Chapter 12

Medyo nainis si Demonia sa sinabi ni Daff but she quickly brushed it off.

"Did you really thinking that the most popular person guy would notice someone like you? You're just a trashing can Cassandra, get that on your head!" Tinulak ako ni Demonia pero may sumalo sa akin.

"What's going on here?" Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses nang sumalo sa akin.

"Simon, we were just... practising our Drama cause I'm Drama queen. Diba Cassandra?" Tanong ni Demonia.

Tinangal ko ang kamay ni Simon sa akin at lumayo sa kanya without making eye contact.

"Oo, tapos na kami." Sagot ko at umalis na ako na napapaluha.

"Cass!" Tawag sa akin ni Daff pero binilisan ko ang pag-takbo ko.

Pumunta ako sa garden at dun na tumulo ang luha ko. Umupo ako sa bench and I curled up into a ball.

Ano bang ginagawa mo Cass? Bakit di ka man lang lumaban? Ang hina hina mo talaga!

"Uy, okay kalang?" Bigla nalang lumitaw si Hans at pinunasan ko agad ang mga luha ko.

"Ha? O-oo okay lang ako." Sagot ko at tumayo na ako.

"Parang di ka okay eh, may okay ba na umiiyak?"

"Yun naman pala eh, nakikita mo nang umiiyak tapos tatanungin mo pa kung okay yung tao." Galit kong tanong. "May okay ba na umiiyak? Nakita mo nangang umiiyak yung tao tapos tatanungin mo kung okay lang ba sya?"

"Malay mo, tears of joy." Pilosopo niyang sinabi at para bang nawala ang lungkot ko.

"Baliw toh."

After that incident with Simon, tuluyan ko na syang inavoid. Inumpisahan din akong ligawan ni Hans at lalo kaming napalapit sa isa't isa.Parati siyang andyan tuwing kailangan ko ng tulong at sinasave nya rin ako minsan kapag binubully ako ni Demonia.

Tinangap ko na hindi na talaga ako magugustuhan ni Simon kasi sino ba naman ako para magustuhan ng pogi at pinaka-popular na lalake? Sa panaginip ko na lamang makakamit ang mga pangarap nayun.

Sila Demonia naman ay patuloy parin ang pang-bubully sa akin at ginagamit parin si Simon para makuha ang gusto nila. Sinusunod ko naman sila at hinahayaan sa pang-bubully since ayokong malaman ni Simon na nag-kagusto ako sa kanya noon. Si Daff naman ay sinusubukan na labanan sila kaso pinipigilan ko siya.

"So... hindi mo pa ba ako sasagutin?" Tanong ni Hans habang tinitignan namin yung garden.

"Ha? Ah eh gusto ko muna kasing matapos pag-aaral ko bago ako mag-kajowa." Sagot ko.

"So? Di naman ako makakasagabal sa pag-aaral mo diba? Besides, I love you so much Cass that I want you to be mine already." Hinawakan niya ang kamay ko at nag lock eyes kami. "Please be mine."

"Sorry pero... di pa ako handa. Sana maintindihan mo." Sabi ko sa kanya at nag sigh siya.

"Okay lang, kaya ko namang mag-hintay." Ngumiti siya at inakap ako. "Basta akin ka lang ah."

Sasagot na sana ako kaso biglang dumating si Daff.

"Ginagawa niyo, kadiri! Walang forever!" Sabi niya at pumagitna sa aming dalawa. "Papayag ako na ligawan mo siya pero bawal sa harapan ko noh."

Tinangap na lamang ni Daff ang panliligaw sa aken ni Hans since nag-sawa din siyang nakikita akong nasasaktan kapag lumalapit sa aken si Simon. As my bestfriend, she just supported me for what I want basta mag-iingat lamang daw ako.





It's been a week since the event and I learnt so much about Hans. Ang dami ding nagtatanong kung kami na pero di pa talaga ako handa.

"So... kayo na ba ni Hans?" Tanong sa akin ng kuya ko habang kumakain kami and I rolled my eyes.

"For the last time kuya, hindi pa kame. Ilang beses ko bang sasabihin yun?" Niligpit ko ang pinag kainan ko.

"Bakit hindi pa kayo? Hindi mo pa ba siya sasagutin? I mean, bagay naman kayo and all so ano pang hinihintay mo?" Tanong niya at nagulat ako kasi eto ang unang beses na sinabi niya na pwede na akong makipagrelasyon sa isang lalake.

"So hindi ka magagalit kapag sinagot ko siya?" I ask him.

"Bakit naman ako magagaglit? I mean buhay mo naman yan diba." Tumayo siya at bago siya umalis, tinignan nya ako ng seryoso. "Pero once na malaman ko na niloloko kalang niya, ako ang unang sisipa sa bayag niya."

Napatawa ako sa sinabi niya kasi parehas lang sila ng sinabi ni Daff.

