Chapter 15

"What Demonia wants, Demonia gets." Pag-mamayabang ni Demonia pero tinanawanan lamang siya ni Daff.

"Wow, first time tama ang grammars mo. Nag practice yarn?" Pilisopong sinabi ni Daff.

"Wala akong pake! Hindi mo mababago na suspended ka parin!" Galit na sabi ni Demonia.

"Tama, hindi ko mababago. Pero ikaw, mommy? Ew, tanda tanda na mommy parin ang tawag sa mama nya." Daff challenged at medyo natawa ang mga studyante.

Demonia quickly silenced them by staring at them at nag cross arms sya.

"Yan lang ba ang kaya-" Di pa natapos ni Demonia ang sinabi nang bigla siyang sampalin ni Daff. "How dare you, makakarating to sa-"

"Sa mommy mo? Go! Na suspend na ako, wala kanang magagawa pa sa aken! Go to your mommy and cry! Tutal, dun kanaman magaling diba? Mommy mommy tch!" Tinitigan ni Daff si Demonia sa kanyang mga mata. "Without your mommy, you are nothing! Mag-hintay kalang, mag-babalik ako!"

Inumbagan ni Daff si Demonia at natalisod si Demonia nang umatras sya.

"Duwag." Was the last word na sinabi ni Daff before nya kinuha ang kamay ko at umalis kami.

Never kopang nakitang nagalit si Daff pero nakakatakot pala sya. All I know is swerte ko kasi ako ang bestfriend nya. 

"Unfair ng ginawa nila sayo bes." Sabi ko ng makarating kami sa garden.

"Okay lang bes, wala namang katotohanan ang hindi nabubunyag." Saad nya.

"Pero bes, di naman pwede yun. Wala ka naman talagang ginawa." Bigla na lamang nya akong niyajap.

"Iba talaga kapag nanay mo ang Principal, hayaan mo makakarma din yan." We parted and she gave me a sad smile. "Ingatan mo nalang sarili mo ah habang wala ako, dapat matuto kang lumaban. At kay Hans, pwede mo namang balikan yung dating My Labs mo kung gugustuhin mo talaga."

Tumanghod siya sa likuran ko at pag-tingin ko sa likod ko, nakita ko sina Simon, Yvonne, Keith at Juan na dumaan.

"Nu kaba, in a relationship na ako noh." Pinaalala ko sa kanya.

"In a relationship lang, sabi nga nila hangga't hindi pa kasal, may pag-asa pa." Pabiro niyang sinabi at nag-tawanan kami. "O sya, ingat ka nalang ah. Mawawala ako sa tabi mo kaya't dapat lumaban ka. Lalong lalo na sa demonyitang yan, ginagamit lang ang pagka-Principal ng nanay niya para makuha ang gusto niya."

After nun ay umalis na kaming dalawa. Di ko lubos maisip na aalis ang best friend ko dahil sa gulo na di naman niya ginawa. Ganun na ba ang mga tao ngayon, kapag may kapangyarihan ang magulang nila, ginagamit nila eto sa kasamaan para lang makuha ang gusto nila?

In one week pa naman ang field trip namin, di tuloy siya makakasama dahil sa pag ka suspend nya. Demonyita talaga yang Demonia nayan.

"Well well well, two little monkeys jumping on the bed, one fell down and break his neck. Ano ang piling na mag-isa ka nalang loser, wala na ang assistant niyang loser din." Inabangan ako nila Demonia sa hallway ng mag-separate kami ni Daff.

"Demonia, ayaw ko ng gulo." Ang sabi ko.

"Ayaw mo ng gulo pero ikaw ang gumugulo sa buhay ko." She smirked while walking towards me.

"Bakit mo ginawa yun, bakit mo sinet-up ang kaibigan ko."

"Wala ka sa lugar magtanong gurl, pero as a bonus sa katapangan mo kanina sasagutin kita. Pinatanggal ko siya para wala kanang maging kakampi. Wala nang sasagip sa iyo!" So siya nga ang may kagagawan ng lahat ng eto.

Tinaas niya ang kanyang mga kamay at sasampalin na niya sana ako pero may pumigil sa kamay niya.

"Tigilan mo ang girlfriend ko!" Dumating si Hans sa tamang oras at pinag-bantaan si Demonia.

"Pano kung ayaw ko." Demonia smirked.

