Chapter 14
"Sagutin mo na!"
"Sagutin mo Cass!"
"Sige na!"
"Goooo!"
"Bagay na bagay kayo!"
"Ang sweet naman!"
"Walang forever sa taong bitter kaya sagutin mo na!"
"Whoo go lang ng go!"
"Say yes say yes say yes!"
"China oil!"
Sabay sabay na nag-sigawaan ang mga taong nakapaligid namin. Tinignan ko si Daff at nag nod siya ng approval. Madami paring tao ang sumisigaw at may isa akong boses na narinig na parang familiar.
"Mahal kita Cass!" Ang sigaw ng tao at tumingin agad ako sa likuran ko.
Sinubukan kong hanapin ang may ari nito pero wala naman akong nakita.
"Cass?" Hinawakan ni Hans ang isang kamay ko at tumingin ako sa kanya. "Ano na sagot mo?"
"Ah... eh... ih... oh... uh?" Ang sagot ko at napatawa siya.
Hindi ko alam kung na peer pressure ako o hinde, I wouldn't say na mahal ko si Hans but I just don't like being pressured.
"Oh uh? So it means ou? Yes?" Lumaki ang mga mata ni Hans at di ko naressist yun.
I looked around and became dizzy, so many people are telling me to say yes hangang sa nag-salita ako ng diko namalayan.
"Sige na nga." Ang sabi ko at nag-tatatalon talon siya.
"YES! WOHOO! NARINIG NIYO YUN, SABI NIYA SINASAGOT NIYA NA AKO!" He yelled at bigla niya akong binuhat. "Thank you."
-----------
"Can I tell you something crazy? Will you marry me?"
"Can I tell you something even crazier? Yes!"
Pinapanood namin ang part na sinagot ni Anna si Hans sa Frozen movie. Di ko alam kung bakit pero parang mali ata ang naging desisyon ko. Para na akong si Anna, sinagot ang lalake na di niya pa masyadong kilala.
"Bes! Uyy bes, tulalers ka nanaman diyan." Winave ni Daff ang kanyang mga kamay sa mukha ko and I snapped out of my thoughts.
"Huh? Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina ka pa nakatulala sa palabas, anyare?" Pinause niya yung movie at tinitigan ako.
"Wala, napapaisip lang." Sagot ko.
"Ah, iniisip mo na baka mali ang desisyon mo kanina NUNG sinagot mo si Hans?" Kinindatan niya ako.
"P-pano mo nalaman?"
"Hello! Ako lang naman yung bestfriend mo ng two years. Of course alam ko na bawat kilos at galaw mo noh." Nag cross arms siya. "Sige na nga, yun yung sagot mo kanina. Ano yun bes, napilitan?"
"Ah, eh-"
"Yan ka nanaman sa a e i mo, alam kong napilitan kalang. Di mo naman kailangang sagutin yung tao ah." Kumain siya ng popcorn. "Kunatankapamogot."
"Wuy nguyain mo muna yan, di kita maintindihan." I pointed out at uminom siya ng tubig.
"Ang sabi ko, dapat di mo sinagot kung di kapa sigurado." Clinear niya and I sigh.
"Di ko rin alam... ang dami kasing umaasang sasagutin ko yun, baka mapahiya yung tao eh. Self pressure?" Humiga ako at tinitigan ang ceiling.
"Aaaaaaaah, kaya pala." Yun nalang ang sinabi niya.
Napaupo nalang ako bigla ng maalala ko yung narinig ko kanina.
Mahal kita Cass!
"Nga pala, may narinig akong boses kanina nung may nag-sisigawan..."
---------------------
Lunch time na sa school. Habang naglalakad ako sa hallway, may nakita akong grupo ng studyante sa labas ng Laboratory room. Pumunta agad ako doon at nakita ko na parang ninakawan ng Lab.
May mga bagay na basag, madameng papel na nakakalat, para bang binagyo ang loob nun pero nagulat ako ng makita ko na may nakasulat sa pader na I, Daffodil did this and I'm proud of it
"What..."
Di nag-tagal ay dumating si Daff sa tabi ko. Sinabi niya sa akin na mauna na daw ako sa canteen dahil may gagawin pa siya pero di ko inexpect na ganito ang mangyayare.