"O sya sige na pumasok ka na at baka malate kapa."

Hindi ko nakita si Hans nung pag-pasok ko hanggang sa magsimula ang klase. Hindi din siya nag text sa akin kaninang umaga.

"Uy bes, mukhang ang lalim ata ng iniisip mo diyan." Sabi ni Daff.

"Di ko kasi nakita kanina si Hans, tinext ko naman siya pero di pa siya nagrereply. Nu na kayang nangyare dun. Lagi naman siya ang nauunang mag text sa akin eh." Sagot ko na may kasamang pag-aalala.

"Hayaan mo na yun matanda na yun, I'm sure naman na baka may sorpresa yun sayo diba? Kaya smile ka na diyan." Napangiti ako sa sinabi niya at natigil sa pag-aalala.

"Tama ka, baka nga may sorpresa sa akin yun."

Dumating ang lunch pero di ko parin nakikita si Hans at wala parin siyang tinetext sa akin kung san man siya naroroon.

"Nu ba Hans? Ano ng nangyare sayo?" Tanong ko sa sarili ko habang tinatawagan siya pero wala paring sagot.

"Hoy bes ano ba, nag ring na yung bell! Mamaya mo nalang hanapin yun, baka may sakit lang! Baka malate pa tayo sa next class." Tawag sa akin ni Daff.

"Kung may sakit siya, bakit di niya ako sinabihan." Malungkot kong binulong sa sarili ko habang sinusundan si Daff.

"Alright class, may magandang balita ako sa inyo! In two weeks na ang field trip niyo! Excited naba kayo!" Masayang pag bati ni Madam sa buong klase.

Lahat sila ay naghihiyawan habang ako ay patingin tingin sa aking cellphone, hinihintay parin ang pag reply ni Hans.

"Anu ba kasing nangyare dun... di man lang ako replyan." Sabi ko sa sarili ko.

"Bes, di mo ba titigilan yung pag tingin mo diyan sa cellphone mo? Baka mamaya matunaw na yan. Di ka ba excited sa fieldtrip?" Tanong sa akin ni Daff at napabuntong hininga ako. "Itabi mo muna yan at makinig ka."

"Fine..." Yun nalang ang sinabi ko at binigay ko ang attention kay Madam para di ko na maisip si Hans.

Dumating ang uwian at wala paring reply si Hans. Kung kailan ko pa naman balak sabihin sa kanya na may gusto din ako sa kanya, tyaka pa siya nawala.

"Bes bilisan mo! May pupuntahan tayo!" Pasigaw na sinabi ni Daff habang hinihila niya ako.

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Naaksidente daw si Hans, tinawagan ako ni Cj! Nasa hospital daw siya ngayon!" Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad bumilis ang pag takbo ko.

Ako naman ang humihila sa kanya ngayon. Nang malapit na kam sa gate, biglang may humarang na maraming tao.

"Padaanin niyo kami!" Sigaw ko habang sumisiksik sa kanila.

All of the sudden, gumawa sila ng path at sa dulo nun ay nakita ko si Hans. May hawak na bulaklak sa kaliwang kamay at mic sa kanang kamay, na may kasama ding banda sa likod niya.

"Adik sayo, awit sa akin..." nagsimula siyang kumanta at para bang tumulo nalang ang mga luha ko sa saya.

Habang naglalakad ako, nakita ko si Simon at Irus sa malayuan. Hinawakan ni Irus ang balikat ni Simon at nag nod silang dalawa bago umalis.

I guess sila nga ang magkakatuluyan...

"Sa umaga't sa gabi sa, bawat minutong lumilipas. Hinahanap hanap kita."

Nasa harap na ako ni Hans ng matapos niya ang chorus at dun ko siya pinag-susuntok suntok.

"Walang hiya ka, di ka man lang magreply sa mga text ko! Di mo man lang sagutin ang mga tawag ko! Di mo ba alam na sobrang nag-alala ako sayo!" Pinag-patuloy ko ang pag-suntok sa kanya at hinaharangan nya lang lahat yun ng isang kamay.

Inakap niya ako para tumigil at inakap ko din siya ng mahigpit.

"I'm sorry, ginawa ko yun para masorpresa kita." Sabi niya sa akin at ngumiti ako.

Tumingin ako kay Daff at dinilaan niya ako.

Pinag-kaisahan nanaman nila ako

"Buti nalang walang masamang nangyare sayo." Bulong ko sa kanya at tumawa siya.

"Di ko hahayaang may mangyare sa akin dahil ikakasal pa tayo noh." Tinignan ko siya with one eyebrow raised.

"Corny mo talaga." Pabiro kong sinabi at napatawa siya.

"Corny but cute?" Tanong niya at nag nod nalang ako.

"Anyways, matagal ko nang gustong itanong ito sayo pero Cassandra, pwede ba kitang maging gilfriend?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top