Chapter 13
It's been a week since the event and I learnt so much about Hans. Ang dami ding nagtatanong kung kami na pero di pa talaga ako handa.
"So... kayo na ba ni Hans?" Tanong sa akin ng kuya ko habang kumakain kami and I rolled my eyes.
"For the last time kuya, hindi pa kame. Ilang beses ko bang sasabihin yun?" Niligpit ko ang pinag kainan ko.
"Bakit hindi pa kayo? Hindi mo pa ba siya sasagutin? I mean, bagay naman kayo and all so ano pang hinihintay mo?" Tanong niya at nagulat ako kasi eto ang unang beses na sinabi niya na pwede na akong makipagrelasyon ulit sa isang lalake.
"So hindi ka magagalit kapag sinagot ko siya?" I ask him.
"Bakit naman ako magagaglit? I mean buhay mo naman yan diba." Tumayo siya at bago siya umalis, tinignan nya ako ng seryoso. "Pero once na malaman ko na niloloko kalang niya, ako ang unang sisipa sa bayag niya."
Napatawa ako sa sinabi niya kasi parehas lang sila ng sinabi ni Daff.
"O sya sige na pumasok ka na at baka malate kapa."
Hindi ko nakita si Hans nung pag-pasok ko hanggang sa magsimula ang klase. Hindi din siya nag text sa akin kaninang umaga.
"Uy bes, mukhang ang lalim ata ng iniisip mo diyan." Sabi ni Daff.
"Di ko kasi nakita kanina si Hans, tinext ko naman siya pero di pa siya nagrereply. Nu na kayang nangyare dun. Lagi naman siya ang nauunang mag text sa akin eh." Sagot ko na may kasamang pag-aalala.
"Hayaan mo na yun matanda na yun, I'm sure naman na baka may sorpresa yun sayo diba? Kaya smile ka na diyan." Napangiti ako sa sinabi niya at natigil sa pag-aalala.
"Tama ka, baka nga may sorpresa sa akin yun."
Dumating ang lunch pero di ko parin nakikita si Hans at wala parin siyang tinetext sa akin kung san man siya naroroon.
"Nu ba Hans? Ano ng nangyare sayo?" Tanong ko sa sarili ko habang tinatawagan siya pero wala paring sagot.
"Hoy bes ano ba, nag ring na yung bell! Mamaya mo nalang hanapin yun, baka may sakit lang! Baka malate pa tayo sa next class." Tawag sa akin ni Daff.
"Kung may sakit siya, bakit di niya ako sinabihan." Malungkot kong binulong sa sarili ko habang sinusundan si Daff.
"Alright class, may magandang balita ako sa inyo! In two weeks na ang field trip niyo! Excited naba kayo!" Masayang pag bati ni Madam sa buong klase.
Lahat sila ay naghihiyawan habang ako ay patingin tingin sa aking cellphone, hinihintay parin ang pag reply ni Hans.
"Anu ba kasing nangyare dun... di man lang ako replyan." Sabi ko sa sarili ko.
"Bes, di mo ba titigilan yung pag tingin mo diyan sa cellphone mo? Baka mamaya matunaw na yan. Di ka ba excited sa fieldtrip?" Tanong sa akin ni Daff at napabuntong hininga ako. "Itabi mo muna yan at makinig ka."
"Fine..." Yun nalang ang sinabi ko at binigay ko ang attention kay Madam para di ko na maisip si Hans.
I guess nasanay na ako na lagi nya akong chinachat. Dumating ang uwian at wala paring reply si Hans.
"Bes bilisan mo! May pupuntahan tayo!" Pasigaw na sinabi ni Daff habang hinihila niya ako.
"San tayo pupunta?" Tanong ko.
"Naaksidente daw si Hans, tinawagan ako ni Cj! Nasa hospital daw siya ngayon!" Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad bumilis ang pag takbo ko.
Ako naman ang humihila sa kanya ngayon. Nang malapit na kami sa gate, biglang may humarang na maraming tao.
"Padaanin niyo kami!" Sigaw ko habang sumisiksik sa kanila.
All of the sudden, gumawa sila ng path at sa dulo nun ay nakita ko si Hans. May hawak na bulaklak sa kaliwang kamay at mic sa kanang kamay, na may kasama ding banda sa likod niya.
"Adik sayo, awit sa akin..." nagsimula siyang kumanta at para bang tumulo nalang ang mga luha ko sa saya.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Simon at Yvonne sa malayuan. Hinawakan ni Yvonne ang balikat ni Simon at nag nod silang dalawa bago umalis.
I guess sila nga ang magkakatuluyan...
"Sa umaga't sa gabi sa, bawat minutong lumilipas. Hinahanap hanap kita."
Nasa harap na ako ni Hans ng matapos niya ang chorus at dun ko siya pinag-susuntok suntok.
"Walang hiya ka, di ka man lang magreply sa mga text ko! Di mo man lang sagutin ang mga tawag ko! Di mo ba alam na sobrang nag-alala ako sayo!" Pinag-patuloy ko ang pag-suntok sa kanya at hinaharangan nya lang lahat yun ng isang kamay.
Inakap niya ako para tumigil at inakap ko din siya ng mahigpit.
"I'm sorry, ginawa ko yun para masorpresa kita." Sabi niya sa akin at ngumiti ako.
Tumingin ako kay Daff at dinilaan niya ako.
Pinag-kaisahan nanaman nila ako
"Buti nalang walang masamang nangyare sayo." Bulong ko sa kanya at tumawa siya.
"Di ko hahayaang may mangyare sa akin dahil ikakasal pa tayo noh." Tinignan ko siya with one eyebrow raised.
"Corny mo talaga." Pabiro kong sinabi at napatawa siya.
"Corny but cute?" Tanong niya at nag nod nalang ako.
"Anyways, matagal ko nang gustong itanong ito sayo pero Cassandra, pwede ba kitang maging gilfriend?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top