"You'll regret it." Hans treatened habang hinigpitan niya ang hawak niya kay Demonia.

"Okay okay, I'll leave her alone." Sabi ni Demonia at pinakawalan na siya ni Hans.

After that, they all left. Hinawakan ni Hans ang aking pisnge and gave me a sad smile.

"Okay ka lang?" Tanong niya at nag nod nalang ako. Wala ako sa mood para makipag-usap dahil sa nangyare.

After school, dumeretsyo ako kina Daff para sulitin ang pag-sasama namin dahil hindi ko siya makikita sa school for two weeks.

"So ayun nga ang nagyare." Umupo ako sa couch matapos kong sabihin ang nangyare kanina.

"So... sumuko nalang si Demonia nang ganun ganun lang?" She put her hands on her chin at halatang di siya makapaniwala sa nangyare.

I mean it was weird na sumuko agad si Demonia dahil persistent yun pero kahit sino naman matatakot sa lalakeng hihigpitan ang hawak sa kamay mo diba?

"Sabihin na nateng natakot siya, pero di ka niya binantaan na I'll be back or di pa tayo tapos rawr!"

"Hin...de?" Napaisip nanaman ako sa sinabi niya pero pinabayaan ko nalang. "Asya, tara nood na tayo."

"Sige ba, gala tayo bukas since Sabado naman. Miss na kita ng isang araw noh."

"Sige ba."

The next day, me and Daff went to the mall at nag shopping. Bumili kami ng bagong damit at bagong sapatos. Pag-katapos nun ay pumunta kami sa Jollibee.

"Bes hanap ka ng upuan, ako mag order. Burger steak diba?" Tanong niya at nag nod ako.

Habang nag-hahanap ako ng upuan ay may nakita akong pamilyar na babae.

"Marj?" Tawag ko sa kanya at tinignan niya agad ako.

"Cass! Uyy, long time no see!" Tumayo agad siya at inakap ako. "Musta na?"

"Eto, Cass parin haha." Sagot ko at umupo kaming dalawa. "Ikaw?"

"Marj parin, balita ko may jowa ka na ah."

"Ay, yun ba? Oo si Hans, sinagot ko siya kahapon. Bilis mo naman malaman."

"Si Demonia, siya nag-sabi sa akin. Di parin siya nag-babago." Nag-shrug siya ng shoulder at nag shook ako ng head.

Childhood classmate si Marj at Demonia. Laging nag-sasabi si Demonia kay Marj kung anong nangyayare sa buhay ko para mapakita sa kanya na Marj is missing out a lot. Which Marj doesn't mind naman dahil alam nya na nag shoshow off lang si Demonia.

"Yep, kahit kailan ata di mag-babago yun." Nakita ko ang wallpaper niya sa cellphone niya at namukhaan ko kung sino yun. "Wait a minute, si Keith ba yan?"

Lumaki ang mga mata niya at agad niyang tinago ang phone niya.

"Ha? Umm..." Napatahimik siya ng konti bago ibinalik ang phone niya sa lamesa. "Ou..."

Kinuha ko ang phone niya at nakita ang picture niya kasama si Keith.

"Bagay kayo." I commented at bigla siyang nag-blush.

"What! Nooo, swiehewisyeh!" Tinakpan niya ang bibig niya, senyales na kinikilig siya.

"Uyy, may kinikilig." Asar ko sa kanya.

"Stap tap tap!" This time tinakpan niya ang kanyang mukha.

"Si Marj pala toh! Kaya pala mukhang pamilyar!" Dumating na si Daff at umupo siya sa tabi ko. "Uy si Keith!"

Nakita niya rin ang phone niya at mas lalong nahiya si Marj.

"Please wag niyong sabihin sa kanya..." Finorm niya ang kamay niya in praying way habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Bes, bat naman namin sasabihin." Tanong ni Daff. "It's a girl's responsibility to keep their friend's crush. Girl code!"

"Thanks, so kayo na ba ni Simon?" Napaubo ako sa sinabi niya kasi nasaktong umiinom ako ng coke.

"Hindi bes, di natuloy. May pumasok sa buhay niya at nang-gulo sa kanilang dalawa." Si Daff ang sumagot and I nudged her. "Totoo naman ah."

"Eh ikaw Marj, kailan mo pa nagustuhan si Keith?" Sinubukan kong palitan ang topic para naman hindi ako ang nasa spotlight.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top