emcee at nag gather ang lahat sa gitna. "Our game is Sayaw sa Dyaryo!"

Nag-lagay ng dyaryo ang mga staff sa gitna.

"Ang mananalo ay may preeeeeemyo! Excited na ba kayo!" Pasigaw niyang tinanong at nag-hiyawan ang iba.

Dumating ang receptionist kanina at may ibinigay sa emcee.

"Alright, andito na po ang list ng mga players at ang partners nila. Remember po na randomized ang mga pangalan para may mameet kayo ng bagong kaibigan. Malay niyo, siya na yung the one. And also syempre lahat ng nag-lagay ng pangalan ay kasaliiii! Walang KJ ah!" Binuksan ng emcee ang papel at nag-simula na siyang tawagin kung sino sino ang mag-kakapartner.

"Excited na ako! Feeling ko magiging maganda toh!" Nag-tatatalon talon si Daff at ngumiti siya na para bang alam na niya ang susunod na mangyayare.

"On dyaryo number 7, Cass and Simon!" Tinawag na ng emcee ang pangalan ko at nagulat ako kung sino ang kapartner ko.

Tinignan ko si Simon at nakatingin na siya sa akin with a cute smile.

Wait, did I say a cute smile! Oh my gosh Cass, may boyfriend kana, this is not the time to-

"Bes pumunta kana doon!" Tinulak ako ni Daff at na out of balance ako.

Akala ko ay mahuhulog na ako sa sahig pero may nakasalo sa akin.

"Cass, okay kalang?" Tanong ni Simon na siyang nakasalo sa akin.

Di ko ba alam pero parang tumigil ang mundo ko at bigla nalang tumibok ang puso ko.

"Kayo po ba si Simon at Cass? Bilisan niyo na po at pumunta na po kayo sa dyaryo niyo!" The emcee demanded at hinawakan ni Simon ang kamay ko.

"Tara na." Hinila niya ako kung saan ang place namin.

"Aba aba, akalain mo nag-kapartber ang mag-jowa! Nakakakilig!" Nahiya ako sa sinabi ng emcee kasi hindi ko naman jowa si Simon.

Well he was my ex-crush pero naka move on na ako.

Nakamove on na nga ba ako?

"I knew it, ang sweet ninyong dalawa!" Marj exclaimed pero natahimik sya sa sinabi ng emcee.

"Okay, next partner is Marj and Keith!"

Tinakpan namaman ni Marj ang kanyang bibig at si Keith naman ay ngumiti sa kanya.

"May I have this dance?" Tanong ni Keith while offering his hand.

"O-of course." Reply naman ni Marj while holding his hand at tila pinipigilan nya ang kanyang mga kilig.

I made eye contact with Yvonne and she gave me a wink. Sabi ko na nga ba, kagagawan niya ito pero bakit? Hindi ba jowa nya si Simon? 

Matapos tawagin ng emcee ang lahat ng players, nagsimula ang laro.

Sa una ay madali lang tapakan ang dyaryo, habang papaliit ng papaliit ay mas nagiging close kami ni Simon. 

"How have you been?" Tanong saken ni Simon.

"Eto, okay lang, buhay parin." Sagot ko habang tumalon kami sa dyaryo.

"Nag-lalaro kapa ba ng ml?"

"Oum, kasama ko palagi si Hans." Natahimik sya sa sinabi ko.

Nang tumapak kami sa dyaryo, kinailangan kong tumayo sa paa nya and he wrapped his arms around me. Tumitibok ng malakas ang puso ko at muntik na akong matumba pero hinigpitan ni Simon ang pag-hawak nya sa aken.

Humiwalay agad ako ng matapos ang kanta and I calmed myself down.

Ano ba Cass, wag ganito! May jowa kana diba, don't do this to yourself!

"Alam mo na miss kitang kalaro sa ml." I was brought back to reality sa sinabi ni Simon. "Na miss ko yung Angela support. Do you still use her?"

"Hindi na, mage na ang role ko. Good combination sa Roger ni Hans."

"There was a reason kung bakit natigil kami sa pag-lalaro." Saad ni Simon habang tumapak kami sa dyaryo. "Namatay kasi ang lolo ko and there was chaos at the business he was running. Gustong gusto kitang makalaro pero hindi pwede eh. I had to focus on the chaos."

Hindi ko alam kung bakit sinasabi toh sa aken ni Simon, does he have a motive? Pero atlis now alam kona kung bakit natigil sila sa kakalaro.

"Okay lang naman uy, andyan naman si Hans eh." Sabi ko and he gave me a... sad smile?

"Yun na nga ang problema..." He trailed off and all of the sudden, binuhat nya ako in bridal style. "Nang dahil dun, nahuli ako."

Nahuli saan?

Hindi ko namalayan na ang kalaban nalang namin ay si Marj at Keith.

"Go CasSimon and KeithJorie! Fighting!" Sigaw ni Daff.

Sa huling round, nakabakay si Marj kay Keith at ng dumating ang countdown, hindi na maintain ni Keith ang kanyang balance at kami ang nanalo. Sa sobrang saya ko, inakap ko ng mahigpit si Simon.

"Nanalo tayooo!" Sigaw ko at nang marealize ko ang nagawa ko, humiwalay agad ako kay Simon. "Na-nanalo tayo."

"Galing ko noh!" Pangiti niyang sinabi. "Kaso ang bigat mo."

"Grabe ka naman saken!" 

"Joke lang haha, dikana mabiro."

Maya maya ay nag-lakad lakad ulit kami.

"I want a rematch, Marj too heavy!" Reklamo ni Keith at sinuntok siya ni Marj.

"For your information, I weigh 52kg which is a normal weight for female my age! You're just clumsy hmph!" Depensa ni Marj.

"Mabigat? Gusto mo buhatin kita para malaman ko kung mabigat ka?" Tanong ni Juan kay Marj.

Lalapit na sana si Juan pero humarang si Keith.

"I'm just joking bro." Saad ni Keith.

"Ikaw Simon, mabigat ba si Cass?" Tanong ni Yvonne at nag-tinginan kami ni Daff.

"May something." Daff mouthed and I nod in approval.

Baka nag-aaway silang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top