"What the, ano ito! Sinong gumawa nito!" Pasigaw na tanong ni Daff at pumasok siya sa Lab.
Pinulot niya ang isang basag na beaker at sakto dumating sina Demonia at Jessica, kasama ang Principal.
"See mom, sinira ni Daff amg mga gamit sa Lab. Dapat ipa-suspend niyo yan!" Demanda ni Demonia at nabitawan ni Daff ang hawak niya.
"Hoy Demonia, wala akong alam dito! Ganito na toh bago pa ako dumating!" Depensa ni Daff.
"Liar liar liar, kitang kita naman na kakabasag molang ulit ng baso." Nag-cross arm si Demonia habang tinitignan ang beaker.
"Fyi, beaker ang tawag diyan hindi baso. Madaming nakakita na kakapasok ko lang dito, bakit hindi mo sila tanungin." Tinuro ni Daff ang mga studyante na nasa labas ng room.
"Totoo po sinabi nya principal, kakarating nya lang po dito." I backed her up at natawa si Demonia.
"Malamang pag-tatakpan moyan, bestfriend moyan eh!" Demonia said.
"Guys, nakita nyo naman na kakarating kolang diba?" Daff tried getting more witnesses.
Tinignan naman ni Demonia silang lahat ng masama at parang natakot silang lahat.
"Baka nakakalimutan niyo, nanay ko ang Principal. Kung sino man ang sumoporta, matutulad sa babaeng yan." Banta ni Demonia.
"Aba hindi naman ata yan fair, porket natay mo ang Principal ay gagamitin mo na yun!" Daff defended pero isang taas ng kilay Demonia sa mga ibang studyante, ay para na silang nakakita ng multo.
"Andito po ako mam bago dumating si Daff, hindi po siya ang gumawa niyan. Na set-up lang po siya." Sinabi ko ang totoo at tumawa si Demonia.
"Of course sasabihin mo yan, like I said, mag-kaibigan kayo eh. Baka nga mag-kasabwat pa kayong dalawa diyan." Demonia smirked at parang napaniwala niya ang nanay niya.
"Totoo po sinasabi ni Demonia, nakita kopo si Daff gumawa nyan!" Sabi ng isang studyante.
"Yes po principal, si Daff ang gumawa at mag-kasabwat sila ni Cass!"
"Tama!"
"Si Demonia po ang tama!"
"Hindi po totoo toh mam." Nag-makaawa ako na sana walang isuspend ang principal.
"Look, kung walang aamin sa inyo, mas mabuti pang isuspend ko kayong dalawa." Ang sabi ng Principal.
"Pero mam, na-set up lang ang kaibigan ko. Saan po dun ang pantay pantay dito kung ang papakinggan molang ay ang anak niyo?" I asked and she sigh at bigla namang umarte ulit si Demonia.
"Mommy, di mo na ba ako pinaniniwalaan?" Nag-iyak iyakan si Demonia at hinawakan siya ng Principal sa shoulder.
"Syempre naman anak papaniwalaan kita, love kita eh." Ngumiti ang Principal at nailing ang kaibigan ko.
"Look, kung walang aamin sa inyo edi parehas nalang kayong isususpend ko at final na yun!" Diniin ng Principal ang kanyang desisyon.
Sasagot pa sana ako pero pinigilan ako ni Daff.
"Ako po mam ang gumawa, ako nalang ang parusahan niyo sa pag-ka unfair niyo. Wala pong kinalaman dito si Cass." Umamin si Daff sa kasalanang di naman niya ginawa.
"Teka-"
"I admit my mistakes, nainis ako kay Demonyo na babaeng yan kaya miness up ko ang lab! I was going to frame but it backfired and I'm fine with the result." Umabante si Daff kay Demonia at tinaasan siya ng kilay ni Demonia. "That is how you speak proper English, unlike you who is always trying hard!"
"You-" Lalaban na sana si Demonia pero pinigilan siya ng nanay nya.
"Enough! I have made my decision! Daffodil Hallelujah, you are hereby suspended!" Sabi ng Principal.
"Make it two weeks mommy!" Saad ni Demonia.
"For two weeks!"
"But- hindi po ako makakapunta sa fieldtrip kung two weeks po akong suspended!" Depensa ni Daff.
"My decision is final." And with that, umalis na ang Principal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top